Thursday , June 1 2023
philippines Corona Virus Covid-19

Pagkakaisa kontra COVID-19 isulong (Pamomolitika iwaksi) — Bong Go

BINIGYANG-LINAW ni Senator Christopher “Bong” Go, patunay ang pagkakaisa at kawalan ng kulay politika sa paghahanap ng solusyon sa COVID-19, ang pag-imbita ng administrasyon sa limang dating Health secretaries ng mga nagdaang administrasyon.

 

Sinabi ni Go, sa sitwasyon ng bansa ngayon na nahaharap sa pandemic, dapat nang isantabi ang politika dahil kailangan ng matinding pagtutulungan at pagkakaisa.

 

Paliwanag ni Go, dapat maisip ng  marami na kapag bumagsak ang  gobyerno, damay ang  lahat kaya dapat nang magkaisa ang mga Filipino para mapuksa ang COVID-19 sa bansa.

 

Ayon kay Go, naniniwala silang malaking tulong  ang mga impormasyon na ibinahagi ng mga dating  Kalihim para malampasan ang  health crisis na kinakaharap ng bansa.

 

Dagdag ni Go, hindi makatutulong ang pagkakalat ng fake news ng ilan.

 

Binigyang diin ni Go, wala silang ibang hangarin ngayon kundi ang maiahon ang bansa sa health crisis na dulot ng COVID-19 dahil mahalaga ang buhay ng bawat Filipino. (NIÑO ACLAN/CYNTHIA MARTIN)

About Niño Aclan Cynthia Martin

Check Also

teacher

Sentimyento ng mga guro pakinggan
MOTHER TONGUE POLICY NG DEPED REPASUHIN– SENADOR

HINIMOK  ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na pakinggan ang mga guro sa …

Estate Tax

Pagpapalawig sa amnestiya sa pagbabayad ng estate tax pasado na sa senado

PINASA na ng senado sa third at final reading ang panukalang batas na pagpapalawig sa …

Perjury

Testimonya, binawi ng saksi
MAS MABIGAT NA PARUSA SA PERJURY NAPAPANAHON NA — SENADOR

NANAWAGAN si Senador Alan Peter “Compañero” S. Cayetano nang mas mabigat na parusa laban sa perjury, …

Money Bagman

Maharlika Investment Fund   MIF SENATE VERSION ‘DI SUPORTADO NI SUPER ATE, 2 PA

HINDI suportado ng isang daang porsyento nina  Super Ate ng Pangulo na si Senadora Imee Marcos, …

Bato dela Rosa AFAD

Dela Rosa nanawagan para sa responsableng pagmamay-ari ng baril

ANG paglago at pag-unlad ng industriya ng paggawa ng  baril ay nakasalalay sa paglaki ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *