Friday , December 5 2025

Local

Kabayanihan ng SAF 44 ginunita sa Bulacan

Bulacan PNP Rommel Ochave SAF 44

NAGBIGAY-PUGAY ang Bulacan PNP sa kabayanihan ng 44 Special Action Force (SAF) troopers na isinakrapisyo ang kanilang buhay pitong taon na ang nakararaan sa kalunos-lunos na trahedya na naganap sa Maguindanao noong 25 Enero 2015. Ang mga napaslang na 44 SAF commandos ay binigyang parangal sa isang seremonya na paglalatag ng korona sa Camp General Alejo S. Santos, lungsod ng …

Read More »

Ex-BM kumasa
GOV. SUAREZ, P4-M UTANG SA ELECTRIC COOP ‘DI BINABAYARAN

electricity meralco

TINULIGSA ng isang dating Quezon 4th district board member si Gov. Danilo Suarez sa pag-iwas umanong magbayad ng koryenteng nagkakahalaga ng mahigit P4 milyon na kinonsumo sa isang palaisdaan na sinabing pinatatakbo ng Suarez family. Ang abogadong si Frumencio “Sonny” Pulgar, legal counsel ng Quezon 1 Electric Cooperative, Inc. (Q1ECI) na nakabase sa Bgy. Poctol, Pitogo, Quezon ay gumawa na …

Read More »

Sunog sumiklab
50 KABAHAYAN NATUPOK SA STA. MARIA, BULACAN

fire sunog bombero

NAABO ang halos 50 kabahayan sa bayan ng Sta.Maria, sa lalawigan ng Bulacan, matapos sumiklab ang malaking sunog, nitong Miyerkoles ng hapon, 19 Enero. Naganap ang insidente ng sunog sa Sitio Tabing Ilog Villarica, Brgy.  Poblacion, sa naturang bayan. Sa panimulang imbestigasyon ng mga tauhan ng Sta. Maria Bureau of Fire Protection at batay sa pahayag ng ilang testigo, nagsimula …

Read More »

Holdaper todas sa enkuwentro, nagrespondeng pulis sugatan

dead gun police

PATAY ang isang holdaper, samantala sugatan ang isang pulis, sa naganap na enkuwentro sa Sitio Boundary, Brgy. Caalibangbangan, lungsod ng Cabanatuan, lalawigan ng Nueva Ecija, nitong Miyerkoles, 19 Enero 2022. Sa ulat kay P/Col. Rommel Ochave, acting provincial director ng Bulacan PNP, kinilala ang napatay na suspek sa alyas na Tolits, samantala ang nasugatang pulis ay si Pat. Aizar Hajar, kasalukuyang nakatalaga sa Sta. …

Read More »

Serye ng operasyon ikinasa ng PNP Bulacan; 1 patay, 9 arestado

Bulacan Police PNP

BUMULAGTA ang isa sa mga hinihilang tulak ng ilegal na droga habang nadakip ang siyam na iba pa sa serye ng mga anti-drug sting na ikinasa ng pulisya sa iba’t ibang lugar sa lalawigan ng Bulacan, nitong Miyerkoles, 19 Enero. Kinilala ni P/Col. Rommel Ochave, acting provincial director ng Bulacan PNP, ang napatay na suspek na si Rolando Hallasgo, alyas Tisoy.  Batay …

Read More »

Tulak na ‘Kano’ timbog sa Zambales

Zambales PPO, PNP PRO3, San Marcelino Zambales

DINAKIP ng Philippine National Police – Drug Enforcement Group (PNP-DEG) ang isang American national na hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa lalawigan ng Zambales, nitong Miyerkoles, 19 Enero.             Sa ulat, kinilala ni PDEG Director P/BGen. Remus Medina, ang suspek na si John Louis, 42 anyos, naaresto sa ikinasang buy bust operation. Narekober mula sa suspek ang tinatayang 50 …

Read More »

Sa ‘viral video’ ng ambush sa Montalban
HATAW RIZAL REPORTER TINAKOT, BINANTAAN NG CYBERLIBEL

Sa ‘viral video’ ng ambush sa Montalban HATAW RIZAL REPORTER TINAKOT, BINANTAAN NG CYBERLIBEL

DUMARANAS ng banta sa kanyang seguridad ang isang news reporter ng HATAW D’yaryo ng Bayan na nakabase sa lalawigan ng Rizal dahil sa kuha niyang video sa isang insidente ng pananambang sa Rodriguez (Montalban), nitong Martes ng umaga, 18 Enero 2022. Sa huling algorithm, umabot sa 1.3 milyon ang views ng nasabing video at may 8.5k reactions, comments & shares, …

Read More »

Ina nagpapataya ng jueteng
2-ANYOS PASLIT PATAY SA PINAGLARUANG LIGHTER NG 2 UTOL

fire sunog bombero

ISANG 2-taong gulang na batang babae ang namatay nang masunog ang kanilang bahay dahil sa pinaglaruang lighter nitong Lunes ng umaga, 17 Enero, sa lungsod ng Anipolo, lalawigan ng Rizal. Kinilala ni Fire S/Insp. Wennie Astrero, ground commander, ang namatay na biktimang si Vanessa Glee, 2 anyos, nakatira sa Chico St., Purok Sumulong, Brgy. dela Paz, sa lungsod.  Sa imbestigasyon …

Read More »

Tinambangan sa Montalban
NEGOSYANTENG BABAE PATAY

Tinambangan sa Montalban NEGOSYANTENG BABAE PATAY

HINDI NAKALIGTAS sa kamatayan ang isang negosyanteng babae, sinabing ang mister ay kaanak ng isang tumatakbong bise alkalde, nang pagbabarilin ng mga hindi kilalang salarin sa loob ng sasakyan nitong Martes ng umaga, 18 Enero, sa M.H. del Pilar St., Brgy. San Rafael, sa bayan ng Rodriguez (Montalban), lalawigan ng Rizal.  Kinilala ni P/Lt. Col. Marcelino Pipo, Jr., hepe ng …

Read More »

Sa Tacurong, Sultan Kudarat
DepEd SUPERVISOR PATAY SA AMBUSH, MISIS SUGATAN

Sa Tacurong, Sultan Kudarat DepEd SUPERVISOR PATAY SA AMBUSH, MISIS SUGATAN

PATAY ang isang opisyal ng Department of Education habang sugatan ang kaniyang asawa nang tambangan ng hindi kilalang mga suspek sa Purok Katilingban, Brgy. San Pablo, lungsod ng Tacurong, lalawigan ng Sultan Kudara, nitong Lunes ng gabi, 17 Enero 2022. Kinilala ni P/Lt. Col. Joan Maganto, hepe ng Tacurong PNP, ang napaslang na biktimang si Javier Kumandi, Sr., 55 anyos, …

Read More »

5 tulak tiklo sa bitag ng Bulacan police

shabu drug arrest

NAGWAKAS ang maliligayang sandali ng limang pinaniniwalaang mga talamak na tulak ng ilegal na droga nang mahulog sa mga ikinasang patibong ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 17 Enero 2022. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Rommel Ochave, acting provincial director ng Bulacan PNP, nsakote ang limang suspek sa ikinasang bitag laban kanila ng mga operatiba ng Station …

Read More »

Sa Guagua, Pampanga
BRGY. CHAIRMAN NIRATRAT, TODAS

dead gun police

NABULABOG ang mga residente nang marinig ang sunod-sunod na putok ng baril sa isang gasolinahan sa Brgy. Sto Niño, bayan ng Guagua, lalawigan ng Pampanga, nitong Lunes ng gabi, 17 Enero 2022. Tumambad sa mga residente ang duguan at wala nang buhay na katawan ng lalaki habang mabilis na lumakad paalis sa lugar ang hindi kilalang suspek. Sa ulat mula …

Read More »

