Thursday , December 9 2021

Kelot tumira ng LSD ‘lumipad’ mula 34/f lumagabog tigok (Gusto ng masarap na ‘sex’)

IMBES pampagana sa sex, nag-feeling Superman ang lalaking call center agent kaya ‘lumipad’ mula ika-34 palapag ng isang gusali sa Mandaluyong City na kanyang ikinamatay nitong Linggo ng gabi.

Sa imbestigasyon ng Mandaluyong police, sinadya umanong tumalon ng call center agent na si alyas “Jake” mula sa gusali makaraan gumamit ng drogang lysergic acid diethylamide (LSD).

Kasama ni Jake ang kaniyang nobyang si alyas “Jessica” nang gamitin ang LSD, na isa umanong uri ng aphrodisiac o pampadagdag ng gana sa pakikipagtalik.

“Sinubukan nilang gumamit ng LSD, parang ‘aphrodisiac’ ito e… ‘pag nasobrahan ka, feeling mo you’re like superman,” ayon kay Senior Supt. Moises Villaceran, hepe ng Mandaluyong police.

Maliit at manipis na papel lang ang hitsura ng LSD, na nagkakahalaga ng P1,000 kada piraso.

Samantala, ikinagulat ng ina ng biktima na gumagamit ng droga ang kaniyang anak.

“Kuwento noong siyota, pino-force daw siyang gumamit, ‘for sex’ daw iyon,” ayon sa ina ni Jake.

Habang sinabi ni “Jessica” na pangalawang beses na nilang gumamit ng LSD.

“Umo-order po siya (Jake)… Sabi ko tigilan na niya,” aniya.

Paliwanag ni Villaceran, sa Facebook umano madalas nangyayari ang transaksiyon sa pagitan ng supplier ng droga at mamimili.

Ipinadadala umano ang bayad sa pamamagitan ng money transfer service bago ipahahatid sa mga transport network vehicle service driver.

Dahil hitsurang papel, iniipit ang LSD sa libro para hindi mahalata ng tagahatid.

Inaalam ng Mandaluyong police kung sino ang katransaksiyon ng magkasintahan.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

DonBelle Donny Pangilinan Belle Mariano

Donbelle hinuhulaang magiging number 1 loveteam sa 2022

MA at PAni Rommel Placente KASAMA ang comedian-director na si John ‘Sweet’ Lapus sa pelikulang Love Is Color …

120821 Hataw Frontpage

Pari gustong ipalit ni Duterte kay Duque

ni Rose Novenario INALOK ni Pangulong Rodrigo Duterte si Dominican priest at molecular biologist Fr. …

Las Piñas Enhanced Kadiwa Inclusive Food Supply Chain Program

Para sa food security
LAS PIÑAS CITY PUMIRMA NG MOA SA DA

NILAGDAAN ng Las Piñas city government at ng Department of Agriculture (DA) ang isang memorandum …

Rida Robes

Pagbabakuna sa mga batang edad 5-11 anyos unahin bago face-to-face classes – Robes

UMAPELA si San Jose Del Monte City Rep. Florida “Rida” P. Robes sa Inter-Agency Task …

Comelec

Ex-CJ sa Comelec
DQS VS BBM RESOLBAHIN

HINIMOK ni retired chief justice Artemio Panganiban ang Commission on Elections (COMELEC) 2nd Division na …

Leave a Reply