NAIS ni Senador Win Gatchalian na magkaroon ng nursing home sa bawat lungsod at munisipalidad para sa mga senior citizens na inabandona at walang tahanan. Inihain niya ang Senate Bill No. 950 o ang “Homes for Abandoned Seniors Act of 2022” o mga nursing homes na patatakbuhin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa tulong ng local government …
Read More »
Breeding ground ng korupsiyon
PAGBUWAG SA PS-DBM PINABORAN
SINUSUPORTAHAN ni Senadora Pia Hontiveros ang panawagan na buwagin ang Procurement Service ng Department of Budget Management (PS-DBM) dahil ito ay breeding ground ng korupsiyon. Tahasang ipinahayag ito ni Senadora Risa Hontiveros sa isang panayam sa radyo kamakalawa. Ayon kay Hontiveros, maituturing niyang naging kasangkapan ang Procurement Service – Department of Budget and Management (PS-DBM) upang malustay ang pera ng …
Read More »
Habang nasa 4-day state visit
VP SARA OIC NI FM JR
ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., si Vice President Sara Duterte bilang officer-in-charge (OIC) habang nasa Indonesia at Singapore para sa state visit mula 4-7 Setyembre 2022. Nakasaad sa Special Order No. 75, ang paghirang kay Duterte bilang OIC o mangangasiwa sa araw-araw na operasyon ng Office of the President at general administration ng Executive Department. “If necessary, Duterte may …
Read More »
Para ngayong rice planting season
P9-B SUBSIDYA NG MAGSASAKA ‘WAG PAGTUBUAN SA ‘TIME DEPOSIT’
PINAPAPASPASAN ni Senadora Imee Marcos sa Department of Agriculture (DA) ang paglalabas ng P9 bilyong subsidya ng gobyerno sa mga magsasakang kasado na para sa rice planting season ngayong Setyembre hanggang Oktubre. Sa sumbong ng mga magsasaka sa opisina ni Marcos, inabot ng ilang buwan mula nang ianunsiyo ng Department of Budget and Management (DBM) na may cash aid na …
Read More »
Sa Maynila
8 MPD OFFICIAL BINALASA NI DD P/BGEN. DIZON
BINALASA ni Manila Police District (MPD) Director P/BGen. Andre Dizon ang hanay ng station commanders sa bawat estasyon gaya ng Sta. Cruz Station (PS3), Sampaloc (PS4), Abad Santos (PS7), Pandacan (PS10), Meisic (PS11) at Delpan (Ps12) bilang hakbang tungo sa pagpapanatili ng peace and order na kabilang sa programa nina Manila Mayor Honey Lacuna at VM Yul Servo sa lungsod …
Read More »3 tigasin dinakma sa Bulacan
SUNOD-SUNOD na inaresto ang tatlong lalaking nagsisigasigaan sa lalawigan ng Bulacan sa isinagawang kampanya ng pulisya laban sa krimen nitong Sabado, 3 Setyembre. Unang nadakip ng mga tauhan ng Baliwag MPS ang suspek na kinilalang si Lafy Ditucalan, 33 anyos, residente sa Brgy. Sto. Cristo, Pulilan. Nabatid na nagpapatrolya ang mga tauhan ng Baliwag MPS sa Brgy. Pinagbarilan, sa naturang …
Read More »
Sa Zambale s
SUSPEK SA PAMAMASLANG NG 82-ANYOS LOLA TIMBOG
NASUKOL ng mga awtoridad nitong Sabado, 3 Setyembre ang pangunahing suspek sa pagnanakaw at pagpatay sa isang matandang babae sa bayan ng San Antonio, lalawigan ng Zambales. Sa ulat mula kay P/Col. Fitz Macariola, provincial director ng Zambales PPO, kinilala ang suspek na si John Henrick Balendres, 19 anyos, nadakip sa pinagtataguan sa lungsod ng Olongapo. Pangunahing suspek si Balendres …
Read More »Dredging sa waterways sa mga binabahang bayan sa Bulacan isinagawa
INATASAN ni Gob. Daniel Fernando ang Provincial Engineering Office na dagdagan ang pondo sa paghuhukay ng mga ilog at creek sa mga bahaing lugar sa Bulacan tulad ng bayan ng Hagonoy at lungsod ng Malolos. Sinuyo din ng gobernador ang mga pribadong kontraktor upang makahiram ng karagdagang backhoe at iba pang mga equipment upang mapabilis ang paghuhukay. Ani Fernando, ang …
Read More »Same sex marriage ni Robin kinatigan ni Roque
HATAWANni Ed de Leon PINABORAN ni dating presidential spokesman at natalong senador na si Harry Roque si Senador Robin Padilla na naghain ng panukalang batas na kilalanin na ang same-sex marriage. Sinabi pa ni Roque na walang probisyon sa saligang batas na nagbabawal dito. Ang nagsabi lang daw na ang kasal ay “sa pagitan ng lalaki at babae” ay ang umiiral na Family …
Read More »Bagong hepe ng Sta. Maria police itinalaga
GINANAP nitong Huwebes, 1 Setyembre, ang isang programa para pormal na ipasa ng dating hepe na si P/Lt. Col. Voltaire Rivera ang katungkulan kay P/Lt. Col. Christian Alucod bilang Acting Chief of Police ng Sta. Maria MPS sa bayan ng Sta. Maria, lalawigan ng Bulacan. Nagpahatid ng pasasalamat si Mayor Omeng Ramos kasama sina Vice Mayor Eboy Juan at Municipal …
Read More »ASF kontrolado sa Bulacan
MATAPOS ipahayag ng mga opisyal ng Aurora ang pagpapatupad ng pork ban mula sa Bulacan, Pampanga at Tarlac, tiniyak ni Gob. Daniel Fernando sa mga Bulakenyo, lalo ang mga nag-aalaga ng baboy na kontrolado na ang kaso ng African Swine Flu (ASF) sa lalawigan. Naglabas ang mga opisyal ng lalawigan ng Aurora Province ng Executive Order No. 35 na nagpapatupad …
Read More »MPD Adopt a Student program inilunsad
INILUNSAD ng mga pulis-Maynila sa pangunguna ni MPD Station 2 commander P/Lt. Col. Harry Lorenzo lll ang “Adopt A Student Program” na nagsimula sa 14 estudyante ng Isabelo Delos Reyes Elementary School na kabilang sa poorest of poor. Ang 14 na estudyante ay mabibiyaan ng regular na monthly cash assistance at one-time school supplies, bag, at cash upang pabaon ngayong …
Read More »Danao nakiramay at nagpugay sa napaslang na hepe ng pulis sa Ampatuan Maguindanao
PERSONAL na nakiramay si Area Police Command Western Mindanao commander P/Lt. Gen. Vicente Danao, Jr., sa nauililang pamilya ng napaslang na opisyal ng Philippine National Police (PNP) na si P/Lt. Reynaldo Samson, Chief of Police Ampatuan Maguindanao, na tinambangan ng armadong grupo nitong 30 Agosto 2022 sa Sitio Pasio, Brgy. Kapinpilan, Ampatuan, Maguindanao. Ayon kay Danao, magsisilbi ng warrant of …
Read More »Lider ng Melvin Serrano group, 3 kasabwat nalambat
NALAMBAT sa wakas ang sinabing lider ng isang pusakal na grupong kriminal at ang kanyang tatlong kasapakat na sangkot sa gun running at illegal drug activities nang masakote ng mga awtoridad sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ang suspek na sina Melvin De Jesus, 38 anyos, lider ng Melvin Serrano Group; Mark Anthony De Jesus, 33 anyos; Kelvin De …
Read More »
Wanted sa carnapping
KELOT ARESTADO
BINITBIT sa selda ang isang most wanted person (MWP) sa kasong carnapping nang maaresto ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi Kinilala ang wanted person na nagresulta sa pagkakaaresto kay Adrian Pangilinan, 33 anyos, residente sa Bagong Barrio, Caloocan City. Ayon kay P/Lt. Col. Rommel Labalan, nakatanggap sila ng impormasyon na naispatan ang akusado sa …
Read More »P68-K shabu nasamsam ng mga parak sa 2 suspek
TIMBOG sa shabu ang isang 45-anyos na babae at 22-anyos na lalaki makaraang kumagat sa buy bust operation ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa Navotas City kamakalawa ng gabi. Kinilala ni P/Col. Dexter B. Ollaging, chief of police ng Navotas City ang mga suspek na sina Lea Rodriguez, 45 anyos, at si Roniel Olivar, 22 anyos, kapwa residente sa …
Read More »Low conviction rate sa illegal drug cases ipinarerebyu ni Abalos
TINIYAK kahapon ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos, Jr., gumagawa sila ng mga hakbang upang tugunan ang low conviction rate sa mga illegal drug cases sa bansa. “Noong pag-upo ko bilang Secretary, ‘yan agad ang binigyan ko ng pansin. Inuuna ko ‘yan,” ayon kay Abalos, sa panayam sa radyo at telebisyon. Nauna rito, sa …
Read More »Japanese national tumalon mula 48/F nagkalasog-lasog
