Sunday , January 12 2025

News

Babaeng negosyante patay sa pa-beauty (2 doktor kakasuhan)

DESIDIDO ang pamilya ni Shiryl Saturnino na kasuhan ang dalawang doktor ng The Icon Clinic, dahil sa pagkamatay ng biktima makaraan operahan nitong Linggo ng madaling-araw. Napag-alaman, ikatlong beses nang nagtungo ang biktima sa nasa-bing pribadong klinika para sumailalim sa breast liposaction at butt surgery. Naniniwala ang mga magulang ng biktima na sina Noli at Shirley Sa-turnino, nagkaroon ng kapabayaan …

Read More »

Plunder case vs solon nilimot na (Limkaichong bagyo sa Ombudsman)

KINUKUWESTIYON ng mga mamamayan sa lalawigan ng Negros Oriental ang Ombudsman Visayas gayondin si Ombudsman Conchita Carpio-Morales kung bakit tila mayroon silang pinapa-boran sa mga kaso na isinasampa sa kanilang tanggapan. Anila, lumalabas na agad inaprubahan ni Morales ang pagsasampa ng kaso sa Sandiganbayan laban kay Governor Roel Degamo kahit walang sapat na ebidensiyang pinanghahawakan. Sa tulong umano ng ilang …

Read More »

Pahayag ng Palasyo: Occupy na pabahay ibigay sa Kadamay

TIWALA ang Palasyo na mananatiling tapat ang militanteng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY) sa kanilang “social contract” at iiwasan ang paggamit ng dahas upang igiit ito. Sa press briefing sa Palasyo kahapon, sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, naki-pagkasundo ang National Housing Authority (NHA) sa Kadamay hinggil sa isyu ng Occupy Bulacan, o ang puwersahang pag-okupa ng halos anim …

Read More »

Well-funded agit-prop vs Duterte kargado ng politicians

NAGMULA sa mga politiko at ilang personalidad ang unlimited funds na bumubuhos sa New York Times (NYT) para pabagsakin ang administrasyong Duterte. “One can only conclude that  certain personalities and politicians have mounted a well funded campaign utilizing hack writers and their ilk in their bid to oust President Rodrigo Roa Duterte,” ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella kaugnay sa …

Read More »

Digong puwedeng magtalaga ng barangay officials

SAKLAW ng kapangyarihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang magtalaga ng mga opisyal sa mga bakanteng posisyon sa gobyerno, batay sa Administrative Code of 1987. Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, kapag lumusot sa Kongreso ang panibagong batas na nagpapaliban sa barangay elections sa Oktubre, awtomatikong bakante ang lahat ng posis-yon sa barangay kaya maaaring maghirang si Pangulong Duterte ng mga …

Read More »

Panukala sa pagliban sa brgy. election inihain sa Kamara

congress kamara

NAGHAIN si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ng panukalang batas para sa muling pag-liban ng pangbarangay na halalan, na nakatakda dapat sa Oktubre ng taon kasalukuyan. Sa ilalim ng House Bill 5359, sinabi ni Barbers, mahalagang matanggal sa kani-kanilang puwesto ang barangay officials na sangkot sa ilegal na droga. Binigyan-diin ni Barbers ang importansya nang ninanais ni Pangulong …

Read More »

Digong no.1 most influential person (Global Pinoys pinasalamatan)

NAGPASALAMAT si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Filipino sa iba’t ibang parte ng bansa sa pangunguna niya sa listahan ng “Most Influential Persons in the World”  sa online vo-ting ng Time magazine. “We note that President Rodrigo Roa Duterte has been included in Time magazine’s annual list of the 100 most influential persons in the world. President Duterte is grateful …

Read More »

Himok ng CPP sa gov’t troops mag-stand down (Sa Mindanao)

UMAPELA ang Communist Party of the Philippines (CPP), sa pulisya at military units sa tatlong probinsiya ng Mindanao, na “mag-stand down” para sa pagpapalaya ng apat “prisoners of war.” Ginawa ng CPP ang naturang panawagan, kasunod sa kanilang anunsiyo kamakalawa na bubuhayin nila ang unilateral ceasefire bago mag- 31 Marso. Napag-alman, nakatakdang palayain ang apat bihag ng New People’s Army …

Read More »

Druglords yumaman sa pobreng Pinoy (Kaya dapat lipulin pati galamay)

NAGPAYAMAN ang drug lords sa mga pobreng Filipino kaya dapat silang malipol, kasama ang lahat ng mga galamay upang makamit ang ganap na katahimikan, kapayapaan at kaunlaran sa bansa. Sa kanyang talumpati sa Kaamulan Festival sa Malaybalay City, Bukidnon, tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakalawa, gagapiin niya ang druglords, uubusin hanggang sa huling araw ng kanyang termino sa 2022. “If …

Read More »

82% ng taga-Metro Manila pabor sa drug war ni Duterte — Palasyo

LUBOS ang pagtanggap ng mga mamamayan sa drug war ng administrasyon taliwas sa ipinipintang lagim at kawalang pag-asa ng mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ang pahayag kahapon ni Presidential Spokesman Ernesto Abella kaugnay sa pinakahuling resulta ng Pulse Asia survey, na mahigit 8 sa sampu o 82 porsiyento ng mga residente ng Metro Manila ay nakaranas na mas …

Read More »

e-Passport probe hiling ng obrero sa kongreso

HINIKAYAT ng isang malaking asosasyon ng mga unyon ng mga obrero ang Kongreso na imbestigahan ang proyektong e-passport ng pamahalaan at hiniling na ibaba ang presyo nito para maging abot-kaya sa hanay ng mga manggagawa lalo na sa overseas Filipino workers (OFWs). Sa isang pahayag ng Philippine Association of Labor Unions (PAFLU), tinawag nilang ‘anti-worker’ ang overpricing ng bagong digital passport. …

Read More »

Survey result sa anti-drug war ibinida ng NCRPO (82% Filipino nagsabing sila ay ligtas)

IBINIDA ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang resulta ng Pulse Asia survey, nagsasabing 82 porsiyento ng taga-Metro Manila ang nagsabing mas ligtas ang pakiramdam nila kasunod nang pinaigting na kampanya ng gobyerno laban sa ilegal na droga. Ang nasabing survey na ipinamahagi ng NCRPO, ay isinagawa noong 6-11 Disyembre 2016, limang buwan makaraan ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte …

Read More »

CPP handa sa unilateral ceasefire

NAKATAKDANG maglabas ang Communist Party of the Philippines (CPP) ng unilateral declaration of interim ceasefire bago 31 Marso, para bigyang-daan ang ika-apat na round ng peace talks ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at Government of the Republic of the Philippines (GRP), na isasagawa mula 2-6 Abril sa The Netherlands. Ang pahayag ng CPP ay kasunod ng pag-anunsiyo …

Read More »

Magdyowa niratrat sa bahay, patay

dead gun police

PATAY ang mag-live-in partner na dating nagtutulak at gumagamit ng droga, makaraan pasukin sa kanilang bahay at pinagbabaril ng apat hindi nakilalang mga suspek sa Sitio Veterans, Brgy. Bagong Silangan, Quezon City. Sa ulat kay Quezon City Police District (QCPD) director, Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, kinilala ang mga biktimang sina Ariesto Sanchez, 29, at Gina Sepida, 35, kapwa …

Read More »

NPA naging kasangga ni Duterte (Kangaroo court hanggang Palasyo)

Duterte CPP-NPA-NDF

NAGSIMULA ang magandang relasyon ni Pa-ngulong Rodrigo Duterte sa mga rebeldeng komunista nang naging prisoner of war (POW) siya ng New People’s Army noong 1987, habang acting vice mayor siya ng Davao City matapos ang EDSA People Power 1. Sa kanyang talumpati sa 30th PNPA Commencement Exercises sa Silang, Cavite kahapon, inamin ni Pangulong Duterte na naging POW siya ng …

Read More »

P86.5-M pekeng Nike, Converse shoes kompiskado

NAKOMPISKA ng mga ahente ng National Bureau of Investigation-Intellectual Property Rights Division (NBI-IPRD), ang P86.5 milyon halaga ng pekeng Nike at Converse rubber shoes sa isinagawang raid sa Pasay City. Sinalakay sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Rainelda H. Estacio-Montesa ng Manila RTC Branch 46, ang mga unit na inookupa nina Ana Chua, Wang Yu Bo, at …

Read More »

P3-B yosi kompiskado sa Mighty Corp. warehouse

HALOS P3 bilyon halaga ng mga produktong hinihinalang may fake tax stamps ang nakompiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) sa dalawang warehouse ng kontrobersiyal na Mighty Corporation, kahapon. Ang nasabing kompanya ng sigarilyo ay una nang kinasuhan ng P9.5 bilyon tax evasion case ng BIR, dahil sa kabiguang magbayad ng wastong buwis. Sinalakay ng BoC ang compound …

Read More »

Kill Digong plot bistado (Impeachment butata)

IBINISTO ni Pangulong Rodrigo Duterte, na seryoso ang mga hakbang para patalsikin siya sa puwesto sukdulang itumba siya para makaupo agad si Vice President Leni Robredo sa Palasyo. Sa kanyang talumpati sa 16th National Convention of Lawyer  ng Integrated Bar of the Philippines sa Marriott Hotel sa Pasay City, isiniwalat ni Pangulong Duterte na magkakasabwat sina Vice President Leni Robredo, …

Read More »

Barangay officials itatalaga (Walang eleksiyon)

HUMAHANAP ng paraan si Pangulong Rodrigo Duterte upang kanselahin ang barangay elections, at italaga na lamang niya ang mga opis-yal ng barangay sa buong bansa. “We are looking for a way to appoint na lang the barangay captains but the mechanism of how to go about it, select them. Ako I can, but you know, it’s always the President who …

Read More »

Batas sa postponement ng barangay, SK poll kailangan — Comelec

HINIMOK ni Comelec Chairman Andres Bautista ang Malacañang, na ibigay ang direktiba sa Kongreso para sa kaukulang batas para sa election postponement sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) sa 23 Oktubre  2017. Ayon kay Bautista, verbal information pa lang ang hawak nila ngayon kaya hindi pa nila masabi kung matutuloy o maipagpapaliban muli ang halalang pambarangay. Hiling ni Bautista, maisabatas …

Read More »

Titser kritikal 3 estudyante naospitaL (Asoge tumapon sa MaSci lab)

SINUSPENDI ng lokal na pamahalaan ng Maynila, ang klase sa Manila Science High School sa Taft Avenue simula nitong Huwebes, dahil sa pagkakatapon ng nakalalasong kemikal na mercury sa isang silid-aralan. Natapon ang mercury nang matabig ang pinaglalagyan nito habang nililinis ng dalawang estudyante at dalawang guro ang stockroom ng isang science laboratory noong 11 Marso, ayon kay Manila City …

Read More »

Impeach Leni ipinababasura ni Digong

IBASURA ang impeachment complaint laban kay Vice President Leni Robredo. Ito ang mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga mambabatas hinggil sa inihaing impeachment complaint laban kay Robredo, kaugnay sa pagpapadala niya ng video message sa isang pagtitipon ng United Nations anti-drugs convention sa Vienna, Austria kamakailan, na binatikos ang extrajudicial killings kaugnay sa drug war ng administrasyon. Anang Pangulo, …

Read More »

Leni apurado maging pangulo (Utak ng destab plot) — Duterte

BANGKOK, Thailand – TINUKOY ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo na utak ng mga pagkilos para patalsikin siya sa puwesto, dahil nagmamadali nang maging pangulo. Sa mahigit dalawang oras na talumpati ng Pa-ngulo sa harap ng 2,000 migranteng Filipino na nakabase rito sa Royal Thai Navy Convention Center, sinabi ng Pangulo, nagkamali sila sa hindi pagboto kay …

Read More »

Baguio City nilindol

earthquake lindol

BAGUIO CITY – Niyanig ng magnitude 3.0 o intensity 2 lindol ang lungsod ng Baguio dakong 11:34 am, kahapon. Ayon kay Dandy Camero, science research specialist ng Philvolcs-Baguio, naitala ang sentro ng pagyanig sa 6km sa timog, o 67 degrees Celsius sa kanluran ng Baguio City. Aniya, ito ay “tectonic in origin” at may lalim na 15km. Sinundan pa ito …

Read More »

DoLE D.O. 174 mahigpit na ipatutupad – Bello

TINIYAK ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III sa grupo ng mga manggagawa, mahigpit na ipatutupad ng Department of Labor and Employment (DoLE), ang bagong Department Order, na mahigpit na nagbabawal sa labor-only contracting, at iba pang uri ng ilegal na pangongontrata. “Kahit na anong ganda ng order, kung sa implementas-yon e walang saysay, wala ring mangyayari riyan. Ito ang …

Read More »