Friday , June 14 2024

29 deputy speakers ‘scandal’ sa house – Pol analyst

ITINUTURING ng isang political analyst na ‘scandal’ ang nangyayari ngayon sa House of Representatives na mayroong 29 deputy speakers.

Ayon sa batikang political analyst na si Ramon “Mon” Casiple hindi kailangan ng ganoon karaming deputy speaker (DS) ng Mababang Kapulungan dahil wala namang naipakikitang nagagawa, sa halip, habang dumarami ang itinatalagang deputy speakers ay lalong lumalaki ang gastos.

Malinaw umano na ang nangyayari ay ‘political accommodation’ dahil nabigyan ng puwesto ang mga kongresista na naging instrumental sa pag-upo bilang House Speaker ni Velasco.

“It’s a very partisan move. Wala namang malaking nagawa, naging hatian lang ng pera,” paliwanag ni Casiple.

Siyam pang sumuporta kay Velasco sa speakershiprow ang pinaniniwalaang ‘niregalohan’ ng Deputy Speakership, ang 29 kabuuang bilang ng Deputy Speaker ang pinakamataas sa kasaysayan ng Kamara.

Ang siyam na bagong DS ay sina Arnolfo Teves, Jr., Negros Oriental 3rd District; Rimpy Bondoc, Pampanga 4th District; Bernadette Herrera Dy, Bagong Henerasyon; Kristine Singson Meehan, Ilocos Sur 2nd District; Divina Grace Yu, Zamboanga del Sur 1st District; Rogelio Pacquiao, Sarangani; Bienvenido Abante, Jr., Manila 6th District, at ang dalawang kapwa kinatawan ng Valenzuela na sina 2nd District Rep. Weslie Gatchalian at 1st District Rep. Eric Martinez.

Si Teves, isang dating self-confessed drug user ang unang nagpalutang sa isyung hindi patas na hatian sa pondo ng mga mambabatas sa ilalim ng pamumuno ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano ngunit nang maipasa ang P4.5-trilyong 2021 budget sa ilalim ng pamumuno ni Velasco ay lumitaw na mas tumaas pa ang budget ng mga kongresista na nabigyan ng P650 milyon hanggang P15 bilyon bawat isa sa infrastructure allocation.

Si Las Piñas Rep. Camille Villar ay itinalaga rin bilang deputy speaker ngunit tinanggihan niya ito.

Sa website ng Kamara ay makikita pa rin ang pangalan ni Villar bilang Deputy Speaker, kung hindi tatanggapin ni Velasco ang kanyang pagtanggi sa puwesto ay aabot sa 29 kongresista ang nasabing posisyon.

Ang deputy speakership ay isang plum post sa Kamara dahil bukod sa pagiging senior position ay may kaakibat din itong ‘perks’ gaya ng budget na P200 milyon at pagkakaroon ng voting powers.

Una nang ipinaliwanag ni UP Political Science Assistant Professor Jean Franco na habang dumarami ang deputy speakers ay nadaragdagan din ang gastos.

Halimbawa umano, kapag itinalagang deputy speaker ay magkakaroon ng opisina, dagdag na staff at budget.

“Aside from the regular office budget one enjoys simply for being a congressman. You have your own budget, you can have at least 6 staff tapos mayroon ka pang district staff. ‘Pag may committee, that’s additional budget and of course, you’re able to travel, may perks of travelling. Aside from having a staff, you have a budget also sa district office mo,” nauna nang paliwanag ni Franco.

Sa 2017 report ng Commission on Audit (COA) lumilitaw na P4.89 bilyon ang nagastos sa mga tanggapan ng mga kongresista. Kung sa 14 deputy speakers noon ay malaki na ang ginastos, tiyak na dodoble ngayong 29 na ang deputy speakers.

About hataw tabloid

Check Also

Sam Verzosa Yul Servo

VM Yul at Rep Sam magsasalpukan sa pagka-Manila mayor 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAPARAMDAM na ang bofriend ni Rhian Ramos na si partylist representative Sam Versoza sa ilang barangay …

DOST assists Damugu sudsud weavers in Talakag, Bukidnon

DOST assists Damugu sudsud weavers in Talakag, Bukidnon

The Department of Science and Technology Regional Office X recently made strides in its mission …

SANKEI 555 Ball Joint

Produktong Japan ginaya
NBI NAGHAIN NG SUBPOENA SA EXPO BOTH NG SANKEI 555

SA IMPORMASYONG imitasyon at hindi orihinal ang produktong naka-display, inihain ng National Bureau of Investigation …

Federation of Free Farmer FFF

Rice Tariffication Law (RTF) naging pahirap 
MAGSASAKANG PINOY UNANG TATAMAAN NG MABABANG TARIPA

AMINADO si Leonardo “Ka Leony” Montemayor, Chairman ng Federation of Free Farmers (FFF) na malaki …

Migz Zubiri Pope Francis

Pope Francis binulungan si Migz: Protektahan ang pamilyang Filipino

“PINAKIUSAPAN ako ni Pope Francis to ‘protect the family,’ at isasapuso ko ang sinabi niyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *