BUNSOD nang kasikipan at sobrang init sa loob ng selda ng Quezon City Police District Novaliches Police Station 4, dalawang preso ang binawian ng buhay, iniulat ng pulisya kahapon. Sa ulat ng QCPD Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), unang namatay si Alex Canono Andaman, 41, hair stylist, at residente sa Maxima St., Brgy. Gulod, Novaliches. Si Andaman ay nakulong dahil kasong paglabag sa …
Read More »Tambay todas sa boga
PATAY ang isang lalaking ‘pasaway’ sa kanilang lugar makaraan pagbabarilin ng hindi kilalang suspek habang sugatan ang 63-anyos tricycle driver na tinamaan ng ligaw na bala sa Malabon City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Malabon police chief, S/Supt. Harry Espela ang biktimang si Anthony de Jose, 28, residente sa 1st St., Brgy. Tañong, habang ginagamot sa Tondo Medical Center si Jesus Algunajonata, …
Read More »SC senior justices ikonsidera ni Duterte
NANAWAGAN ang House justice committee kay Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na ikonsidera ang senior members ng Korte Suprema bago magtalaga ng bagong chief justice. “I just hope the President will do the right thing in terms of the appointment by following the tradition. Kapag mayroong bypassing, ang mangyayari talaga magkakaroon ng conflict. Hopefully we will be able to avoid this,” …
Read More »Sereno tuluyang sinibak
PINAGTIBAY ng Supreme Court ang pagsibak kay Maria Lourdes Sereno bilang punong mahistrado makaraan ibasura ang kaniyang motion for reconsideration (MR) laban sa desisyon ng en banc sa quo warranto petition. Ayon sa mga source, walong mahistrado ang nagbasura sa MR ni Sereno habang anim lang ang nagsabing dapat itong pagbigyan. Dagdag ng mga source, ibinasura ang MR sa kadahilanang …
Read More »Tanong ng Palace reporters ‘ibinasura’ ng PIA Region XII
MEDIA censorship. Ito ang puna ng ilang mamamahayag na nakatalaga sa Palasyo matapos balewalain ni Danilo E. Doguiles, PIA Region XII officer-in-charge, ang ilang ipinadalang tanong ng Palace reporters sa press briefing ni Presidential Spokesman Harry Roque sa Cotabato City. Si Doguiles ang tumayong moderator sa naturang press briefing. Matapos basahin ni Roque ang kanyang ope-ning statement ay inatasan niya …
Read More »Relief goods sa Boracay kinakalawang
BORACAY ISLAND – Ikinatuwa ng mga residente ng Brgy. Balabag ang natanggap nilang relief goods mula sa Department of Social Welfare and Development at lokal na pamahalaan ng Malay, Aklan ngunit ang tulong na sana ay makapagpapabusog ng tiyan, ay itinapon lang sa basurahan. Ito’y nang matanggap ng ilang mga residente ang kinakalawang na mga delata, na bumubula ang mga …
Read More »Media Safety chief isusunod ng Palasyo — Harry Roque
NAKAHANDA ang Palasyo na paimbestigahan ang isyu nang pagkakasangkot ni Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) chief Joel Egco sa iringan ng dalawang media organizations na nag-ugat sa P100 milyong federalism campaign fund. Sa press briefing sa Cotabato kahapon, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na makatutulong sa pagsisisyasat kung may maghahain ng pormal na reklamo laban kay Egco. “Well, …
Read More »Sister Fox mananatili sa bansa
IGINAGALANG ng Palasyo ang resolusyon ng Department of Justice (DOJ) na kumatig sa petisyon ni Sister Patricia Fox na manatili sa bansa. “We respect the resolution by the DOJ secretary,” pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque. Sa resolusyon na nilagdaan ni Justice Secretary Menardo Guevarra, binaliktad niya ang naunang kautusan ng Bureau of Immigration na i-downgrade ang missionary visa ni …
Read More »Duterte, Simbahan nag-usap na
TINAWAGAN ni Pangulong Rodrigo Duterte si Bishop Sofronio Bancud noong 14 Hunyo upang makiramay at tiyakin na mabibigyan ng hustisya ang pagpatay kay Fr. Richmond Nilo. “Tinawagan namin si Bishop Sofronio Bancud at personal silang nagkausap ng Pangulo. Ipinarating ng Pangulo ang pakikiramay sa yumaong pari at ini-assure na mabibigyan ng hustisya,” sabi ni Special Assistant to the President Christopher …
Read More »Tambay puwedeng Rumesbak sa parak
PINAYOHAN ng Palasyo ang mga “tambay” na buweltahan ang mga pulis kung nilabag ang kanilang karapatan nang arestohin sila. “Well, kasi po meron tayong established na mga mekanismo para protektahan ang karapatan ng kalayaan. Unang-una po, e kapag kayo ay… kapag ang mamamayan ay naaresto at hindi naman kinasuhan, pupuwedeng makasuhan ng kriminal for illegal detention iyong ating (ka)pulis(an),” ani Roque …
Read More »P5-M shabu nasabat
UMAABOT sa P5-M milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat sa buy-bust operation at dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang arestado sa Brgy. Greater Lagro sa Quezon City, nitong Sabado. Kinilala ni Quezon City Police District director, C/Supt. Joselito Esquivel Jr. ang mga suspek na sina Martin Morales, 21-anyos at pinsan niyang si Paulo Morales, 18-anyos. Habang nakatakas …
Read More »P3-M shabu kompiskado, 3 arestado
UMAABOT sa P3 milyong halaga ng shabu ang nasabat sa tatlong hinihinalang drug pushers makaraan arestohin sa buy-bust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Northern Police District director, si C/Supt. Gregorio Lim ang arestadong mga suspek na sina Jonalyn Tayao, 28, Roman Mariano, 28, top 1 at top 2 sa drug watchlist ng Brgy. 59, at Noraisa …
Read More »3 akyat-bahay, 2 tulak patay sa parak sa QC
TATLONG miyembro ng umano’y akyat bahay gang at dalawang tulak ng ilegal na droga ang napatay nang manlaban sa mga operatiba ng Quezon City Police sa magkakahiwalay na lugar sa lungsod, kahapon ng madaling-araw. Sa inisyal na report ni SPO1 Jurly Garbo ng Batasan Police Station 6, dakong 2:00 am, unang napatay ang dalawang miyembro ng akyat bahay na kinilalang sina …
Read More »Kelot tigbak sa tarak
PATAY ang 20-anyos lalaki makaraan saksakin ng isang construction worker habang naglalakad ang biktima kasama ang kaibigan upang sunduin ang kanyang girlfriend sa Caloocan City, kamakalawa. Agad binawian ng buhay sa insidente ang biktimang si kinilalang si Paulo Dela Torre, residente sa Robes 1, Area 1, Camarin, Brgy. 175, sanhi ng saksak sa likod. Habang pinaghahanap ang suspek na kinilalang …
Read More »Bagong Tserman utas sa drug raid sa Palawan
PALAWAN – Patay ang isang bagong halal na punong barangay sa ikinasang operasyon kontra droga sa Balabac, Palawan nitong Biyernes. Tinamaan ng bala ng baril sa kaliwang dibdib si Pistoh Hamja na uupo sanang tserman ng Brgy. Mangsee sa 30 Hunyo. Ayon sa mga awtoridad, nanlaban umano si Hamja at nagtangkang mang-agaw ng baril. Narekober sa kanyang bahay ang isang …
Read More »2 drug personality todas sa ambush
BINAWIAN ng buhay ang dalawang lalaki makaraan pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek na sakay ng motorsiklo sa Tabuk City, Kalinga, kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Silver Calezar Puquin, dati nang napasama sa Oplan Tokhang, at Dexter Busnig. Ayon sa mga saksi, narinig nila ang sunod-sunod na putok ng baril at pagkaraan ay nakita nilang nakahandusay ang …
Read More »Bunkhouse nasunog, 200 trabahador nakaligtas
OPOL, Misamis Oriental – Natupok ang bunkhouse ng 200 construction worker sa Brgy. Igpit sa bayang ito, nitong Sabado ng umaga. Nakaalis na para magtrabaho ang ilan sa mga manggagawa ng Equi-Parco construction company nang mapansin ng mga kasamahan ang makapal na usok mula sa isa sa mga kuwarto ng dalawang palapag na bunkhouse. Sinubukan ngunit nabigo ang mga trabahador …
Read More »Tanim-bala probe result in 24-hrs, utos ni Duterte
INAASAHAN ng Palasyo na maisusumite ngayon ng mga kaukulang ahensiya ng pamahalaan ang imbestigasyon sa napaulat na insidente ng tanim bala noong Biyernes sa NAIA Terminal 3. Tiniyak ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go, agad iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Transportation (DOTr), Manila International Airport Authority (MIAA), at Office for Transportation Security (OTS) ang pagsisiyasat …
Read More »25 detenidong Pinoy palalayain ng Qatar
NAKATAKDANG palayain ng Qatari government mula sa piitan ang 25 Filipino sa “unusual gesture of diplomacy” ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, nitong Linggo. Ikukustodiya ng Philippine officials ang nakapiit na mga Filipino ngayong Lunes bilang bahagi ng pagdiriwang ng Qatar sa Eid’l Fitr o pagtatapos ng Muslim holy month of fasting, gayondin sa nakaraang paggunita sa Araw ng …
Read More »Trillanes may tagong yaman abroad — Bong Go
ITINAGO sa ibang bansa ni Sen. Antonio Trillanes IV ang ninakaw niyang pera ng bayan, ayon kay Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go. Ang pahayag ni Go ay tugon sa pagkuwestiyon ni Trillanes sa taguri sa kanyang “bilyonaryo” ni Pangulong Rodrigo Duterte. Giit ni Go, ang ibig sabihin ng Pangulon ay bilyonaryo siya kapag ipinagbili ng kanyang pamilya …
Read More »Age discrimination sa job applicants ilegal — DOLE
IPINAALALA ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer na hindi dapat gawing batayan ang edad sa pagtanggap ng empleyado. Inihayag ni Nicanor Bon, pinuno ng DOLE Policy and Program Development Division, maaaring patawan ng parusa alinsunod sa Republic Act 10911 o Anti-Age Discrimination in Employment Act, ang mga employer na tatanggi sa mga aplikante dahil sa kani-lang …
Read More »Okada kasuhan sa US$10-M kasong embezzlement
HINILING sa Department of Justice na gisahin sa korte si gaming tycoon Kazuo Okada dahil sa paglustay ng mahigit $10 milyong pondo ng Okada Manila hotel-resort at baligtarin ang resolution na inilibas ng Parañaque City Prosecutor’s office na nagbasura sa nasabing mga kaso. Sa magkahiwalay na motion, iginiit ng Tiger Resort Leisure & Entertainment Inc. (TRLEI), ang may-ari ng nasabing hotel resort …
Read More »Palpak ni Trillanes ‘wag isisi kay Digong — Cayetano
HINDI dapat isisi sa administrasyong Duterte ang kapalpakan ni Senator Antonio Trillanes IV at dating Pangulong Noynoy Aquino sa isyu ng Scarborough Shoal. Ito ang idiniin ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano bilang sagot sa mga ipinupukol ng kampo ni Trillanes na kahinaan ng aksiyon ng gobyerno sa problema ng mga mangingisda sa Scarborough o Panatag Shoal. “Tayo ang …
Read More »GRP-NDFP peace talks kinansela ni Duterte
MAILAP pa rin ang minimithing kapayapaan sa bansa matapos iutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na kanselahin muli ang nakatakdang peace talks sa kilusang komunista sa 28 Hunyo sa Oslo, Norway. Ang pasya ay ginawa ni Duterte matapos ang joint AFP-PNP command conference sa Palasyo kamakalawa ng gabi. Sa biglaang press conference kahapon sa Palasyo, sinabi ni Presidential Adviser on the …
Read More »Duterte patalsikin — Joma Sison
NANAWAGAN si Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Ma. Sison sa lahat ng mga rebolusyonaryo, mga puwersang anti-Duterte at publiko na patatagin at palawakin ang hanay upang mapatalsik si Pangulong Rodrigo Duterte. Ang pahayag ni Sison ay bilang tugon sa pagkansela ni Duterte sa nakatakdang peace talks sa 28 Hunyo na aniya’y lantarang indikasyon na hindi interesado …
Read More »