Monday , January 24 2022

Delicadeza paalala ni Año sa LGUs, PNP (Reaksiyon sa Voltes V party ni Sinas)

PINAALALAHANAN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang local government officials (LGUs) at mga kagawad ng Philippine National Police (PNP) na magsilbing huwaran sa pagpapatupad ng quarantine protocols na umiiral sa bansa.

 

Ito ang  pahayag ni Interior Secretary Eduardo Año ay bilang reaksiyon sa ulat na nagdaos ng party sa tanggapan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) headquarters sa Taguig City, para sa kaarawan ni NCRPO chief, P/MGen. Debold Sinas noong isang linggo.

 

Ang mga larawan sa okasyon, na maituturing anilang isang mass gathering, na mahigpit na ipinagbabawal sa ngayon, sa ilalim ng umiiral na enhanced community quarantine (ECQ), ay nag-viral sa social media at nakatanggap ng mga pagbatikos.

 

“Ang ating sinasabi sa ating government officials lalo sa nasasakupan ng DILG, ito ‘yung tinatawag nating delicadeza, may mga pagkakataon na kailangan maging (good) example ka,” ayon kay Año.

 

“Habang nasa ECQ tayo, wala ‘yung mga celebration na ganyan, ‘yung mga organized dinner na ganito, hindi ‘yan ano… delicadeza nga e,” dagdag ni Año.

 

Kaugnay nito, ipinauubaya ni Año sa Philippine National Police (PNP) ang pag-iimbestiga sa insidente.

 

Una nang sinabi ni PNP chief, Gen. Archie Gamboa na wala siyang nakikitang masama sa ‘Birthday Mañanita’ o birthday serenade na ibinigay ng kanyang mga tauhan kay Sinas.

 

Kinausap na umano niya si Sinas hinggil dito at tiniyak na aalamin kung may naganap ngang quarantine protocol violations. (ALMAR DANGUILAN)

 

 

About Almar Danguilan

Check Also

Rabiya Mateo Lolo Narding Flores

Rabiya abogado ang tulong na maibibigay kay Lolo Narding

HATAWANni Ed de Leon NANAWAGAN ang dating Miss Universe contestant at nag-aartista na ngayong si Rabiya Mateo sa kung …

Las Piñas City Mayor Imelda Aguilar

Las Piñas City LGU pasado sa SGFH ng DILG

INIANUNSIYO nitong Huwebes, 20 Enero 2022, ni Las Piñas City Mayor Imelda Aguilar ang pagpasa …

Para sa CoVid-19 test kits PITMASTER NAGBIGAY NG P100-M SA LGUs

Para sa CoVid-19 test kits
PITMASTER NAGBIGAY NG P100-M SA LGUs

SA PATULOY na pagsirit ng hawaan ng CoVid-19 sa bansa partikular sa Metro Manila, nag-donate …

NTC suportado sa pagtutol ng OSG sa “ABS-CBN Favoritism Bill” na isinusulong ni Sen. Leila De Lima

SINUPORTAHAN ng National Telecommunication Commission (NTC) ang pagtutol ng Office of the Solicitor General (OSG) …

Cha-cha ipaubaya sa sunod na kongreso — Rodriguez

HINIMOK ni House Deputy Speaker Rufus Rodriguez ang mga kasamahan niya sa Kongreso na ipaubaya …

Leave a Reply