INARESTO ng mga operatiba ng Drug Enforcement Unit ng Makati City ang sikat na FlipTop rapper na si Loonie at apat nitong kasamahan sa isinagawang buy bust operation sa basement ng isang hotel sa naturang lungsod kamakalawa ng gabi. Kinilala ni P/Col. Rogelio Simon, hepe ng Makati police ang mga suspek na si Marlon Peroramas, sa tunay na buhay, alyas …
Read More »P4.1-T 2020 national budget aprub ngayon
AAPROBHAN ng Kamara ang panukalang P4.1 trillion national budget para sa 2020 ngayong araw, Biyernes, imbes sa unang Linggo ng Oktubre. Ang maagang pagpasa ng budget ay bunsod sa sertipikasyong “urgent bill” ng Malacañang. Ayon kay House committee on appropriation chairman Isidro Ungab ng Davao City, mapadadali ang pagpasa sa budget dahil “urgent bill” na ito. “Given the said certification, …
Read More »Pharmacist, nurse, arestado sex, party drugs kompiskado
NASAKOTE ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang lisensiyadong pharmacist at registered nurse sa magkasunod na anti-illegal drug operation sa Pasig City at Quezon City, iniulat kahapon. Kinilala ni PDEA Director General Aaron Aquino, ang dalawang suspek na sina Juan Carlos Reyes, licensed pharmacist, at Nilo Manipon, isang registered nurse, residente sa Pasig at Quezon City. Unang nadakip si Reyes, …
Read More »Pagbaba ng koryente inaasahan sa bagong kontrata ng Meralco
UMAASA ang House committee on energy na bababa ang singil sa koryente ng Meralco matapos lagdaan ang panibagong kontrata sa supply ng koryente sa pamamagitan ng Competitive Selection Process (CSP) para sa power supply agreements. Ayon kay Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, ang chairman ng komite, matagumpay ang ginawang bidding ng MERALCO sa Power Supply Agreements (PSA) sa Phinma, San …
Read More »Total revamp sa BuCor utos ni Digong
INIUTOS ni Pangulong Rodrigo Duterte ang total revamp sa Bureau of Corrections. (BuCor) upang matuldukan ang korupsiyon. Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, batay sa direktiba ng Pangulo, ang mga opisyal at kawani sa New Bilibid Prison (NBP) ay ililipat lahat sa probinsiya at ang mga nasa lalawigan ang papalit sa kanila sa BuCor. “Ah oo total revamp sa Bureau …
Read More »Palengke, pantalan sa Maynila, bantay-sarado
INATASAN ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na mas lalo pang paigtingin ang pagbabantay sa lahat ng pamilihan at pantalan ng nasabing lungsod sa gitna ng mga ulat na maraming lalawigan ang apektado ng African Swine Fever (ASF). Sa ulat ng Veterinary Inspection Board (VIB) sa alkalde, tiniyak nila na wala pang kaso ng ASF sa lungsod dahil tuloy-tuloy …
Read More »5 arestado sa pot session
LIMANG katao ang naaresto kabilang ang tatlong bebot matapos maaktohan ng mga pulis na sumisinghot ng shabu sa loob ng isang bahay sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ang mga suspek na sina Joshua Fontalva, 19 anyos, isang construction worker; Jerry Regis, 42 anyos, foreman; at mga bebot na kinilalang sina Michelle Camacho, 36, Maria Virginia, 31, at Daisy Escober, …
Read More »Bebot ‘pinulutan’ nang malasing
ISANG 26-anyos dalaga ang naghain ng reklamong panghahalay laban sa isang 41-anyos lalaking kasamahan sa trabaho na sinamantala ang kanyang kalasingan habang natutulog. Itinago sa pangalang Elisa ang biktima, part time bookeeper sa Generals Lechon sa Sun Valley, Parañaque City. Ayon kina P/Cpl. Julius Arabudo at P/Cpl. Elena Amlos ng PCP-7, nagtungo sa kanilang presinto dakong 8:00 pm ang biktimang si …
Read More »Kawanihan para sa OFWs isinulong
ISINUSULONG sa Kamara ang pagbubuo ng isang ahensiya na tututok sa kapakanan ng overseas Filipino workers. Sa pagdinig kahapon ng House Committee on Government hearing, sinabi nina Speaker Alan Peter Cayetano, House Majority Leader Leyte Rep. Martin Romualdez, at Tingog party-list Rep. Yedda Marie Kittilstvedt Romualdez, pinag-uusapan ng mga lider sa Kamara at ng Senado ang proseso kung paano ito …
Read More »OFW department kompiyansang maisasabatas
NANINIWALA si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na maisasabatas ang pagkakaroon ng Department of OFW bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022. Pahayag ito ni Andanar sa gitna ng target ng Duterte Administration, na magkaroon ng marami pang mga batas na ang magbebenepisyo ay mayorya ng mga Filipino sa kategoryang “those who have less …
Read More »Kung walang Traffic Master Plan… Walang emergency powers
HINDI sang-ayon si Senadora Mary Grace Poe-Llamanzares sa panukalang bigyan si Pangulong Rodrigo Duterte ng emergency power para resolbahin ang problema sa trapiko nang walang master plan para masolusyonan ang traffic congestion sa Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA). Sinabi ng senadora, hindi ang kakulangan sa kapangyarihan ngunit kakulangan sa isang taffic master plan at agresibong aksiyon mula sa Department of …
Read More »JVA ng AFP at DITO telco iimbestigahan ng Senado
NANINIWALA si Senadora Risa Hontiveros na malalagay sa alanganin ang national security ng bansa matapos ang kasunduan sa pagitan ng AFP at ng DITO Telecomunity Corp., na pinapayagan ng AFP na magtayo ng equipment at pasilidad sa loob ng military bases ng bansa. Dahil dito naghain ng Senate Resolution 137 si Hontiveros na naglalayong imbestigahan ang naturang kasunduan matapos aminin …
Read More »658 ‘laya’ sa GCTA sumuko sa 15-araw ultimatum ni Digong
TUMAAS sa 658 inmates ang nasa pangangalaga ng Bureau of Corrections (BuCor) na kabilang sa napalaya sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) law. Sa inilabas na datos ni BuCor Spokesperson Sonny del Rosario, nasa 360 ang nasa pangangalaga ng New Bilibid Prison (NBP) sa minimum security compound sa lungsod ng Muntinlupa. Umabot sa 19 babaeng preso ang nasa …
Read More »P204-M shabu kompiskado, Pasig HVT arestado
UMABOT sa P204 milyon halaga ng droga ang nasamsam sa arestadong high-value target (HVT) sa lungsod ng Pasig na sinabing miyembro ng sindikato na sangkot sa drug trafficking. Kinilala ni NCRPO Regional Director P/Gen. Guillermo Eleazar ang nadakip na si Manolito Lugo Carlos, alyas Lito o Tonge, residente sa Sorrento Oasis condominium sa Barangay Rosario, sa lungsod ng Pasig. Dakong 7:40 …
Read More »Kontrobersiyal na ex-warden bagong BuCor chief
ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si Gerald Bantag bilang bagong director ng Bureau of Corrections (BuCor) kapalit ng sinibak na si Nicanor Faeldon. Sa kalatas ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, ang paghirang kay Bantag ay bunsod ng kanyang “professional competence and honesty.” “The Palace is behind the President’s decision and is confident that DG Bantag will continue the Administration’s campaign …
Read More »Mister pinagbabaril sa mukha, patay
PINASOK sa bahay at saka pinagbabaril sa mukha at katawan ang isang 45-anyos mister ng isa sa dalawang hindi kilalang suspek, nitong Linggo ng gabi sa Quezon City. Kinilala ni P/Lt. Nick Fontanilla ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD) ang biktima na si Rommel Martinez Ramirez, 45, may live-in partner, residente sa No. …
Read More »Lorenzana umaming ‘binulag’ sa JVA ng DND — Dito telco
‘BINULAG’ ng Armed Forces of the Philippines (AFP) si Defense Secretary Delfin Lorenzana nang pumirma sa joint venture agreement na nagpahintulot sa China-linked telco firm na magtayo ng pasilidad sa mga kampo militar sa bansa. “The DND Secretary texted me about it and he said he doesn’t know anything about it and he is going to investigate and ask the …
