TUGUEGARAO CITY, Cagayan – Sinibak ang 22 chief of police (COP) sa Region 2. Ayon kay Supt. Chevalier Iringan, tagapagsalita ng Police Regional Office No. 2, sinibak ang 22 COPs nitong Agosto 24, 2016. Anim sa mga pinatalsik na hepe ay mula sa Cagayan, 12 sa Isabela, tatlo sa Nueva Vizcaya, at isa sa Quirino. Ayon kay Iringan, inalisan ng …
Read More »17-anyos coed tumalon mula 4/f ng condo, patay
PATAY ang isang estudyante makaraan tumalon mula sa ikaapat palapag ng isang condominium building sa Malate, Maynila bunsod ng problema sa pamilya. Binawian ng buhay habang isinusugod sa Philippine General Hospital (PGH) ang biktimang si Romelyn Saria, 17, residente ng 292 Alapan 2nd, Imus, Cavite. Ayon sa ulat ni SPO2 Bernardo Cayabyab kay Senior Inspector Rommel Anicete, hepe ng Manila …
Read More »Witnesses vs De Lima hawak ng DoJ
TINIYAK ng Department of Justice (DoJ), haharap sa isasagawang imbestigasyon ng Kamara de Representante ang mga testigo laban kay Sen. Leila de Lima na iniuugnay sa mga nakakulong na drug lord sa New Bilibid Prisons (NBP). Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, may lima hanggang anim silang testigo laban sa senadora na kinabibilangan ng prison guard, bagman at kaibigan ni …
Read More »Bagyong Dindo bumagal sa Batanes
BUMAGAL ang takbo ng bagyong Dindo habang nananatili sa Philippine area of responsibility (PAR). Ayon sa ulat ng Pagasa, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,035 km silangan hilagang silangan ng Itbayat, Batanes. Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot ng 160 kph malapit sa gitna at may pagbugsong 195 kph. Kumikilos ang typhoon Dindo nang patimog-timog …
Read More »Dagdag na drug rehab centers tiniyak ng DDB
TINIYAK ng Dangerous Drugs Board (DDB) na magdaragdag ng bilang ng rehabilitation centers sa bansa. Sinabi ni DDB chair Felipe Rojas sa briefing ng Committee on Dangerous Drugs sa Kamara, kulang ang rehab centers sa Filipinas para sa patuloy na pagtaas ng bilang nang sumusukong drug addicts. Sa ngayon, mayroon lamang 50 residential at outpatient rehab centers, kaunti kung ituring …
Read More »Murang condo itinatayo para sa mahihirap
HANDOG ng Homeowner’s Association (HOA) ng Kapitbahayan Blue Meadows, ang isang abot-kaya at dekalidad na pabahay sa Caloocan City. Makaraan ang halos tatlong taon na pagsisikap ng mga residente ng Blue Meadows, sa pangunguna ng kanilang HOA President Darling Arizala, opisyal na idinaos ang Groundbreaking Ce-remony ng Blue Meadows Housing Project kahapon ng umaga sa Balintawak Subdivision, Barangay 175, Camarin …
Read More »Vice Mayor Maca Asistio nagbilin sa informal settlers
Hiniling ng Caloocan Vice Mayor sa mga benepisyaryo ng pabahay sa Camarin, Caloocan, na gampanan ang kanilang bahagi para sa ikatatagumpay na nakamit ng Homeowner’s Association ng Blue Meadows. Sa groundbreaking and thanksgiving ceremony ng Blue Meadows sa Barangay 175, ipinahayag ni Vice Mayor Macario “Maca” Asistio ang kanyang galak sa proyekto ng asosasyon sa pangunguna ng presidente na si …
Read More »Genocide? Stupid tang ‘na — Duterte
BUMUWELTA si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mga kritiko kaugnay sa dumaraming napapatay sa pinaigting na kampanya laban sa illegal na droga. Ayon sa pangulo, hindi maaaring isisi sa kanya ang lahat ng mga namamatay pati ang biktima ng summary executions. Kung lehitimo ang operasyon ng mga awtoridad at lumaban ang mga drug addict, sagot niya ito at kanyang responsibilidad. …
Read More »2 COP sa Cordillera sinibak
BAGUIO CITY – Sinibak sa puwesto ang dalawang chief of police sa rehiyon ng Cordillera nang mabigo silang makamit ang target sa implementasyon ng Oplan Double Barrel. Ayon kay Police Regional Office-Cordillera (PRO-COR) acting regional director, Chief Supt. Elmo Francisco Sarona, iniutos niya ang pagsibak sa puwesto ng isang hepe sa lalawigan ng Abra habang ang isa pa ay sa …
Read More »SOMO, respeto sa ceasefire hiniling ni Digong sa AFP, PNP
INATASAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na magpatupad na ng suspension of military operations (SOMO) laban sa rebeldeng komunista sa buong bansa kaugnay na rin ng ginagawang peace negotiations ng gobyerno sa CPP-NPA-NDF sa Oslo, Norway. “In the meantime that we have the ceasefire because of the Oslo talks, …
Read More »BGC bar owners aprub sa police deployment
PUMAYAG ang high-end bar at club owners mula sa Makati at BGC sa Taguig City na mag-deploy ang pambansang pulisya ng mga pulis na nakasibilyan para manmanan ang drug personalities na nagbebenta ng party drugs. Ito ang desisyon sa isinagawang pagpupulong kamakalawa pasado 10:00 pm. Una rito, tinukoy ng PNP na talamak ang bentahan ng droga sa high-end bars na …
Read More »Matrix basura joke — De Lima
ITINUTURING ni Senadora Leila de Lima na basura kaya nararapat na sa basurahan lamang at joke ang sinasabing matrix ni Pangulong Rodrigo Duterte ukol illegal na droga na kasama ang senadora. Ayon kay De Lima, naaawa at natatawa lamang siya sa Pangulo dahil sa maling impormasyong ipinagkakaloob sa kanya. Iginiit ni de Lima, bilang abogado at sino mang abogado ay …
Read More »Leila, lover, Baraan, Espino pasok sa matrix
INILABAS na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hawak niyang matrix na makikita ang sinasabing kalakalan ng illegal na droga sa Bureau of Corrections. Gaya nang naunang nabanggit ng pangulo, kasama sa tinagurian niyang “Muntinlupa Connection” ang pangalan ni Senator Leila de Lima, ang kanyang dating driver na inaakusahang lover na si Ronnie Dayan, dating governor at ngayon ay 5th District …
Read More »Warren inarbor ni Leila kay Francis (Digong ayaw papigil)
HINDI napigilan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rebelasyon sa ‘lihim’ ni Sen. Leila de Lima at ng bago niyang rider-lover.’ Sa kanyang press conference, kahapon ng madaling araw ay isiniwalat ni Duterte na ipinakita sa kanya ni dating Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino na ‘inarbor’ sa kanya ni De Lima ang motorcycle escort na si Warren Cristobal …
Read More »MMDA ‘Schizophrenic’ – Poe
KINUWESTIYON ni Sen. Grace Poe ang mga proyekto ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa weekly news forum na Kapihan sa Manila Bay sa Malate, Maynila, kahapon ng umaga. Sa kanyang unang full-blown press conference si-mula nang pagkatalo niya sa nakalipas na eleksiyon, pabirong tinawag ni Poe na ‘schizophrenic’ ang MMDA dahil sa halo-halo nitong proyekto na sinasabi niyang walang …
Read More »2 ‘prinsesa’ patay sa Las Piñas fire
KAPWA namatay ang magkapatid na paslit makaraan lamunin ng apoy ang 40 bahay sa Las Piñas City kahapon ng madaling araw. Kinilala ng Las Piñas Bureau of Fire Protection ang mga biktimang sina Princess Nicole , 2, at Princess Eunice, 1, ng Everlasting St., Medina Compound, ng naturang barangay. Habang sugatan ang hindi pa nakilalang babae na tumalon sa bintana …
Read More »Poe kay Duterte: Emergency powers puwede pero…
INILATAG ni Senador Grace Poe-Llamanzares ang ilang mga kondisyon na kailangan ikonsidera sa pagbibigay ng emergency powers kay Pangulong Rodrigo Duterte para tugunan ang problema ng trapiko sa bansa. Isa rito, kailangan umanong magkaroon ng “clear cut parameters” na bumabalangkas sa sinasabing emergency. Binalangkas ng senadora ang nasabing mga kondisyon sa lingguhang Kapihan sa Manila Bay forum sa Café Adriatico …
