TINIYAK ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na walang banta o pagtatangka para pabagsakin o patalsikin si Pa-ngulong Rodrigo Duterte. Nananatili pa rin ang posibilidad na maaaring magsagawa ng coup d’état laban sa pangulo bunsod ng kampanya kontra korupsiyon at droga na ipinapatupad sa buong ng da-ting alkalde ng Davao City. Ito ang napagalaman ng Hataw sa mga nakalap …
Read More »Droga sa banta ng Maute group vs Gen. Bato (Balik war on drugs ng PNP mas madugo)
KOMBINSIDO si Philippine National Police Director General Ronald dela Rosa, may kinalaman sa droga ang panibagong banta ng Maute group sa kanyang buhay. Naniniwala si Dela Rosa, droga at posibleng drug money ang nag-ud-yok sa Maute group, na pagtangkaan ang kanyang buhay habang nasa Mindanao State University noong Enero. “Bakit? Ano ang personal na galit nila sa akin, except for …
Read More »Jeepney drivers haharapin ni Digong
HAHARAPIN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga tsuper at operator ng mga pampasaherong jeep, na naglunsad ng tigil-pasada nitong Lunes, bilang pagkondena sa planong modernisasyon sa mga pampublikong sasakyan. Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, nais mapakinggan ng Pangulo ang pagtutol ng mga jeepney driver sa panukalang modernisasyon sa mga pampublikong sasakyan o phaseout ng mga lumang modelo. Sinabi ni …
Read More »Koalisyon ng NDFP at Duterte admin epektibo
WALANG kagyat na pangangailangan para ipagpatuloy ang usapang pangkapayapaan dahil maayos naman ang takbo ng gobyernong Duterte sa tulong ng tatlong miyembro ng gabinete na inirekomenda ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP). Sa press conference sa Malacañang kahapon, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na isang libong beses niyang pag-iisipan kung babalik sa hapag ng negosasyon ang gobyerno sa …
Read More »Laviña sinibak ni Digong
SINIBAK ni Pangulong Rodrigo Duterte si National Irrigation Admi-nistration (NIA) admi-nistrator Peter Laviña noong nakaraang linggo . “When I said there will be no corruption, there will be no corruption. As a matter of fact, I fired last night one taga-Davao na… for simply making a remark about — sabi ko he’s out and I told him even a whiff …
Read More »Protesta ni Lim sa Comelec ‘di idinismis (Press release ng city hall sinungaling)
HINDI totoong dinismis ng Comelec ang protesta ni dating Manila Mayor Alfredo Lim. Ito ang paglilinaw kahapon ng abogado ni Lim na si Atty. Renato dela Cruz, abogado ni Lim, na nagsabing ‘inaccurate’ o hindi makatotohanan ang press release ng Manila City Hall ukol sa isyu at layuning linlangin o iligaw ang publiko. Aniya, ang niresolba ng Comelec, base sa …
Read More »Lolo’t lola 3 apo patay sa sunog (Sa Taguig)
PATAY ang dalawang senior citizen at tatlong batang apo sa sunog sa isang residential area sa Brgy. Pinagsama, Taguig City, kamakalawa ng gabi. Ayon kay Taguig Fire Marshall Ian Guerrero, ang mga biktima ay kinilalang ang mag-asawang sina Ramon, 78, at Virginia Benjamin, 68, at kanilang mga apo na sina Francine, 12, Franklin, 8, at France John Loza-no, 6, magkakapatid. …
Read More »3-anyos paslit nabagsakan ng hollow blocks patay
PATAY ang isang 3-anyos lalaking paslit, makaraan mabagsakan nang nakasalansan na hollow blocks sa isang inire-renovate na bahay habang naglalaro sa Old Sta. Mesa, Maynila, kamaka-lawa ng hapon. Binawian ng buhay habang isinusugod sa San Juan Medical Center Hospital, ang biktimang si John Brandon Garcia, ng 4886 Int. 22, San Roque St., Old Sta. Mesa, Maynila, bunsod nang pagkabasag ng …
Read More »4-anyos sinilaban ng ama (Matapos sabuyan ng gasolina)
