MALABONG mapatalsik si Pangulong Rodrigo Duterte, sa pamamagitan ng people power revolution. Ito ang sinabi ng dating PNP chief at ngayon ay Sen. Panfilo Lacson, kasunod ng mga lumulutang na isyu ng impeachment, at sinasabing pagkilos ng ilang grupo. “Malabo. Malabo at this point in time especially ngayong time na mataas ang trust rating ni PRRD (Pres. Rodrigo Roa Duterte), …
Read More »Anak ng beteranong reporter patay sa accidental firing (‘Di suicide)
HINDI suicide kundi namatay sa accidental firing ang 45-anyos dating barangay konsehal, makaraan makalabit ang baril at tinamaan sa dibdib sa kanyang kuwarto noong 19 Pebrero ng gabi sa Caloocan City. Ang biktimang si Romel del Prado, panganay na anak ng beteranong CAMANAVA reporter na si Grande del Prado, residente sa Phase 3 E-1, Block 1, Lot 10, Dagat-dagatan, Brgy. …
Read More »Protesta sa VP race tinanggap ng PET (Marcos camp nagpasalamat)
LALABAS ang katotohanan, pahayag ng abogado ni dating Senador Ferdinand ‘Bongbog’ Marcos Jr., na si Atty. George Erwin Garcia bilang reaksiyon sa resolusyon ng Presidential Electoral Tribunal (PET) sa electoral protest laban sa pagkapanalo ni dating Camarines Sur representative Maria Leonor ‘Leni’ Robredo sa vice presidential race sa nakaraang halalan. Ayon kay Garcia, hindi mismo kung sino ang nanalo sa …
Read More »Bloggers press corps binuo ng Palasyo
MAKARAAN ‘makipagsalpokan’ sa mga reporter sa Palasyo at Senado, plano ni Communications Secretary Martin Andanar na magtayo ng isang organisasyon na gaya ng isang press corps para sa pro-administration bloggers. Sa isang draft memorandum kahapon, na ipinamahagi sa Malacañang Press Corps (MPC), ipinanukala ni Andanar na magkaroon ng “social media press corps” na bubuuin ng online propagandists na nangampanya para …
Read More »Duterte bumalik sa peace talks
NAGBAGO ang isip ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibasura ang peace talks, at tiniyak na magkakaroon ng estratehikong pagbabago sa landas tungo sa kapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at kilusang komunista sa panahon ng kanyang administrasyon. Ito ang resulta ng pulong ni Pangulong Duterte sa National Democratic Front (NDF) – recommended cabinet members na sina Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo, …
Read More »Sa Tanay tragedy: Field trips itigil muna — CHEd
ISINUSULONG ng isang opisyal ng Commission on Higher Education (CHEd), na ipagbawal ang lahat ng educational tours habang iniimbestigahan kung paano nauwi ang isang field trip sa trahedyang kumitil sa 15 indibidwal sa Tanay, Rizal. Ani CHEd commissioner Prospero de Vera, hihikayatin niyang maglabas ang CHEd en banc ng moratorium sa mga field trip, upang maayos na masuri ang insidente …
Read More »Waiver sa field trips walang bisa — CHEd exec
HINDI maaaring talikuran ng paaralan ang responsibilidad sa mga estudyante, sakaling magkaroon ng aksidente ang isang school event, kahit may pinirmahang “waiver” ang mga magulang o guardian ng mga mag-aaral. Ito ang iginiit ng dalawang miyembro ng academe nitong Martes, makaraan maaksidente ang isang bus sakay ang mga estudyanteng magfi-field trip sa Tanay, Rizal, nagresulta sa pagkamatay ng 15 katao. …
Read More »Ayon sa LTFRB: Driver sa fields trips dapat may sertipikasyon
NAIS ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), na mapatibay ang ugnayan sa Commission on Higher Education (CHEd), para maiwasang mauwi ang mga field trip sa aksidente, tulad nang ikinamatay ng 15 katao nitong Lunes. Sa panayam ng DZMM, sinabi ni LTFRB board member Atty. Aileen Lizada, napag-alaman nilang nakikipag-ugnayan ang CHEd sa mga lokal na pamahalaan, at iba …
Read More »P277-M gastos ni Duterte sa foreign trips
UMABOT sa P277 milyon ang ginatos ng pamahalaan sa pitong foreign trips ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, sa 12 bansa na binisita ng Pangulo, gumastos ang pamahalaan ng P277 milyon at nakakuha ang bansa ng 5.85 bilyong dolyar na foreign investment, at makalilikha nang mahigit 350,000 trabaho. Pinakamalaki aniya ang nakuhang foreign investment ng pangulo …
Read More »Andanar nakoryente, source ng info Meralco (Sa US$1K payoff) — Sotto
NAKORYENTE si Presidential Communication Chief Martin Andanar, sa kanyang source na sinuhulan ng halagang US$1,000 ang mga miyembro ng media, na nag-cover sa press conference ni dating SPO3 Arturo Lascañas, sinasabing hepe ng Davao Death Squad, nagbunyag na si dating Davao City Mayor at ngayon ay Pangulong Rodrigo Duterte ang nasa likod ng pagpaslang sa ilang mga biktima nila sa …
Read More »Andanar inilaglag ng AFP
INILAGLAG ng militar si Communications Secretary Martin Andanar nang ikaila ang pahayag niya na may mga pagkilos para pabagsakin ang administrasyong Duterte. Sa press conference sa Camp Aguinaldo kahapon, sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesman Edgard Arevalo, wala silang na-monitor na anomang pakana para patalsikin ang pamahalaang Duterte. “Based on our monitoring, negative. We have not monitored …
Read More »No special treatment kay De Lima — Rep. Castro
KOMPIYANSA si House Deputy Speaker Fredenil Castro, hindi mabibigyan ng special treatment si Sen. Leila de Lima, sakaling matuloy ang pag-aresto sa senadora. Pahayag ito ni Castro makaraan ma-raffle ang tatlong kasong kriminal na isinampa ng Department of Justice (DoJ), laban kay De Lima kaugnay sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison. Binigyang diin ng kongresista, ang batas sa …
Read More »4 pulis patay, 3 kritikal, suspek utas (Nagsilbi ng arrest warrant)
BAGUIO CITY – Patay ang apat miyembro ng Kalinga Provincial Public Safety Company, habang kritikal ang tatlong iba pa, nang lumaban ang suspek na sisilbihan nila ng warrant of arrest sa Lubnac, Lubuagan, Kalinga, kamakalawa. Ayon kay S/Supt. Brent Madjaco, provincial director ng Kalinga Police, kabilang sa mga namatay sina PO3 Cruzaldo Lawagan, PO2 Jovenal Aguinaldo, PO1 Charles Compas, at …
Read More »Sundalo patay sa ambush sa Maguindanao
COTABATO CITY – Patay ang isang sundalo sa pananambang ng hinihinalang liquidation squad ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), sa probinsya ng Maguindanao, kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Sgt. Zaldy Caliman, kasapi ng 57th Infantry Battalion Philippine Army. Ayon kay Maguindanao police provincial director, S/Supt. Agustin Tello, lulan ang biktima ng kanyang motorsiklo, kasama ang kanyang anak at asawa mula …
Read More »Psychopathic serial killer, mass murderer (Bansag kay Duterte ni De Lima)
TINAWAG na psychopathic serial killer ni Senadora Leila de Lima si Pangulong Rodrigo Duterte, ito ay kasunod nang paglutang ni dating Davao Death Squad chief, Arturo Lascañas para ilantad ang kanyang panibagong rebelasyon nang patayan sa ilang personalidad sa Davao. Ayon kay De Lima, bukod dito maituturing ding isang mass murderer ang Pangulo makaraan ang pag-amin ni Lascañas. Bunsod nito, …
Read More »EJK hearing pinabubuksan sa senado
NAIS ng ilang mga senador na muling buksan ng Senado ang imbestigasyon sa extra judicial killings (EJK), ito ay kasunod nang paglutang ng dating lider ng Davao Death squad, na si SPO3 Arturo Lascañas, at binawi ang kanyang mga naunang pahayag sa Senado. Ayon kina Senadora Grace Poe, Leila de Lima, at Senador Bam Aquino, ito ang tamang panahon para …
Read More »Rape suspect timbog sa parak
CAMP OLIVAS, Pampanga – Nasakote nang pinagsanib na puwersa ng Mexico Police at Pampanga Provincial Public Safety Company, ang isang lalaking suspek sa panggagahasa at no. 2 most wanted person sa nasabing bayan, sa manhunt operation ng mga awtoridad sa Brgy. Sta. Cruz Maragul, Mexico, kamakalawa ng tanghali. Base sa report ni Supt. Wilfredo M. Paulo, hepe ng Mexico Police, …
