LIMA,Peru – IPINAGMALAKI ni Pangulong Rodrigo Duterte, napakainit nang pagharap sa kanya ni Russian President Vladimir Putin at apat beses na ipinaalala sa kanya ang paanyayang bumisita siya sa Russia. Sa press conference sa Melia Hotel, sinabi ng Pangulo, parang matagal na silang magkaibigan nina Putin at ni Chinese President Xi Jin Ping at naramdaman niya ito sa pagtapik sa …
Read More »Duterte, Putin nagbahagi ng sentimyento kontra US
LIMA,Peru – NAUUNAWAAN ni Russian President Vladimir Putin ang mga sentimyento ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa Estados Unidos. Sinabi ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., sa press conference sa Malia Hotel, inihayag ni Putin, pareho sila ni Duterte sa paglalagom sa karakter ng Amerika. “We share your sentiments. Our assessments coincide in many respects,” tugon aniya ni Putin …
Read More »Jet lag sinisi ni Duterte sa pagliban sa gala dinner
LIMA,Peru – PINUYAT ng jet lag si Pangulong Rodrigo Duterte kaya hindi nakadalo sa gala dinner ng APEC leaders kamakalawa ng gabi, at sa retreat at ‘family photo’ nila sa pagtatapos ng summit kahapon. Sa press conference sa Melia Hotel kagabi bago bumalik sa bansa, sinabi ng Pangulo, inatasan niya si Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay Jr., na maging kinatawan …
Read More »Digong sa ERC officials: Resign all
LIMA, Peru – PINAGBIBITIW ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal ng Energy Regulatory Commission (ERC) makaraan ang report ng korupsiyon sa naturang ahensiya. Kasunod ito ng ulat na nagpakamatay ang chairman ng Bids and Awards Committee, Francisco Villa Jr., dahil sa sinasabing panggigi-pit ng kanyang superiors na lumagda sa maano-malyang kontrata. “I am demanding that they all resign. If …
Read More »Paghukay sa labi ni FM inalmahan sa Kamara
INALMAHAN ni Deputy Speaker at Ilocos Norte Rep. Eric Singson ang hi-ling sa Supreme Court na ipahukay ang labi ni da-ting Pangulong Marcos sa Libingan ng mga Bayani. Para kay Singson, hindi katanggap-tanggap ang “motion for exhumation” ng grupo ni Albay Rep. Edcel Lagman at tiwala siyang hindi ito papaboran ng Korte Suprema. Banat ng mambabatas, kahit sino ay hindi …
Read More »Magtiyahin arestado sa P110-M shabu
KINOMPIRMA ni PNP chief, Director General Ronald dela Rosa ang nakompiskang 22 kilo ng shabu, tinatayang P110 milyon ang halaga, sa Guadalupe, Makati City kahapon, hinihinalang may koneksiyon sa illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prison (NBP). Arestado ang dalawang drug suspek na sina Maria Rosario Echaluce at Angelo Echaluce, magtiyahin at pawang mga residente sa Bilibiran, Binangonan, …
Read More »Neneng Gr. IV nabuwalan ng slide sa playground
BACOLOD CITY – Patay ang isang Grade 4 pupil makaraan madaganan ng slide sa playground sa public plaza ng Hima-maylan City, Negros Occidental kamakalawa. Kinompirma ni Himamaylan City deputy chief of police, Insp. Reymundo Franco, nagkayayaan ang biktimang si Krisshia Mae Lipania, 10, grade 4 pupil sa Himamaylan City Central School, at mga kaibigan na maglaro sa playground sa liwasan …
Read More »Plastic bawal na sa Caloocan
INIUTOS ni Mayor Oscar “Oca” Malapitan ang mahigipit na pagpapatupad ng City Environmental Management Office ang Panlungsod na Ordinansa 0503 ng taon 2013, na ipinagbabawal ang paggamit ng plastic bags sa mga tindahan sa buong Caloocan Bilang pagtalima kay Malapitan, hinihikayat ni Engr. Gilberto Bernardo, hepe ng CEMO, iwasan gumamit ng plastic bags lalo ang maliliit na tindahan. Nabigyan na …
Read More »Walang krisis o hoarding ng sibuyas — Agriculture
“WALANG katotohanan ang ibinibintang na pagtatago ng sibuyas sa mga imbakan. Maayos ang mga magtatanim ng sibuyas ng Nueva Ecija. Walang katotohanan ang sinasabing krisis sa sibuyas.” Ito angreaksyon ni Serafin Santos, ang hepe ng Office of Provincial Agriculture hinggil sa napabalitang hording ng sibuyas sa pro-binsya. Ayon kay Santos, noong Agosto 2016 ay naubos na ang produkto ng mga …
Read More »Scarborough Shoal idedeklarang marine protected area
LIMA, Peru – IDEDEKLARA ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang marine protected area ang Scarborough o Panatag Shoal sa Zambales. Inihayag ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., ipinabatid ni Duterte kay Chinese President Xi Jinping ang paglalabas ng isang executive order na magtatakda sa lagoon ng Scarborough Shoal bilang marine protected area alinsunod sa nakasaad sa Republic Act 7586 o …
Read More »Subpoena inisyu na ng DoJ vs De Lima
PINAHAHARAP ng Department of Justice (DoJ) sa 2 Disyembre sa preliminary investigation ng five-man panel of prosecutors si Sen. Leila de Lima para sa isyu ng illegal drug trade sa New Bilibid Prisons (NBP). Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, nailabas na ng panel ang subpoena kahapon at inihatid na sa tanggapan ni De Lima sa Senado. Haharapin ng mambabatas …
Read More »Computer technician tinodas sa harap ng pamilya
PATAY ang isang 40-anyos computer technician makaraan pagbabarilin sa harap mismo ng kanyang pa-milya ng dalawang hinihinalang mga miyembro ng vigilante group sa Caloocan City kahapon ng madaling araw. Agad binawian ng buhay si Jomari Gomo ng Phase 9, Package 9, Block 108, Excess Lot, Brgy. 176, Bagong Silang, sanhi ng mga tama ng bala sa ulo at katawan. Ayon …
Read More »Drug user utas sa pulis
BINAWIAN ng buhay ang isang 25-anyos hinihinalang adik sa droga makaraan makipagpalitan ng putok nang sitahin ng mga pulis sa anti-criminality campaign ng MPD PS-2 sa Tondo, Maynila kahapon. Kinilala ang biktimang hindi na umabot nang buhay sa Gat Andres Bonifacio Hospital, na si Dexter Mendano, ng Gate 54, Area C, Parola Compound, Binondo. Ayon sa imbestigayson ni PO3 Jorlan …
Read More »Tomboy 1 pa itinumba sa droga
PATAY ang dalawa katao, kabilang ang isang tomboy, hinihinalang sangkot sa droga, makaraan pagbabarilin ng dalawang lalaki sa Tondo, Maynila kahapon. Kinilala ang mga biktimang sina Jesus Sabado, 30, pedicab driver, at Realyn Bigalan, 25, basurero, kapwa ng Tondo. Habang tinutugis ng pulisya ang suspek na si Joshua Babar, nasa hustong gulang, at isa pang hindi nakilalang lalaki, mabilis na …
Read More »Kumpisal ni Kerwin bomba – Pacman
AMINADO ni Sen. Manny Pacquiao, kombinsido siyang totoo ang mga pagsisiwalat sa kanya ng binansagang Eastern Visayas drug lord na si Kerwin Espinosa. Kasunod ito nang kahilingan ni Espinosa na makausap si Pacquiao bago siya humarap sa Senate inquiry sa Miyerkoles. Bagama’t tumanggi muna si Pacman na isapubliko ang bawat detalye ng kanilang napag-usapan, tiyak niyang marami ang magugulat. Ngunit …
Read More »Panggigipit ng US sa PH isinumbong ni Digong kay Putin (APEC gala dinner ‘di sinipot ni Digong)
LIMA, Peru – ISINUMBONG ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Russian President Vladimir Putin ang agrabyadong kalagayan ng Filipinas sa pakikipag-ugnayan sa Amerika at pagkaladkad sa Filipinas sa mga inilunsad na digmaan ni Uncle Sam sa ibang mga bansa. Hindi naikubli ang kagalakan ni Duterte sa unang paghaharap nila ni Putin na itinuturing niyang idolo at kakampi sa bilateral meeting nila …
Read More »Ilaw sa baryo prayoridad (Murang elektrisidad) ; Masongsong bagong NEA Chief
NANUMPA na ang bagong hirang na tagapangasiwa ng National Electrification Administration (NEA). Si dating party-list representative Edgardo Masongsong ay nanumpa kay Secretary Alfonso Cusi ng Department of Energy (DOE). Matapos manumpa, nangako si Masongsong na isasakatuparan niya ang pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na ihatid ang kaunlaran sa pinakamalalayong rehiyon sa bansa. Ayon kay Masongsong unang programang kanyang isusulong ay …
Read More »Bata idinamay ng ama sa suicide (Dinamita pinasabog)
NAGKALASOG-LASOG ang katawan ng isang 4-anyos bata makaraan idamay sa pagpapakamatay ng kanyang ama sa pamamagitan ng pagpapasabog ng dinamita sa Vinzons, Camarines Norte nitong Sabado. Patay na ang bata nang matagpuan sa tabi ng kanyang walang buhay na ama na si Alfonso Asis, 31, sa kama sa loob ng kanilang bahay sa Purok 2, Brgy. Singi. Kuwento ng isa …
Read More »27 sachet ng shabu kompiskado sa mag-asawa
CAUAYAN CITY, Isabela – Nasa 27 sachet ng hinihinalang shabu ang nakompiska isang mag-asawa sa follow-up operation ng Cauayan City Police Station sa Santiago City, Isabela kahapon. Kinilala ang mga nadakip na sina Walter Esparagosa, 32, at Maricar, 26, kapwa residente ng Brgy. Rizal, Santiago City. Nakuha sa pag-iingat ng mag-asawa ang 27 plastic sachet ng shabu kapalit ng P2,000 …
Read More »Mag-asawa bumulagta sa tandem
CANDELARIA, Quezon – Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang mag-asawang factory worker makaraan pagbabarilin ng motorcycle riding-in-tandem suspects sa Maharlika Highway sakop ng Brgy. Masin Sur, kamakalawa ng umaga. Kinilala ang mga biktimang sina Danilo Atienza, 50, at Laura Atienza, kapwa mga residente ng Brgy. Palaragaran, Tiaong Quezon Ayon kay Supt. Freddie Dantes, sakay ang mag-asawa sa kanilang …
Read More »Drug pusher pumalag sa parak, patay
PATAY ang isang hinihinalang drug pusher makaraan lumaban sa mga elemento ng Manila Police District-Police Station 2 sa anti- criminality operation kahapon ng u-maga sa Tondo, Maynila. Kinilala ni SPO2 Joseph Kabigting, ng Manila Police District-Homicide Section, ang suspek na si Renato de Leon, 31, napatay sa loob ng kanyang barong-barong sa Pier 2, Gate 10, Parola Compound, Tondo. Ayon …
Read More »2 tulak patay, 1 nakatakas sa buy-bust
PATAY ang dalawang hinihinalang tulak ng droga habang nakatakas ang isa makaraan lumaban sa mga pulis sa magkahiwalay na operasyon ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD), iniulat kahapon. Sa ulat kay QCPD director, Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, sa operasyon ng Batasan Police Station 6, dakong 6:05 pm nitong Sabado sa 105 Sampaguita Extension, Area-A, Brgy. …
Read More »2 pulis sugatan sa ‘stalker’ na nanlaban
DALAWANG pulis ng Criminal Investigative and Detection Unit (CIDU) ang nasaktan at nasugatan sa iba’t ibang bahagi ng katawan matapos manlaban ang inaarestong lalaki na inireklamong ‘stalker’ habang isinisilbi ang warrant of arrest sa paglabag sa Republic Act 9262, Violence Against Women and Children (VAWC) Act. Nitong Sabado, bigla umanong inatake ng supek na kinilalang si Rovic Canono sina SPO1 …
Read More »Camp Crame alertado sa pagbalik ni Kerwin (Susi vs gov’t officials na sangkot sa illegal drug trade)
NAKAALERTO na ang ang pamunuan ng Philipine National Police (PNP) sa Kampo Crame para sa pagdating ng hinihinalang top drug lord ng Eastern Visayas na si Kerwin Espinosa mula sa Abu Dhabi ngayong madaling araw. Ayon kay PNP spokesperson, Senior Supt. Dionardo Carlos, kagabi hanggang ngayong madaling araw ay aabangan nila si Kerwin. Dahil dito, magpapatupad nang mas mahigpit na …
Read More »ICC planong kalasan ng Pangulo (Gaya ng Russia)
NAGBANTA si Pangulong Rodrigo Duterte na kakalas na rin sa International Criminal Court (ICC) gaya ng ginawa ng Russia. Magugunitang kumalas sa kauna-unahang permanent war crimes court ng mundo ang Russia kasunod nang balak na imbestigasyon ng ICC sa ginagawang airstrikes sa Syria. Sinabi ni Pangulong Duterte, kung magtatayo ang Russia at China ng bagong order o kaya organisasyon ay …
Read More »