TODAS ang isang lalaking bagong laya sa kulungan makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek kahapon ng madaling-araw sa Quezon City. Sa ulat ng Quezon City Police District Criminal-Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), kinilala ang biktimang si Rodel Rodriguez, 48, bagong laya mula sa Quezon City Jail, at residente ng 43 Sauyo Road, Brgy. Sauyo, Novaliches, ng lungsod.Habang patuloy na inaalam …
Read More »Magkapatid, pinsan todas sa buy-bust
PATAY ang magkapatid at pinsan makaraan makipagbarilan sa mga pulis sa buy-bust operation sa Sta. Ana, Maynila kahapon ng madaling-araw. Binawian ng buhay habang dinadala sa Sta. Ana Hospital ang magkapatid na sina Leo Geluz Merced, 30, at Joshua Merced, 22, at pinsan nilang si Bimbo Merced, 37, pawang ng 2565 Bonita Compound, Pasig Line, Zobel Roxas, Sta. Ana, Maynila. …
Read More »Pinay binitay sa Kuwait
BINITAY na ang isang Filipina domestic worker na si Jakatia Pawa nitong Miyerkoles sa Kuwait, sa kabila nang pagsisikap ng kanyang pamilya at mga opisyal ng gobyerno na mailigtas ang kanyang buhay. Kinompirma ito kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA). Ayon sa mga opisyal ng Philippine embassy, inihayag ng Sulaibiya Prison officials, itinakdang bitayin si Pawa dakong 7:30 am …
Read More »Palasyo nakiramay sa Pamilya Pawa
NAGPAABOT nang pakikiramay ang Palasyo sa mga naulila ni Jakatia Pawa, ang Filipina domestic helper na binitay kahapon sa Kuwait dahil sa kasong pagpatay sa anak ng kanyang amo. Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, ginawa ng pamahalaan ang lahat ng paraan upang maisalba sa kamatayan si Pawa ngunit hindi umubra sa mga batas ng Kuwait. “It is with sadness …
Read More »Kolorum sa NAIA target ni Monreal
PRAYORIDAD ngayon ng pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) na mabura sa listahan ng ‘worst airports in the world’ ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa pamamagitan ng pagsasaayos ng serbisyo sa publiko at pagpapatupad ng mga alituntunin na tutugon sa mga pangangailangan bilang pangunahing paliparan ng bansa. Sa Kapihan sa Manila Bay sa Café Adriatico sa Malate, Maynila, …
Read More »MMDA nagbabala sa mga barangay
WALANG sasantohin si Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman Tim Orbos sa pagpa-patupad ng kanilang mandato, partikular ang paghuli sa mga lumalabag sa regulasyong pangtrapiko kabilang ang mga ilegal na paradahan na makikita sa iba’t ibang lugar sa Kalakhang Maynila. Sa panayam ng Hataw kay Orbos sa Kapihan sa Manila Bay sa Café Adriatico sa Malate, Maynila, ipinunto niya ang …
Read More »Digong nanatiling bilib sa mainstream media
BILIB pa rin si Pangulong Rodrigo Duterte sa kakayahan ng “mainstream media” na ihatid ang tamang balita sa kabila nang pagbatikos ng kanyang communications secretary sa ilang mamamahayag na binabaluktot ang ulat upang pumatok sa publiko. Sa kanyang talumpati matapos inspeksyonin ang mga pabahay para sa mga biktima ng super typhoon Yolanda kahapon sa Tacloban City, inihayag ng Pangulo na …
Read More »Reinvestigation sa Mamasapano suportado ni Lacson
SUPORTADO ni Senador Panfilo Lacson ang muling pag-iimbestiga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa tinaguriang Mamasapano tragedy na ikinamatay ng 44 miyembro ng PNP-SAF, sinasabing brutal na pinatay ng grupo ng BIFF, MILF at private army. Sinabi ni Lacson, kung ang pananaw ni Pangulong Duterte na marami pang dapat na malaman sa likod ng trahedya, karapatan niyang muling buksan ang pagdinig …
Read More »Rep. Roque mananatiling kongresista (Kaso ‘di pa nareresolba)
MANANATILING kong-resista si Kabayan Party-list Harry Roque habang pinag-aaralan muna ng Kamara kung papaano reresolbahin ang isyu patungkol sa pagkakasibak niya sa kanyang grupo. Ayon kay House Majority Leader Rodolfo Farinas, habang walang pinal na desisyon ang liderato ng House of Representatives(HOR) ay mambabatas pa rin si Roque. Sinabi ng mambabatas, iba-iba ang “school of thought” sa isyung ito dahil …
Read More »COP sibak sa kotong sa 3 Koreano
SINIBAK sa puwesto ang hepe ng pulisya ng Angeles City, Pampanga bunsod nang pagkakasangkot sa robbery, holdap at extortion ng kanyang mga tauhan sa tatlong Korean nationals. Ayon kay PNP Region 3 director, C/Supt. Aaron Aquino, papalit sa puwesto ni S/Supt. Sidney Villaflor bilang chief of police ng Angeles City, si S/Supt. Jose Hidalgo Jr. Nauna nang sinibak ni Chief …
Read More »Mamasapano ‘carnage’ ops ng CIA (SAF 44 ‘ipinapatay’ ni PNoy?)
NAKIPAGSABWATAN si dating Pangulong Benigno Aquino III sa Central Intelligence Agency (CIA) para isoga ang mga operatiba ng Special Action Force (SAF) sa operasyon laban kay international terrorist Zulkifli Bin Hin alyas Marwan at nagresulta sa pagkamatay ng 44 SAF commandos noong Enero 25, 2015. “Let it be brought to the open. It was an American adventure with the cooperation …
Read More »SAF 44 commission bubuuin
ISANG komisyon ang bubuuin ni Pangulong Rodrigo Duterte upang muling imbestigahan ang kaso nang pagkamatay ng 44 commandos ng Special Action Force (SAF) sa Mamasapano, Maguindanao noong 25 ng Enero, 2015. Sinabi ng Pangulo sa kanyang talumpati sa Dialogue with SAF 44 Families kahapon sa Palasyo, isang katulad ng Agrava Commission ang kanyang itatatag sa layunin na bigyan ng hustisya …
Read More »Purisima, Napeñas sinampahan ng kaso sa SAF 44
TULUYAN nang kinasuhan sa Sandiganbayan sina dating Philippine National Police (PNP) Chief Alan Purisima at dating Special Action Force (SAF) Commander Getulio Napeñas dahil sa katiwalian at usurpation of powers kaugnay sa Mamasapano encounter. Ginawa ng Office of the Special Prosecutor ang pahahain ng reklamo sa bespiras ng ikalawang anibersaryo ng madugong insidente na ikinamatay ng 44 tauhan ng Special …
Read More »Casino sa Museo ng Maynila bubusisiin ng Kamara
PAIIMBESTIGAHAN sa Kamara ang kontratang ipinasok ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) para sa pag-upa ng lugar ng Museo ng Maynila na lalagyan ng casino. Kasunod ito sa paghahain nina Pampanga Rep. Juan Pablo Bondoc at Ang Edukasyon Rep. Salvador Belaro Jr. ng kanilang House Resolution 708. Ang resolusyong ito ay nagsasabing magsasagawa ng imbestigasyon ang House committee on …
Read More »4,000 Martial Law victims babayaran na
MATATANGGAP na ang kompensasyon ng 4,000 claimants na naging biktima ng human rights violations noong panahon ng Martial Law. Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, iprinisenta ng Human Rights Victims Claims Board kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang desisyong bayaran ang inisyal na 4,000 claimants. Ayon kay Abella, welcome development ito para sa mga naging biktima ng human rights violations …
Read More »Sin Tax Reform Act ipasa na (Hirit ng tobacco farmers)
NANAWAGAN kahapon ang grupo ng tobacco farmers sa Senado gayondin kay Pangulong Rodrigo Duterte, na ipasa na ang House Bill 4144 o Sin Tax Reform Act. Paliwanag ni Mario Caba-sal, presidente ng National Federation of Tobacco Farmers Association and Cooperatives (NAFTAC), magiging patas ang kompetisyon sa merkado sa pagitan ng local manufacturers at premium brands na sigarilyo sa oras na …
Read More »DENR regional officials binalasa
BINALASA ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang kanilang field officials upang isulong ang environmental programs na idinesenyo para mapaunlad ang mga komunidad sa buong bansa. Sinabi ni Environment Secretary Gina Lopez kahapon, apektado sa nasabing pagba-lasa ang 17 DENR regional offices, aniya ay isang mahalagang hakbang, patungo sa five-year development plan para sa nasabing kagawaran. Ang kanyang …
Read More »Expanded STL inilunsad ng Palasyo
