Thursday , May 26 2022

Higit P.8-M marijuana nasamsam sa ‘biyahero’ sa Benguet checkpoint  

INARESTO ng mga awtoridad ang tatlong lalaki dahil sa pagbibiyahe ng tinatayang P840,000 halaga ng marijuana na naharang sa isang checkpoint sa pagitan ng lungsod ng Baguio at bayan ng La Trinidad, sa lalawigan ng Benguet, nitong Linggo ng gabi, 6 Disyemrbre.

Ikinasa ang operasyon base sa tip na natanggap ng Baguio City police at kasama ang mga miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), naharang ang mabilis na tumatakbong itim na sports utility vehicle.

Hindi umano pinansin ng driver ng sasakyan ang mga pulis nang harangin at patigilin sila sa checkpoint.

Ayon kay P/Col. Allan Rae Co, hepe ng Baguio police, natagpuan mula sa loob ng sasakyan ang pitong berdeng tubo na pinagtataguan ng mga namumulaklak na halaman.

Kinilala ang mga suspek na sina Kasmir Vince Gile, 28 anyos, at Keihl Gio Baniqued, 22 anyos, kapwa mula sa lungsod ng Baguio; at Manuel Balbuena II, 22 anyos, mula sa Bulacan.

Patuloy na inaalam ng mga imbestigador ang pinagmulan ng mga kontrabando at kung saan ang destinasyon nito.

About hataw tabloid

Check Also

riding in tandem dead

Sa Tuao, Cagayan
BARANGAY CHAIR TODAS SA TANDEM

PATAY ang isang barangay chairman na sakay ng kanyang motorsiklo nang barilin ng hindi kilalang …

explode grenade

Sa San Ildefonso, Bulacan,
BAHAY NG KAPITAN HINAGISAN NG GRANADA

NAWASAK ng shrapnel mula sa inihagis na granada ang ilalim ng pick-up truck, pag-aari ng …

Bulacan Police PNP

6 MWPs sa Bulacan isa-isang naihoyo 

ISA-ISANG nahulog sa kamay ng batas ang anim na kalalakihang pinaghahanap ng batas at sinasabing …

rape

Call center agent na katagay hinalay
TEACHER ARESTADO

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaking guro matapos ireklamo ng panghahalay sa isang dalagang …

road traffic accident

Nasipa ng baka
RIDER NASAGASAAN NG TRUCK, PATAY

ISANG rider ang binawian ng buhay nang masagasaan ng isang truck matapos masipa ang kaniyang …

Leave a Reply