Sunday , April 28 2024

3 kelot kulong sa shabu at baril (Sa Caloocan)

TATLONG lalaki ang kalaboso matapos na makuhaan ng shabu at baril sa magkahiwalay na operation ng pulisya sa Caloocan City.

Kinilala ang mga suspek na sina Orlando Topacio, 40 anyos, residente sa Tondo, Maynila, at John Michael Cangas, 18 anyos, ng DM Cmpd., Brgy. 73 ng nasabing lungsod  makaraang makompiskahan ng apat na plastic sachets na naglalaman ng nasa 3.05 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang P20,740 ang halaga.

Nahaharap ang dalawang suspek sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs of 2002 habang nakapiit sa detention cell ng Caloocan City Police.

Batay sa ulat ni West Grace Park Police Sub-Station deputy Commander P/Lt. Ronald Allan Soriano, dakong 10:00 pm nang parespondehan niya sa kanyang mga tauhan ang kanilang natanggap na tawag sa telepono mula sa isang concerned citizen hinggil sa isang grupo ng indibiduwal na nagsasagawa ng illegal drug transactions sa kahabaan ng Diwa St., Brgy. 59.

Pagdating sa lugar, naaktohan ng mga pulis ang naturang grupo na nagtatransaksiyon ng ilegal na droga ngunit nang mapansin ay mabilis na nagtakbohan ang mga suspek.

Kaagad nasakote ang dalawa sa mga suspek, habang nakatakas ang anim na hindi na pinangalanan ng pulisya para sa kanilang follow-up operations.

Nauna rito, dakong 3:30 pm nang ipatupad ng mga tauhan ng Caloocan Amparo Police Sub-Station sa pangunguna ni P/Capt. Jansen Ohrelle Tiglao ang search warrant na may petsang 19 Pebrero 2021 na inisyu ni Hon. Raymundo allega, Executive Judge ng Branch 139 Regional Trial Court Caloocan City sa paglabag sa RA 10591 sa Blk 18 Lot 8&9 Miramonte Park Subdivision, Brgy. 180 na nagresulta sa pagkakaaresto kay George Adalem Gonzales, 44 anyos, ng nasabing lugar.

Nakuha sa suspek ang isang cal. 38 revolver na kargado ng anim na bala at kalibre .45 na may isang magazine at kargado ng limang bala.

 (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

C5 Quirino flyover Villar

Sa Las Piñas  
C5 EXT. QUIRINO FLYOVER BINUKSAN SA MOTORISTA

BINUKSAN sa mga motorista ang C5 Quirino flyover, C5 extension sa lungsod ng Las Piñas. …

itak gulok taga dugo blood

2 anak pinagalitan,
BABAE PATAY SA TAGA NG AMA

PATAY ang isang 27-anyos babae matapos tagain ng kanyang ama dahil sa hindi pagkakaintindihan sa …

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *