ISANG parcel na naka-consign sa isang Juanito Jose Diaz Remulla III, ang hindi nakalusot sa mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA -Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) nang isailalim sa controlled delivery mula sa Amerika ang mahigit isang milyong pisong ‘kush marijuana’ na ipinadala sa bansa. Ang suspek na consignee, si Remulla, 38 anyos, ay residente …
Read More »Supply ng koryente ipinatitiyak sa Meralco
HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang Manila Electric Company (Meralco) na tiyakin ang tuluy-tuloy na supply ng koryente para sa mga customer nito kasunod ng desisyon ng Energy Regulatory Commission (ERC) na tanggihan ang petisyon para sa pagtataas ng singil na inihain ng Meralco at ng power-generation arm ng San Miguel Corporation (SMC). “Bilang contracting party ng power supply agreement, …
Read More »Programa vs. fake news ikakasa ng OPS
MAGKAKASA ng programa ang Malacañang laban sa fake news sa mga darating na araw. Inihayag ito ni Office of the Press Secretary (OPS) officer-in-charge Cheloy Garafil kasunod ng resulta ng Pulse Asia survey na siyam sa sampung Pinoy ay naniniwalang problema sa Filipinas ang fake news. “Ito po ay isang seryosong bagay na tututukan ng OPS kaya ngayon sir meron …
Read More »
Nagpasaklolo sa PNP
DISKRIMINASYON SA ‘MUSLIM’ NAIS TULDUKAN NG SENADOR
MALAKI ang magagawa ng Philippine National Police (PNP) para tuldukan ang diskriminasyon sa mga Muslim, kasama ang pagtukoy sa isang kriminal na ‘Muslim’ at walang pakundangang pagbibigay ng pagkaing may karneng baboy sa mga bilanggong Muslim sa PNP Custodial Center. Iginiit ito nitong Lunes ni Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla matapos ang mga pangyayari noong Linggo, nang i-hostage si dating …
Read More »
PH kahit inilagay ng China sa blacklist
PALASYO TAHIMIK SA ‘PAGPUSLIT’ NG POGO WORKERS 
TIKOM ang bibig ng Palasyo sa ginawang pagsama sa Filipinas ng China bilang blacklist sa tourist destinations bunsod ng patuloy na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa. “Sa totoo lang, wala pa po kaming nare-receive na advisory with respect to that blacklisting issue. So kapag nabigyan na po kami ng kaukulang advisory, we will make the proper …
Read More »Sim Card registration act pipirmahan ni FM Jr. ngayon
NAKATAKDANG lagdaan ngayong araw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang SIM Card Registration Act upang isulong ang pananagutan sa paggamit ng SIM cards at makatulong sa mga awtroridad sa pagtugis sa mga kriminal na ang gamit ay ang cellular phone sa paggawa ng krimen. Sa ilalim ng batas, lahat ng public telecommunications entities (PTE) o direct sellers ay oobligahin ang …
Read More »FM Jr., bigo sa pagtaas ng presyo ng bilihin – solon
UMANI ng batikos si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa kabiguang tugunan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa kanyang unang 100 araw bilang pangulo ng bansa. Ayon kay Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas, mayorya ng mga Filipino ay umaasa na bibigyan ito ng karampatang lunas na administrasyong Marcos. Ayon sa pinakahuling …
Read More »
Pulis at Sen De Lima hinostage…
PULIS AT TATLONG PRESO TODAS SA KAGULUHAN SA LOOB NG CRAME!
KUMAKALAT ngayon sa isocial media ang naging pagresponde ng kapulisan sa naganap na kaguluhan kung saan nagtangkang tumakas ang ilang preso at hinostage umano ang isang Pulis at ang nakakulong na dating Senador Leila De Lima sa loob mismo ng Maximum Compound PNP Custodial Center 3 kaninang umaga. Base sa ulat, 6:30AM sa mapayapang araw ng linggo ay sumiklab ang …
Read More »
Lopez nanawagan ng pagkakaisa
PABUYA VS ‘GUNMAN’ AT ‘MASTERMIND’ NG PAGPASLANG KAY PERCY LAPID HINIKAYAT PATAASIN
HINIMOK ni Atty. Alex Lopez ang mga mamamahayag na magsamasama at kondenahin ang nangyaring pamamaslang sa broadcast journalist na si Percival Mabasa a.k.a. Percy Lapid. Ayon kay Lopez, malapit na kaibigan ni Mabasa (Lapid), naiintindihan niya ang takot na dulot sa mga mamamahayag ng nangyaring pagpaslang sa kanilang kabaro kaya naman gaya ng laging panawagan ng administrasyong Marcos, unity o …
Read More »
SPD may namumuong lead
AMBUSH NG BETERANONG BROADCAST JOURNALIST INAASAHANG MAY RESULTA SA LOOB NG 24-ORAS
ni MANNY ALCALA IPINAHAYAG ng Southern Police District (SPD) na nakakuha na sila ng lead ayon sa kanilang nakita sa dashcam ng sasakyan at cellular phone ng inambus at napatay na beteranong hard-hitting broadcast journalist na si Percival Mabasa, mas kilala bilang Percy Lapid, nang i-turnover sa pulisya ng naiwang pamilya ng biktima. Ayon sa nakababatang kapatid ng biktima na …
Read More »Pagpaslang sa beteranong broadcast journalist ‘di pinalampas ng Partylist
MARIING kinondena ng Kabataan Partylist ang pagpaslang kay Percival Mabasa, o mas kilala bilang Percy Lapid, isa sa mga brodkaster na masugid na kritiko ng administrasyong Marcos-Duterte, sa Las Piñas City kagabi. Ayon sa kanyang manugang, binubuntutan si Percy Lapid habang papunta sa kanyang bahay para mag-online broadcasting, pero bago pa man nakapasok sa kanilang village ay pinagbabaril na siya …
Read More »Pagpaslang kay Percy Lapid kinondena ng 2 solons
MARIING kinondena nina Senadora Risa Hontiveros at Senador Robinhood “Robin” Padilla ang pagpaslang kay sa hard-hitting commentator at columnist na si Percival Mabasa, a.k.a. Percy Lapid, kamakalawa ng gabi sa lungsod ng Las Piñas. Ayon kina Hontiveros at Padilla, maituturing na pagyurak sa malayang pamamahayag ang pagpaslang kay Mabasa (Lapid). Nagpaabot ng pakikiramay sina Hontiveros at Padilla sa pamilya at …
Read More »Indignation rally laban sa karahasan at para sa katarungan
PINANGUNAHAN ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang indignation rally sa Boy Scout Monument sa Quezon City na kumokondena sa pagpasalang kay Percival Mabasa, kilala bilang Percy Lapid. Lumahok ang mga miyembro ng mga progresibong grupo, media organizations, at press freedom advocates sa isinagawang indignation program at pag-iilaw ng kandila bilang panawagan ng katarungan sa pinaslang na …
Read More »Pagpaslang sa veteran broadcast journalist kinondena ng mundo
MATAPOS manawagan sa publiko ang National Union of Journalists in the Philippines (NUJP) na sumama sa pagkondena sa pagpaslang sa ikalawang mamamahayag sa ilalim ng administrasyong Marcos-Duterte, bumuhos ang simpatiya at pakikiisa hindi lamang ng mga kapwa Filipino kundi pati ang mga dayuhang embahada na nasa bansa. Unang nagpahayag ng mariing pagkondena ang NUJP sa pagpaslang sa broadcast journalist …
Read More »
Binangga ng SUV saka pinagbabaril riding-in tandem sa Las Piñas
BETERANONG BRODKASTER, KOLUMNISTA ITINUMBA
ni MANNY ALCALA PINAGBABARIL hanggang mapatay ang isang beteranong hard-hitting broadcaster at kolumnista sa diyaryo ng armadong riding-in tandem habang nagmamaneho ng kanyang sasakyan nitong Lunes ng gabi, 3 Oktubre, sa lungsod ng Las Piñas. Kinilala ang biktimang si Percival Mabasa, mas kilala bilang Percy Lapid, komentarista sa kanyang programang “Lapid Fire” sa estasyon ng radyong DWBL, at may libo-libong …
Read More »Pagkilala at pinansiyal na suporta bumuhos sa limang rescuers na nasawi sa Bulacan
BUMUHOS ang mga pagkilala at pinansiyal na suporta para sa mga bayaning tagapagligtas sa ginanap na espesyal na pagpupugay ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan para sa kanilang kabayanihan na tinawag na “Salamat at Paalam… Luksang Parangal para sa mga Bayaning Tagapaglistas! sa Bulacan Capitol Gymnasium dito kahapon. Sa ngalan nina George E. Agustin mula sa Iba O’ Este, Calumpit; Troy …
Read More »Oil importer dudulog sa Malacañang dahil sa pagbasura ng DOE sa kanilang aplikasyon
DUDULOG sa Office the President (OP) ang isang oil importer kaugnay sa hinalang pagbasura ng isang opisyal ng Department of Energy (DOE) sa kanilang aplikasyon kahit kompleto sa mga rekesitos ng pag-i- import ng diesel mula sa middle east. Batay sa reklamo ni Ms. Zasa Aliman, ang Vice President ng Stone Hope Company, kompleto na sila ng requirements na hinihingi …
Read More »
Sa agrikultura
P141.38-M PINSALA NI KARDING 
TINATAYANG aabot sa P141.38 milyon ang pinsala at pagkalugi sa agrikultura dulot ng bagyong Karding, batay sa inisyal na taya ng Department of Agriculture (DA). Ayon sa DA, ang initial assessment ay sumasakop sa 16,229 ektarya ng lupa sa Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region, Central Luzon, at Calabarzon, simula 12 pm nitong Lunes, 26 Setyembre 2022. Nangangahulugan ito na …
Read More »Sanib-puwersa ng operators, regulators sa pagbuo ng mga polisiya para sa e-sabong iminungkahi
HIGIT na magiging pulido ang mga polisiya para sa e-sabong kung magiging magkatuwang ang mga regulator at ang mga operator sa pagbuo nito, ayon sa opisyal ng isang gaming technology. Sa isang panayam, sinabi ni Jade Entertainment and Gaming Technologies, Inc., Chief Executive Officer Joe Pisano, nakahanda ang kanyang kompanya na makipag-ugnayan sa mga mambabatas para makatulong sa pagtugon sa …
Read More »Mandatory facemask sa senior citizens, immunocompromised sa indoor places, labag sa Bill of Rights — KSMBPI
NANINIWALA si Dr. Mike Aragon, Chairman ng Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas, Inc. (KSMBPI), paglabag sa Article 3 Section 1 ang ipapatupad na mandatory facemask sa indoor places, public utility vehicles (PUVs) sa senior citizens at mga immunocompromised individual dahil walang batas na nagtatakda rito. Sa ginanap na Kapihan sa Manila Hotel, sinabi ni Aragon na labag sa …
Read More »UFFC: PROTEKSIYON NG ERC UNA DAPAT SA CONSUMERS
DAPAT protektahan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang mga consumer laban sa banta ng pagtataas sa singil ng koryente. Binigyang diin ni United Filipino Consumers and Commuters (UFCC) president Rodolfo Javellana, Jr., na hindi dapat matakot ang ERC na desisyonan ang apela ng South Premier Power Corporation (SPPC) at San Miguel Electric Company (SMEC) na makawala sa Power Supply Agreement …
Read More »Bawas presyo sa produktong petrolyo inabiso ng oil companies
NAG-ABISO ang mga kompanya ng langis sa pagbaba ng presyo ng kanilang mga produktong petrolyo ngayong Martes. Pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Petro Gazz, at Phoenix Petroleum na magpapatupad sila ng bawas presyo na P0.45 kada litro ng gasolina, P1.45 kada litro ng diesel at P1.70 kada litro ng kerosene epektibo 6:00 am …
Read More »Senado iimbestigahan talamak na kidnapping, krimen sa bansa
NAKATAKDANG magsimula ang imbestigasyon ng senado ukol sa lubhang nakaaalarmang kidnapping at ilang mga krimen sa bansa. Ito ay matapos kompirmahin ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa, chairman ng Senate Committee on Public Order na itinakda niya ang pagdinig sa darating na Huwebes, 15 Setyembre, upang pagpaliwanagin ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ukol sa kanilang datos sa mga …
Read More »
Boluntaryo ‘di na kompulsoryo
PINOYS ‘MALAYA’ NA VS FACE MASK
BOLUNTARYO na ang pagsusuot ng face mask sa mga pampubliko, hindi siksikan at may “good ventilations” na mga lugar, ayon sa Malacañang. Alinsunod sa Executive Order 3, inaprobahan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na alisin ang mandatory face mask requirement na ipinatupad ng pamahalaan nang magsimula …
Read More »P1-B asukal nadiskubre sa Bulacan
TINATAYANG P1 bilyong halaga ng asukal ang nadiskubre nang suyurin ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC), Philippine National Police (PNP), at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ilang bodega sa Meycauayan City, Bulacan. Sa isang bodega sa Polyland Industrial Subdivision, nadiskubre ang 11,717 sako ng lokal na asukal na may iba’t ibang brand at 50,182 sako ng …
Read More »