Thursday , June 4 2026

HR violators na pulis pananagutin — PNP chief (Sa pagpapatupad ng ECQ)

PARURUSAHAN ang mga pulis na sangkot sa paglabag sa karapatang pantao habang ipinatutupad ang  enhanced community quarantine (ECQ ) laban sa pandemyang coronavirus (COVID-19).

 

Tiniyak ito ng Palasyo, kasunod ng ulat ng United Nations Council for Human Rights, na ikaapat ang Filipinas sa mga bansa sa buong mundo na may pinakamataas na kaso ng COVID-19-related human rights violations kasunod ng Nigeria, Kenya at South Africa.

 

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque sa virtual press briefing kahapon, sa mensaheng ipinadala sa kanya ni P/Gen. Archie Gamboa, tinitiyak ng Philippine National Police (PNP) na kanyang pinamumunuan

na ipatutupad ang rule of law at lahat ng insidente ng umano’y human rights violations ay bubusisiin  at parurusahan ang mga dapat parusahan.

 

“We have a message here from the PNP chief (Gen. Archie) Gamboa. He will implement the rule of law. He will go through all the incidents involving alleged human rights violations and he will punish those that need to be punished,”  pahayag ni Roque.

 

“But for now, we will rely on presumption of regularity in the discharge of their duties. But all complaints will be addressed by the PNP,” paglilinaw ng tagapagsalita ng palasyo.

 

Batay sa ulat, mula 17 Marso hanggang 29 Abril, umabot sa 23,145 ang inaresto ng PNP sa Luzon dahil sa mga paglabag sa quarantine protocols.

 

Umani ng batikos ang PNP nang mapatay ng isang pulis ang isang mentally challenged na retiradong sundalo habang sinisita ECQ checkpoint sa Quezon City noong nakaraang buwan. (ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …