Saturday , January 11 2025

News

Motorsiklo bilang public transportation, lusot na sa komite sa Senado

Grace Poe

INAPROBAHAN na ng Senate committee on public services ang panukalang magpapahintulot sa paggamit ng mga motorsiklo bilang pampasaherong sasakyan tulad ng  Angkas. Hiwalay na inakda ang Senate Bill Nos. 2173 at 2180 at Senate Resolution 993 nina Senadora Grace Poe, Senate President Pro-Tempore Ralph Recto at Sen. JV Ejercito at nakalusot na bilang alternatibong public transportation sa ikala­wang public hearing …

Read More »

Magna carta for SMEs ‘salbabida’ ng maliliit na negosyante — Mar Roxas

ANG batas na ginawa ni dating senador Mar Roxas ukol sa Magna Carta for Small-Medium Enterprises ang sumagip sa maraming maliliit na negosyante nang kanyang ipatupad noong siya ay Trade and Industry secretary. Sa multi-sectoral forum sa unang araw ng Marso sa Calamba, Laguna, inulan ng tanong ang dating senador na si Roxas kung paano makapagsisimula ng nego­syo ang mga …

Read More »

Sa hamong debate… Neri Col inisnab ng Palasyo

IBINASURA ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ang hamon na debate ni senatorial candidate Neri Colmenares kaugnay sa loan agreements ng Filipinas at China. Sinabi ni Panelo na nais lang ni Colmenares na makakuha ng atensi­yon sa media para mai­sulong ang kandidatura. “Challenging a publicly visible govern­ment official to a debate attracts media attention. Surely Mr. Neri Colme­nares knows how to …

Read More »

Dahil sa tagtuyot… 5 bayan isinailalim sa state of calamity

heat stroke hot temp

IDINEKLARANG nasa state of calamity ang limang bayan sa Cotabato dahil sa matinding tagtuyot na nararanasan sa Mindanao. Ayon kay Engineer Arnulfo Villaruz, warning and action officer ng Cotabato Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), at sa pagsubaybay ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), napabilang ang Rehiyon 12 sa “low amount of rainfall” at halos …

Read More »

Tatlong lalaki tiklo sa pekeng yosi

yosi Cigarette

INARESTO ng pulisya ang tatlong lalaki na naaktohang nagbebenta ng mga pekeng sigarilyo sa Bocaue, Bulacan. Kinilala ang mga suspek na sina Carlo Lopez, 22-anyos; Antho­ny Lopez, 19-anyos; at Mark Anthony Dimara­nan, 25-anyos. Isinagawa ang operasyon laban sa tatlong suspek ng mga kagawad ng Bocaue police at Bulacan Pro­vincial Special Operation Group (PSOG). Nabatid na inaresto ang tatlo matapos maka­kuha …

Read More »

Pag-aangkat ng nakalalasong kemikal, ipinagbabawal ng dalawang batas

MAHIGPIT na ipinagbabawal ang pag-aangkat ng mga nakalalasong kemikal gaya ng chemical fertilizers at pesticides sa ilalim ng Republic ACT 6969 na pinirmahang maging batas ni dating Pangulong Corazon Aquino noong 1990. Pinagtibay ito ng Republic Act 10068 o Agricultural Organic Act na naging batas sa ilalim ng administrasyon ni Gloria Macapagal-Arroyo na ngayon ay kinatawan ng pangalawang distrito ng …

Read More »

Manicad: Bagong dugo kailangan sa Senado

NANAWAGAN ang broad­cast journalist at kandidato para sa Senado na si Jiggy Manicad na kailangan ng bagong dugo sa Senado upang magpatupad ng mga makabagong ideya at malikhaing solusyong tutu­gon sa mga problema ng bansa. Si Manicad, isang batikang mamamahayag na ngayon lamang sumabak sa politika, ay partikular na nag­susulong ng agarang repor­ma sa sektor ng agrikultura at sa mga …

Read More »

Medical officer ng DOH, lady varsity player, 4 pa arestado sa drug bust (Sa Mandaluyong condo)

ARESTADO ang isang doktor at tennis varsity player kasama ang apat na iba pa sa drug operations ng PDEA sa California Garden Condominium, Bgy. Highway Hills,  Mandaluyong City. Kinilala ni PDEA Director General Aaron Aquino ang naaresto na si Dr. Vanjoe Rufo de Guz­man, 44 anyos, Medical Officer IV ng Department of Health (DOH-NCR); Keanu Andrea Flores, 21 anyos, marketing …

Read More »

Arestadong hired killers pinagbabaril sa Maynila

PATAY ang dalawang nadakip na hired killer nang tambangan ng motor­cycle riding-in-tandem gunmen habang lulan ng mobile patrol pagkagaling sa inquest proceedings pabalik sa police station sa Sampa­loc, Maynila. Naganap ang pana­nambang dakong 4:15 pm, sa kahabaan ng A.H. Lacson Avenue ilang metro mula sa panulukan ng Fajardo St., sa Sampaloc, nang biglang sumulpot ang tatlong riding-in-tandem saka hinarang ang …

Read More »

Oil companies wala nang lusot sa BIR

WALA nang lusot ang mga gaso­linahang hindi nag-iisyu ng resibo sa kanilang mga kliyente o hindi nag­dedeklara ng tamang sales na pu­mapasok sa kanilang kompanya. Sinabi ni Finance assistant secretary Tony Lambino, sa pama­ma­gitan ng fuel marking program, awtomatikong malalaman kung ilang litro ang inilalabas ng isang gas station maging ng oil refineries. Sa ilalim ng programa na nakapaloob sa …

Read More »

Chinese workers huwag hayaang dumami sa PH — Grace Poe

Grace Poe

MULING nagpahayag si Senadora Grace Poe ng labis na pagkabahala sa pagdami ng hindi dokumen­tadong Chinese na nagtatra­baho sa Filipinas dahil tila mawawalan ng trabaho ang mga Filipino. Giit ni Poe, hindi dapat pumasok ng bansa ang mga nasabing dayuhan sa pagkukunwari bilang turista ngunit magtatrabaho naman pala. Aniya, dapat mas ma­ging mahigpit ang Depart­ment of Labor and Employ­ment (DOLE) …

Read More »

Holdaper ng taxi driver tinutugis

PINAGHAHANAP na ngayon ng mga awtori­dad ang isang holdaper na nag- viral sa isang social media matapos makunan ng dashboard camera sa loob ng taxi ang ginawang panghoholdap sa taxi driver sa Caloocan City. Sa kuha ng dashcam ng taxi na ipinapasada ng driver na si Wilmor Capel­lan, makikita ang isang lalaking pasahero na naka-jacket at sombrero. Ayon kay Capellan, …

Read More »

Seguridad, regional issues tatalakayin kay US Sec. Pompeo

TATALAKAYIN ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang mga pangu­nahing “regional issues” partiku­lar ang aspekto ng segu­ridad sa nakatakdang pulong nila ni US Secretary of State Mike Pompeo sa Malacañang bukas. “Any subject matter that is mutually beneficial to both countries will be discussed or any matter for he Secretary to rise,” ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo hinggil sa Duterte-Pompeo meeting. …

Read More »

PLDT ipasasara (Kapag hindi nagdagdag ng linyang public service)

Manuel V Pangilinan MVP PLDT SMART

NAGBABALA si Pangu­long Rodrigo Duterte na ipasasara ang Philippine Long Distance Telephone (PLDT) company kapag hindi nagdagdag ng linya para magamit na hotlines sa mga reklamo ng pu­bliko sa mga serbisyo ng gobyerno. Ayon kay Pangulong Duterte, may utang sa gobyerno na P8 bilyon ang PLDT. “If you see cor­ruption, tell me. Call 8888. Bong, add another trunk line. The …

Read More »

Digong nag-sorry kay Nur

NAG-USAP sa Palasyo sina Pangulong Rodrigo Duterte at Moro National Liberation Front (MNLF) founding chairman Nur Misuari kamakalawa ng gabi. Sa press briefing sa Malacañang kahapon, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na 15 minutong na­ka­pag-usap ang dala­wa. Ayon kay Panelo, si Pangulong Duterte ang maraming nasabi kay Misuari. Humingi aniya ng paumanhin ang Pangulo kay Misuari dahil hindi pa …

Read More »

‘Drug war’ ni Digong bigo — solon (Sa pagpasok ng bulto-bultong cocaine)

ANG pagbagsak ng bulto-bultong cocaine at iba pang uri ng illegal na droga sa bansa ay isang malinaw na indikasyon na bigo ang Pangulong Duterte sa kanyang madugong “war on drugs.” Ayon kay Akbayan Rep. Tom Villarin, ‘yung mga nahuling “cocaine bricks” sa karagatan ng bansa ay isang babala sa mas malaking shipment ng droga. “The recent seizures of cocaine …

Read More »

Higit 2 sako ng illegal campaign posters nakompiska sa Oplan Baklas sa Samar

NAKOMPISKA ng pulisya sa Palapag, Northern Samar ang mahigit sa dalawang sako ng campaign poster sa isinagawang Oplan Baklas. Sinabi ni Police Major Arnold Gomba Jr., hepe ng Palapag MPS, karamihan sa kanilang binaklas na campaign tarpaulins, posters, streamers at banners ay mula sa mga kumakandidatong senador. Muling nagbabala ang awtoridad sa mga kandidato na huwag maglagay o magpadikit ng …

Read More »

Laborer umalingasaw bangkay natagpuan

dead

NADISKUBRE ang naagnas na bangkay ng isang laborer dahil sa masangsang na amoy sa loob ng inuuupahang bahay sa Muntinlupa City, iniulat kahapon. Kinilala ang biktimang si Dennis Deocareza, 28, may kinakasama, at nangungupahan sa Phase 4, Block 49 Lot 34, Southville 3 NHA, Barangay Poblacion, Muntinlupa City. Base sa ulat ng Southern Police District (SPD), dakong 7:00 am, natagpuan …

Read More »

Kalayaang natamo sa EDSA 1 pahalagahan — Duterte

PAHALAGAHAN nang husto ang kalayaang natamo sa 1986 People Power Revolution. Ito ang panawagan sa publiko ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdiriwang ng ika-33 anibersaryo ng 1986 People Power Revolution. Mensahe ng Pangulo, umaasa siyang hindi makalimutan ng sambayanang Filipino ang demokrasyang umii­ral sa bansa sa kasalu­kuyan ay bunga nang paki­kibaka ng mga ma­mamayan. “I am hopeful that this occasion …

Read More »

Pagkatapos ng 3 dekada… Mala-diktadurang pamamahala muling nabuhay

Duterte Marcos Martial Law

NAGPAHAYAG ng pag­kalungkot ang mga miyem­bro ng oposisyon kahapon sa ika-33 anibersaryo ng People’s Power Revolution. Anila bumalik ang mala-diktadurang pamamalakad na isinuka ng sambayanang Filipino sa ilalim ng gobyernong Marcos. “Tatlong dekada na ang nakalilipas ngunit nasasaksihan pa rin natin ang mala-diktadurang pamamahala sa gobyer­no. Kaliwa’t kanan ang paglabag sa kara­patang pantao — pagpapata­himik sa mga kritiko ng administrasyon, …

Read More »

Presyo ng langis muling sumirit (Ika-7 ngayong 2019)

SASAKIT muli ang ulo ng mga motorista dahil nagpatupad ng big time oil price hike sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis ngayong araw, 26 Pebrero. Pinangunahan ng kompanyang Total Philippines, Pilipinas Shell, PTT Philippines, Petro Gazz, Sea Oil at Caltex (Chevron) ang dagdag presyo na P1.45 kada litro ng gasolina, maging sa diesel ay P1.45 din kada …

Read More »

P6.8M shabu kompiskado sa 4 big time drug dealer

APAT na bigtime drug dealer na kumikilos sa Quezon City at karatig lungsod ang naaresto ng mga operatiba ng Que­zon City Police District Cubao police station (QCPD-PS7) makaraang makompiskahan ng P6.8 milyong halaga ng shabu sa buy-bust ope­ration sa Taguig City, ayon sa ulat kahapon. Sa ulat kay QCPD director, C/Supt. Jose­lito Esquivel Jr., kinilala ang nadakip na sina  Abel …

Read More »

Batas laban sa ‘kanser’ pirmado na

MAY laban na ang mga kababayan natin kontra sakit na kanser. Ito ang sinabi ngayon ng reeleksyonistang si Senador Sonny Angara, matapos maisabatas ang National Integrated Cancer Control Act (RA 11215), nang lagdaan at pagtibayin ito ni Pangu­long Duterte nitong 14 Pebrero 2019. Nilalayon ng batas na mapapaba ang halaga ng gamutan at medisina na kailangan ng cancer patients upang …

Read More »

Enrile: Dagdag na trabaho, susi laban sa kahirapan

DAHIL tumaas ang bilang ng mga Filipino na nagsasabing sila’y mahirap noong 2018 ayon sa isang survey ng Social Weather Stations (SWS), nangako si dating Senate President Juan Ponce Enrile na kanyang paiigtingin ang pagdagdag ng mga trabaho para sa mga Filipino upang labanan ang kahirapan. “For the economy, what is our way of fighting poverty? Create jobs. Kung may …

Read More »