Saturday , December 6 2025

News

PISI, DTI sanib puwersa vs substandard rebars (Mga kompanyang lumabag tinututukan)

MAS paiigtingin ng Philippine Iron and Steel Institute (PISI) ang kampanya laban sa substandard at unmarked reinforced steel bars matapos matu­klasang may panibagong batch ng rebars ang nagkalat mula sa mga kahina-hinalang manufacturer. Agad ipinagbigay-alam ni PISI vice president for technical affairs Joel Ronquillo sa Department of Trade and Industry (DTI) na ang substandard rebars ay iniulat na mula umano …

Read More »

Tax perks pabor sa Bulacan airport ipinababawi

NANAWAGAN ang isang infrastructure-oriented thinktank sa Senado na bawiin ang tax perks na ipinagkaloob ng House of Representatives sa San Miguel Aerocity, Inc. Nakatakdang talakayin sa Senado sa susunod na linggo ang franchise bill ng naturang airport ngayong linggo. Sinabi ni Infrawatch PH convenor at dating Kabataan partylist Rep. Terry Ridon, sa panahon ng pandemya na kailangan ng gobyerno ang …

Read More »

Impluwensiya ni Cayetano, bawas na — Atienza

NABAWASAN na ang lakas at impluwensiya ni House Speaker Alan Peter Cayetano sa 304-member ng legislative chamber para patuloy na hadlangan ang term-sharing agreement na ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ni Buhay Party-list Rep. Lito Atienza, naharap si Cayetano sa isang mahirap na sitwasyon matapos maglunsad ng loyalty check na humantong sa pagtanggal kay 1PACMAN Rep. Mikee Romero bilang …

Read More »

Malanding bata, umamin na

AAMININ din naman pala ng malanding batang babaeng iyan ang kanyang kalandian, bakit nga ba pinatagal pa niya? Kung noong una pa ay inamin na niya ang lahat, hindi na sana nagkaroon pa ng kung ano-anong controversy sa kanyang buhay. Ang lahat naman ng controversy ay nagsimula lamang sa kanyang kalandian.   Hindi na sila natuto. Katakot-takot na denial pa ang kanilang …

Read More »

DITO CELL TOWER SA MILITARY CAMPS ‘TULAY’ NG CHINESE HACKING, ESPIONAGE – CPS CHAIR

MARIING inihayag ni Citizens for Philippine Sovereignty (CPS) chair Neri Colmenares na magiging marupok o vulnerable ang puwersa militar ng bansa sa hacking at espionage ng China dahil sa memoramdum of agreement na nagbibigay daan sa Dito Telecommunity na magtayo ng cellular towers sa loob ng mga kampo ng pulisya at sandatahang lakas ng Filipinas. Ang Dito, 40 porsiyentong pag-aari …

Read More »

Political arrests ‘walang tigil’ (Sa kabila ng pandemya)

MALABONG iutos ng Palasyo ang pagpapatigil sa political arrests kahit sa panahon ng pandemya. Kailangan itigil ang paglaban sa gobyerno ng mga aktibista para mahinto ang political arrests sa bansa, ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque. Tugon ito ni Roque sa panawagan ng grupo ng political prisoners na itigil na ng pamahalaan ang pagpapakulong sa quarantine violators at magbaba ng …

Read More »

Distancia amigo? Liderato sa Kamara ‘tapos’ na

PINANINIWALAANG resolbado na ang isyu ng liderato sa kamara kasunod ng pagdistansiya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu. Ang pagdistansiya ng Pangulo sa nasabing isyu, kahit si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco ay sinabing kaalyado ng pamilya Duterte, ngunit hindi napaboran sa usapin ng term-sharing nito kay Rep. Alan Peter Cayetano, ay pinaniniwalaang ‘respeto’ sa pagbasura ng mga mambabatas sa …

Read More »

1,792 OFs darating pa

TINATAYANG 1,792 Overseas Filipinos (OFs) ang panibagong batch dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kahapon. Ang 350 Pinoy repatriates mula United Arab Emirates (UAE) via Philippine Airlines flight PR659 ay dumating dakong 8:55 am. Sumunod ang 350 Pinoy repatriates mula Jeddah sakay ng Saudia Airlines flight SV862 na darating 1:40 pm. Inaasahan ang 320 Pinoy repatriates mula Dubai sakay …

Read More »

4 drug suspects timbog sa P.8-M shabu at baril

shabu drug arrest

HULI ang apat na miyembro ng isang sindikato ng droga, na nakuhaan ng mahigit sa P.8 milyong halaga ng shabu at isang baril sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ang mga na-arestong suspek na sina Reynaldo Mabbun, 47 anyos, Michelle Concep-cion, 42 anyos, kapwa residente sa San Diego St., Barangay Canumay West; Oliver Edoria, 38 anyos, ng P. Santiago …

Read More »

Killer ng online seller huli na

arrest prison

ARESTADO na ng mga awtoridad ang pangunahing suspek sa pagpatay sa isang online seller noong Lunes ng gabi sa Malabon City. Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jessie Tamayao ang suspek na si Fernand Rafael, may mga alyas na Kevin Rafael at Balat, 26 anyos, helper sa Malabon Fish Port na naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Sub-Station 5 at …

Read More »

Isko kabilang sa PH 2020 ‘Most admired men and women’

Isko Moreno

PATUNAY na isa sa pinaka­hinahangaang personalidad sa bansa si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nang mapabilang sa listahan ng “Most admired men and women in the Philippines in 2020.” Naigawad kay Mayor Isko ang ikatlong puwesto sa listahan na pinangu­nahan naman nina Pangulong Rodrigo Duterte at pumangalawa si Philippine boxing icon Senador Manny Pacquiao. Base sa talaan, si Yorme …

Read More »

Pagsasanay ng mga guro todo-tutok ni Gatchalian

teacher

ISINUSULONG ni Senador Win Gatchalian ang pagkakaroon ng pagdinig sa Senado upang masuri ang kalidad ng edukasyon at pagsasanay ng mga guro sa bansa. Inihain ng mambabatas ang Resolution No. 526 na layong matukoy ang mga posibleng hakbang upang iangat ang kalidad ng edukasyon at pagsasanay na natatanggap ng mga guro. Sa kalaunan, ani Gatchalian, makatutulong ito upang maiangat ang …

Read More »

Aplikasyon sa prankisa ipasa na — Poe

Grace Poe

HINIMOK ni Sen. Grace Poe ang kanyang mga kasamahan sa Senado na ipasa ang aplikasyon para sa prankisa ng 11 kompanyang mula sa iba’t ibang sektor gaya ng tele­komunikasyon, broadcast, paliparan, koryente at karerahan. Sa kanyang sponsorship speech, sinabi ni Poe. ang pagkakaloob ng prankisa ay pagbibigay-importansiya sa interes ng publiko sa mga nasabing sektor at sa kanilang kakayahang makatulong …

Read More »

DOST budget tinapyasan, senador humirit

PINADADAGDAGN ng ilang senador na taasan ang tinapyasang pondo ng Department of Science and Technology (DOST) para sa research and development (R&D). Ayon kay Sen. Joel Villanueva, napapanahon ang pagpapaunlad ng R&D lalo na’t umangat ang puwesto ng Filipinas sa nakaraang Global Innovation Index. “With strengthened support to the DOST and R&D, not only do we allow innovation to provide …

Read More »

Mass swab test libre sa Maynila

INIUTOS ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang pagsasagawa ng libreng mass swab test sa market vendors, mall employees, hotel staffers, restaurant workers, e-trike drivers, tricycle drivers, pedicab drivers, jeepney drivers at bus drivers bilang bahagi ng kanyang pinalawig na hakbang laban sa CoVid-19. Base sa Executive Order No. 39, inatasan ng alkalde ang  Manila Health Department (MHD) na magsagawa …

Read More »

Suspek sa nakawan at patayan sa Korean store tiklo sa drugs ops

arrest posas

NADAKIP ang isang tulak ng shabu na itinuturong suspek sa pagpaslang ng isang kahera sa isang Korean store sa isinagawang anti-narcotics operation ng Lubao PNP-DEU, noong Lunes, 11:50 am, 28 Setyembre, sa bayan ng Lubao, lalawigan ng Pampanga. Kinilala ni PRO3 Director P/BGen. Rhodel Sermonia ang suspek na si Joemel Vargas, 27 anyos, binata, kabilang sa drugs watchlist, mula sa …

Read More »

Alokasyon ng tubig sa NCR mula Angat Dam ibababa simula Oktubre

tubig water

IBABABA ang distribusyon ng tubig sa Metro Manila simula 1 Oktubre dahil sa patuloy na pagsadsad ng water level sa Angat Dam, ayon sa National Water Resources Board (NWRB). Itinuturing ang Angat Dam sa bayan ng Norzagaray, sa lalawigan ng Bulacan, na pangunahing pinagkukuhaan ng water supply sa Metro Manila ng mga water concessionaire sa lugar. Ayon kay NWRB Executive …

Read More »

Dalaga timbog sa buy bust sa Laguna

ARESTADO ang isang 23-anyos dalaga nang pumasok sa bitag ng mga awtoridad sa ikinasang buy bust operation sa bayan ng Sta. Cruz, sa lalawigan ng Laguna, nitong Lunes ng gabi, 28 Setyembre.   Sa ulat ng pulisya, naganap ang transaksiyon sa pagitan ng police poseur buyer at ng suspek dakong 11:00 pm sa Caballero St., Monserat Subd., Barangay Sto. Angel …

Read More »

Umuwing LSI positibo sa Covid-19 (Unang kaso sa Batanes naitala)

Covid-19 positive

MATAPOS ang higit anim-buwan CoVid-free ang lalawigan, naitala ng isla ng Batanes ang kauna-unahang kaso ng coronavirus disease (CoVid-19) noong Lunes, 28 Setyembre. Noong Martes, 29 Setyembre, Sinabi ni Dr. Rio Magpantay, Department of Health regional director, na ang pasyente ay isang locally stranded individual (LSI) na umuwi sa Batanes noong 22 Setyembre sakay ng chopper ng Philippine Air Force. …

Read More »

Takdang-aralin magiging basura, paano na? — Marcos  

NAGBABALA si Senadora Imee Marcos sa Department of Education (DepEd), Local Government Units (LGUs) at maging sa mga paaralan sa posibilidad ng problemang pangkalikasan, dahil magtatambakan ang mga printed self-learning module kapag nagbalik-klase na sa susunod na linggo. “Isipin mo ‘yung multiplier effect ng dami ng modules sa kada subject, bukod pa ‘yung dami ng subject sa kada mag-aaral, bilang …

Read More »

Facebook, ipinaasunto sa pro-gov’t groups (Palasyo ‘bitter’)

‘BITTER’ ang Palasyo sa Facebook kaya hinimok ang pro-government groups na sampahan ng kaso ang social media platform sa pagtanggal sa kanila. Naniniwala ang Malacañang na censorship ang naging epekto ng pag-alis ng Facebook sa accounts ng administration supporters at taliwas ito sa freedom of speech. “Because we believe in freedom of speech. They may use as justification inauthentic behavior …

Read More »

Duterte sa telcos: Serbisyo ayusin

internet connection

NANAWAGAN muli si Pangulong Rodrigo Duterte sa telecommunication companies sa bansa na ayusin ang serbisyo lalo’t dadagsa ang gagamit ng internet sa pagsisimula ng mga klase sa susunod na linggo. Sinabi ng Pangulo sa kanyang public address kamakalawa ng gabi na tila habambuhay na ang reklamo ng mga mamamayan laban sa telcos — ang napakapangit na serbisyo. “I don’t know …

Read More »

Korupsiyon sa Philhealth, ‘alibi’ ni Duterte (Sa pagbebenta ng PH properties sa Japan)

Philhealth bagman money

NAIS ni Pangulong Rodrigo Duterte na buwagin ng Kongreso ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) dahil wala na umanong pondo ang state-run insurer. Sinabi ng Pangulo sa kanyang public address kamakalawa ng gabi, wala nang pondo ang PhilHealth, mahirap nang isapribado kaya’t walang kapitalista na magkakainteres na bilhin ito. “Itong PhilHealth, I am going to propose to Congress to abolish …

Read More »

‘Boksing’ sa kamara tapos na — PDP Laban (Sa 15-21 term-sharing)

“BOXING’S over!” Ito ang makahulugang pahayag ni Ron Munsayac, executive director ng PDP-Laban, kaugnay ng kontrobersiyal na ‘term-sharing’ sa Kamara sa pagitan nina Taguig Rep. Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco. Ani Munsayac, “Walang tensiyon sa panig ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco nang pangunahan niya ang maliit na bilang ng 20 mambabatas para humarap kay President Rodrigo …

Read More »