Tuesday , June 25 2024
arrest posas

2 lalaking umiihi arestado sa droga (Sa pampublikong lugar)

HINULI ang dalawang lalaki habang umiihi sa pampublikong lugar at nakompiskahan ng umano’y ilegal na droga sa Pasay City, kahapon ng madaling-araw.

Nakakulong sa detention cell ng Pasay City Police ang mga suspek na sina Jomar Mamaril, 27, at Kevin Ogaya, 27, barker, kapwa residente sa E. Rodriguez St., Brgy. 4, Zone 2, sa nasabing lungsod.

Base sa ulat ni Southern Police District (SPD) Public Information Office (PIO) spokesperson, Supt. Jenny Tecson, naganap ang insidente sa panulukan ng F.B. Harrison at E. Rodriguez streets, dakong 4:00 ng madaling-araw.

Nagpapatrolya sina PO1 Adel Ryan Espinas, PO1 Dennis Suyu at PO1 Benigno Aquino, nang mamataan ang dalawang suspek habang umiihi sa publikong lugar.

Sinita nila ang mga suspek at nang kapkapan ay nakuha mula kina Mamaril at Ogaya ang isang pakete ng hinihinalang shabu, at drug paraphernalia.

Dinala ang mga suspek sa tanggapan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Pasay City Police upang imbestigahan at sampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165) at City Ordinance No.1572 (Urinating in Public Places) sa Pasay Prosecutor’s Office.

 (JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

arrest, posas, fingerprints

No. 3 MWP ng Leyte  
NAARESTO SA CALOOCAN

ARESTADO ang isang lola na nakatala bilang No. 3 most wanted person (MWP) sa Leyte …

shabu drug arrest

P.2M shabu kompiskado  
BEBOT, ISA PA, TIKLO SA VALE AT KANKALOO

DALAWANG pinaghihinalaang tulak ng ilegal na droga, kabilang ang isang bebot ang inaresto matapos makuhaan …

SAF hinikayat ni Cayetano para sa ‘transformative’ role sa bansa

PARA kay Senator Alan Peter Cayetano, maaaring makakuha ng inspirasyon ang ating mga kababayan mula …

MATATAG curriculum

Creative & critical thinking ng Pinoy students inaasahang patatalasin ng MATATAG curriculum

KOMPIYANSA si Senador Win Gatchalian na tataas ang antas ng creative at critical thinking skills …

prison rape

Most wanted sa statutory rape
68-ANYOS LOLO TIMBOG SA VALE

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang lolo na wanted sa tatlong bilang ng kasong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *