Saturday , January 11 2025

News

Malate police station isinara

INIHAYAG ng mga awtoridad nitong Huwebes ang pagsasara sa Manila Police District Station 9 habang nagsasagawa ng general cleaning sa buong pasilidad. Ayon sa ulat, tumu­long ang mga doktor mula sa MPD headquarters sa medical check-ups ng mga preso sa nasabing clean-up operation. Hinigpitan ang seguri­dad para mapigilan ang mga preso sa tangkang pagtakas. Inilinaw ng police station na ang …

Read More »

Rapist na laborer arestado sa CCTV at ‘sutsot’

prison rape

NATUKOY at naaresto ang isang laborer na pangunahing suspek sa panghahalay at pagnanakaw sa isang 14-anyos na dalagita sa Quezon City, kahapon dahil sa mga kuha sa CCTV camera at palagiang ‘pagsutsot’ sa biktima tuwing dumaraan sa harap ng pinagtatrabahuang construction site. Lumuhod at humingi ng tawad ang suspek na si Randy Depra, nang magkaharap sila ng biktima sa Masambong …

Read More »

Robredo desmayado kaya nag-lider sa oposisyon — Roque

ISINIWALAT ng Palasyo, nag-apply muli na maging miyembro ng gabinete si Vice President Leni Robredo bago nagpasya na maging pinuno ng oposisyon. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, umaasa ang Malacañang na malinaw na ang papel ngayon ni Robredo matapos sumubok muli na maging bahagi ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte. Hindi binanggit ni Roque kung anong posisyon sa gabinete …

Read More »

Boksingero naaktohan sa drug den

shabu drug arrest

IMBES sa boxing ring,  swak sa kulungan ang isang professional boxer makaraan siyang mahuli sa sinalakay na drug den sa Cavite, kamakalawa. Ayon sa ulat, kabilang sa 16 arestado ng mga awtoridad sa Brgy. Mo­lino 3, Bacoor, Cavite, ang suspek na si Julbirth Tubiana. Sa surveillance video, makikita ang lantarang bentahan ng ilegal na droga sa gilid lang ng kal­sada. …

Read More »

2 anak pinatay, tatay nagsaksak sa sarili, todas

knife saksak

TANTANGAN, South Cotabato – Pinatay sa sak­sak ang kanyang dalawang paslit na anak at pagkaraan ay nag­sak­sak sa sarili ang isang 29-anyos lalaki sa ba­yang ito, nitong Martes ng umaga. Kuwento ng kapatid ng suspek, nasa isang compound lang sila ngunit may sariling bahay ang suspek. Sa lola natutulog ang anim na mga anak ng suspek habang nasa Maynila ang …

Read More »

MMDA lady enforcer sugatan sa armored van

road accident

SUGATAN ang isang lady traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nang masaga­saan ng isang armored van sa EDSA, Quezon City, kahapon ng uma­ga. Sa ulat ng Quezon City Police Traffic Enforce­ment Unit, kinilala ang biktimang si Maricel Gammad, Traffic Con­stable III, inoobserbahan sa East Avenue, Medical Center. Napag-alaman, nang­yari ang insidente dakong 10:00 am sa EDSA-Cubao northbound. Abala …

Read More »

City jail alerto vs flesh-eating bacteria sa inmates

dead prison

NAKAALERTO ang medical personnel sa Manila City Jail laban sa umano’y flesh-eating bacteria na naging sanhi ng pagkamatay ng isang preso nitong nakaraang Linggo. Ayon sa ulat, imino-monitor ng medical per­sonnel ng Manila City Jail (MCJ) ang mga preso na dinapuan ng iba’t ibang sakit sa 24-hour cycle makaran ang pagka­matay ni Gerry Baluran. Si Baluran ay dina­puan ng “flesh-eating …

Read More »

Lamat sa Federal Constitution ibinunyag

NAGLALABASAN na ang mga lamat sa isinu­sulong na Federal Con­stitution. Inihalintulad ni Ak­bayan Rep. Tom Villarin ang tungga nito sa isang hunyango na nagpapalit-palit ng kulay at anyo depende kung kanino ito iniharap. Ang tunay na layunin umano nito ay nakatago sa likod ng pangako na ito’y magpapaganda sa buhay ng bawat Filipino. “Pero ang katoto­hanan, ito’y isang malak­ing panloloko,” …

Read More »

Duterte nag-sorry sa ‘Diyos’

HUMINGI ng pauman­hin si Pangulong Rodrigo Duterte sa Diyos kaugnay ng kanyang mga naging pahayag kontra sa May­kapal. Sa pulong kagabi ni Pangulong Duterte kay Jesus is Lord (JIL) found­er Eddie Villanueva, ipi­naliwanag ng Punong Ehekutibo ang konteksto ng kanyang pahayag ka­ug­nay sa Diyos. “Sorry God! I said sorry God! If God is taken in a generic term by everybody listening, …

Read More »

‘Kapogian’ ni Digong bumulusok na

PAWALA na ang pag­kapogi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa sambayanang Filipino batay sa resulta ng pi­na­kahuling survey ng Social Weather Stations. Ayon kay Akbayan Rep. Tom Villarin, 11 puntos ang ibinaba ng grado ni Digong sa buong bansa sanhi ng pagmumura niya sa Diyos, ang pagbagsak ng ekonomiya at ang patuloy na patayan. Reaksiyon umano ito ng “Christian groups” na tumayo …

Read More »

Apo ni Rizal huling biktima ng hazing

READ: Apo ni Dr. Rizal patay sa hazing (UST freshman law student) READ: May susunod pa kayang mamamatay sa fraternity hazing!? NILAGDAAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong batas na nagbi­gay ng ngipin sa anti-hazing law na nagbabawal sa lahat ng uri ng hazing at regulasyon sa initiation rites ng fraternities, sororities at organizations upang maiiwas sa panganib ang kanilang …

Read More »

PAGASA bukas sa konsultasyon

INIHAYAG ng PAGASA na bukas sila sa konsultasyon ng mga lokal na pamahalaan pagdating sa suspensiyon ng klase tuwing masama ang panahon. Ayon kay weather fore­caster Ariel Rojas, sumusunod ang PAGASA sa Executive Order No. 66 na nagsasaad kung aling antas sa paaralan ang sususpendehin ang klase base sa storm warning signal. Awtomatikong suspendido ang klase sa pre-school at kindergarten …

Read More »

5-anyos leukemia patient birthday boy sa Palasyo

NATUPAD ang birthday wish ng 5-anyos batang lalaki na may leuke­mia na makasama si Pangulong Rodrigo Du­ter­te sa kanyang kaara­wan kamakalawa. Nagdiwang ng kan­yang kaarawan kamaka­lawa si John Paul kaya nag­laan ng oras ang Pa­ngulo kahit nasa kasag­sagan ng cabinet meeting, para harapin ang bata na matapang na sinasagupa ang karamdaman na leukemia. Sinabi ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” …

Read More »

Tangkang pagbabawal sa political dynasty dedbol sa Bicam ng BBL

BIGO ang panukalang ipag­bawal ang political dynasty sa binubuong Bangsamoro Basic Law (BBL). Tinanggal na ang pro­bisyong ito sa kadahilanang lumabag sa “equal pro­tection clause” ng Saligang Batas ayon kay House Majority Leader Rodolfo Fariñas. Ang tinanggal na pro­bisyon ay Sec. 15 sa  Article VII, ng Senate Bill 1717 na naglalayong ipagbawal ang mga magkakamaganak hang­gang sa 2nd degree sa …

Read More »

DOLE inupakan sa Kamara sa kawalan ng pangil vs PLDT

INUPAKAN ng mga kongresista ang Depart­ment of Labor and Employ­ment (DOLE) dahil sa kawalan ng pangil upang ipatupad ang direktiba na bayaran ng P51-milyon ang mga biktima ng “labor-only” contracting upang gawing regular ang mga mang­gagawa. Ayon kay ACT Tea­chers Rep. Antonio Tinio malinaw ang desisyon ng DOLE na dapat sundin ng PLDT (Philippine Long Distance Telephone Co). “So, una …

Read More »

Grab panagutin sa malawakang estafa — Solon

HINIMOK ng isang kongresista na panagutin ang Grab sa malawakang estafa kaugnay sa pagpa­taw nito ng ilegal na singil sa kanilang mga suking pasahero. Ayon kay Rep. Jericho Nograles ng Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) party-list, niloko ng Grab ang mga suki nila sa pagpapataw ng P2 kada minuto na waiting time sa bawat transaksiyon sa pasahero. Kahapon nag-utos ang …

Read More »

Pamumuno sa oposisyon ni VP Leni inaasahan

READ: Palasyo ‘di ipamamana ni Duterte kay Robredo INAASAHAN ng Pala­syo ang pahayag ni Vice President Leni Robredo na pangungunahan ang opo­sisyon laban sa adminis­trasyong Duterte. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi na nakagugulat na si Robredo ang mamuno sa oposisyon dahil siya ang pinakamataas na elected member sa kanilang hanay. “Vice President Leni Robredo’s decision to lead the …

Read More »

Palasyo ‘di ipamamana ni Duterte kay Robredo

READ: Pamumuno sa oposisyon ni VP Leni inaasahan TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya ipamamana ang Palasyo kay Vice President Leni Robredo dahil kapos sa kakayahan ang bise presidente para pamunuan ang bansa. Sa media interview sa Pampanga kagabi, sinabi ng Pangulo na hindi siya magbibitiw sa puwesto para ipalit sa kanya si Robredo bagkus ang hirit niya …

Read More »

Negosyante nakipagbarilan pulis patay, 1 sugatan

dead gun police

HIMALANG nakaligtas sa pangalawang pagka­kataon ang isang nego­syanteng lalaking lulan ng kotse makaraan maki­pagbarilan habang bina­wian ng buhay ang suspek na isang dating pulis at nasugatan ang kanyang kasama sa sinasabing insidente ng ambush sa Muntinlupa City, kama­kalawa ng hapon. Agad binawian ng buhay sa insidente dulot ng ilang tama ng bala sa katawan ang suspek na si PO2 Pedro …

Read More »

Termino tatapusin ni Duterte sa 2019

READ: Draft Federal Constitution isinumite kay Duterte BABABA na sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte kapag naapro­bahan ang Federal Con­stitution sa 2019 dahil pagod na siya at ayaw nang magsilbing tran­sition leader. Ayon kay Presi­dential Spokesman Har­ry Roque, ikinabigla ng mga miyembro ng gabi­nete ang anunsiyo ng Pangulo na maaaring hanggang 2019 na lang sila sa puwesto. Sinabi ni Roque, …

Read More »

Draft Federal Constitution isinumite kay Duterte

READ: Gabinete shock: Termino tatapusin ni Duterte sa 2019 SA kaniyang pahayag sa ginanap na hand over ceremony sa Palasyo ka­ha­pon, sinabi ni ConCom chairman at dating Chief Justice Reynato Puno na ipinagbabawal sa draft constitution ang political dynasties na sa matagal na panahon ay nagmo­nopolyo sa eleksiyon. Bawal na rin sa ilalim ng draft constitution  ang mga political butterfly o mga …

Read More »

BBL ipapasa alinsunod sa konstitusyon — majority leader

congress kamara

IPINANGAKO ng isang lider ng Kamara, ang pag-uusap tungkol sa Bangsamoro Basic Law (BBL) ay hahantong sa isang batas na naaayon sa Konstitusyon. Ayon kay House Majority Leader Rodolfo Fariñas, ang pag-uusap ng Bicameral Conference Committee na kinabi­bilangan ng mga senador at kongresista ay gigi­yahan ng Konstitusyon ng 1987. Titiyakin, ani­ya, na papasa ito sa pagsusuri ng mga kri­ti­ko. Bukod …

Read More »

PH katolikong bansa

READ: Aprub sa CBCP at kay Digong: Tigil-putakan READ: 3 araw na ayuno at panalangin hirit ng CBCP DAPAT ipaalala ng Simbahan kay Pangulong Rodrigo  Duterte na ang Filipinas ay isang Kristi­yanong bansa sa Asya. Sinabi ito ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat kaha­pon habang nag-uusap si Duterte at si Archbishop Romulo Valles, ang pre­sidente ng Catholic Bishops Conference of the …

Read More »

3 araw na ayuno at panalangin hirit ng CBCP

CBCP

READ: Dapat ipaalala kay Duterte: PH katolikong bansa READ: Aprub sa CBCP at kay Digong: Tigil-putakan ISANG oras bago naga­nap ang pulong nina Valles at Duterte ay nanawagan ang CBCP ng 3-day of prayer and fasting sa darating na 17-19 Hulyo. Inihayag ito ng CBCP sa press conference ng CBCP kasabay nang pagsasapubliko ng Pastoral Exhortation na may titulong “Rejoice and …

Read More »

Tigil-putakan

READ: 3 araw na ayuno at panalangin hirit ng CBCP READ: Dapat ipaalala kay Duterte: PH katolikong bansa ITO ang napagkasunduan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Davao City Archbishop at Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) president Romulo Valles sa kanilang one-on-one meeting sa Palasyo kahapon. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, 30 minutong nag-usap sina Duterte at Valles na …

Read More »