PORMAL nang inilunsad sa Malacañang ang Expanded Small Town Lottery (STL) na inaasahang ilalaban sa mga ilegal na sugal gaya ng jueteng. Sinabi ni PCSO General Manager Alexander Balutan, alam nilang matagal nang nalugmok ang bansa sa ilegal na mga sugal at panahon na para puksain. Ayon kay Balutan, retired Marines general, layon ng expanded STL na makalikom nang dagdag …
Read More »Share ng solons sa PCSO inupakan ni Lacson
KINUWESTIYON ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson ang share na natatanggap ng mga kongresista mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) dahil wala aniyang institutionalized treasurer ang mga mambabatas. Ayon kay Lacson, hindi siya tutol kung may makukuhang share ang municipal o city mayor dahil meron itong municipal treasurer, at magiging additional budget ito sa municipal government, city government at provincial …
Read More »Sentido pinasabog ng 14-anyos sa baril ng ama
PATAY ang isang 14-anyos estudyante makaraan magbaril sa sentido sa Parañaque City kamakalawa. Hindi na umabot nang buhay sa Las Piñas Doctors Hospital ang biktimang si David Matti. Ayon sa ulat ng Parañaque City Police, nangyari ang insidente sa master’s bedroom ng bahay ng pamilya ng biktima dakong 4:00 pm. Napag-alaman, ang baril ay lisensiyado at pag-aari ng ama ng …
Read More »Lola patay sa sunog
BINAWIAN ng buhay ang isang 69-anyos lola nang ma-trap sa nasunog na 2 storey apartment sa Balut, Tondo, Maynila kahapon. Kinilala ang biktimang si Rosalina Hornilla, science teacher ng elementary school at residente ng Alfonso Street, Balut, Tondo. Ayon sa ulat ng pu-lisya, dakong 4:00 am nang magsimula ang sunog sa ikalawang pa-lapag ng apartment na tinutuluyan ng pamilya ng …
Read More »Chinese trader pinatay ng tauhan
PATAY ang isang 46-anyos negosyanteng Chinese makaraan tadtarin ng saksak ng kanyang tauhan sa loob ng banyo ng kanilang warehouse sa Sta. Cruz, Maynila kahapon ng umaga. Wala nang buhay nang matagpuan ng pamangkin na si Angelita Dy ang biktimang si Tito Lee, ng 2013 Rizal Avenue, Sta. Cruz, Maynila dakong 7:30 am. Habang tinutugis ng mga awtoridad ang suspek …
Read More »Journalist pilit inaresto ng Digos police (Utos ni Gov kahit walang warrant of arrest)
HINDI umalma ang Palasyo sa paglabag ng mga kagawad ng Digos City Police sa umiiral na memorandum of agreement ng Philippine National Police (PNP) sa iba’t ibang media organizations na hindi puwedeng arestohin ang isang mamamahayag na may kasong libel kapag Biyernes, Sabado at Linggo. Batay sa ulat, dinahas ng ilang elemento ng Digos City Police at tinangkang dakpin ang …
Read More »P13.9-B utang ni Jack Lam sa PAGCOR (800 Chinese sa Fontana nakatakas — Aguirre)
UMAABOT sa P13.9 bilyon ang utang ng negosyanteng si Jack Lam sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR). Sa pagdinig ng Senado kaugnay ng bribery scandal sa Bureau of Immigration (BI), sinabi ni PAGCOR associate vice president Arnel Ignacio, aabot lamang sa isang porsiyento ang inire-remit ni Lam sa kanyang kita sa junket operations. Ngunit hindi niya matantiya ang eksaktong …
Read More »Duterte mukhang school boy sa pagharap sa Miss U candidates (Kalmado at good boy)
KALMADO at “good boy” na Pangulong Rodrigo Duterte ang humarap sa 84 kandidata ng Miss Universe pageant sa Palasyo kahapon. Inamin ng Pangulo, kahapon lang nangyari sa buhay niya na napunta sa isang silid na puno ng naggagandahang dilag at hangad niya na sana’y hindi na matapos ang araw. “This is either privilege and an honor and I hope that …
Read More »