KALIBO, Aklan – Pinaniniwalaang dahil sa kalasingan kaya nagawa ng isang ama na saboyan ng gasolina, at silaban ang 4-anyos anak sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Bulabud, Malinao, Aklan, kamakalawa. Inoobserbahan sa Intensive Care Unit (ICU) ng Aklan Provincial Hospital, ang biktimang si Kent Luis Zausa, residente ng naturang lugar, nagkaroon ng mga paso sa braso, paa, at …
Read More »8-anyos ‘pare’ ni Digong pinalaya ng ASG
LIGTAS na nakabalik sa kanyang pamilya kahapon, ang 8-anyos batang lalaking binihag ng teroristang Abu Sayyaf Group (ASG), sa nakalipas na pitong buwan. Iniharap ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza kay Pangulong Rodrigo Duterte, ang biktimang si Rexon Romoc, at ang kanyang mga magulang na sina Nora at Elmer. Nabatid kay Dureza, tatlong linggo ang nakalipas bago …
Read More »Ninja cops isa-isang itutumba (Kung hindi magrereporma) — Duterte
NAGBABALA si Pa-ngulong Rodrigo Duterte sa police scalawags, lalo na sa “ninja cops” o mga pulis na nagbebenta ng mga nakompiskang shabu, itutumba sila kapag itinuloy ang paggawa ng krimen ngayong wala na sila sa serbisyo. Sa panayam kahapon sa Palasyo, sinabi ng Palasyo, maagang mabibiyuda ang asawa ng mga dating pulis na nasibak dahil sa paggawa ng krimen, dahil …
Read More »Korean Air flight nag-emergency landing sa NAIA
NAPILITANG mag-divert sa Manila at mag-emergency landing sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang Korean Air flight patungong Incheon mula Singapore, bunsod ng technical problem, kahapon ng umaga. Ayon sa ulat mula sa Manila International Airport Authority (MIAA), ang flight KE644, may lulang 290 pasahero at 42 crew, ay ligtas na lumapag dakong 2:05 am. Ayon sa MIAA, iniulat ng …
Read More »P.5-M shabu kompiskado sa kanang kamay ng drug lord
ILOILO CITY – Muling sinalakay ng mga kasapi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang bahay ng itinuturing na right hand ng sinasabing Western Visayas drug lord, na si Melvin Odicta. Umaabot sa mahigit P.5 milyon halaga ng shabu ang nakompiska sa bahay ni Rolando Torpio, sa South San Jose, Molo, sa Lungsod ng Iloilo, P10,000 halaga ng cash, at …
Read More »Lolong may P1.5-M gumala sa EDSA
NAIBALIK na sa kanyang kaanak ang isang 91-anyos lolo, natagpuang naglalakad habang may dalang P1.5 milyon sa EDSA, Mandaluyong City nitong Lunes. Ayon sa police report, nakita ng nagrorondang mga pulis at opisyal na Brgy. Barangka Ilaya, na pinagka-kaguluhan ng ilang tao ang lolo sa EDSA bandang 5:30 pm. Nang lapitan, nakita nilang may dalang mga salaping piso at dolyar …
Read More »Hindi ako takot sa banta ni Calida — Trillanes
HINDI ako matatakot! Ito ang binigyang-diin ni Senador Antonio Trillanes IV, sa naging banta ni Solicitor General Jose Calida. Unang inihayag ni Calida, pag-aaralan niya ang posibleng kaso laban kay Trillanes dahil sa mga batikos kay Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Trillanes, ipagpapatuloy niya ang nasimulan niyang pagbubulgar laban kay Duterte, na pawang katotohanan, kabilang ang paggamit sa kapangyarihan. Kasabay …
Read More »CEB flights sa Surigao suspendido (Bunsod ng lindol)
ITINIGIL muna ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang operasyon sa Surigao Airport sa Surigao City, bunsod nang pinsala sa runway, dulot ng 6.7 magnitude earthquake na tumama sa lugar. Ang suspensiyon ay epektibo nitong 11 Pebrero hanggang 10 Marso 2017. Bunsod nito, ang Cebu Pacific flights patungo at mula Surigao ay suspendido mula 11 Pebrero 2017. Ang …
Read More »Rekrutment ng ‘tibak’ sa PNP bukas na (Para isabak sa Oplan Tokhang)
MAY tsansa nang ipakita ng mga kabataang aktibista ang kanilang pagmamahal sa bayan, kapag nagpasya na silang iwan ang kilusang protesta at pumasok sa Philippine National Police (PNP). Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa press conference kahapon sa Palasyo, inutusan niya si PNP chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa, na mag-recruit ng mga bata at makabayang pulis para isabak …