Read More »Duterte kompiyansa sa GRP, NDFP peace talks (Dating kasunduan muling pinagtibay)
MAY mga indikasyon na magtatagumpay ang isinusulong na usapang pangkapayapaan ng gobyerno sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF), ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte. “I’m a president who is supposed to look for peace for my land. I am not the president who seeks war to destroy our own countrymen and that is why I am …
Read More »‘Kati’ ng senadora nagtulak sa korupsiyon
ANG kakaibang ‘kati’ ni Sen. Leila de Lima ang naging sanhi ng mga seryosong paglabag sa batas ng mambabatas, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte. Kahit aniya napawalang bisa na ang kasal ni De Lima sa kanyang asawa ay hindi pa rin siya puwedeng magpanggap na nagsusulong ng “good government” dahil naki-kipagrelasyon sa mga lalaking pamilyado. “What is really very… how …
Read More »P3-M ecstacy pills mula Germany nasabat ng BoC
TINATAYANG P3 milyon halaga ng hinihinalang ecstasy pills mula Germany, ang nasakote ng mga awtoridad kamakailan, kinompirma ng Bureau of Customs (BOC) nitong Miyerkoles. Ayon kay BoC Commissioner Nicanor Faeldon, natunugan nilang droga ang laman ng dalawang parcels na dumating noong Mayo 7 kaya agad nilang kinompiska. Laman ng mga parcel ang 2,000 tableta ng ectasy, na nagkakahalaga ng P1,500 …
Read More »Binatilyo pinugutan ng adik na tiyuhin
PINUGUTAN ng adik na tiyuhin ang isang 14-anyos binatilyo kamakalawa sa Brgy. Minuyan Proper, San Jose del Monte City, Bulacan. Sa ulat mula kay Supt. Wilson Magpili, hepe ng Jose del Monte City Police, kinilala ang biktimang si Jeric Boyoc, residente ng Brgy. Minuyan Proper. Habang agad naresto sa follow-up operation ng mga awtoridad ang suspek na si Romelito Arroyo, …
Read More »Pinoy casualty negatibo sa Italy killer quake
WALA pang natatanggap na ano mang ulat na may namatay na mga Filipino makaraan ang malakas na lindol sa Italy, ayon sa ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA). Ayon sa DFA, tuloy-tuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga opisyal ng ating embahada sa naturang bansa. Maging sa mga Filipino community anila ay kumukuha ng update upang malaman ang kalagayan ng …
Read More »Mag-utol na Duterte arestado sa buy-bust
ZAMBOANGA CITY – Arestado ng anti-drug operatives sa lungsod na ito ang anim katao, kabilang ang magkapatid na may apilyedong Duterte, sa buy-bust operation nitong Lunes ng gabi. Naaresto ng mga pulis ang mga suspek na sina Adrian at Arlyn Duterte, Stevenson Ardelesa, Ceejay Janal, Archie Quilante, at Jerrypaul Violanggo, pawang residente ng Don Alfaro, Tetuan, Zamboanga City. Nakompiska mula …
Read More »Digong nagbabala sa China (‘It will be bloody’)
BAGAMA’T hindi naghahangad ng giyera, tahasang binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang China na huwag susubukang lusubin ang Filipinas. Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa harap ng mga sundalo sa 2nd Infantry Division sa Camp Capinpin, Tanay, Rizal. Sinabi ni Pangulong Duterte, hindi mangunguna ang Filipinas sa giyera ngunit tinitiyak na kapag umatake ang China, magiging madugo. Ayon sa …
Read More »Sidekick ni Kerwin Espinosa arestado
CEBU CITY – Naaresto ng mga operatiba ng Regional Special Operations Group (RSOG) ang pinaniniwalaang kasamahan ng itinuturing na drug lord na si Rolando Kerwin Espinosa Jr., sa loob ng isang pension house sa Brgy. Lorega, lungsod ng Cebu kahapon ng umaga. Ayon kay SPO2 Reynaldo Solante, team leader ng nasabing operasyon, mismong ang management ng pension house ang nagsumbong …
Read More »