Friday , November 22 2024

News

OWWA tiniyak Pinoy seafarers ng MV Tutor pinaghahanap

MV Tutor

TINIYAK ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na patuloy silang nakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno at maging sa international agencies upang masigurong natututukan ang paghahanap sa nawawalang Marino ng MV Tutor. Ayon kay OWWA Administrator Arnell Ignacio, gagawin ng ahensiya ang lahat na makakaya para mahanap ang nawawalang marino. Dagdag rito, ang OWWA Regional Office, sa pangunguna ni …

Read More »

SPD tiniyak seguridad sa AOR

SPD, Southern Police District

TINIYAK ng Southern Police District (SPD) na gagawin nila ang lahat para mapanagot ang mga nasa likod ng sunod-sunod na iba’t ibang krimen sa ilalim ng kanilang hurisdiksiyon. Sinabi ni SPD director P/BGen. Leon Victor Z.  Rosete na naiintindihan nila ang takot at pangambang dulot ng mga shooting incident sa mga residente ngunit tiniyak na nanatiling pangunahing prayoridad ang kaligtasan …

Read More »

Sa NAIA T3
FLIGHT OPS IIWASANG MAAPEKTOHAN SA UPGRADING NG ELECTRICAL SYSTEM

NAIA Terminal 3

INIHAYAG ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang nakatakdang maintenance activities para sa pag-upgrade ng electrical systems sa NAIA Terminal 3 upang matiyak na tuluy-tuloy ang flight operation lalo tuwing peak hours. Tiniyak ni MIAA General Manager Eric Jose Ines na walang magiging epekto sa flight operation at pagpoproseso sa mga pasahero sa gagawing upgrade na naka-iskedyul simula kahapon, 19 …

Read More »

Sa pekeng MMDA traffic enforcer
P10,000 PABUYA IPAGKAKALOOB SA MAKAPAGTUTURO

MMDA

MAGBIBIGAY ng P10,000 pabuya si acting chairman Romando Artes sa makapagbibigay ng pangalan at tirahan ng lalaking nagpanggap na traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). Ayon kay Artes, sa post ng isang netizen, may hinuli ng lalaking nagpakilalang empleyado ng MMDA pero nang hanapan ng ID ng motorista na kanyang hinuhuli ay bigla na lamang umalis. Binigyan-diin ni …

Read More »

EU Ambassador nababahala sa panibagong aksiyon ng China sa West Philippine Sea

China Philippines European Union

NANINIDIGAN ang European Union ng pagsuporta sa International Law at sa mapayapang pagresolba sa mga usapin sa West Philippine Sea (WPS). Sinabi ni European Union Ambassador Luc Veron, dahil sa mapanganib na maniobra ng barko ng China ay napinsala ang mga barko ng Filipinas at naantala ang maritime operation sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Filipinas. Kaugnay nito, ikinabahala ng …

Read More »

Banko sa money laundering may pananagutan sa batas

Anti-Money Laundering Council AMLC

NANINDIGAN si Senador Win Gatchalian na hindi lusot sa pananagutan ang mga bankong dinaanan ng mga mapapatunayang launder money lalo na’t nabigong magreport sa Anti-Money Laundering Council (AMLC). Ang reaksiyon ni Gatchalian ay matapos matukalasan sa kanilang mga ginagawang pagsisiyasat na ang ilang perang ginamit sa ilegal na Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) at ilegal na gawain ay dumaan sa …

Read More »

PH Coast Guard dapat manghuli ng Chinese trespassers — Solon

Chinese Coast Guard Kamara

KINONDENA ng isang kongresista ang China sa pagpapatupad ng ilegal na batas sa West Philippine  Sea (WPS) nang salakayin ng mga Chinese ang barko ng Philippine Coast Guard. Ayon kay Rep. Rufus Rodriguez (CDO, 2nd District) ilegal ang ginawa ng Coast Guard ng China at walang basehan ang kanilang regulasyon na nagbibigay ng pahintulot sa kanilang Coast Guard na hulihin …

Read More »

Security officer ng SC nasa ‘hot water’ sa panghaharas, pagbabanta sa PWD 

supreme court sc

ISANG person with disability (PWD) ang nagpahayag ng kanyang galit at pagkadesmaya nang siya ay i-harass at pagbantaang hilahin ng chief security officer ng Supreme Court nitong Miyerkoles ng umaga. Sa panayam kay Monalie Dizon, 51, legal manager ng isang law firm, ikinagulat  niya ang pagtrato sa kanya ng chief security na si Joery Gayanan sa loob mismo ng gusali …

