3 bebot, 1 kelot inutas sa Kyusi

TATLONG babae at isang lalaki ang itinumba ng hindi nakikilalang mga suspek sa magkahiwalay na insidente sa Quezon City kamakalawa ng gabi at kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat kay Quezon City Police District (QCPD) director, Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, mula kay Supt. Lito E. Patay, Batasan Police Station 6 chief, ang mga napatay ay sina Annalyn Bacelar Tolentino, 41; Herminia Larios, 45, at Gloria Melgar, 42, at isang hindi pa nakilalang lalaking edad 30-35 anyos.

Inaalam pa ng pulisya kung may kinalamang sa droga ang pagpaslang sa mga biktima.

(ALMAR DANGUILAN)