Read More »PNP chief atat nang bumalik sa war on drugs
AMINADO si PNP chief, Director General Ronald dela Rosa, gusto na nilang bumalik sa giyera laban sa ilegal na droga. Sinabi ni Dela Rosa, habang tumatagal na wala sila sa “war on drugs” ay mas lumalala ang problema. Aniya, sa katunayan nang mag-ikot siya sa Kali-nga at Zamboanga City, lahat nang nakausap niyang lokal na opisyal, mula barangay captain hanggang …
Read More »Ex-NBP OIC Ragos dinala sa Munti RTC
DINALA at iniharap ng mga awtoridad sa Regional Trial Court, Branch 204 ng Muntinlupa City, kahapon, si dating Bureau of Corrections (BuCor) Officer-in-Charge Rafael Ragos, akusado sa kasong paglabag sa R.A. 9165, o illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP). Sumuko si Ragos kamakalawa kay NBI Deputy Director for Intelligence Sixto Burgos, bandang 10:00 am sa Quezon City. Si …
Read More »TRO hirit ni De Lima sa SC (Aresto Kinuwestiyon)
NAGHAIN ang kampo ni Sen. Leila de Lima sa Supreme Court (SC) ng status quo ante order, kumukwestiyon sa legalidad ng pag-aresto at pagdetine sa senadora nitong Biyernes. Pormal na naghain ng petisyon ang kampo ng senadora, sa pangunguna nina Atty. Alex Padilla at Atty. Philip Sawali, kahapon. Sa 82-pahinang petition for certiorari, hiniling ng mga abogado ng senadora, na …
Read More »Publiko mas gustong makulong si De Lima (Kaysa makitang bangkay) — Duterte
MAS gugustuhin ng publiko na nakapiit si Sen. Leila de Lima para pagbayaran ang kanyang kasalanan, kaysa makita siyang nakabulagtang bangkay. Ito ang sinabi kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa panayam ng media sa Malacañang, kasabay ng launching ceremony ng Philippine-manufactured Mirage G4 alinsunod sa Comprehesive Automotive Resurgence Strategy o CARS program ng pamahalaan. Tiniyak ni Pangulong Duterte ang kaligtasan …
Read More »German pinugutan ng ASG
NAKIISA ang Palasyo sa pagdadalamhati at mariing kinondena ang nakapanghihilakbot na pagpugot sa German kidnap victim ng barbarong Abu Sayyaf Group (ASG) sa Sulu kahapon. Inihayag ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza, hanggang sa hu-ling sandali ay nagtulong-tulong ang iba’t ibang sektor kasama ang Armed Forces of the Philippines (AFP) upang mailigtas ang German national na si …
Read More »Metro Manila paralisado sa tigil-pasada
HALOS naparalisa ang buong Metro Manila, sa isinagawang nationwide transport strike kahapon. Inilunsad ang transport strike ng grupong Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON), at iba pang transport groups, sa Metro Manila, at karatig na mga probinsiya. Kabilang sa apektado ng tigil-pasada ng mga jeepney driver ang mga lungsod ng Quezon, Pasay, Muntinlupa, at Makati City. Sa …
Read More »Sa CaMaNaVa tigil-pasada tinapatan nang libreng sakay (sapilitang tigil-pasada itinanggi ng transport group)
NAPAGHANDAAN ang ikinasang transport strike ng mga tsuper ng pampasaherong jeep, sa pa-ngunguna ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON), at International Transport Federation (ITF), sa mga lungsod ng Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela. Sa Caloocan City, maagang iniutos ni Mayor Oscar Malapitan ang libreng sakay gamit ang mga sasakyan ng pamahalaang lungsod at ng pulisya, …
Read More »LP senators ‘pinatalsik’ sa rigodon (Drilon inalis bilang Senate Pro-Tempore)
NAGULAT ang ilang senador nang biglaang ipinatupad ang reorganisasyon, at tinanggal ang mahahalagang chairmanship sa mga miyembro ng Liberal Party (LP). Pangunahin sa ti-nanggal bilang Senate Pro-Tempore si Sen. Frank Drilon, matapos maghain ng mosyon ni Sen. Manny Pacquiao, kilalang ma-lapit na alyado ng admi-nistrasyon. Agad tumayo si Drilon at hindi nagpaha-yag ng pagsalungat, saka nag-second the motion. Ang iba …
Read More »