INIHAYAG ng pamunuan ng Metro Rail Transit (MRT-3), balik-normal ang kanilang operasyon simula ngayong araw, 3 Enero 2023, na nagpatupad ng adjusted operating hours nitong naklaraang holidays. Sa abiso ng linya, aalis ang unang biyahe ng tren, 4:36 am mula North Avenue station, at 5:18 am mula Taft Avenue station. Samantala, ang huling biyahe ng tren ay 9:30 pm mula …
Read More »Nanggahasa sa 2 anak sa Antique, arestado sa QC
NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang most wanted person (MWP) ng Antique sa kasong pangagahasa sa kaniyang dalawang anak na kapwa menor de edad. Ayon kay QCPD Director, P/Brig. Gen. Nicolas Torre III, ang suspek na si Romel Juban, 46 anyos, ay naaresto ng mga operatiba ng Payatas Bagong Silangan Police Station 13, sa Barangay …
Read More »
Nakasagasa sa pedestrian lane
LISENSIYA NG DRIVER, SUSPENDIDO SA LTO
SINUSPENDE ng Land Transportation Office (LTO) ng 90-araw lisensiya sa pagmamaneho ng tsuper ng jeep na nakasagasa ng babaeng tumatawid sa pedestrian lane sa Parañaque City. Kasunod ito ng pag-amin ng driver ng jeep, kinilalang si Leonilo Aque na nabundol niya ang babaeng tumatawid dahil hindi agad nakapagpreno bago makalapit sa pedestrian lane. Nauna rito, nagpalabas ng show cause order …
Read More »
Proactive policy ‘missing’ – Sen. Poe
NATIONAL GOVERNMENT INALARMA SA ‘ARRIVALS’ NG CHINA PASSENGERS
NANAWAGAN si Senadora Grace Poe sa pamahalaan na magpatupad ng tinatawag na proactive policy para sa mga pasaherong papasok ng bansa mula sa bansang China. Ayon kay Poe, dapat magpatupad ng COVID testing requirements sa mga pasaherong galing China lalo sa sa 8 Enero 2023 na tatanggalin na ang China travel restrictions. “The lack of proactive policies on the matter …
Read More »
Holidays tapos na
UVVRP CODING SCHEME EPEKTIBO MULI —MMDA
MULING ipinatupad ang number coding ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) simula kahapon, Martes, 3 Enero 2023. Pinaalalahanan ng MMDA ang mga motorista na muling ipinatutupad ang Expanded Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) coding scheme simula kahapon matapos ang long weekend at holiday season. Ayon sa MMDA sa ilalim nito, bawal bumiyahe ang mga sasakyan sa mga pangunahing lansangan …
Read More »Bilyones na smuggled agri products isama sa agenda ni Marcos kay Xi
NANAWAGAN ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., isama sa agenda sa pakikipagpulong kay Chinese President Xi Jinping ang talamak na smuggling ng mga produktong agrikultural, partikular ang sibuyas, mula sa China. Giit ng KMP, habang ang China ang nangungunang kasosyo sa kalakalan ng Filipinas noong 2021, umiiral pa rin ang napakalawak na ilegal na kalakalan. …
Read More »CAAP aminado sa lumang CNS/ATM equipment
AMINADO ang Civil Aviation Authority of the Phillipines (CAAP), luma na ang Communications, Navigation, and Surveillance/Air Traffic Management (CNS/ATM) System ng CAAP. Ayon sa CAAP, taong 2019 nang simulang gamitin ang nasabing equipment. Sa pahayag ng CAAP, ang naturang equipment ay pinondohan pa noong 2017 ng Japan International Cooperation Agency (JICA) sa halagang P10.8-bilyon. Kinompirma ng CAAP na nagsumite sila …
Read More »Kanseladong flights sa NAIA inaasahang maayos na bukas
AABUTIN pa hanggang bukas, Huwebes, 05 Enero, bago maibalik ang flights operation sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), inihayag ito ng pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA). Posibleng sa Huwebes maibalik sa normal bago ganap na maging normal ang flights operation sa mga terminal ng NAIA. Kasunod ito ang pagbabalik ng Manila Air Traffic Management System, matapos resolbahin ng …
Read More »
3 resolusyon inihain sa Senado
AIRSPACE SHUTDOWN IMBESTIGAHAN
NAGHAIN sina Senate Majority Leader Joel Villanueva, senators Jinggoy Estrada at Bong Revilla, Jr., ng magkakahiwalay na resolusyon para humiling na magsagawa ng kaukulang imbestigasyon ukol sa naganap na airspace shutdown na sinabing dahilan ng ‘technical glitch.’ Nakapaloob sa resolusyon ni Villanueva, kung magpapatuloy ang airspace traffic management ay tiyak na magkakaroon ng epekto sa local at foreign tourists. Tinukoy …
Read More »
Kapag ‘di umayos, FM Jr., ‘mamalasin’ sa 2023
CRACKDOWN VS TRADERS, HOARDERS INIHIRIT
Sibuyas binili ng P20/kg, ibinenta ng P700/kg
ni Rose Novenario NANAWAGAN si dating Political Affairs secretary Ronald Llamas sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., magsagawa ng crackdown sa traders at hoarders ng sibuyas kaysa maglabas ng ‘walang ngipin’ na suggested retail price (SRP). Sa panayam sa Politiko, sinabi ni Llamas na traders lamang ang nakikinabang sa sobrang taas ng presyo ng sibuyas na umabot sa …
Read More »Supporter ni Jalosjos lalong dumarami
SA kabila ng kasalukuyang unos na nararanasan ni Zamboanga del Norte 1st District Rep. Romeo Jalosjos Jr., kaakibat pa rin niya ang kasiyahan dahil sa lalong lumalakas na suporta na kanyang nakukuha mula sa kanyang mga constituent sa kanilang lugar. Si Jalosjos ay tinanggal kamakailan ng Secretary General sa talaan ng mga miyembro ng House of Representatives. Ang huli umano’y …
Read More »2 Lady drug pusher bokya sa P374-K ilegal na droga
BOKYA sa pagpasok ng Bagong Taon ang dalawang babaeng nahuli ng mga elemento ng Parañaque Police nang makompiskahan ng ilegal na droga, nagkakahalaga ng P374,000 sa Barangay San Antonio, Parañaque City. Kinilala ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Kirby John Kraft ang mga suspek na sina Lanie Kusain, 22 anyos, at Sophia Andatun, 23. Ayon sa ulat, isinagawa ang …
Read More »Vietnamese buking sa illegal drug trade by delivery
NABUKO ang isang Vietnamese national matapos isumbong ng Grab driver sa drug delivery na naaresto nang tanggapin ang isang package na naglalaman ng ilegal na droga sa ikinasang entrapment operation, sa Barangay San Lorenzo, Makati City, kamakalawa ng umaga. Kinilala ng pulisya ang suspek na si Nguyen Luong Hai, 30 anyos, naipagharap ng reklamong paglabag sa Section 11 ng Republic …
Read More »
Sa NCR
NEW YEAR’S EVE PAYAPANG SINALUBONG
NAGING mapayapa ang pagsalubong sa Bagong Taon ng ating mga kababayan sa Metro Manila na maituturing na “generally safe and peaceful.” Ipinagmalaki ni National Capital Region Police Office o NCRPO Regional Director P/MGen. Jonnel Estomo, zero ang major incident o minor firecracker-related incident lamang ang naitala, ibig sabihin walang sugatan mula sa stray bullets, wala rin naitalang indiscriminate firing. Aniya, …
Read More »3 napinsala sa sunog
TATLO-KATAO ang napaulat na nasugatan matapos sumiklab ang sunog bago ang pagsalubong ng Bagong Taon sa Navotas City, Sabado ng hapon. Kinilala ang mga sugatang sina Jay ar Perez, 32 anyos, nasugatan sa kanang kamay, Jeffrey Magtango, 28 anyos, sugat sa kaliwang pulso, at Mark Allen Palomata, 24 anyos, nagtamo din ng sugat sa kaliwang kamay. Sa inisyal na imbestigasyon …
Read More »13 sugatan sa 2023
UMABOT sa 13 indibidwal ang napaulat na nasugatan dahil sa paputok noong pagsalubong ng Bagong Taon sa Navotas City. Sa report ni P/SSgt. Karl Benzon Dela Cruz kay Navotas City police chief P/Col. Dexter Ollaging, noong 8:00 am ng 1 Enero 2023, 13 indibidwal ang naitala na dinala sa Navotas City Hospital (NCH) dahil sa mga pinsalang may kinalaman sa …
Read More »P16.1-M shabu nasabat sa big time (HVI) tulak
ARESTADO ang isang notoryus drug pusher na nakatala bilang high-value individual (HVI) matapos makuhaan ng mahigit P16 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Malabon City. Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Amante Daro ang naarestong suspek si Noel Herrera, alyas Toto, 55 anyos, residente sa Margarita St., Brgy. Niugan. Sa kanyang ulat kay Northern Police …
Read More »
Nagpaputok ng baril noong Bagong Taon
PULIS SA NUEVA VIZCAYA TIMBOG
ARESTADO ang isang pulis matapos magpaputok ng baril sa Brgy. Tuao North, bayan ng Bagabag, lalawigan ng Nueva Vizcaya, nitong Linggo, 1 Enero, unang araw ng bagong taong 2023. Kinilala ng Bagabag MPS ang suspek na si Pat. Loreto Abrio, 30 anyos, kasapi ng PNP-SAF na nakatalaga sa Lamut, Ifugao, at residente sa Mercedes, Eastern Samar. Dinakip si Abrio matapos …
Read More »Davao City nabulabog sa ‘model-trader slay’
NANANATILING misteryo ang pagkakakilanlan ng suspek sa pagpaslang kay Yvonette Chua Plaza, modelo at negosyante, sa labas ng kanyang bahay sa Green Meadow Subdivision, sa lungsod ng Davao, noong Huwebes, 29 Disyembre. Inianunsiyo ng lokal na pulisya nitong Linggo, 1 Enero, ang pagtatatag ng task force para sa pag-iimbestiga sa krimen matapos ang mga alegasyong kumalat sa social media hinggil …
Read More »
Tinamaan ng balang ligaw
BABAE SUGATAN
SUGATAN ang isang babae matapos tamaan ng ligaw na bala nitong bisperas ng Bagong Taon, Sabado, 31 Disyembre, sa lungsod ng Iloilo. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Kate Cambronero, 20 anyos, residente sa Brgy. Rizal, La Paz District, sa naturang lungsod. Agad nadala si Cambronero sa pagamutan matapos tamaan ng ligaw na bala ang kanyang kaliwang binti habang nasa …
Read More »
Kinarnap na sasakyan narekober
ILLEGAL GUN OWNER ARESTADO
NAREKOBER ng mga awtoridad ang isang sasakyang iniulat na kinarnap kasunod ang pagkaaresto sa isang personalidad na may kaso ukol sa pag-iingat ng ilegal na baril sa isinagawang operasyon ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan nitong Linggo, 1 Enero. Ayon sa ulat na isinumite kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, agad nirespondehan ng mga tauhan ng Pandi …
Read More »
Bulacan sa unang araw ng 2023
9 SUGATAN SA PAPUTOK, INSIDENTE NG KRIMEN MABABA
SA INILATAG na safety and security deployment ng puwersa ng Bulacan PNP, pangkalahatang naging tahimik at payapa ang Bagong Taon sa lalawigan ngunit hindi sa ilang kaso ng mga nasugatan sa paputok at mababang insidente ng krimen. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, ipinahayag niya na hanggang 1 Enero ng umaga at may …
Read More »FM Jr., pinigil PhilHealth contrib hike
INUTUSAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na suspendihin ang pagpapatupad ng dagdag sa monthly contribution ng mga miyembro nito ngayong taon. Nakasaad ito sa memorandum na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin para sa Philhealth at sa Department of Health (DOH). “In light of the prevailing socioeconomic challenges brought about by the COVID-19 …
Read More »
Sa PH airspace shutdown,
DUTERTE ISALANG SA P10.8-B UNTRANSPARENT LOANS NG CAAP
DAPAT managot ang mga responsable sa naganap na PH airspace shutdown noong Linggo, kasama si dating Pangulong Rodrigo Duterte, ayon sa Bayan Muna. “Heads must roll starting with Pres. Duterte who spent P10.8 billion in untransparent loans on CAAPs Communications Navigation Surveillance Air Traffic Management (CNS ATM) in 2018,” sabii ni Neri Colmenares, tagapangulo ng Bayan Muna. Ang kahina-hinala …
Read More »PH airspace shutdown, busisiin — Palasyo
MASUSING pagsisiyasat ang ginagawa ng mga kinauukulang ahensiya kasunod ng pansamantalang pagsasara ng airspace ng Filipinas noong Linggo, ayon sa Malacañang. “A thorough investigation is being conducted by appropriate agencies,” ayon sa Office of the Press Secretary officer-in-charge Cheloy Garafil sa text message sa mga mamamahayag. Hindi bababa sa 282 flights ang kinansela, inilihis, o naantala sa araw ng Bagong …
Read More »