Thursday , September 21 2023

15% LGUs advance payment sa CoVid-19 vaccines ikinatuwa ng DILG

INIHAYAG ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Officer-in-Charge (OIC) at Undersecretary Bernardo C. Florece, Jr. ,na isang welcome development ang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte ng memorandum order (MO) na nagpapahin­tulot sa local government units (LGUs) na magbigay ng advance payments na lampas sa 15% para sa pagbili ng CoVid-19 vaccines, ngunit kaila­ngang awtorisado ng National Task Force CoVid-19 na bumili ng bakuna.

Ayon kay DILG Officer-in-Charge (OIC) at Undersecretary Bernar­do C. Florece, Jr., ikina­tuwa nila ang paglagda ng pangulo sa Memorandum Order (MO) No. 15 at ito ay isang welcome development sa pagsusu­mikap ng Filipinas na makabili ng bakuna para sa lahat ng adult Filipino citizens.

“This development will ascertain that both the NTF and the LGUs will speed up the process of securing CoVid-19 vaccines for their constituents. Malaking hakbang ito para sa lalo pang pagpapabilis ng proseso ng pagbili ng mga bakuna para sa ating mga kababayan,” ani Florece, sa isang pahayag.

Sinabi ni Florece, sa pamamagitan ng MO No. 15, kasama ang posibleng pagsasabatas ng House Bill No. 8648 na mag­papahintulot sa pag-angkat ng bakuna nang walang binabayarang buwis at Senate Bill No. 2057 para mapabilis ang pagbili at rollout ng CoVid-19 vaccines, at pagtatakda ng P500-million indemnification fund, ay tuluyan nang maaalis ang mga sagabal sa maagang delivery ng mga bakuna sa bansa.

Samantala, ikinatuwa at ipinagpapasalamat rin naman ng League of Cities of the Philippines (LCP) ang aksiyon ng pangulo.

“We are very thankful to President Rodrigo Duterte for the timely issuance of Memorandum Order 51 that will allow cities to make advance payments for the procurement of CoVid-19 vaccines,” anila.

Pinaalalahanan ni Florece ang lahat ng LGUs na nakasaad sa MO 15 na ang pagbili at pagbaba­yad sa bakuna ay dapat na may awtorisasyon mula kay NTF Chief Implementer Carlito Galvez, Jr.

Paalala ni Florece, walang lugar ang korup­siyon ngayong panahon ng pandemic at lahat ng mapapatunayang nag­samantala at nasangkot sa katiwalian ay papa­tawan ng mabigat na kaparusahan.

“We will not hesitate to apply the full weight of the law once we have proven na kayo ay sangkot sa krimen at korapsyon na may kinalaman sa pagbili ng mga bakunang ito,” dagdag ng opisyal ng DILG. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

DOST XII holds 3-day celebration for RSTW

DOST XII holds 3-day celebration for RSTW

THE Department of Science and Technology (DOST) Region XII celebrated for three days from Sept. …

My Plantito Kych Minemoto Michael Ver

My Plantito fan meet dinaluhan ng mga Pinoy BL community at iba pang tagapagtangkilik

NAGKAROON ng pagkakataon ang mga masugid na tagapanood ng kauna-unahang BL (Boy-Love) na serye ng …

Aiko Melendez Eddie Garcia

Aiko dapat nang ipasa ang ‘Eddie Garcia’ bill 

HINIMOK ni Quezon City Councilor Aiko Melendez ang Senado na ipasa ang tinatawag na “Eddie Garcia” bill, …

Domingo de Dolores Pakil, Laguna Sun Ring Rainbow

Sa Pakil, Laguna
IKA-235 PAGDIRIWANG NG DOMINGO DE DOLORES MGA DEBOTO GINULAT NG MALA-KORONANG SINAG NG ARAW

PINAG-ALAB ang pananampalataya ng mga deboto nang sila’y gulatin ng mala-koronang sinag ng araw na …

fire sunog bombero

International school sa QC, nasunog

SA kalagitnaan nang isinasagawang fire drill, biglang lumiyab ang apoy sa Starland International School (SIS) …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *