Saturday , January 11 2025

News

Swab test hindi na kailangan sa 14 Cebu Pacific local destinations

Cebu Pacific plane CebPac

INIANUNSIYO ng Cebu Pacific na kabilang ang Bohol, at mga lungsod ng Roxas at Cebu sa listahan ng mga destinasyon sa kanilang network na pinasimple ang travel requirements at hindi na kinakailangan ang RT-PCR o Antigen testing.    Simula nitong Lunes, 25 Oktubre, kinakailangan na lamang magpakita ang mga pasaherong fully-vaccinated patungo sa lalawigan ng Bohol ng kanilang Vaccination Certificate mula sa vaxcert.doh.gov.ph kapalit ng negatibong RT-PCR test …

Read More »

P.5-M ecstacy nasabat
22-ANYOS KELOT NASAKOTE SA CONTROLLED DELIVERY

22-anyos kelot nasakote sa controlled delivery (P.5-M ecstacy nasabat) Alex Mendoza

NAARESTO ang isang drug suspect sa controlled delivery operation sa Tondo, Maynila nitong Biyernes na nakompiskahan ng P508,300 halaga ng party drug ecstasy. Kinilala ng Philippine National Police’s Drug Enforcement Group (PDEG) ang suspek na si Ranniel Raquin, 22 anyos, naaresto sa Dagupan St., Barangay 49, dakong 10:50 am. Agad sinunggaban ng mga mga pulis si Raquin matapos niyang tanggapin …

Read More »

5 tulak timbog sa buy bust sa Malabon at Valenzuela

shabu drug arrest

LIMANG tulak ng shabu ang arestado sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa magkahiwalay na lugar sa mga lungsod ng Malabon at Valenzuela. Bata sa ulat ni P/Cpl. Pamela Joy Catalla kay Valenzuela City Police chief, Col. Ramchrisen Haveria, Jr., dakong 9:00 am nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Joel …

Read More »

2 teenager sugatan sa boga ng POSO

gun ban

DALAWANG menor de edad ang nasugatan sa pamamaril ng lasing na 59-anyos lalaki, empleyado ng Public Order and Safety Office (POSO) sa Taguig City, kahapon ng madaling araw. Ginagamot sa Taguig-Pateros District Hospital ang mga biktima na kinilalang sina alyas Linda, 15 anyos, ng  Brgy. San Miguel, Taguig City, at isang alyas Zanjo, 13 anyos, estudyante, ng Barangay Hagonoy, Taguig …

Read More »

Bigtime drug suspect, huli sa P6.9-M shabu (Sa Quezon City)

shabu

INARESTO ng pinagsanib na operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Batasan Police Station (PS-6) ang isang bigtime drug pusher makaraang makompiskahan ng P6.9 milyong halaga ng shabu sa isang buy bust operation sa Quezon City, nitong Linggo ng gabi. Kinilala ni P/Lt. Col. Alexy Sonido, PS-6 station commander, ang suspek na si Mohammad Bocua, 27 anyos, at residente …

Read More »

Dolomite beach no limits, dalaw sa yumao limitado?

Manila bay dolomite beach , Cemetery Closed

BULABUGINni Jerry Yap CONSISTENT sa kanilang ‘inconsistencies’ ang Inter-Agency Task Force (IATF) at ang Department of Health (DOH) sa ilalim ng Duterte administration.         Isang halimbawa ng inconsistency at mga ‘kakatwang’ pronouncement ng IATF, ‘yung pagpapasara ng mga simbahan pero bukas ang mga casino.         At ngayon naman, gaya rin noong isang taon, ipinasara ang mga himlayan ng mga mahal …

Read More »

Sikat na online personalities nag-share kung bakit ngayon ang #BestTimeWithGlobe

Dr Kilimanguru, DJ Jhai Ho, Kiray Celis, #BestTimeWithGlobe, Best Time With Globe

TATLONG sikat na social media personalities — ang 25-year-old na si Dr. Kilimanguru, host DJ na si Jhai Ho, at ang komedyanteng si Kiray Celis — ang nag-share kung paano sila natutulungan ng Globe at bakit ngayon ang #BestTimeWithGlobe. Kilala bilang si Dr. Kilimanguru, si Winston Tiwaquen sa tunay na buhay ay isang lisensiyadong doktor. Labis siyang kinagigiliwan ng mahigit …

Read More »

Snooky ‘di feel ang politika

Ramon Villarama, Snooky Serna

Rated Rni Rommel Gonzales WALANG kaplano-plano si Snooky Serna na pasukin ang mundo ng politika. “No, hindi talaga, it’s not in my personality to join or to desire to join politics. “Pero noong kabataan ko may mga nag-e-encourage sa akin pero talagang hindi ko gusto,” pahayag ng aktres. Ang karelasyon ni Snooky na si former Bulacan Vice-governor Ramon Villarama ay tatakbo sa nalalapit na eleksiyon. …

Read More »

KimJe inaatake ng nerbiyos sa swab in at swab out

Kim Molina, Jerald Napoles

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio SUNOD-SUNOD ang pelikula nina Jerald Napoles at Kim Molina sa Viva Films kaya naman sanay na sila sa lock-in shooting. Super blessed nga sila na bagamat may pandemic, marami pa rin silang trabahong tinatanggap. Tulad ngayon, muling mapapanood ang KimJe sa comedy-horror film na  Sa Haba Ng Gabi na Halloween offering ng Viva. Idinirehe ito ni Miko Livelo na mapapanood na simula sa Oct. 29 sa Vivamax. Bagamat …

Read More »

Substitution rule ng kandidato isinusulong sa Senado

politician candidate

INIHAIN ni  Senador Win Gatchalian ang panukalang batas  na nagbabawal sa pagpapalit ng kandidatong nagdesisyong umatras sa pagtakbo sa halalan. Sa pangunguna ni Gatchalian, tumatayong kapwa may-akda sina Senate Majority Leader Migz Zubiri, Sen. Nancy Binay, Sen. Grace Poe, at Sen. Joel Villanueva. Pinapayagan ng Omnibus Election Code, sa ilalim ng Section 77 nito, ang pagpapalit ng opisyal na kandidato …

Read More »

Pantawid Pasada Program binuhay,
P1-B CASH AID SA 178K TSUPER IPINANGAKO

Pantawid Pasada Program, LTFRB, DBCC

ISANG bilyong pisong cash aid ang ipamamahagi ng gobyerno sa 178,000 tsuper ng mga pampublikong sasakyan sa buong bansa sa nalalabing tatlong buwan ng 2021. Ayon sa Development Budget Coordination Committee (DBCC) matatanggap ito ng mga tsuper sa ilalim ng binuhay na Pantawid Pasada Program na pangungunahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) bilang ayuda ng pamahalaan sa …

Read More »

Hikayat sa DOH
BAKUNA SA ESTUDYANTE GAWING ‘MANDATORY’

102621 Hataw Frontpage

MATAPOS  simulan ng pamahalaan ang pagbabakuna sa tinatatawag na ‘general population’ ng bansa, naniniwala si Senador Francis ‘Tol’ Tolentino na dapat obligahin ng Department of Health (DOH) ang mga magulang upang pabakunahan ang kanilang mga anak kontra CoVid-19. Sa panayam ng DZBB, sinabi ni Tolentino, sa ilalim ng Republic Act 10152 o Mandatory Infants and Children Health Immunization Act, ang …

Read More »

Top 1 MWP ng Pasig, arestado sa CamSur

arrest, posas, fingerprints

NADAKIP ng mga tauhan ng Eastern Police District (EPD) sa lalawigan ng Camarines Sur ang isang 54-anyos lalaking itinuturing na Top 1 most wanted person (MWP) may nakasam­pang kasong Parricide. Kinilala ni P/BGen. Matthew Baccay, EPD director, ang naarestong suspek na si Alfonso Sto. Domingo, residente sa Katarungan St., Brgy. Caniogan, sa lungsod ng Pasig. Nabatid na dakong 1:00 pm …