Read More »

Walang binanggit na rason
VP SARA DUTERTE NAGBITIW BILANG GABINETE NI PBBM

Sara Duterte

NAGBITIW si Vice President Sara Zimmerman Duterte – Carpio bilang Secretary ng Department of Education (DepEd) at Vice Chairman ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) epektibo kahapon, 19 Hulyo 2024. Agad itong tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ngunit tumangging magtukoy ng mga pangalang posibleng maging kapalit ni Duterte. Personal na dinala ni Duterte ang …

Read More »

Vinny Marcos nanguna sa ceremonial launch ng 2025 FIVB men’s worlds

VINNY Marcos Volleyball FIVB men’s worlds

IPINAKITA ng anak ng Pangulo na si William Vincent “Vinny” Araneta Marcos ang pagmamalaki at kompiyansa habang pinangunahan ang ceremonial launching ng first-time at solo hosting ng bansa na FIVB Volleyball Men’s World Championship 2025 noong Martes ng gabi sa SM Mall of Asia Arena. “Kami ay ipinagmamalaki at kompiyansa sa pagho-host ng FIVB Volleyball Men’s World Championship 2025,” sabi …

Read More »

Paratang ni Win itinanggi  
MAYOR ALICE GUO“CONSISTENT” SA ISYUNG PINOY

062024 Hataw Frontpage

NANATILI at hindi nagbabago ang paninindigan ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na siya ay isang Filipino at mariing itinanggi  ang mga alegasyon ni Senador Win Gatchalian tungkol sa kanyang citizenship. Giit ng alkalde, wala siyang alam at kinalaman sa mga dokumentong ipinakita ng senador na umano ay galing sa Board of Investments (BOI) at Bureau of Immigration (BI). Ayon …

Read More »

Bulacan police muling umiskor…
PHP1-M HALAGA NG ‘OBATS’ NAKUMPISKA; 8 TULAK NASAKOTE

marijuana

MULING nahadlangan ng mga awtoridad sa Bulacan ang pagkalat ng iligal na droga sa lalawigan matapos maaresto ang walong tulak at makumpiska sa kanilang pag-iingat ang mahigit isang milyong halaga ng shabu  kahapon ng umaga, Hunyo 19. Batay sa ulat na ipinadala kay PColonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, isang anti-illegal drug operation ang ikinasa ng Station …

Read More »

Rebeldeng NPA sumuko sa Bulacan cops

npa arrest

ISANG miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) ang boluntaryong sumuko sa mga awtoridad sa Bulacan kamakalawa. Batay sa ulat kay PColonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan Police Provincial Office (BUL PPO), kinilala ang sumukong si alyas Ka Tony, 53, tricycle driver, miyembro ng Rebolusyonaryong Hukbong Bayan (RHB), na kumikilos sa mga baybaying bahagi ng …

Read More »

Gunrunner tiklo sa pagbebenta ng baril

gun ban

INARESTO ng mga awtoridad ang isang lalaki sa isinagawang buy-bust operation laban sa iligal na pag-iingat ng baril sa Floridablanca, Pampanga kahapon, Hunyo 19. Kinilala ni PRO3 Director PBGeneral Jose S. Hidalgo Jr ang suspek na si alyas “Elias”, 42-anyos, na naaresto ng magkasanib na operatiba ng Pampanga Provincial Intelligence Unit (PIU), Regional Intelligence Unit 3 (RIU3), 1st Provincial Mobile …

Read More »

Niratrat sa QC
RIDER TODAS, 2 KAPITBAHAY SUGATAN 

gun QC

TODAS ang 44-anyos delivery rider habang dalawa  ang sugatan matapos pagbabarilin ng ‘di kilalang lalaki sa Quezon City nitong Martes ng madaling araw. Dead on arrival sa Maclang Hospital ang biktimang si Gerardo Ebron Obiso, 44, delivery rider, residente sa Litex Road, Brgy. Commonwealth, sanhi ng tama ng bala ng  baril sa dibdib, tiyan, at kanang balikat. Patuloy na inoobserbahan …

Read More »

Magsasaka, maliit na koop protektahan
EL NIÑO, IMPORTED NA BIGAS IMARKA SA MAPA NG KAHINAAN

HINIKAYAT ni Senadora Nancy Binay ang National Food Authority (NFA) na simulan ang pakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan upang matukoy ang mga lugar na apektado ng El Niño at ang pagdagsa ng imported na bigas. Ayon kay Binay, ang isang mapa ng kahinaan ay makatutulong sa NFA na bigyang-pansin ang mga lugar kung saan dapat nilang ituon ang kanilang …

Read More »

Tulong pangkalusugan tiniyak ng pamilya Revilla sa mga Taga-Marikina

Revilla Marikina

TINIYAK ng pamilya Revilla sa mga mga pinuno at mamamayan ng lungsod ng Marikina sa pangunguna ni Senador Ramon Revilla, Jr., handa ang kanilang tanggapan kahit anong oras upang magbigay tulong sa mga nangangailangan lalo sa usaping pangkalusugan. Ang pagtitiyak ng mga Revilla ay matapos dumalo ang kanyang kabiyak na si Cavite Congresswoman Lani Mercado-Revilla upang pangunahan at saksihan ang …

Read More »

Gatchalian segurado, sinalakay na POGOs lisensiyado ng PAGCOR

Win Gatchalian

TINIYAK niSenador Win Gatchalian na ang ilang Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs), na ngayon ay tinatawag na Internet Gaming Licensees (IGLs), na ni-raid ng mga awtoridad ay lisensiyado ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR). Ito ang pahayag ni Gatchalian, matapos sabihin ng PAGCOR na ang lahat ng mga POGO na nare-raid ay walang lisensiya mula sa kanila.                Kabilang …

Read More »

Kahit agrabyado sa imported rice
MAGSASAKA KALMADO SA KRYSTALL HERBAL OIL

Krystall Herbal Oil

Mahal naming Sis Fely Guy Ong,          Ako po si Gualberto Estopace, 62 anyos, isang magsasakang naninirahan sa Zaragosa, Nueva Ecija.          Ako po ay mahigit 20 taon nang nagsasaka, pero mayroon pong walong taon na ako’y nakapagtrabaho bilang overseas Filipino workers (OFW).          Noong ako’y huminto sa pagtatrabaho sa ibang bansa inaasahan ko na po na ako’y mag-fulltime sa …

Read More »

Brazil nanaig vs Netherlands sa VNL Week 3

Brazil nanaig vs Netherlands sa VNL Week 3

PASAY CITY – Bumangon ang Brazil mula sa first-set loss para talunin ang Netherlands sa pagsisimula ng Volleyball Nations League (VNL) Men’s Week 3 sa SM Mall of Asia (MOA) Arena noong Martes ng gabi. Gumawa si Darlan Ferreira Souza, may 20 attacks, tatlong blocks, at tatlong service aces para pangunahan ang Brazilians sa panalo, 24-26, 25-23, 31-29, 25-20. Nag-ambag …

Read More »

Sa isinumiteng liham sa PAOCC  
MAYOR ALICE GUO IGINIIT INOSENTE VSMGA AKUSASYON

061924 Hataw Frontpage

HATAW News Team UMAPELA nang patas na imbestigasyon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo kaugnay sa mga ibinibintang laban sa kanya na pagkakasangkot sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs), money laundering, human trafficking, kidnapping at iba pang krimen na kinasasangkutan ng Baofu Land Development Inc. Sa pitong-pahinang liham na ipinadala ni Guo kay PAOCC …

Read More »

300 miyembro ng TiboQC lalahok sa Pride Month

TiboQC Federation Pride March QC Joy Belmonte

MAHIGIT 300 miyembro ng TiboQC Federation ang inaasahang lalahok sa Pride March sa lungsod sa Sabado, 22 Hunyo 2024. Nitong Martes, inilunsad ang TiboQC (Bukluran ng mga Samahang LBQT ng Quezon City) kasabay ng pagdiriwang ng Pride Month nitong Lunes sa lungsod. Ito ay bilang pagtugon sa underrepresentation ng mga lesbians, bisexual women, queer individuals, and transmen (LBQT) sa loob …

Read More »

Naligo sa ulan 
8-ANYOS TOTOY PATAY SA CREEK

Lunod, Drown

WALA NANG BUHAY nang matagpuan ng mga rescuer ang katawan ng isang batang lalaki na sumama sa mga kalaro upang maligo sa ulan hanggang mapadpad sa isang creek sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ang biktimang si Jhaycob Anderson Manrique, 8 anyos, residente sa Phase 7-C Package 7, Lot 28, Block 58, Brgy. 176, Bagong Silang ng nasabing lungsod. …

Read More »