HALOS magkalasog-lasog ang katawan ng isang Japanese national na hinihinalang tumalon mula sa rooftop ng isang condominium na kanyang tinutuluyan sa Makati City kahapon ng madaling araw. Kinilala ang nasawing biktima na si Takaoka Shigeo, nasa hustong gulang. Sa imbestigasyon ni P/EMSgt. Rico P. Caramat, ng Makati City Police Investigation Division, naganap ang insidente dakong 1:20 am sa swimming pool …
Read More »NEA ‘nagisa’ sa isyu ng BENECO
‘GINISA’ ni Senator Raffy Tulfo ang mga opisyal ng National Electrification Administration (NEA) nang mabatid na pinanghimasukan ang pamamahala sa Benguet Electric Cooperative (BENECO). Sinabi ng bagong Senador, rerebyuhin niya ang NEA Memorandum No. 2017-035, na ginagamit ng NEA para depensahan ang sinabing maanomalyang pagtatalaga kay Maria Paz Rafael bilang General Manager (GM) ng BENECO. “As far as I’m concerned, …
Read More »
Majority, minority nagkasundo
MARAWI COMPENSATION BOARD, TINIYAK NI ROBIN 
NAGKAISA ang mayorya at minorya sa Senado sa pagsuporta sa resolusyon ni Sen. Robinhood “Robin” Padilla upang tiyaking puspusan ang proseso para makuha ng mga biktima ng Marawi Siege noong 2017 ang kaukulang kompensasyon ng gobyerno. Ani Padilla, nakuha niya ang suporta ni Sen. Risa Hontiveros para sa Senate Resolution No. 8, kung saan hinimok niya ang Office of the …
Read More »
May asuntong 30 kaso ng Qualified Theft
NAGA’S TOP 8 MWP, NA INFO EXEC APPOINTEE NI FM JR., NAG-RESIGN
HINDI pa man nag-iinit sa kanyang puwesto, nagbitiw ang isang mataas na opisyal ng Philippine Information Agency (PIA) kahapon nang pumutok ang balitang siya ay nakalistang Top 8 sa most wanted persons (MWPs) sa Naga City, bunsod ng 30 kaso ng Qualified Theft na isinampa ng dati niyang employer. Nabatid sa source sa PIA, dakong 2:30 pm kahapon, tinanggal sa …
Read More »
‘Sumabit’ sa State Visit ni FM Jr., para ‘sumibat’ sa Blue Ribbon?
ES RODRIGUEZ ‘DI PA KLARO SA SUGAR FIASCO
ni NIÑO ACLAN NAGKAROON ng rason siExecutive Secretary Victor Rodriguez para ‘makasibat’ sa hearing ng Blue Ribbon Committee ukol sa kontrobersiyal na ‘sugar fiasco,’ sa pamamagitan ng ‘pagsabit’ sa nakatakdang sunod-sunod na State Visit ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. Inamin ni Blue Ribbon Committee chairman, Senador Francis “Tol” Tolentino, sumulat sa komite si Rodriguez upang ipabatid na hindi siya makadadalong …
Read More »
Sa Lanao del Norte
101-ANYOS GABALDON SCHOOL BUILDING TINUPOK NG APOY
NAGLIYAB hanggang tuluyang maabomula sa sumiklab na sunog nitong Miyerkoles ng madaling araw ang isang centennial school building sa bayan ng Lala, lalawigan ng Lanao del Norte, na tinatayang P19.7-milyong halaga ng ari-arian ang kasamang natupok. Ayon kay SFO2 Jessie Cabigon, pangunahing imbestigador ng Bureau of Fire Protection – Lala Fire Station, nagsimula ang sunog sa Lala Proper Integrated School …
Read More »
Sa Laguna
88 WANTED PERSONS TIKLO SA ONE-DAY POLICE OPS
ARESTADO ang 88 indibidwal, pawang nakatala bilang wanted persons sa isinagawang Simultaneous Implementation of Warrant of Arrest sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Laguna, nitong Martes, 30 Agosto. Sa isinagawang Simultaneous Implementation of Warrant of Arrest ng iba’t ibang police stations sa Laguna, 34 arestado ay nakatalang most wanted persons sa Regional, Provincial at City/Municipal Level, kasalukuyang nasa kustodiya …
Read More »
‘One-time, big-time’ police ops ikinasa
5 MWP, 93 LAW OFFENDERS NADAGIT SA BULACAN 
PINAGDADAMPOT ang limang most wanted persons at 93 indibidwal na pawang may paglabag sa batas, sa isang araw na One-Time Big-Time (OTBT) police operation ng Bulacan PPO na inilunsad nitong hatinggabi ng Martes, 30 Agosto. Ayon kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PPO, nagresulta ang operasyon sa pagsisilbi ng 117 warrants of arrest at pagpapatupad ng 779 …
Read More »