Read More »Driver, 13 estudyante patay sa Tanay (Tour bus nawalan ng preno saka sumalpok sa poste)
UMAKYAT na sa 14 katao ang mga namatay sa pagsalpok ng isang tourist bus sa poste ng koryente sa Brgy. Sampa-loc, Tanay, Rizal kahapon ng umaga. Kabilang sa namatay ang driver ng Panda Coach Tours and Transport Inc. bus, na si Julian Lacorda, 37, dead-on-arrival sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center. Napag-alaman, 59 katao ang lulan ng bus, kabilang ang …
Read More »Andanar resign — NUJP (Sa akusasyon sa Senate media)
DAPAT itikom ni Communications Secretary Martin Andanar ang kanyang bibig o magbitiw sa puwesto dahil sa labis na pag-abuso at tila hindi niya alam ang kanyang mga responsibilidad. Ito ang pahayag kahapon ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) sa pag-akusa ni Andanar sa mga mamamahayag na nagtungo sa press conference sa Senado ni retired SPO3 Arturo Lascanas …
Read More »Gov. Umali ipinagbawal pagputol at pagbiyahe ng Coconut tree (Sa Oriental Mindoro)
NAGLABAS ng Executive Order (EO) No. 85 si Oriental Mindoro Governor Alfonso V. Umali, Jr., para sa pansamantalang pagpapatigil sa pagpuputol ng niyog at paglalabas sa ibang lugar ng mga coco lumber sa lalawigan. Ito ay dahil sa napakaraming puno ng niyog ang nasalanta ng nagdaang bagyong Nina na halos ikaubos nito. Sa datos ng pamahalaang panlalawigan, nasa 150,000 board …
Read More »Work slowdown inilarga sa NAIA ng BI employees (Sa tinanggal na overtime pay)
APEKTADO at bumagal ang proseso sa bawat pasaherong dumaraan sa Immigration counter sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals sa isinagawang work slowdown kahapon. Dahil sa work slowdown ng BI employees, iniulat na umabot sa 20 hanggang 30 minutos bago matapos ang trasanksiyon ng mga pasahero. Isinagawa ang work slowdown sanhi nang hindi pagbabayad sa overtime pay para sa mga …
Read More »Peace talks tuloy — CPP
MAAARI nang umusad ang negosasyon para sa pagbalangkas ng bilate-ral ceasefire agreement ng gobyerno at National Democratic Front of the Philippines (NDFP), na nakatakda sa 22-27 Pebrero sa Netherlands, kapag nagpasya si Pangulong Rodrigo Duterte na ipadala ang negotiating panel at mga emisaryo. Sa kalatas ng Communist Party of the Philippines (CPP) kahapon, inihayag na upang matiyak ang tagumpay ng …
Read More »Sabwatang Gaudan, BM Ikay may basbas ng lady solon?
MISTULANG nabuking ng kampo ni Negros Oriental Governor Roel Degamo ang sabwatan nina June Vincent Manuel Gaudan at Board Member Jessica Jane ‘Ikay’ Villanueva na nagsampa sa kanya ng kaso sa Ombudsman na sinabing nasa likod ang lady solon na si Josy Sy Limkaichong. Unang nagsampa sa Ombudsman main office si Gaudan, Legislative Officer IV sa House of Representatives tauhan …
Read More »Pimentel sa arresting officer: Common sense pairalin sa pag-aresto kay De Lima
UMAPELA si Senate President Aquilino Koko Pimentel III, sa law enforcers, na pairalin ang common sense sakaling arestohin si Sen. Leila de Lima kaugnay sa drug cases. Ayon kay Pimentel, sakaling isilbi ng mga miyembro ng Philippine National Police, ang warrant of arrest laban kay De Lima, nawa ay huwag silang istorbohin sakaling nasa sesyon sila sa Senado. Kailangan din …
Read More »Palag ng Anakbayan: De Lima hindi political prisoner
HINDI puwedeng ituring na political prisoner si Sen. Leila de Lima, ayon sa makakaliwang grupo ng mga kabataan na Anakbayan. Sa panayam ng Hataw, binatikos ni Kevin Aguayon, spokesperson ng Anakbayan-Metro Manila, ang pahayag ni De Lima, kapag inaresto siya ng mga awtoridad ano mang araw dahil sa mga kasong may kaugnayan sa illegal drugs. Pinabababaw aniya ni De Lima …
Read More »