BUTATA si PBA Partylist Rep. Jericho Nograles nang tahasang itanggi kahapon ni Partylist Coalition Foundation Inc. (PCFI) President Mikee Romero ang ipinalabas nitong press release na nagsasabing dalawa na lamang ang pinagpipilian ng kanilang koalisyon para maging House Speaker, sa pagitan na lamang umano nina Leyte Rep. Martin Romualdez at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco. Inilinaw ni Romero na walang …
Read More »Grupo ng partylist mamimili kay Velasco o Romualdez sa speakership
NAGPASYA ang grupo ng mga party-list na dalawang kandidato ang pagpipilian nila sa speakership. Ayon kay Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) Rep. Jericho Nograles ang pagpipilian na lamang ng Partylist bloc ay sina Marinduque Rep. Lord Alan Velasco ng PDP Laban o si Leyte Rep. Martin Romualdez ng Lakas-CMD. Ani Nograles, ang mga miyenbro ng party-list bloc ay nagdesisyon na limitahan …
Read More »PhilHealth officials pinagbibitiw ni Duterte
INATASAN ni Pangulong Rodrigo Duterte si senator-elect Christopher “Bong” Go na sabihan ang mga opisyal ng PhilHealth na magsumite ng kanilang resignation letter. Ayon kay Go, bagaman naniniwala si Pangulong Duterte na walang kinalaman sa nangyayaring iregularidad ang officer-in-charge ng PhilHealth na si Dr. Roy Ferrer, kasama rin siya sa pinagsusumite ng liham pagbibitiw, sa ilalim ng prinsipyo ng command …
Read More »Suhulan sa speakership resolbahin
HINILING ng isang mambabatas na huwag ipagkibit balikat ng House of Representatives ang isyu ng suhulan sa Speakership race sa katuwirang seryosong akusasyon ito na dapat silipin. Ang hamon ay ginawa ni Alliance of Concerned Teachers (ACT) Pary-list Rep. Antonio Tinio sa harap na rin ng nakatakdang pagpupulong ng PDP Laban members ngayong araw para talakayin kung sino ang ibobotong …
Read More »356 lumabag sa ordinansa dinakip ng SPD
HULI ang nasa kabuuang 356 katao ng mga pulis dahil sa paglabag sa iba’t ibang ordinansa sa katimugang Metro Manila sa nakalipas na 24-oras. Base sa ulat ni Southern Police District (SPD) Director, B/Gen. Eliseo Cruz, nagsagawa ng implementasyon ng mga ordinansa ang mga awtoridad sa mga lungsod ng Pasay, Makati, Parañaque, Las Piñas, Muntinlupa, Taguig at munisipalidad ng Pateros, …
Read More »PNP alerto para sa SONA
KINOMPIRMA ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/Maj. Gen. Guillermo Eleazar, nanatiling nakaalerto ang pulisya at hindi magpapakampante para matiyak ang seguridad sa Metro Manila. Wala umanong namo-monitor na banta ng kagulohan o terorismo sa Kalakhang Maynila sa nalalapit na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa darating na 22 Hulyo, ayon sa NCRPO. …
Read More »Sa Quezon City… Pinaslang na media account executive wala sa drug watchlist
PINAG-AARALAN ng Quezon City Police District (QCPD) kung bubuo ng isang special task force para sa mabilisang paglutas sa pagpaslang sa isang miyembro ng National Press Club nitong 6 Hunyo 2019 sa nasabing lungsod. Ito ay makaraang ihayag ng pamunuan ng pulisya na posibleng bumuo ang QCPD ng Special Investigation Task Group (SITG) na tututok para maresolba ang pagpatay kay …
Read More »Kompara sa Middle East, China mas ‘maganda’ para sa OFWs — Solon
SINABI ni OFW Partylist Rep. Aniceto John Bertiz mas maganda ang China para sa mga yaya at kasambahay kaysa Middle East. Aniya ‘more promising’ ang labor market sa China para sa mga Filipino dahil ang mga dayuhan at mayayamang Chinese ay nangangailangan ng kasambahay. “Working and living conditions in China overall are better compared to the Middle East,” ani Bertiz. …
Read More »Rollback sa presyo ng petrolyo ipatutupad ng oil companies
BIG TIME oil price rollback ng produktong petrolyo ang ipatutupad ng mga kompanya ng langis sa bansa simula ngayong hatinggabi. Nitong Sabado, nauna nang nagpatupad ng bawas presyo ang kompanyang Phoenix Petroleum Philippines dakong 6:00 pm na bawas presyo ng diesel 2.70 kada litro habang 2.60 sa gas kada litro. Naglabas ng abiso ang kompanyang Seaoil kahapon na magpapatupad ng …
Read More »Alyansa kay Trump ibinabalik ni Duterte
IKOKONSIDERA muli ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbili ng mga armas sa Amerika dahil gusto niya si US President Donald Trump. “In the purchase of arms, we have a bad experience but they have a new policy now. We are going to reconsider,” aniya sa panayam sa Sonshine Media. Network kamakalawa. “We’ll buy if we think we need that kind …
Read More »Dance instructor, nakaligtas sa 9 bala
HIMALANG nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang isang lalaking dance instructor makaraang tamaan ng siyam na bala sa katawan, nitong Sabado ng gabi sa Brgy. Pasong Putik, Quezon City. Bagamat may siyam na tama ng bala mula sa hindi pa batid na kalibre ng baril, nasa ligtas nang kalagayan at nakaratay sa ospital ang biktimang si Michael Allan Velasco, 40, …
Read More »Security of Tenure (SOT) Bill tinuligsa ng labor group
TAHASANG sinabi ng labor group na Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) na peke ang Security of Tenure (SOT) Bill at hindi naman nagbibigay ng seguridad sa trabaho sa manggagagawa ang nasabing batas. Iginiit ng BMP, halos lahat ng labor groups sa bansa ay may kritisismo sa SOT Bill at panahon na upang likhain ang pinakamalawak na pagkakaisa ng mga manggagawa …
Read More »Hinihinalang gun runner patay sa encounter
TODAS ang isang hinihinalang miyembro ng gun-running syndicate matapos makipagbarilan sa mga pulis sa isinagawang buy bust operation of firearm sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Dead on-the-spot sanhi ng mga tama ng bala sa katawan ang suspek na kilalang si Jimverick Infante alyas Jimboy, nakasuot ng athletic police uniform na may marking na ‘Pulis’ at gray short. Sa nakarating …
Read More »Manoling, na-scam ng P16-M ni Margaret Ty
MAGING ang pamilya ni dating PCSO chairman Manuel “Manoling” Morato ay na-swindle rin ng itinakwil na anak ng yumaong Metrobank founder George Ty na si Margaret Ty-Cham sa halagang P16 milyon na naging basehan para sampahan siya ng kasong estafa. Napag-alaman, bago yumao ang bilyonaryong Ty nitong nakaraang taon, sumulat si Morato sa kanya para humingi ng tulong dahil sa hindi …
Read More »Sa Speakership race… Maagang nag-iingay laging butata — Casiple
NOON pa man, ang karaniwang nagbubuhat ng bangko na siyang susunod na House Speaker ang siyang lumalabas na kulelat. Ito ang reaksiyon ng isang political analyst kasunod na rin ng obserbasyon na may frontrunner na sa House Speakership race na maaaring makopo umano ng isang kandidato na may backer na business magnate at isa pa na may nakuhang maraming suporta …
Read More »Umento segurado… P150-B pondo sa dagdag-sahod ng teachers hinahanap pa
MAGHAHANAP ang Palasyo nang pagkukuhaan ng P150-B para sa umento sa sahod ng may 800,000 public school teachers sa bansa. Nanawagan ang Palasyo sa mga guro na habaan ang pasensiya at tiniyak na gumagawa ng paraan ang pamahalaan. “I just received from Secretary Briones, coming from the Department of Budget Secretary, that if you increase P10,000 for every teacher in …
Read More »Batas laban sa ENDO mabibigo — Solon
MABIBIGO ang bagong batas laban sa ENDO para puksain ito ayon kay Akbayan Rep. Tom Villarin. Ayon kay Villarin, ang Security of Tenure law ay depektibo sa kadahilanang pinapayagan ng batas ang “employment agency” na kumuha ng mga empleyado at walang nakasaad sa batas patungkol sa “fixed term employment.” “The bicam committee supposed to craft the reconciled version of the …
Read More »Radio program ni Erwin Tulfo sa gov’t radio station sinibak
TINANGGAL ang programa ni Erwin Tulfo sa state-run Radyo Pilipinas dahil sa pambabastos kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista. Imbes “Tutok Tulfo” ang umere sa 10:00-11:00 ng am kahapon, ang programang “Birada Bendijo” ni Aljo Bendijo ang narinig sa Radyo Pilipinas. Sinabi ng source sa Palasyo, nagpasya ang pamunuan na tanggalin ang programa ni Tulfo …
Read More »Para sa Speakership… Vote buying ‘sumingaw’ sa ‘secret meeting’
TALAMAK ang bilihan ng mga boto para sa pagka-speaker sa Kongreso kahit may mga panawagan na idaan sa prinsipyo ang pagpili ng ilalagay bilang pinakamataas na lider sa Kamara de Representantes. Kamakailan, nagpalabas ng imbitasyon ang chief of staff (COS) ng isa sa mga kandidato sa pagka-Speaker, si congressman Lord Allan Jay Velasco, sa mga kongresista na sumaglit para sa isang …
Read More »Velasco will not be a good house speaker — political analyst
TAHASANG sinabi ng isang political analyst na hindi magiging magaling na lider ng Kamara kung si Marinduque representative Lord Allan Velasco ang mauupong House Speaker. Ikinompara ni UP Professor at kilalang political analyst Ranjit Rye si Velasco kay House Speaker Gloria Macapagal Arroyo. Aniya, produktibo ang 17th Congress sa ilalim ng pamumuno ni Arroyo dahil sa klase ng kanyang leadership, hindi …
Read More »Shabu mula Israel ibinalilk magdyowa timbog
APALIT, Pampanga – Arestado ng Apalit Police Anti-illegal Drugs Enforcement Unit sa pakikipagtulungan ng PDEA ang live-in partners na umano’y notoryus na bigtime drug pusher makaraang kunin ang ibinalik ng bansang Israel na ipinadala nilang package, hinihinalang shabu sa LBC Apalit Branch, kamakalawa ng hapon sa Barangay San Vicente. Nabatid sa isinumiteng ulat ni P/Lt. Col. Elmer Decena, hepe ng Apalit Police, sa tanggapan ni P/Col. Jean S. Fajardo, Pampanga Provincial Police …
Read More »Dahil sa nakalusot na P1-B droga… BoC at PDEA official ipatatawag ng Senado
NAKATAKDANG ipatawag ng senado ang mga opisyal ng Bureau of Customs (BoC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) bunsod ng panibagong pagkakalusot ng 140-kilos ng droga sa Aduana na nagkakahalaga ng P1-bilyon. Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, Chairman ng Public Order Committee ng Senado, sa pagbubukas ng 18th Congress ay ipatatawag niya sina BOC Comm. Leon Guerrero at dalawa nitong …
Read More »Comelec kinondena sa ‘pagkontra’ sa utos ni Duterte laban sa Smartmatic
KINONDENA ng grupong Mata sa Balota ang hayagang ‘pagkontra’ ng Commission on Elections (Comelec) sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na palitan ang Smartmatic ng kompanya na malinis sa kahit anong klaseng anomalya. Sa opisyal na pahayag ni Mata kay Balota Movement (MSBM) Chairman Atty. Leo O. Olarte, M.D., abogado at dating presidente ng Philippine Medical Association at kasalukuyang vice president …
Read More »Loren ‘komedyante’ — ATM
PINAGTAWANAN ng Anti-Trapo Movement (ATM) ang pahayag ni Senator Loren Legarda na dahil sa delicadeza ay hindi siya lumahok sa botohan para sa super franchise ng kanyang anak na minadaling aprobahan ng senado. “The Constitution prohibits her from having direct or indirect interest in a franchise granted by the Government. It is established that her being the mother of the …
Read More »US, hinihingi social media details sa lahat ng visa applicants
SINIMULAN na ‘umano’ ng gobyerno ng Estados Unidos na hingin ang detalye ng mga social media accounts ng visa applicants. Ito raw ay bahagi ng mas pinaigting na screening ng mga potensiyal na immigrants at mga bisita na ipinatupad ng administrasyon ni US President Donald Trump. Batay sa ulat, maliban sa social media usernames, inoobliga rin ang mga aplikante para …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com