Read More »Isko aariba na: P90-bilyong kita ng Maynila kukunin sa Customs
MAYNILA ang magiging pinakamayamang lungsod. Binigyang diin ito Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa kanyang pagharap sa isang business forum sa Manila Polo Club. Sinabi ni Moreno, makakukuha ng kita ang city government mula sa Bureau of Customs, na aabot sa P90-bilyon sa mga susunod na taon. Binanggit ni Moreno ang 2018 Supreme Court ruling na dapat ay may share ang city government …
Read More »Akyat-bahay swak sa hoyo
KULONG ang isang miyembro ng akyat bahay gang nang maaresto ng mga pulis matapos pasukin at pagnakawan ang bahay ng isang kalugar sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Noel Flores ang suspek na si Gerald Bartolome, 18 anyos, welder, residente sa Malaya St.m Pangarap Village, Brgy. 181. Ayon kay Caloocan deputy chief for …
Read More »22 timbog sa buy bust sa Vale
UMABOT sa 22 katao ang naaresto sa isinagawang buy bust operation ng mga pulis sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela City, kamakalawa hanggang kahapon ng madaling araw. Batay sa ulat mula kay Valenzuela police chief P/Col. Carlito Gaces, dakong 7:45 pm nang ikasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) team 3 sa pangunguna ni P/Capt. Segundino Bulan …
Read More »Senglot na lady guard nanuba ng taxi driver nanlaban pa sa parak
ISANG babaeng security guard ang dinakip ng mga awtoridad dahil sa panunuba sa taxi driver, pagwawala, at paglaban sa mga nagrespondeng pulis sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw. Sa ulat kay Caloocan police chief P/Col. Noel Flores, kinilala ang naarestong suspek na si Marcela Canonigo, 31 anyos, ng 11th Avenue, Grace Park, Caloocan. Nabatid na dakong 1:30 am, nirespondehan ng …
Read More »23 katao nadakip ng Navotas police sa ilegal na droga
PINURI ni Mayor Toby Tiangco ang Navotas City Police Station matapos maaresto ang 23 indibiduwal na nahulihan ng ilegal na droga. Nakakompiska ng 31 plastic sachet ng shabu at P500 marked money ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa isinagawang dalawang buy bust at apat na magkakaibang surveillance operation. “Masuwerte ang Navotas sa pagkakaroon ng masisipag na …
Read More »Sa kontrobersiyal sa GCTA… Pagharap sa Senado ni De Lima ipinaubaya ni Go kay Gordon
IPINAUUBAYA ni Senator Christopher “Bong” Go ang pagpapasya kay Senate Blue Ribbon Chairman Richard Gordon hinggil sa hirit na padaluhin sa Senate hearing si Senator Leila de Lima. Ito ay dahil sa pagkakaungkat ng involvement ni De Lima sa mga nakinabang sa GCTA law. Paliwanag ni Go, ayaw niyang makulayan ng politika kung siya ang maggigiit ng pagdalo ni De Lima sa …
Read More »DDR ni Velasco suportado ng Kamara
SINUPORTAHAN ng mga lider sa Kamara ang panukalang pagbuo ng Department of Disaster and Resilence na itinataguyod ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco. Ayon kay Tingog party-list Rep. Yedda Marie Kittilstvedt Romualdez, ang namumuno ng House Committee on the Welfare of Children, at House Majority Leader, at Leyte Rep. Martin Romualdez, importanteng panukala ang DDR. “A new Department of Disaster Resilience …
Read More »Tulak na mommy nagtago ng shabu sa medyas ni baby
INARESTO ang isang ina sa Maynila nang mahuling ginagamit ang kaniyang sanggol upang itago ang shabu na kaniyang ibenebenta. Kinilala ang suspek na si Annaliza Aligado. Naging emosyonal pa si Aligado, yakap-yakap ang kaniyang tatlong buwang sanggol, nang dalhin ng mga opisyal ng Barangay 108, Zone 9, Tondo sa tanggapan ng Manila Police District. Pahayag ng isang barangay kagawad, matagal …
Read More »