Saturday , November 23 2024

News

Kasangga ko ang Russia — Digong

WALANG kinatatakutan si Pangulong Rodrigo Duterte dahil kasangga niya ang Russia. “The Russians are with me so I shall not be afraid,” sabi ng Pangulo nang bumisita kahapon sa Russian guided missile cruiser “Varyag” na nakadaong sa Pier 15, Port of Manila. Binigyan ng arrival honors si Pangulong Duterte ng Russian Navy Contingent. Kasama ng Pangulo na nag-ikot sa loob …

Read More »

Japanese investor patay sa ambush

AGAD binawian ng buhay ang isang Japanese investor habang sugatan ang kanyang kasamang Filipino, makaraan tambangan ng riding-in-tandem habang binabagtas ang kahabaan ng Ro-xas Boulevard sa Ermita, Maynila, kamakalawa ng gabi. Base sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, kinilala ang biktimang si Seiki Mizuno, 48, pansamantalang nanunuluyan sa Solaire Hotel sa Pasay City, kararating lamang sa Fi-lipinas nitong Huwebes …

Read More »

US nakoryente sa EJKs sa PH

KORYENTE ang balitang lumobo sa 9,000 ang kaso ng extrajudicial killings sa bansa bunsod ng drug war ng administrasyong Duterte na pinaniniwalan ni Uncle Sam. Sinabi Presidential Spokesman Ernesto Abella, peke ang ulat na halos 9,000 katao ang namatay dahil sa drug war at nag-ugat ito sa masugid at paulit-ulit na pagbabalita na 7,000 ang napaslang. Batay aniya sa record …

Read More »

First aid seminar for teachers inilunsad sa Navotas

UMABOT sa 30 guro ng child development centers at kindergarten on wheels ang sumailalim sa seminar at training sa pagsasagawa ng first aid sa gabay ng Navotas Health Emergency Management Office. Binigyang-diin ni Mayor John Rey Tiangco ang kahalagahan ng may kaalaman at kasa-nayan sa pangunang lunas. “Maaaring magkaroon ng brain damage ang isang tao pag walang oxygen na pumapasok …

Read More »

Japanese nat’l nagbigti sa hotel

NAGBIGTI sa loob ng hotel ang isang Japanese national sa Pasay City, nitong Martes. Kinilala ang biktima sa pamamagitan ng photo copy ng kanyang pasaporte, na si Takeshie Nakade, 46, ng Namayashi, Japan. Sa pagsisiyasat ni SPO4 Allan Valdez, ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB) ng Pasay City Police, natagpuan ang biktima habang na-kabigti sa extension cord na …

Read More »

Babala sa Kadamay: Agaw-pabahay tuldukan – PCUP

HINDI na dapat maulit ang sapilitang pag-okupa ng militanteng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) sa mga pabahay ng pamahalaan. Sinabi ni Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) chairman Terry Ridon kahapon, kailangan seryosohin ng mga maralitang lungsod ang babala ni Pangulong Rodrigo Duterte, na hindi niya hahayaan ulitin ng Kadamay ang ginawang agaw-pabahay sa Bulacan, at haharangan sila …

Read More »

Ex-leftist leader OK sa Oplan Tokhang

KAHIT binabatikos ng ilang human rights groups ang drug war ng administrasyong Duterte, suportado ang OPLAN Tokhang ng dating leftist leader at ngayo’y Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) chairman Terry Ridon. Kahit marami ang mga napaslang sa pagpapatupad ng drug war o OPLAN Tokhang, kombinsido si Ridon na kailangan ito sa implementasyon ng batas. “In terms of, in …

Read More »

DILG fire truck deal tuloy (Kahit sinibak si Sueno)

KINOMPIRMA ng Palasyo kahapon, ipatutupad ang kontrobersiyal na fire truck deal ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa Austria, naging dahilan ng pagsibak kay dating Secretary Ismael “Mike” Sueno sa gabinete nitong unang bahagi ng Abril. Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, pirmadong kontrata ang fire truck deal, at walang temporary restraining order ang hukuman para pigilan ang …

Read More »

Housing execs ng Aquino admin mananagot (Sa bulok na pabahay)

DAPAT managot ang mga opisyal ng administrasyong Aquino sa mga itinayong bulok na pabahay na inagaw ng grupong Kadamay. “Sa totoo lang ho, inikot ho namin ‘yan. Talagang bulok ho ‘yung marami sa mga naitayo ho roon and we really have to be frank with eve-rybody about it. And in fact, some form of accountability needs to be undertaken towards …

Read More »

Rent-tangay ‘suspect’ itinumba

dead gun police

BINAWIAN ng buhay ang isa sa mga suspek sa “rent-tangay” o car rental scam, makaraan pagbabarilin ng dalawang lalaking lulan ng motorsiklo sa labas ng kanyang bahay sa Sta. Rosa, Laguna, nitong Miyerkoles. Ayon sa ulat, dakong 3:00 pm nang pagbabarilin ang biktimang si Eleanor “Leah” Constantino Rosales. Sa CCTV footage, makikita si Rosales na bumaba mula sa isang SUV …

Read More »

Erap ibalik sa kulungan — Duterte

IBALIK kita sa kulungan. Ito ang babala ni Pa-ngulong Rodrigo Duterte kay ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada, na minaliit siya noong kampanya ng 2016 presidential elections. “It’s 8 o’clock. Si Erap, naghihintay na ‘yung buang. Birthday niya ngayon e. Sabi niya, ‘Punta ka talaga ha kasi…?’ Tapos noon sabi niya, ‘Wala ‘yan si Duterte. Ano ‘yan, low …

Read More »

‘Tokhang’ vs press freedom hinataw (Sa Writ of Amparo); Sabwatan ng gov’t officials inilantad ng petitioners

HINILING kahapon ng pahayagang HATAW D’yaryo ng Bayan sa Korte Suprema, sa pamamagitan ng kanilang abogado na agad ipatigil ang ginagawang persekusyon, panggigigipit at pandarahas sa dalawang kolumnista at editor ng pahayagan na pinaniniwalaang bunsod ng sabwatan ng isang barangay chairman, opisyal ng pulis, chief prosecutor at dalawang hukom. Sa Writ of Amparo na inihain ni Atty. Berteni “Toto” Causing, …

Read More »

P1-M bawat ulo ng ASG — Digong

ISANG milyong piso ang pabuya sa sino man makapagtuturo o makapa-patay sa anim na teroristang Abu Sayyaf Group (ASG) na pinaghahanap sa Bohol. Sinabi ng Pangulo sa Tagbilaran City, ang utos niya sa pulis at sa lahat ng residente ng lalawigan na intersado na labanan at patayin ang mga tero-ristang nagtatago sa kanilang lugar. “My orders to the police and …

Read More »

Barrio doctor volunteer pinaslang sa klinika (Pangalawang biktima sa loob ng 2 buwan)

ISA na namang volunteer ng “doctor to the barrio” ang pinaslang ng suspek na nagpanggap na pasyente sa loob ng kanyang klinika sa Cotabato City, kahapon. Mariing kinondena ni Health Secretary Paulyn Ubial ang pagpatay kay Dr. Shahid Jaja Sinolinding , ang ikalawang doktor na nasa ilalim ng “doctor to the barrio” na pinatay sa loob ng nakalipas na halos …

Read More »

26 patay, 21 sugatan sa Nueva Ecija (Bus nahulog sa bangin)

DAGUPAN CITY – Umakyat sa 26 katao ang patay, habang 21 ang sugatan sa nahulog na bus sa bangin, sa bahagi ng Capintalan, Caranglan, Nueva Ecija, nitong Martes ng umaga. Ayon kay Michael Calma, Chief Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), Nueva Ecija, nasa 26 ang kompirmadong patay habang 21 ang sugatan. Sinabi ni Calma, ang mga namatay …

Read More »

4 Pinoy patay sa sumabog na gulong (Sa Abu Dhabi)

ABU DHABI – Apat Filipino ang namatay sa isang aksidente sa Abu Dhabi sa kalagitnaan ng Visita Iglesia. Kabilang sa namatay sina Veronica Dulay, Daniel Paulo Paraiso, Ian Elli, at Marvin Mendoza. Samantala, naka-confine sa isang pagamutan ang kapatid ni Paraiso na si Ana Paula, at kapatid ni Mendoza na si Mary Ann. Sa unang impormasyon, sumabog ang gulong ng …

Read More »

Himok sa pulis magnilay sa Holy Week

Hinimok ni PNP chief police Director General Ronald dela Rosa, ang bawat miyembro ng pambansang pulisya, na magnilay-nilay ngayong Semana Santa. Ginawa ni Dela Rosa ang panawagan sa kanyang talumpati sa regular na flag raising ceremony sa Camp Crame. Pahayag ni Dela Rosa, bawat pulis ay dapat tanungin ang kanilang mga sarili na bahagi ng “reflection.” Sinabi ng heneral, dapat …

Read More »

PNP at AFP may safe conduct pass para sa NPA (Ngayong Holy Week)

TUGUEGARAO CITY – Nagsimula nang magbigay ng safe conduct pass para sa lahat ng mga kasapi ng New People’s Army (NPA) ang Kalinga-Philippine National Police (PNP) at 50th Infantry Battalion. Ang safe conduct pass ay para mabigyan ng pagkakataon ang mga NPA na makasama ang kanilang mga mahal sa buhay ngayong Semana Santa, na magtatagal hanggang 16 Abril. Ang mabibigyan …

Read More »

Aftershocks sa Batangas 3 buwan aabutin (5.4 magnitude quake yumanig sa N. Samar)

lindol earthquake phivolcs

POSIBLENG tumagal ng hanggang tatlong buwan ang aftershocks sa Batangas. Sinabi ni Phivolcs seismologist Ishmael Narad, ito ay dahil sa magnitude 6.0 lindol nitong Sabado. Ayon kay Narad, bagama’t karamihan sa mga pagyanig ay hindi lubos nararamdaman, may ilan pang aftershocks na malakas hanggang magnitude 4.0. Samantala, inoobserbahan ng Phivolcs ang epekto ng lindol sa Bulkang Taal na malapit lamang …

Read More »

BBL, GRP-NDFP peace pact muna bago Cha-cha

UUSAD ang Charter change kapag naisabatas na ang Bangsamoro Basic Law (BBL) at napirmahan ang peace agreement ng gobyerno at National Democratic Front (NDF). Sinabi ni Pangulong Duterte kahapon, hindi siya magtatalaga ng 25 katao na bubuo sa Consultative Committee na mag-aaral sa pag-amyenda sa Konstitusyon hanggang walang BBL at GRP-NDFP peace agreement. “I will not name them until I …

Read More »

Esperon big brother sa Duterte admin

MAGSISILBING “Big Brother” sa administrasyon si National Security Adviser Hermogenes Esperon, Jr., batay sa nilagdaang Executive Order No. 16 ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon sa EO 16, inatasan ni Pangulong Duterte ang lahat ng kagawaran, ahensiya ng gobyerno, kasama ang government-owned and controlled corporations (GOCCs) at lokal na pamahalaan, na sundin ang National Security Policy 2017-2022 sa pagbalangkas at implementasyon …

Read More »

Preso kinalbo, ginulpi, kinikilan (DSOU gestapo ng QCPD)

INALMAHAN ng abogado ang paglabag sa karapatang pantao at extortion ng Quezon City Police District-District Special Operations Unit (QCPD-DSOU), sa 21 suspek na dinakip sa akusasyong cybersex sa Quezon City, kamakailan. Ayon kay Atty. Berteni “Toto” Causing, legal counsel ng mga suspek, kinalbo ang kanyang mga kliyente ng mga pulis habang nakapiit sa QCPD-DSOU, nang labag sa kanilang kalooban. Bago …

Read More »

Rice importation ni Aquino tablado kay Digong (Filipino farmers dapat mauna)

TABLADO kay Pangulong Rodrigo Duterte ang planong pag-angkat ng isang milyong metriko toneladang bigas ni National Food Authority (NFA) Chairman Jason Aquino, sa pamama-gitan ng government-to-government (G2G) transaction. Bago tumulak patu-ngong state visit sa tatlong Gulf states (Saudia Arabia, Bahrain at Qatar), sinabi ng Pangulo, inutusan niya si Aquino na gamitin ang pondo ng NFA para bilhin ang palay ng …

Read More »

Guro patay, 15 sugatan sa tumaob na dumptruck sa Quirino

road traffic accident

CAUAYAN CITY – Patay ang isang guro habang 15 ang sugatan nang tumaob ang isang dumpstruck sa Brgy. Victoria Aglipay, Quirino, kamakalawa. Kinilala ang namatay na si Janice Pumaling, 27, walang asawa, at residente sa Cordon, Isabela. Batay sa imbestigasyon ng Aglipay Police Station, ang mga biktimang sakay ng isang dump truck ay galing sa isang kasalan. Ayon sa pagsisiyasat, …

Read More »