ARESTADO ang isang construction worker at kanyang live-in partner nang maaktohan ng mga pulis na abala sa pagbusisi ng sachet ng shabu sa loob ng sementeryo sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni C/Insp. Romulo Mabborang ang mga naarestong suspek na sina Richard Molino, 34, at si Lilibeth Beltran, 41, ng P. Concepcion St., Brgy. Tugatog. Batay sa ulat …
Read More »Kontrabando sa BI detention cell kompiskado
NAKOMPISKA ang iba’t ibang uri ng kontrabando mula sa detention cell ng Bureau of Immigration (BI) sa Camp Bagong Diwa, Taguig City matapos ang sorpresang inspeksiyon ng mga awtoridad kamakalawa ng hapon. Pinangunahan ni Atty. Jesselito Castro, ng Intelligence at Regional Special Operation Unit ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang naturang inspeksiyon. Nakuha sa detention cell ng mga banyaga ang samot- saring …
Read More »2 lalaking nanalo sa sabong patay sa ambush
TODAS ang dalawang lalaki na kagagaling sa sabungan matapos silang tambangan at pagbabarilin ng mga nakamotorsiklong suspek sa Meycauayan City, Bulacan. Batay sa ulat, sakay ng isang kotse sina Andres Limcuando at katiwalang si Rodelio Ampunin nang tambangan sila ng dalawang suspek sa McArthur Highway pasado 2:00 ng madaling araw kamakalawa. Ayon kay Chief Insp. Alexander Dioso, officer-in-charge ng Meycauayan …
Read More »Pinoy construction workers ubos na (Chinese pumapalit)
INATASAN ng Palasyo ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na gumawa ng kaukulang hakbang upang matugunan ang kasalukuyang kakulangan sa Pinoy workers sa construction sites sa ilalim ng government programs. Ito ang sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo sa gitna ng pahayag ni dating Pangulong Noynoy Aquino na dumaragsa ang mga construction workers na Chinese nationals sa Filipinas. …
Read More »Sa Batang Bilanggo Bill… 12-anyos aprub kay Duterte
KOMPORTABLE si Pangulong Rodrigo Duterte na ibaba sa 12 anyos ang criminal liability ng isang Filipino mula sa 15-anyos, hindi sa 9 anyos. Ang pahayag ay ginawa ng Pangulo kasunod ng pagpasa sa second reading ng Batang Bilanggo Bill na 12-anyos ang criminal liability at hindi na 9 anyos gaya ng naunang ipinanukala. “If it’s the final decision, I’m comfortable …
Read More »Higanteng pating sa pelikulang Meg natagpuan sa Hawaii
NAMATAAN ang isang dambuhalang great white shark—— na pinaniniwalaang pinakamalaki at katulad ng pating na Megalodon sa pelikulang Meg — kalapit ng baybayin ng Hawaii. Nakunan ng video footage at mga larawan at nagawa pang makilangoy ang mga diver sa higanteng pating na isang female shark at umaabot sa 20 talampakan (anim na metro) ang sukat. May marking dito tulad …
Read More »Kabataan sagipin
IMBES parusahan at ikulong ang mga kabataan mas nararapat na sagipin sila ng pamahalaan. Ito ang pahayag ni Senadora Grace Poe sa isinusulong na pagbaba ng criminal liability sa edad 9 anyos. Naniniwala ang senadora na ang pagbaba sa edad 9 anyos ng criminal liability ay hindi tamang sagot para mabawasan ang pagkakasangkot ng mga kabataan sa krimen. Ipinunto ni …
Read More »Juvenile Justice Act sablay
IGINIIT ni Senate President Vicente Tito Sotto III na hindi ang implementasyon ang sablay sa ipinatutupad na Juvenile Justice Welfare Act kundi ang batas mismo. Ito ang naging sagot ni Sotto sa pagdinig sa senado na kakulangan sa pondo kung bakit sumablay ang implementasyon ng naturang batas. Lumabas sa pagdinig na kaya pinakakawalan ang ilang kabataan na sangkot sa heinous …
Read More »Juvenile Justice Act palpak sa kawalan ng pondo
LUMALABAS sa pagdinig ng Senate Justice Committee on Justice and Human Rights na pinamumunuan ni Senador Richard Gordon na hindi naipatupad nang maayos ang Juvenile Justice Welfare Act dahil sa kakulangan ng pondo para maipatupad nang maayos. Sa pagdinig sa senado, inamin ni Juvenile Justice and Welfare Council (JJWC) Executive Director Atty. Tricia Oco na may kakulangan sila sa bahay …
Read More »Sindikatong gumagamit sa mga bata patawan ng parusang mabigat
NANANAWAGAN si Senador Joel Villanueva sa pamahalaan at mga mambabatas na bigatan ang parusa sa mga gumagamit sa mga kabataan para gumawa ng isang krimen. Ito ang isa sa nakikitang solusyon ni Villanueva sa dumaraming bilang ng mga kabataan na nasasangkot sa krimen. Ayon sa Senador, imbes ibaba ang criminal liability sa 9 anyos tulad nang naipasa ng house mas …
Read More »Puwedeng litisin parusa ipataw sa tamang edad — Sen. Ping
DAPAT litisin ang mga batang nahuhuling sangkot sa kriminalidad pero ipatupad ang hatol kapag napatunayan sa sandaling sumapit na sa wastong gulang ang mga batang suspek. Bahagi ito ng pangunahing tugon ni Senador Panfilo Lacson ukol sa panukalang nagbababa sa siyam mula 15 anyos ang “age of criminal liability.” “I support lowering the age of criminal liability to a certain …
Read More »Palasyo ‘nanahimik’ sa Batang Bilanggo bill
DUMISTANSYA ang Palasyo sa panukalang batas na may layuning ibaba sa 9-anyos ang criminal liability mula sa 15 anyos ng isang Filipino. Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kahapon, hindi makikialam si Pangulong Rodrigo Duterte sa isinusulong na ‘Batang Bilanggo Bill’ na lumusot sa Justice Committee ng Mababang Kapulungan bagama´t nais din niya na ibaba ang edad ng criminal liability. …
Read More »Imbestigasyon sa flood control ‘di matatapos sa pagbibitiw ni Andaya sa Rules Committee
ANG imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects kinasasangkutan ni Budget Secretary Benjamin Diokno at kanyang mga balae na nagmamay-ari ng Aremar Construction sa Sorsogon ay hindi matatapos sa pagbibitiw ni Camarines Sur Rep. Rolando Andaya bilang chairman ng House Committee on Rules. Inaprobahan ng mga kongresista ang mosyon ni Andaya na ilipat ang imbestigasyon sa House Committee on Appropriations na …
Read More »Pinoys ban sa USDHS
HINDI naging maganda ang balita sa mga Pinoy, makaraan i-ban ng United States Department of Homeland Security ang Filipinas sa pagbibigay ng eligibility sa H-2A at H-2B working visas sa loob nang isang taon kaugnay ng problema sa overstaying at human trafficking. Pinaalalahanan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pinoy partikular ang mga nasa Estados Unidos na hangga’t maaari ay sundin …
Read More »DFA dapat mag-imbestiga sa ban ng US vs Pinoys
PINAKIKILOS ng Palasyo ang Department of Foreign Affairs at embahada ng Filipinas sa Amerika upang silipin kung may basehan ang naging hakbang ng Estados Unidos na huwag munang mag-isyu ng working visa sa mga Filipino hanggang isang taon. Kasunod ito ng naging direktiba na inisyu ng US Department Homeland Security bunsod ng umano’y paglala ng mga kaso ng overstaying ng …
Read More »Digong ‘inawat’ si Andaya vs Diokno
WALANG iba kundi si Pangulong Rodrigo Duterte na ang nagsalita kay dating House Majority Floor Leader Rolando Abaya Jr., na tigilan na si Budget Secretary Benjamin Diokno. Sa pahayag na ipinalabas ng Palasyo, bagamat inirerespeto umano ng Pangulo ang awtonomiya ng House of Representatives ay sinabihan si Andaya na tigilan ang ‘paninira’ sa pamamagitan ng media propaganda na may layuning …
Read More »Gov’t meeting ginawa sa ilalim ng dagat
ALAM ba ninyo na noong 2009 ay nagsagawa ng pagpupulong ang mga opisyale ng gobyerno sa kailaliman ng dagat? Totoo nga ito. Nagsuot ng scuba gear ang mga miyembro ng Gabinete ng Maldives at gumamit ng mga hand signal para magpulong sa opisyal na government meeting na isinagawa sa ilalim ng dagat para bigyang-diin ang halaga ng pagtugon sa banta …
Read More »Digong inip na sa Federalismo (Kongreso makupad)
NAIINIP na si Pangulong Rodrigo Duterte sa mabagal na usad ng Charter change sa Kongreso kaya nais niyang unahin ang amyenda sa ilang economic provisions. Paliwanag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, naiinip ang Presidente sa galaw ng Kongreso tungkol sa federalismo at walang nakikitang seryosong hakbang sa hanay ng mga mambabatas para ito’y maisakatuparan. Inihayag ni Panelo bagama’t nais ng …
Read More »Bunso todas sa kuyang may sayad
SINAKSAK hanggang mapatay ng 38-anyos binata na sinasabing may diprensiya sa pag-iisip ang nakababatang kapatid sa Parañaque City, nitong Linggo ng gabi. Hindi na umabot nang buhay sa Ospital ng Parañaque ang biktimang si Jonathan dela Vega Capistrano, 28, binata, construction worker, tubong-Naga Catanduanes, residente sa Capernum, Purok 7, Morales Compound, Barangay Moonwalk, dahil sa mga saksak sa iba’t ibang …
Read More »Bill pag-aralan mabuti — Binay (Sa ‘batang bilango’)
TUTOL si Senadora Nancy Binay na ibaba ang edad ng kabataan na nasasangkot sa krimen. Ayon kay Binay may ibang paraan upang mailigtas ang ilang kabataan. Mahigpit ang pagtutol ni Binay na ibaba ang edad ng kabataan mula 15 anyos sa 9 anyos para samaoahan ng kasong kriminal. “As a mother of 9-year old twins, alam ko sa ganitong edad …
Read More »Lasing na seaman nagwala… Mag-ama, kritikal, bebot na kaanak, sabog ang mukha
KAPWA kritikal ang kalagayan ng isang mag-ama sa pagamutan, habang sabog ang mukha ng isa pang kaaanak makaraang pagsaksakin at gulpihin ng isang lasing na seaman na nagwala sa Navotas City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ang mga biktimang patuloy na ginagamot sa Tondo Medical Center (TMC) na sina Salvador Rubinas, 61-anyos at anak nitong si Adrian, 30, kapwa residente sa …
Read More »Sa criminal act ng menor de edad: Magulang panagutin
DAPAT managot ang mga magulang sa anumang nagawang criminal act ng kanilang mga anak. Sa press briefing sa Palasyo kahapon, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, sa paniniwala ni Pangulong Rodrigo Duterte, hindi dapat pinababayaan ng mga magulang ang mga anak na masuong sa masamang gawain o mas hindi nila dapat payagang magamit ang mga bata sa criminal activities ng ibang …
Read More »‘Batang Bilanggo Bill’ pasado sa justice panel ng kamara
IPINASA kahapon ng Justice panel ng Kamara ang panukalang ibaba sa 9 anyos ang edad ng criminal liability ng bata taliwas sa kabila ng pagbatikos dito. Ayon kay Akbayan Rep. Tom Villarin kabaliktaran ito ng Juvenile Justice Welfare Act or RA 9344. Nagpahayag ng matinding pangamba si Villarin sa kadahilanang mapaparusahan ang mga bata sa ilalim ng baluktot ng sistema …
Read More »McDonald na ‘ala Kristo’ malaking insulto sa Kristiyanismo
AALISIN na sa isang Israeli museum ang eskultura ng McDonald mascot na ipinako sa krus tulad ni Kristo kasunod ng mga protesta dahil malaki umano itong insulto sa mga Kristiyano na dagliang nagbuklod sa Christian minority ng bansa at ang populist culture minister nito at pro-Palestinian artist. Naging sentro ng exhibition ang life-sized sculpture na nagpapakita kay Ronald McDonald clown …
Read More »Ex-DoT chief Alunan sinabon si Sec. Puyat
DESMAYADO si dating Tourism secretary at ngayon ay Bagumbayan Party senatorial bet Raffy Alunan III sa naging performance ni kasalukuyang Department of Tourism (DoT) Secretary Berna Romulo Puyat sa nakaraang pagdiriwang ng Ati-Atihan Festival sa Kalibo, Aklan. Wala si Puyat sa pagdiriwang ng Ati-Atihan Festival na tinagurian pa namang “Mother of All Festivals” sa buong bansa at nagpapakita ng ating …
Read More »