WALANG BUHAY nang matagpuan ang isang lalaking itinuturing na palaboy na nakabitin sa ilalim ng isang footbridge sa Caloocan City. Inilarawan ng pulisya ang biktimang si alyas Pogi, ayon sa bansag sa kanya ng kanyang mga kapwa palaboy na nasa edad 40 hanggang 50 anyos, nakasuot ng pulang t-shirt, short pants, at pulang tsinelas. Ayon kay Caloocan police chief P/Col. …
Read More »Kelot nasita sa yosi kulong sa sumpak
HUWAG magsigarilyo sa pampublikong lugar, kung may dalang magiging dahilan para masadlak sa rehas na bakal. Aral ito sa isang lalaking nasita ng mga pulis dahil sa kanyang paninigarilyo sa pampublikong lugar sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi at kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya habang inihahanda ang karampatang kasong ihahain laban sa kanya. Sa nakarating na ulat ni …
Read More »
P.1-M shabu sa Caloocan
BOY BATO NASAKOTE SA DRUG TRANSACTION
KUNG mabilis kumaripas ang nag-abot, hindi ang hinihinalang ‘buyer’ o ‘user’ kaya sa kulungan bumagsak ang isang lalaki nang makuha sa kanya ang mahigit P100,000 halaga ng droga nang maaktohan ng mga pulis kahapon ng madaling araw sa Caloocan City. Ayon kay Caloocan City police chief P/Col. Ruben Lacuesta, habang nagsasagawa ng anti-criminality patrol ang mga tauhan ng Cadena De …
Read More »Kim sweet melon paglalarawan kay Paulo
ni Allan Sancon BONGGA ang katatapos na launching ng bagong product ng Brilliant Skin Essentials na inilunsad si Kim Chiu bilang endorser ng kanilang beauty drink na Hello Melo, isang collagen powder drink na lasang melon. Sa pagpasok ni Kim sa stage ay isinayaw n’ya ang jingle ng produkto at nakipagsayaw pa ang CEO na si Miss Glenda Dela Cruz. Bukod kay Kim ay …
Read More »
Ombudsman umaksiyon
GUO SUSPENDIDO DAHIL SA POGO
ni Almar Danguilan PINATAWAN ngpreventive suspension ng Office of the Ombusdsman si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at ang dalawang opisyal habang patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa kanilang pananagutan sa ilegal na aktibidad ng Philippine offshore gaming operator (POGO) hub sa kanilang bayan. Ang hakbangin ng anti-graft body ay kasunod ng sulat ng Department of the Interior and …
Read More »PAGCOR ‘inginuso’ ng Bamban mayor
NANINDIGAN si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na wala siyang kaugnayan sa kahit anong Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs) at ang ilegal na operasyon at pagkakasalakay sa Zun Yuan Technology Incorporated ay hindi niya pananagutan kundi ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), ang ahensiyang may kapangyarihan para rito. Ayon kay Guo, patuloy na nasasangkot ang kanyang pangalan sa kabila …
Read More »Jiachao Wang kampeon sa 2024 NTT Asia Triathlon Para Championships
MATAGUMPAY na ipinamalas ang lakas at determinasyon ni Jiachao Wang ng China upang angkinin ang gintong medalya sa men’s PTS4 category ng 2024 NTT Asia Triathlon Paralympics Championships sa Subic Bay Freeport, Olongapo City noong Linggo. May oras si Wang na isang oras, 06 minuto, at 39 segundo para talunin ang Japanese na si Keiya Kaneko (1:12:30) at Pinoy na …
Read More »
Revilla nagalak
KABALIKAT SA PAGTUTURO ACT LALAGDAAN NGAYON NI MARCOS
NAKATAKDANG lagdaan ngayong araw ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., bilang isang ganap na batas ang panukalang “Kabalikat sa Pagtuturo Act” na pangunahing awtor si Senador Ramon “Bong” Revilla, Jr. Layon ng naturang batas na bigyang pugay ang labis na pagisikap at dedikasyon ng mga public school teacher sa pamamagitan ng pagdadagdag ng kanilang taunang teaching allowance. “Walang mapaglagyan ang …
Read More »
Pamunuan ng DILG hiniling umaksiyon
SANGKATERBANG ASUNTO BANTANG IHAIN vs SPG-DILG
HUMINGI ng saklolo sa Department of the Interior and Local Government (DILG) kasunod ng pahayag na magsasampa ng patong-patong na kaso ang pamunuan ng International King and Queen Inc., isang entertainment club na matatagpuan sa Macapagal Road sa lungsod ng Pasay laban sa mga tauhan ng Special Project Group (SPG) ng nasabing ahensiya. Ayon kay Atty. Jan Louie Antonni Cabral, …
Read More »
Sa San Jose del Monte, Bulacan
8 PRESO PUMUGA SA CITY JAIL
ni Micka Bautista MAHIGPIT na nagbabala sa publikokasabay ng paglulunsadng manhunt operations ang Bulacan Provicnila Police Office (PPO) laban sa walong presong nakatakas (kasama ang dalawang naibalik na sa kulungan) dakong 3:00 ng madaling araw nitong Linggo, 2 Hunyo, mula sa custodial facility ng San Jose Del Monte CPS sa lalawigan ng Bulacan. Kinilala ni P/Col. Relly Arnedo, provincial director …
Read More »
Nancy Gamo nagpaabot ng pahayag
DNA TEST KAY GUO NO NEED
NAGPAABOT ng pahayagsi Nancy Gamo, nagpakilalang dating consultant ni Mayor Alice Guo, upang ipagtanggol ang kanyang dating kliyente laban sa mga personal na pag-atake na bumabalot sa pagkatao ng mayor. Ayon kay Gamo, ang mga atake ay lumalabag na sa karapatan ng mayor bilang isang indibiduwal at halal ng taongbayan. “Lumantad ako upang ipagtanggol si Mayor Alice. Nasasaktan ako na …
Read More »98,000 mag-aaral may libreng ‘munwalk’ rubber shoes, school supplies mula sa Munti LGU
INIANUNSIYO ni Mayor Ruffy Biazon sa mga mag-aaral at magulang ng Muntinlupa City na magpapatuloy ang distribusyon ng libreng sapatos at school supplies ngayong taon sa lahat ng mga mag-aaral sa public schools sa lungsod. Kung noong nakaraang taon ay black leather shoes ang ipinamahagi ng pamahalaang lungsod, ngayong darating na school year ay MUNwalk sneakers ang matatanggap ng mga …
Read More »
Umalingasaw tatlong araw pagkalipas
MISIS PATAY SA SARILING ASAWA, BANGKAY ITINAGO NI MISTER
NATAGPUAN ang katawan ng isang 52-anyos na babae, na pinaniniwalaang pinatay ng kanyang sariling asawa, sa isang abandonadang bahay sa Brgy. Villaflor, bayan ng San Isidro, lalawigan ng Isabela noong Sabado, 31 Mayo. Ayon kay P/Maj. Grandeur Tangonan, hepe ng San Isidro MPS, natagpuan ng mga residente ng naturang barangay ang naaagnas nang katawan ng biktima matapos umalingasaw ang amoy …
Read More »2 gunrunner tiklo sa Oplan Panlalansag Omega
DALAWANG pinaghihinalaang gunrunner ang dinakip ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), sa Brgy. Pulung Maragul, lungsod ng Angeles City, lalawigan ng Pampanga, nitong Sabado ng hapon, 1 Hunyo. Sa ilalim ng direktiba ni Chief PNP P/Gen. Rommel Francisco Marbil, inilunsad ang maigting na kampanya laban sa loose firearms o OPLAN Paglalansag Omega. Kinilala ni P/MGen. Leo …
Read More »Sa patuloy na kampanya kontra krimen sa Bulacan 8 law violators nasakote
INARESTO ng mga tauhan ng Bulacan Provincial Police office (PPO) ang tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga at limang pinaghahanap ng batas sa isinagawang anti-crime drive operations sa lalawigan nitong Linggo ng umaga, 2 Hunyo. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, nadakip ang tatlong suspek sa droga sa ikinasang drug sting operation …
Read More »Sining sa Komunidad minarkahan ng Buntal Festival sa SM City Baliwag
ISANG natatanging pagpapamalas ng sining ang minarkahan ng pagdiriwang ng Baliwag Buntal Festival sa SM City Baliwag sa pamamagitan ng Ico at Lety Cruz Art Competition Awarding and Exhibit, na nagtatampok ng mga natatanging likha ng mga lokal na artista mula sa iba’t ibang bahagi ng Bulacan. Ginawang posible ang programa ng pamahalaang lungsod ng Baliwag, sa pamamagitan ng Museo …
Read More »Taguig graduates hinikayat, layunin ng Panginoon sundin
“NA-DISCOVER n’yo na ba, graduates, kung ano ang plano ng Diyos sa inyo?” Sa katanungang ito sinimulan ni Senador Alan Peter Cayetano ang kanyang mensahe tungkol sa paghahanap ng sariling layunin sa buhay sa ika-52 seremonya ng pagtatapos ng Bagong Tanyag Integrated School sa Lungsod ng Taguig nitong Sabado, 1 Hunyo 2024. “God has a plan for each and every …
Read More »
Sa Metro Manila
LIVELIHOOD SUPPORT PATULOY NA INIAABOT NG MGA CAYETANO SA BAWAT KOMUNIDAD
TULAD ng maraming small business owners, maraming iniinda sa negosyo ang carinderia owner na si Rolando Fajardo. “Minsan mahina, minsan matumal, lalo na kapag tag-ulan.” Ito ang kanyang pagbabahagi matapos masayang makatanggap ng tulong-pangkabuhayan mula kina Senator Alan Peter at Pia Cayetano nang bisitahin ng kanilang mga tanggapan ang mga lungsod ng Marikina at Pasig noong 31 May 2024. “Nagpapasalamat …
Read More »
Sa usapin ng West Philippine Sea
PANGINGISDA ITULOY PAGKAT “ATIN ITO”
MANGISDA NANG MANGISDA sapagkat atin ang West Philippine Sea (WPS). Ito ang tahasang payo at sinabi nina running priest Fr. Robert Reyes at Edicio Dela Torre na pawang mga co-convenor ng Atin Ito sa kanilang pagdalo sa Agenda Forum sa Club Filipino. Ayon kina Reyes at Dela Torre, walang masama na pakinabangan natin ang ating likas na yaman partikular sa …
Read More »SM Supermalls partners with RunRio to launch First Pride Run
When was the last time you joined a run where the winners would strut down a catwalk during the evening’s awarding ceremony? A run where rainbow confetti and drummers would herald the start of the early morning run? Or a run where there’s also a Best in Costume prize? That kind of fun during an official run is all happening …
Read More »Makatang Merlie Alunan mangunguna sa panel ng Ibabao Writers Workshop
PANGUNGUNAHAN ng mabunyi at tanyag na makatang si Merlie Alunan, professor emeritus ng UP Tacloban ang panel ng Ibabao Writers Workshop (IWW) sa Catarman, Northern Samar. Nasa ikalawang taon ngayon, ang Ibabao Festival ay bahagi ng paggunita sa pagkakatatag ng lalawigan ng Northern Samar, habang ang IWW ay ang bukod-tanging writing workshop sa bansa na buong-buong pinopondohan ng pamahalaang panlalawigan. …
Read More »Ilang kilalang politiko nakiramay sa pamilya ni PMCC founding leader Apostle Arsenio Ferriol
DUMATING sa lamay ni founding leader at Chief Executive Minister ng Pentecostal Missionary Church of Christ (PMCC) na si Apostle Arsenio Ferriol sa Imus, Cavite ang ilang batikang politiko na kinabibilangan ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan, mga kongresista at mga senador upang ipaabot ang kanilang pakikiramay sa pamilyang naiwan ni Apostle Ferriol. Kabilang sa mga dumating si Senador …
Read More »Kahalagahan ng kababaihan prayoridad ng mga Revilla
NARARAMDAMAN ni Cavite Representative Lani Mercado Revilla ang prayoridad ng kahalagahan at pagmamahal ng kanyang asawa na si Senador Ramon Revilla, Jr., sa mga kababaihan. Ito ay matapos suportahan ni Senador Revilla ang 46th National Biennial Convention ng National Federation of Women’s Club of the Philippine, sa pamamagitan ng kongresista bilang kinatawan ng senador habang nagrerekober pa sa katatapos tenotomy …
Read More »
Sa Aklan
OIL SPILL SA ISANG SHIPYARD KUMALAT SA KALAPIT NA ILOG
KUMALAT sa kalapit na ilog ang oil spill na nagsimula sa isang shipyard sa bayan ng New Washington, lalawigan ng Aklan, ayon sa ulat ng Philippine Coast Guard nitong Huwebes, 30 Mayo. Ayon sa PCG, naganap ang oil spill noong Linggo, 26 Mayo sa Brgy. Polo, sa nabanggit na bayan, habang natagpuan ang mga marka ng oil sheen sa tabing …
Read More »2 HVI arestado sa Laguna P.387-M shabu nasamsam
NASAKOTE ang dalawang lalaking nakatala bilang high value individual (HVI) habang nakompiska ang P387,600 halaga ng hinihinalang shabu sa drug bust operation na isinagawa ng Drug Enforcement Unit ng Cabuyao CCPS nitong Huwebes ng umaga, 30 Mayo, sa lungsod ng Cabuyao, lalawigan ng Laguna. Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina alyas Cristopher, 39 anyos, residente sa Brgy. Mamatid, …
Read More »