Sunday , November 24 2024

News

200 pamilya nasunugan sa Munti

Umabot sa 200 pamilya ang nawalan ng tirahan makaraan tupukin ng apoy ang 100 bahay sa isang residential area sa Muntinlupa City nitong Sabado ng gabi. Base sa inisyal na ulat ng Muntinlupa City Fire Department, dakong 9:37 p.m. nang magsimula ang sunog sa isang bahay sa Bagong Paraiso Compound, Brgy. Bayanan.Umabot sa Task Force Charlie ang alarma ng sunog …

Read More »

Suspek sa kidnap plot vs Kris Aquino arestado sa Laguna

ARESTADO ang isang hinihilang terorista na sinasabing sangkot sa planong pagpapa-sabog sa Metro Manila at tangkang pagdukot sa presidential sister na si Kris Aquino, sa inilunsad na pagsalakay ng intelligence operatives ng PNP at AFP. Kinilala ang suspek na si Reynaldo Vasquez Ilao, residente ng Brgy. Nueva, San Pedro, Laguna. Batay sa report, sinalakay nang pinagsanib na puwersa ng CIDG …

Read More »

Ngitngit ng Caloocan ibinuhos vs ‘gintong’ basurahan (Recom lagot)

“ISANG sistematikong pagnanakaw sa pera ng bayan ang naganap sa siyam na taong panunungkulan ni Enrico “Recom” Echiverri bilang mayor ng Caloocan.” Ito ang madamdaming pahayag ni Perla Madayag, Presidente ng Homeowners Association (HOA) ng Brgy. 68, bilang reaksiyon sa nabunyag na paglalabas ng decision ng Commission on Audit (CoA) na ilegal ang P81.9 milyong ipinalabas na pondo ni Echiverri, …

Read More »

P480-M pondo ng Pasay nilaspag (Pangungurakot ni Vice Mayor Pesebre buking)

WALANG habas na nilapastangan ni Pasay City Vice Mayor Marlon Pesebre ang P480 milyong pondo ng taumbayan simula nang siya ay manungkulan noong 2010. Ito ang pagbubulgar ni  Noel “Boyet” del Rosario, ang vice mayoralty runningmate ni Mayor Antonio Calixto, laban kay Pesebre na siya umanong nagwaldas sa halos  P.5 bilyon pondo ng Pasay City na alokasyon para sa office of the vice mayor …

Read More »

Mitch-Recom ibabalik sa Caloocan (2 politiko tiyak na!)

KAHIT waldasin ni Caloocan Representative Edgar ‘Egay’ Erice ang isang bilyon na ibinulsa sa mining operation sa Agusan Del Norte, hindi pa rin mapipigilan na makabalik upang maglingkod sa mamamayan ng Caloocan City sina Mitch Cajayon at Recom Echiverri. Papatunayan ito ng mga residente ng nasabing siyudad sa kanilang deklarasyon na sa kabila ng ipinagmamalaking maraming pera ni Erice ay …

Read More »

2 gobernador sumuporta pa kay Grace (Lipat Poe-More)

DALAWANG gobernador mula sa magkaibang partido ang nagpasiyang sumama at ihatag ang kanilang suporta para kay presidential candidate Senadora Grace Poe. Nagdesisyon na sumama si Governor Ruth Rana Padilla ng Nueva Vizcaya para ipadama ang kanyang paniniwala sa kakayahan ni Poe bilang Punong Ehekutibo ng Republika ng Pilipinas pagkatapos ng May 9 elections. Sumunod din si dating Gov. Amor Deloso …

Read More »

Leni Robredo: Biggest ad spender sa P237.2-M (‘Simpleng’ kandidato kuno)

PARA sa isang kandidato na nagpapakilalang simple at walang pera sa kampanya, lumalabas na si Camarines Sur Rep. Leni Robredo ang may pinakamalaking gastos sa advertisement sa lahat ng kandidato sa pagka-bise presidente. Ito ang lumalabas sa report ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) na sinasabing ayon sa Nielsen Media’s monitoring data, si Robredo ang nanguna sa paggastos sa …

Read More »

Chiz unang VP bet na pumirma sa waiver (Mula pa noong 2010)

HABANG matapang na hinamon ng dalawa sa tumatakbong bise presidente ang lahat ng kandidatong presidente at bise na pumirma ng kani-kanilang waivers upang isantabi ang karapatan nila sa ilalim ng bank secrecy law, lumalabas ngayon na bukod-tanging  nag-iisa sa kanila ang mayroon na nito, pirmado, isinapubliko at isinumite sa Ombudsman kasabay ng SALN — si independent candidate para VP Chiz …

Read More »

Duterte muling iginiit suporta kay Tolentino

MULING binigyang-diin ni presidential candidate at Davao City mayor Rodrigo Duterte ang pag-endoso kay independent senatorial bet Francis Tolentino. “Nakikiusap ako sa inyong lahat na iboto ninyo sa Senado si Francis Tolentino,” wika ni Duterte, ang nangungunang presidentiable sa mga nakalipas na survey. Sa mga nauna niyang pahayag, sinabi ni Duterte na kilala niya si Tolentino dahil pareho silang itinalagang …

Read More »

‘Bag Lady’ ni Leni pinangalanan

PINANGALANAN na ang umano’y pagador ng kampanya ni Rep. Leni Robredo sa pagkatao ni Julie del Castillo, misis ng pinakamalaki at pinakamayamang kontraktor sa kanyang probinsiya, ang Camarines Sur, at mga karatig lugar nito. Si Del Castillo  ay tinaguriang “bag lady” ni Robredo na siyang may hawak ng pera para tustusan ang kanyang pangangampanya. Makikita rin daw ito sa lahat …

Read More »

6 tiklo sa sinalakay na drug den sa Obando

ARESTADO ang anim katao makaraan salakayin ng mga awtoridad ang hinihinalang drug den na minamantine ng binansagang ‘Oca drug group’ kamakalawa sa Obando, Bulacan. Sa ulat mula kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 3 Office Director Gladys F. Rosales, kinilala ang naarestong mga suspek na sina Ronquillo R. San Diego alyas Oca, 52, itinuturong lider ng grupo; Erwin Sotto, …

Read More »

5-anyos patay, 3 pa sugatan sa Taguig fire

PATAY ang 5-anyos batang babae nang ma-trap sa kanilang nasusunog na bahay habang tatlo ang sugatan sa insidente sa Taguig City kahapon ng madaling-araw. Kinilala ni SFO1 Aristeo Reloj ng Taguig City Fire Department, ang biktimang si Christine Noces, ng Purok 6, Kawayanan, Cayetano St., Brgy. Tuktukan ng nasabing lungsod. Sugatan sa insidente sina Aldrin Carbon, Marites Fernandez, at Carmina …

Read More »

Resbak ni Oca: Malicious Prosecution

ISINAMPA ngayon sa piskalya ng Department of Justice (DOJ) ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan ang reklamong “malicious prosecution” laban sa ginang na umano’y nag-imbento ng kaso laban sa alkalde. Sa isinampang “Complaint-Affidavit” ni Malapitan laban sa umasunto sa kanya ng plunder na si Teresita Manalo, ang nasabing reklamo ay hindi nararapat, malisyoso, kasinungalingan at imbento na naglalayon lamang sirain …

Read More »

Manipulasyon sa SWS Survey pabor kay Leni ibinunyag

IBINUNYAG ngayon ang sinabing posibleng pagmamanipula ng Social Weather Stations sa ginawang survey na nagpakitang lumundag nang husto ang rating ni Camarines Sur Cong. Leni Robredo sa unang pwesto upang maungusan ang palaging nangungunang si Senador Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. sa pagkabise-presidente. Sa kolum ni dating Press Secretary Rigoberto Tiglao sa isang pahayagan, sinabi niyang gumawa ng isang proseso …

Read More »

Kotong, towing tablado kay Lim (Tiniyak ng alkalde)

‘WALA nang towing, wala nang kotong.’ Ito ang tiniyak kahapon ng nagbabalik na alkalde ng Maynila Alfredo S. Lim sa mga tricycle, pedicab at jeepney drivers sa lungsod, nang siya ay magsagawa ng house-to-house campaign sa Tambunting area sa ikatlong distrito ng lungsod, matapos makatanggap ng reklamo ukol sa mga problemang kinakaharap ng mga nasabing drivers sa Maynila. Partikular na …

Read More »

Pacquiao, Kris tinangkang dukutin ng ASG (Kinompirma ni PNoy)

KINOMPIRMA ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang tangkang pagdukot din ng Abu Sayyaf Group (ASG) kay boxing champion Manny Pacquiao o isang anak ng boksingero, gayon din sa kapatid niyang si Kris Aquino o isang anak ng aktres. Sinabi ito ni Pangulong Aquino sa kanyang official statement kasunod nang pagpugot ng Abu Sayyaf sa Canadian hostage na si John …

Read More »

12-anyos todas sa lapa ng aso

NAGA CITY – Patay ang isang 12-anyos batang lalaki makaraan atakehin ng aso sa Brgy. Sabang, Vinzons, Camarines Norte kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Fortunato Guinto, Jr., 12-anyos. Nabatid na naliligo sa ilog ang biktima kasama ang dalawang kalaro nang atakehin sila ng isang grupo ng mga aso. Isa sa mga aso ang tumalon sa ilog at sinunggaban ang mga …

Read More »

May 9 non-working holiday — PNOY

IDINEKLARA ni Pangulong Benigno Aquino III ang Mayo 9, 2016 bilang Special Public (Non-Working) Holiday sa buong bansa upang bigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan na bumoto sa idaraos na halalan. “President Aquino signed on Monday, 25 April 2016, Proclamation No. 1254, declaring May 09, 2016 as a Special Public (Non-Working) Holiday throughout the country to enable the entire citizenry …

Read More »

Talo sa debate si Duterte (Taumbayan bumilib kay Grace Poe)

MAS lumaki ang paniniwala ng taumbayan kay Sen. Grace Poe sa huling presidential debate sa University of Pangasinan noong Linggo nang siya ang top choice ng mga political analyst at editors na pinaigting sa pananatiling mahinahon nang kanyang batikusin ang kawalang-galang ni Davao City Mayor Rodrigo “Digong” Duterte sa karapatan ng mga kababaihan. Ayon kay Prof. Prospero de Vera, UP …

Read More »

Recom tadtad ng 66 kaso sa Ombudsman (Lahat irregular deals — CoA)

MISTULANG durog sa tadtad na 66 kaso sa Ombudsman si Cong. Recom Echiverri, tumatakbong mayor ng Caloocan, matapos ibunyag ni Jerrboy Mauricio, Brgy. 68 chairman sa isang press conference. Ayon kay Mauricio, ito ay nagsimula nang maghain siya ng kasong malversation laban kay Recom noong Hunyo 2015 dahil sa P72-milyon insurance scam, at nagsunod-sunod na ang ibang mamamayan na naghain …

Read More »

Transport Sector: Si Chiz ang VP namin (ACTO, NACTODAP kasadong magbibigay ng 2.4-M boto)

IBINIGAY ng dalawang malalaking transport groups ang kanilang suporta at ipinangako ang boto ng kanilang 2.4 milyong miyembro sa kandidatura ni Sen. Chiz Escudero, na tumatakbong independent vice presidential candidate sa darating na halalan sa Mayo 9. Parehong inendoso ng Alliance of Concerned Transport Operators (ACTO) at ng National Confederation of Tricycle Operators and Drivers Association of the Philippines (NACTODAP) …

Read More »

Lim at Atienza sanib-puwersa vs krimen at droga sa Maynila

NAGKAISA ang nagbabalik na alkalde ng Maynila na si Alfredo S. Lim at ang BUHAY Party-list ni Bro. Mike Velarde, na kinakatawan sa Kongreso ni dating Mayor at ngayon ay Congressman Lito Atienza, sa planong pagtulungan na pawiin ang lahat ng uri ng kriminalidad at ilegal na droga na namamayani ngayon sa Maynila, kaugnay ng kanilang advocacy na pangalagaan ang …

Read More »

‘Bongbong Marcos’ una pa rin sa Pulse  Asia Survey

NANGUNA pa rin si vice presidential candidate Senador Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. sa pinakahuling survey ng Pulse Asia na inilabas ngayon. Tumaas pa ng 4 puntos si Marcos sa rating na 29 percent sa survey sa 1,800 respondents mula Abril 16- 20, 2016. Pumangalawa sa kanya si Camarines Sur Rep. Leni Robredo sa rating na 24 percent. Sumunod si …

Read More »