Read More »

Sekyu natagpuang patay sa tabi ng sariling boga

dead gun

INIIMBESTIGAHAN ng mga elemento ng Taguig City Police ang pagkamatay ng isang guwardiyang natag­puang duguan sa loob ng inuupahang bahay sa nasabing lungsod . Kinilala ang bikti­mang si Richard Hernan­dez, nasa hustong gulang, binata, residente sa Lot 1 Block 35 Castillo St., Purok 5A, Upper Bicutan, Taguig City. Ayon sa ulat ni P/EMSgt. Elmer Villar, imbestigador, dakong 9:25 am nadiskubre …

Read More »

P3.4-M shabu kompiskado
DELIVERY DRIVER TIMBOG

shabu drug arrest

AABOT sa P3.4 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa isang delivery driver nang maaresto sa isinagawang buy bust operation sa Caloocan City, kama­kalawa ng hapon. Kinilala ang naarestong suspek na si Arturo Dela Cruz, Jr., 38 anyos, delivery driver, tubong GMA Cavite at residente sa Gov. Pascual St., Sipac, Navotas City. Sa inisyal na report, dakong …

Read More »

Chinese national, Pinoy arestado sa gun-running

Gun Spikes Tactical Apopka FL USA

NATIMBOG ng mga awtoridad ang isang Chinese national at kasabwat nitong Pinoy sa pagbebenta ng matataas na kalibre ng baril bukod pa sa nakuhang ilegal na droga sa Makati City nitong Sabado, 23 Oktubre. Kinilala ni Southern Police District (SPD) chief, BGen. Jimili Macaraeg ang mga nahuling suspek na sina Huang Sia, alyas Jason Lee, 30 anyos, isang Chinese national; …

Read More »

DoJ drug killings review, mapanlito, mapanlinlang — NUPL

DoJ, NUPL

MAPANLITO at mapan­linlang ang isinagawang imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ) sa 52 insidente ng pagkamatay sa isinusulong na drug war ng administrasyong Duterte sa nakalipas na limang taon dahil walang naisampang kaso laban sa mga sangkot na pulis. Inihayag ito ni National Union of People’s Lawyers (NUPL) member Atty. Kristina Conti kasunod ng pagsasapubliko ng DOJ sa resulta ng …

Read More »

Sa Angeles City, Pampanga
DRUG DEN SINALAKAY NG PDEA, 7 TIMBOG

Drug den sinalakay ng PDEA, 7 timbog (Sa Angeles City, Pampanga)

SINALAKAY ng mga operatiba mula sa PDEA Central Luzon ang isang pinaniniwalaang drug den, na ikinaaresto ng pito katao sa lungsod ng Angeles, sa lalawigan ng Pampanga, nitong Biyernes ng tanghali, 22 Oktubre. Nagresulta ang operasyon sa pagkakakompiska ng P102,000 halaga ng hinihinalang shabu kasunod ng ikinasang entrapment operation sa Brgy. Pandan, sa naturang lungsod. Kinilala ni PDEA 3 Director …

Read More »

Kanang kamay ng gang leader tiklo, 4 pa nasakote

Serrano Crime Group arrest

NADAKIP ng mga awtoridad ang tumatayong kanang-kamay ng lider ng Serrano Crime Group habang inaresto ang apat na iba pa dahil sa paglabag sa batas sa lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 23 Oktubre. Sa ulat kay P/Col. Manuel Lukban, Jr., acting provincial director ng Bulacan PNP, kinilala ang arestadong suspek na si Kart Vergara, residente ng Brgy. Tinejero, sa bayan …

Read More »

231 bagong recruits sa PRO3 PNP nanumpa sa katungkulan

231 bagong recruits sa PRO3 PNP nanumpa sa katungkulan

PINANGASIWAAN ni PRO3 PNP Regional Director P/BGen. Valeriano De Leon ang panunumpa sa katungkulan ng mga bagong kaanib ng Philippine National Police kasunod ng pagpapakilala ni P/Col. Joyce Patrick Sangalang, hepe ng Regional Personnel and Records Management Division, nitong Biyernes ng umaga, 22 Oktubre, sa  PRO3 Grandstand, Camp Olivas, lungsod ng San Fernando, lalawigan ng Pampanga. Pupunuin ng 231 matatagumpay …

Read More »

Sa Pandi, Bulacan
AYUDA NG LAG KINOLEKTA NG ‘DI-REHISTRADONG KOOPERATIBA

Pandi Bulacan DSWD LAG

INATASAN ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Magic 7 Cooperative na nakabase sa bayan ng Pandi, sa lalawigan ng Bulacan, na ibalik ang mga kinolektang pera na nagkakahalaga ng hanggang P10,000 sa bawat benepisaryo ng Livelihood Assistance Grant (LAG). Ang LAG ay ang P15,000-ayuda ng pama­halaan kada kalipikadong indibiduwal na naapek­tohan ang hanapbuhay dahil sa pandemyang dulot …

Read More »

911 emergency call center, ilulunsad sa Bulacan

911 emergency call center, ilulunsad sa Bulacan Micka Bautista

GAGANAPIN sa dara­ting na Huwebes, 28 Oktubre, ang paglu­lunsad ng 911 Emergency Hotline sa Bulacan Capital Gymnasium, sa lungsod ng Malolos, na layuning palakasin ang proyektong Bulacan Rescue na aalalay sa mga Bulakenyo sa panahon ng sakuna. Maaari nang itawag ang mga emergency kabilang ang medikal, (atake sa puso, stroke atbp.), aksidente, sunog, gumuhong gusali, at mga natural na sakuna …

Read More »

1,417 Pinoy abroad umuwi sakay ng 7 Cebu Pacific Bayanihan flights

Cebu Pacific Bayanihan flight

SAKAY ng pitong Bayanihan flights, inihatid pauwi ng Cebu Pacific sa nakaraang dalawang linggo ang 1,417 Filipino mula sa Dubai, bilang patuloy na suporta sa repatriation program ng pamahalaan. Katuwang ang special working group ng pamahalaan, lumipad ang espesyal na commercial flights mula Dubai-Manila noong 11, 13, 18 at 20 Oktubre; at Dubai-Davao mula 21 hanggang 23 Oktubre. Bukod sa …

Read More »

Kasalang Tom & Carla napaka-pribado

Tom Rodriguez, Carla Abellana, Wedding

HATAWANni Ed de Leon MAGKASAMA ang dating mag-asawang sina Rey PJ Abellana at Rea Reyes, sa paghahatid sa kanilang pangalawang anak na si Carla Abellana sa altar. Ikinasal na si Carla sa kanyang long time boyfriend na si Tom Rodriguez, na kasama naman ang kanyang inang si Teresita Mott malapit sa altar. Apat na taon na kasing namayapa ang tatay ni Tom na si William Mott, kaya ang ina na lang …

Read More »

Kris Aquino inalok na ng kasal ni dating DILG Sec Mel Sarmiento

Mel Sarmiento, Kris Aquino

ni MARICRIS VALDEZ NAGULAT ang lahat sa bagong pasabog post ni  Kris Aquino sa kanyang Instagram, ito ay ang pag-aanunsiyo niya na engage na sila ni dating Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mel Sarmiento. Umpisa pa lang ng video ay nakakikilig na kung sino sa kanila ang unang magsasalita.  Kaya naman sa pagbandera ni Kris sa tunay na kaganapan sa kanila ng …

Read More »