Wednesday , October 9 2024

8 MPD officials, PO3 sinibak (Violent dispersal sinadya — Intel)

SINIBAK sa puwesto ni NCRPO director, Chief Supt.  Oscar Albayalde ang siyam opisyal at pulis ng Manila Police District (MPD) bunsod nang marahas na dispersal sa mga raliyista sa harap ng US Embassy sa Roxas Blvd., Maynila nitong Miyerkoles.

Kabilang sa mga sinibak sina Senior Supt. Marcelino Pedrozo, deputy district director for operations ng MPD; Supt. Alberto Barot, station commander ng MPD Station 5, at ang driver ng police mobile car na sumagasa sa mga raliyista na si PO3 Franklin Kho.

Ang iba pang sinibak ay sina Chief Insp. Dionelle Brannon, commander ng Pedro Gil police community precinct; Chief Insp. Elmer Oseo, ng Police Station 5; Chief Insp. Joebie Astucia, chief operations ng Police Station five; Chief Insp. Roberto Marinda, company commander; Chief Insp. Roberto Mangune, company commander ng US Embassy Detail, at si Senior Insp. Edgardo Orongan.

Ang mga sinibak na pulis ay kasalukuyang nasa floating status habang iniimbestigahan ang insidente.

Matatandaan, patapos na ang programa ng mga militante kasama ng mga katutubo mula sa Mindanao at iba pang lugar, nang sagasaan ni Kho ang hanay ng mga militante.

Limang militante ang sinagasaan kabilang na si Pia Maglayao, spokesperson ng Sandugo na pangkat ng mga katutubo.

( LEONARD BASILIO / JAJA GARCIA )

VIOLENT DISPERSAL SINADYA — INTEL

SINADYA ang madugong pagbuwag sa rally sa harap ng US Embassy upang lalong sirain ang imahe ng administrasyong Duterte sa mata ng buong mundo habang nasa state visit sa China ang Punong Ehekutibo.

Ito ang initial assessment ng source sa intelligence community makaraan ang marahas na dispersal ng Manila Police District (MPD) sa kilos-suporta ng Moro at indigenous people sa independent foreign policy ni Pangulong Rodrigo Duterte, kamakalawa.

Aniya, nais hiyain ng mga nagpakana ng madugong dispersal ang Pangulo sa international community para susugan ang black propaganda na pinapakawalan ng mga ‘dilawan’ sa international media na ‘murderer’ o ‘human rights violator’ si Pangulong Duterte.

Itinaon din aniya ang pananabotahe sa administrasyon sa pagdiriwang ng Indigenous People’s month ngayong Oktubre.

Giit ng source, malaki ang posibilidad na nakipagsabwatan ang ilang utak-pulbura sa pulisya sa sindikato ng ‘ninja cops’ para buweltahan ang Pangulo dahil nabulabog ang hanapbuhay nilang pagre-recycle ng nakompiskang shabu sa drug war na isinusulong ni Pangulong  Duterte.

Maaari rin aniya na gusto ng mga nagpakana ng madugong dispersal na maunsyaming muli ang peace talks ng kilusang komunista at gobyerno.

( ROSE NOVENARIO )

MARAHAS NA DISPERSAL SA US EMBASSY
 STATE TERRORISM — SANDUGO

BINATIKOS ng Sandugo, pambansang alyansa ng Moro and indigenous people, ang marahas na dispersal sa mga raliyista sa harap ng US Embassy nitong Miyerkoles na marami ang nasugatan.

“Sandugo not only refutes reports blabbered by the Manila Police District that the ensuing violence was a result of provocation from the rallyists, we also go as far as branding this heinous incident as state terrorism – and a blatant act of discrimination against national minorities who compose majority of yesterday’s mobilization,” pahayag ni Piya Macliing Malayao, secretary-general ng Katribu at lead convenor ng Sandugo.

Ayon kay Malayao, “The brutal dispersal was an attack with impunity. It vividly shows how in the Philippines, police forces are not acting to serve and protect Filipinos, but their US overlords. The incident clearly shows how the US remains to be the real boss when it comes to state affairs.”

Si Malayao ay kabilang sa mga nasugatan nang sagasaan ni PO3 Franklin Kho ng Manila Police District (MPD) ng police mobile ang mga nagpoprotesta sa harap ng US Embassy.

Siya ay nagpapagaling sa Philippine General Hospital, kasama ng iba pang mga biktima kabilang ang isang babaeng estudyante na miyembro ng Kabataan Partylist, isang matandang babaeng Lumad at isang jeepney driver na sinagasaan ng isang pulis.

Sa inisyal na ulat mula sa Health Action for Human Rights (HAHR), umabot sa 30 katao ang malubhang nasugatan sa insidente.

“This travesty against national minorities has been committed in broad daylight for the world to see. We seek justice against the perpetrators, and beyond that, national minorities seek to emphasize our message during the protest: that state violence remains and continue to attack Moros and indigenous peoples everywhere,” pahayag ni Malayao.

Sa news briefing kahapon, muling sinabi ng Sandugo, sapat ang ebidensiya na magpapatunay na hindi nila pinagtangkaang sirain ang police vehicle, taliwas sa pahayag ni MPD Senior Supt. Marcelino Pedroza na sinasabing siyang nag-utos sa dispersal.

Sa bagong video footages na ipinakita sa news conference, malinaw na mapapanood kung paanong nag-atras-abante ang sasakyan upang sagasaan ang mga raliyista sa “layuning makapinsala o makapatay.”

Sinabi ni Jerome Succor Aba, national spokesperson ng Suara Bangsamoro, desidido silang isampa ang kasong kriminal sa mga tauhan ng MPD, lalo na kina Pedrozo at Kho, ang driver ng sasakyan.

“If we carefully review the video footages, we can hear Pedroza actually ordering his men to go after the protesters to save face from the US Embassy,” pahayag ni Aba.

Sa ilang video footages, maririnig si Pedrozo na sinasabi ang katagang, “Wala man lang kayong hinuli, ang dami-dami niyan… Magkagulo na kung magkagulo, pulis tayo rito e. Puwede ba tayong patalo sa mga ‘yan? Anong mukhang ihaharap natin sa [US] embassy? Kaya i-disperse mo ‘yan.”

Aniya, hindi lamang dapat sibakin sa tungkulin ang mga sangkot sa insidente, dapat din silang panagutin at tuligsain ng mga Filipino dahil sa pagiging traydor sa sarili nilang kababayan.

Nanawagan ang Sandugo kay Pangulong Rodrigo Duterte, kasalukuyang nasa China, na aksiyonan ang insidente.

“We call on President Duterte to not only act against the perpetrators of this heinous incident but also aid national minorities in our call against imperialist plunder and domination,” pahayag ni Malayao.

About Jaja Garcia

Check Also

Aileen Claire Olivarez ACO

Nakukulangan sa aksiyon ni mister,
MISIS NAGHAIN NG KANDIDATURA PARA ALKALDE NG PARAÑAQUE

IT’S women’s world too!          Tila ito ang binigyang diin ng paghahain ng certificate of …

Lani Cayetano

Taguig incumbent mayor naghain ng kandidatura para sa dating posisyon

SABAY-SABAY na naghain ng kani-kanilang certificate of candidacy (COC) ang Team TLC sa pangunguna ni …

Bong Revilla Jr Lani Mercado Inah Revilla

Bong naghain na ng COC, sinamahan ng anak na abogada

TIYAK na ang muling pagkandidato ni Senador Ramon Bong Revilla, Jr. para sa 2025 midterm elections matapos …

Emmanuel Ledesma Jr PhilHealth

Huwag matakot sa gastos sa sakit, sagot ka ng PhilHealth — Ledesma

HATAW News Team SA PANAHON ng mga hamon ng kalusugan, ang PhilHealth ay nananatiling kaagapay …

Bulacan pinarangalan sa 10th Central Luzon Excellence Awards for Health

Patunay sa mahusay na serbisyong pangkalusugan
BULACAN PINARANGALAN SA 10th CENTRAL LUZON EXCELLENCE AWARDS FOR HEALTH

MULING napatunayang de-kalidad ang paghahatid ng serbisyong pangkalusugan ng lalawigan ng Bulacan makaraang gawaran ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *