Thursday , May 1 2025

Ex-mayoral candidate sa Meycauayan patay sa pamamaril

PINAGBABARIL hanggang mamatay ang isang negosyante sa lungsod ng Meycauayan, sa lalawigan ng Bulacan, kamakalawa ng tanghali, 17 Agosto.

 

Sa ulat mula kay P/Lt. Col. Bernardo Pagaduan, hepe ng Meycauayan City Police Station (CPS), kinilala ang biktimang si Ryan Afable Cayanan, 45 anyos, tumakbo sa pagkaalkalde ng naturang lungsod noong 2019 ngunit hindi nagwagi.

 

Ayon sa imbestigasyon ng mga tauhan ng Meycauayan CPS, nagmamaneho si Cayanan ng motorsiklo sa McArthur Highway, sa bahagi ng Barangay Banga, sa naturang lungsod, nang pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan dakong 12:30 pm.

 

Naisugod pa sa Meycauayan Doctors Hospital ang biktima ngunit binawian din ng buhay habang nilalapatan ng lunas dahil sa malulubhang tama ng bala sa katawan.

 

Sa patuloy na pag-iimbestiga ng pulisya, napag-alamang nakatatanggap ng pagbabanta sa kaniyang buhay si Cayanan.

 

Sa kaniyang social media post, nakasaad ang paghingi niya ng hustisya para sa isang Nikko Pulumbarit na pinatay din noong nakaraang linggo sa Barangay Malhacan, sa naturang lungsod.

 

Ito ang isang sinisilip na anggulo ng pulisya na posibleng motibo sa pagpatay sa biktima. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Pope Vatican

Bagong Santo Papa sa 7 Mayo pipiliin

INAASAHANG sa 7 Mayo 2025, nakatakdang simulan ng Simbahang Katolika ang pagpili ng bagong Santo …

Arrest Shabu

Drug den sa NE nilansag, 5 tulak timbog

ARESTADO ang limang indibiduwal sa loob ng isang makeshift drug den habang nasamsam ang tinatayang …

Pasong grocery goods iniimbak para ibenta Bodega sa Tarlac sinalakay

Pasong grocery goods iniimbak para ibenta Bodega sa Tarlac sinalakay

SINALAKAY ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) -Tarlac District Office ang isang …

Absentee voting ng AFP matagumpay na naisagawa sa Fort Ramon Magsaysay

Absentee voting ng AFP matagumpay na naisagawa sa Fort Ramon Magsaysay

MATAGUMPAY na naisagawa ang Absentee Voting para sa mga sundalo ng iba’t ibang Philippine Army …

Bam Aquino Anne Curtis Janine Gutierrez

Isa pang ‘Diyosa’ suportado pagka-senador ni Bam Aquino

ISA pang “Diyosa” ang nagpahayag ng suporta sa pagka-senador ni dating Senador at independent candidate …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *