MISTULANG drug war ang inilalarga ni Pangulong Rodrigo Duterte upang tapusin ang illegal na droga sa Filipinas. Sa kanyang talumpati sa oath-taking ceremony sa League of Cities and Provinces sa Palasyo kamakalawa ng gabi, inihayag ni Pangulong Duterte na nakita niya ang lawak ng problema at kung hindi niya tutuldukan ang “drug crisis” sa bansa ay hindi na ito malulutas …
Read More »Miss U sa 2017 gaganapin sa PH sa Jan 30 — DoT
INIANUNSIYO ni Tourism Sec. Wanda Teo ang pagdaraos ng Miss Universe sa Filipinas sa Enero 30, 2017. Napag-alaman, ito ang agenda na isinakatuparan ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach sa kanyang pagbabalik sa bansa at courtesy call kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang kamakailan. Ipinaabot ni Pia kay Duterte ang pagnanais na matuloy ang kanyang proposal na ang Filipinas ang …
Read More »9 ninja cops ‘ikinanta’ ng salvage victim
BAGAMA’T patay na nang matagpuan ang isang hinihinalang biktima ng summary execution, mistula niyang ‘ikinanta’ ang siyam ‘ninja cops’ o nagre-recycle ng nakokompiskang shabu, makaraan matagpuan sa kanyang katawan ang listahan ng pangalan ng siyam na mga pulis. Sa imbestigasyon ng Quezon City Police District – Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD), dakong 3:00 am nang matagpuan ang lalaking biktimang …
Read More »Ex-parak dedo sa enkwentro (Sangkot sa gun running, drugs)
CAMP OLIVAS, Pampanga – Patay ang isang dating pulis makaraan makipagbarilan sa mga pulis kamakalawa sa anti-drug operation sa Mariveles, Bataan kamakalawa. Agad binawian ng buhay sa insidente ang suspek na si Alpasel Hamsa y Sulaiman, natanggal sa pagkapulis, sinasabing sangkot sa pagtutulak ng droga at pagbebenta ng baril, residente ng Brgy. Camaya, Mariveles ng nasabing lalawigan. ( RAUL SUSCANO …
Read More »Duterte, Kerry talk everything agree nothing (US$32-M alok sa PH tiniyak)
TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte kay US Secretary of State Johhn Kerry na igigiit ng Filipinas sa Beijing ang pagmamay-ari ng bansa sa mga inaangking teritoryo ng China sa West Philippine Sea (WPS). Sa press briefing sa Palasyo ni Presidential Spokesman Ernesto Abella makaraan ang courtesy visit ni Kerry kay Duterte, sinabi niyang walang nabuong kasunduan ang dalawang leader hinggil …
Read More »Word war nina Alvarez at De Lima tumindi (Sa Bilibid drugs)
MISTULANG “guilty” si dating Justice Secretary at ngayon Sen. Leila de Lima sa ibinabato sa kanya na mga alegasyon tungkol sa paglaganap ng ilegal na droga sa New Bilibid Prisons (NBP) noong nasa ilalim pa ito ng kanyang pamumuno. Ito ang pahayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez kasunod sa naging statement ng senadora na kailangan muna mag-research ng kongresista kaugnay …
Read More »No HR violations sa anti-drugs campaign (Tiniyak ng PNP)
TINIYAK ng pamunuan ng pambansang pulisya, hindi malalabag ang karapatang pantao ng mga mamamayan sa lalong pinalakas na anti-illegal drugs campaign. Ito’y kasunod nang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga napapatay sa inilulunsad na operasyon ng PNP. Una rito, iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa PNP na triplehin pa ang kanilang trabaho lalo na sa kampanya kontra ilegal na …
Read More »5 presidente dumalo sa NSC meeting (Aquino inisnab si GMA)
DUMALO ang lahat na dating pangulo ng bansa sa ipinatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte na kauna-unahang National Security Council (NSC) meeting kahapon. Kabilang dito sina dating Pangulong Fidel Ramos, Joseph Estrada, Gloria Arroyo at Benigno Aquino III. Layunin ng multipartisan dialogue sa NSC na magkaroon ng consensus sa gagawing polisiya at estratehiya sa pagtugon sa mahahalagang national concerns partikular ang …
Read More »Traffic Crisis Act inihain sa Kongreso
INIHAIN na sa Kongreso ang panukalang “Traffic Crisis Act,” magbibigay ng solusyon sa problema ng trapiko sa bansa. Sinabi ni Speaker of the House Pantaleon Alvarez, ang House Bill No. 3 ay naglalayong bigyan ng emergency powers si Pangulong Rodrigo Duterte ng dalawang taon para sa pagresolba ng road at air traffic congestion sa Metro Manila at Cebu province. Napapaloob …
Read More »8888 nat’l hotline sa 1 Agosto — NTC
NAGLABAS ng kautusan ang National Telecommunications Commission (NTC) na nagtatalaga sa numerong “8888” bilang opisyal na National Complaint Hotline number. Epektibo ang direktiba simula sa Agosto 1, 2016. Ayon sa NTC, ginawa nila ang hakbang bilang pagtalima sa nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng national citizens complaint hotline. Bago naisapinal ang konsepto, nagpulong muna ang stakeholders na pinangunahan …
Read More »6 salvage victims natagpuan sa Pasay
ANIM kalalakihang hinihinalang biktima ng summary killings ang natagpuan sa magkakahiwalay na lugar sa Pasay City kahapon ng madaling-araw. Kinilala ang dalawa sa anim na sina Jethro Sosa, alyas Jet-Jet, 27, at Patrick Martinez, may mga tama ng bala ng baril sa katawan. Habang ang tatlong biktima ay kinilalang sina alyas Toto, alyas Reggie, alyas Boy Silva, at isang hindi …
Read More »Pumatay sa siklista sa Quiapo, susuko na
NAGPAHAYAG nang kagustuhang sumuko sa Manila Police District (MPD) ang driver ng kotse na bumaril at nakapatay sa naka-alitang siklista sa Quiapo, Manila nitong Lunes. Ayon kay MPD Director chief Supt. Joel Coronel, nakatanggap sila ng impormasyon na nakahandang magpaliwanag ang driver ukol sa kanyang pagbaril sa bicycle rider na si Mark Vincent Geralde sa P. Casal Street kahapon. Una …
Read More »16-anyos bagets patay sa boga ng 2 barkada
PATAY ang isang 16-anyos Grade 8 pupil makaraan barilin ng dalawang kaibigan sa bahay ng isa sa mga suspek sa Paco, Maynila kahapon. Itinago sa alyas na Totoy ang 16-anyos biktimang nabaril dakong 2:30 pm. Habang itinago sa mga alyas na Ar-Ar, 15, at Kaloy, 16, ang mga suspek na tumakas makaraan ang insidente. Base sa salaysay ng ina ni …
Read More »26-anyos guro binugbog tinangkang halayin sa sementeryo
DAGUPAN CITY – Bugbog-sarado ang isang 26-anyos guro makaraan tangkang halayin ng isang lalaki sa loob ng sementeryo sa bayan ng Bayambang, Pangasinan habang ay dumadalaw sa puntod ng kanyang ina kamakalawa. Ayon kay Bayambang chief of police, Supt. Gregorio Galsim, unang dumalaw ang biktima sa puntod ng ina para mabantayan ng ama ang hiniram nilang motorsiklo na ginamit sa …
Read More »2 sundalo sugatan sa pagsabog ng IED sa Bukidnon
CAGAYAN DE ORO CITY – Sugatan ang dalawang sundalo ng 41st Division Reconnnaissance Company sa ilalim ng 8th Infantry Battalion ng Philippine Army sa Bukidnon, nang masabugan ng improvised explosive device (IED) na itinanim ng rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Brgy. Halapitan, San Fernando kamakalawa. Sinabi ni 8th IB commanding officer, Lt. Col Lennon Babilonia, unang nakasagupa ng kanilang …
Read More »4 drug suspect utas sa police ops sa Negros’
BACOLOD CITY – Patay ang apat drug personalities nang lumaban sa operasyon ng pulisya sa Negros Occidental dakong 12:50 am kahapon. Kinilala ang dalawa sa apat na namatay na sina Andrew Tuvilla at Jun-Jun Lanzar, residente ng Brgy. Miranda, Pontevedra, No. 1 at No. 2 sa drug watchlist ng Pontevedra Municipal Police Station. Samantala, patuloy pang inaalam ang pagkakilanlan ng …
Read More »Depensa militar palalakasin (Suweldo may umento)
MAKATATANGGAP nang umento sa sahod ang mga sundalo simula sa susunod na buwan at palalakasin pa ang kanilang depensa bilang paghahanda sa ano mang magiging kaganapan sa bansa. “Starting next month may increase na ang suweldo ng mga sundalo,” pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga sundalo sa Fort Magsaysay, Laur, Nueva Ecija. Pabirong sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte, maraming …
Read More »Ninja cop utas sa drug raid sa QC (QCPD official)
PATAY ang isang opisyal ng PNP nang lumaban sa mga kasamahang pulis sa anti-drug operation sa Quezon City kahapon ng madaling-araw. Isinagawa ang operasyon sa kahabaan ng Commonwealth Avenue laban kay S/Insp. Ramon Castillo, aktibong miyembro ng Quezon City Police District Anti-Illegal Drug Unit, aarestohin sana makaraan makabili ang nagpanggap na buyer ngunit lumaban. Nakakuha ng limang pakete ng shabu …
Read More »P10-M shabu iniwan sa jeepney
ISINUKO sa National Bureau of Investigation (NBI) ng isang jeepney driver ang dalawang kilo ng shabu, nagkakahalaga ng P10 milyon, iniwan sa kanyang sasakyan ng hindi nakilalang pasahero noong Hulyo 23 sa Bacoor, Cavite. Iniharap ni NBI-AIDD chief, Atty. Joel Tovera sa mga mamamahayag ang jeepney driver na si alyas Joel. “Nakatulog ‘yung lalaking pasahero, tapos nang makarating kami sa …
Read More »12 barkong ‘shabu lab’ negatibo
VIGAN CITY – Negatibo ang resulta nang isinagawang ocular inspection ng mga awtoridad sa mga nakatenggang barko sa Brgy. Pantay Tamurong, Caoayan, Ilocos Sur, na pinagkamalang shabu laboratory. Sa pagsisiyasat ng pulisya, napag-alamang hindi pa nakapagsasagawa ng ‘dredging operation’ ang Keenpeak company na pinagtratrabahuhan ng Chinese nationals dahil inaayos pa ang permit mula sa Mines and Geosciences Bureau kahit mayroon …
Read More »9 Pinoy na lumusob sa Sabah kulong habambuhay
KUALA LUMPUR – Hinatulan ng habambuhay na pagkabilanggo ng korte sa Malaysia ang siyam na Filipino kaugnay sa paglusob sa Sabah noong 2013. Habang walong iba pa na kinabibilangan ng tatlong Malaysians ang kulong ng 10 hanggang 18 taon. Sinabi ng abogado ng depensa na si N Sivananthan, maaari sanang hatulan ng kamatayan ang nasabing mga Filipino ngunit binabaan ng …
Read More »Biker todas sa away-trapiko sa Quiapo
PATAY ang isang lalaking sakay ng bisikleta makaraan barilin ng driver ng kotse na nakaaway niya dahil sa trapiko sa Quiapo, Maynila kamakalawa. Kitang-kita sa CCTV kung paanong sinugod ng isang lalaking sakay ng Hyundai EON ang isa pang lalaki na nakasakay sa bisikleta. Nagpalitan ng suntok ang dalawa ngunit nagkaayos din makaraan ang ilang minuto. Nagkamayan pa ang dalawa …
Read More »Curfew sa Maynila, Navotas at Kyusi pinigil ng SC
IKINATUWA ng grupong Samahan ng Progresibong Kabataan (SPARK) ang inilabas na temporary restraining order (TRO) ng Supreme Court (SC) laban sa ipinatutupad na curfew o ordinansa ng ilang lungsod sa Metro Manila partikular sa Maynila, Navotas at Quezon City na nagbabawal sa mga menor-de-edad na pagala-gala sa kalye sa dis-oras ng gabi. Una rito, naghain nitong Biyernes ng Petition for …
Read More »CHED, hinikayat ng KWF: Bagong batas sa filipino ipatupad
SA liham na may petsang 21 Hulyo 2016, ipinaabot ng Komisyon sa Wikang Filipino, sa pamamagitan ni Tagapangulong Virgilio S. Almario, kay Tagapangulong Patricia Licuanan ng CHED ang pasasalamat sa pag-uutos nitó noong 18 Hulyo 2016 ng pagpapanatili ng pagtuturò ng anim hanggang siyam na yunit ng Filipino sa mga institusyon para sa mas mataas na edukasyon (higher education institutions) …
Read More »Kartel sa cement industry hiniling buwagin
Nanawagan ang advocacy group na Kilusan Kontra Katiwalian at Kabulukan (4K) sa administrasyong ni Pangulong Rodrigo Duterte na durugin na ang kartel na Cement Manufacturers of the Philippines (CeMAP) sa ilalim ni dating Department of Trade and Industry undersecretary Ernesto Ordonez na nakikinabang sa kanyang kampanya laban sa mga importer ng semento kung saan kontrolado ng grupo ang presyo ng …
Read More »