Tricycle sinalpok ng van; Ginang patay, 3 sugatan

road traffic accident

BINAWIAN ng buhay ang isang ginang nang banggain ng isang van ang sinasakyang tricycle ng kanyang pamilya sa lungsod ng San Jose, lalawigan ng  Nueva Ecija, nitong Lunes, 17 Enero 2022. Sa ulat mula sa San Jose CPS, kinilala ang biktimang si Anita Ecleo, 53 anyos, samantala sugatan ang kaniyang mister na si Joseph, pati ang isa nilang anak at …

Read More »

34 med staff sa Bulacan positibo sa Covid-19

Covid-19 positive

NASURING positibo sa SARS-COV-2 ang hindi bababa sa 34 medical staff ng COVID-19 facility sa lalawigan ng Bulacan. Inihayag ni Dr. Hijordis Marushka Celis, director ng Bulacan Medical Center at vice chair ng Bulacan CoVid-19 Task Force, ang mga pasyente ay kabilang sa Bulacan Infection Control Center at Bulacan Medical Center. Dagdag ni Celis, maaari pang madagdagan ang bilang ng …

Read More »

Sa Cabanatuan, Nueva Ecija
P.3-M ‘OMADS’ NASAMSAM

marijuana

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang mahigit P300,000 halaga ng hinihinalang marijuana sa ikinasang anti-illegal drug bust operation ng operating units ng SDEU ng Cabanatuan CPS, buy bust operation sa District 1, Brgy. San Juan Accfa, sa lungsod ng Cabanatuan, lalawigan ng Nueva Ecija. Nadakip sa naturang operasyon ang suspek na kinilalang si Justine Jay Cruz, alyas Jay-jay, 21 anyos, residente …

Read More »

Sa Bulacan
5 TULAK, 41 SUGAROL, 2 PUGANTE TIMBOG

Bulacan Police PNP

SA KABILA ng mahigpit na pagpapatupad ng mga patakaran ng Bulacan PNP upang mapigil ang pagtaas ng bilang ng kaso ng CoVid-19, nadakip ng mga awtoridad ang mga indibiduwal na patuloy na lumalabag sa mga batas sa lalawigan ng Bulacan. Sa ikinasang buy bust operation ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Units (SDEU) ng Paombong Municipal Police Station (MPS), …

Read More »

Huli sa aktong nagtutupada
7 KATAO TIMBOG SA TANAY, RIZAL

Sabong manok

PITO katao ang nadakip nang mahuli sa aktong nagtutupada, malinaw na paglabag sa anti-gambling operation, sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Brgy. Plaza Aldea, bayan ng Tanay, lalawigan ng Rizal, nitong Linggo, 16 Enero.  Kinilala ni P/Lt. Col. Ruben Piquero, hepe ng Tanay MPS, ang mga nadakip na suspek na sina Jesson Malinao, Edgardo Barrera, Santos Lopez, Alvino Alegre, …

Read More »

Sympathizer ni Bayali
LALAKI ‘NANLABAN’ TODAS SA SAGUPAAN

dead gun

PATAY ang isang lalaking sympathizer ni Abu Sayyaf Group sub-leader Pasil Bayali, matapos makipagbarilan laban sa mga pulis at sundalo sa bayan ng Sumisip, lalawigan ng Basilan, nitong Lunes, 17 Enero. Si Gomez, isang sympathizer o sumusuporta kay Abu Sayyaf Group sub-leader Pasil Bayali, isa sa mga responsable sa mga bomb threat at mga insidente ng pangingikil sa Basilan. Ayon …

Read More »

4 COP binalasa sa Rizal

KAUGNAY sa nalalapit na lokal at pambansang halalan, binalasa ang apat na chief of police (COP) sa lalawigan ng Rizal kasabay ng inilatag na gun ban ng Commission on Elections (COMELEC). Pinalitan ni P/Lt. Col. Ruben Piquero si Tanay outgoing chief of police P/Lt. Col. Resty Damaso samantala inilagay bilang chief of police ng San Mateo PNP si P/Lt. Col. …

Read More »

Sa San Mateo, Rizal
P.7-M ‘OBATS’ NASABAT SA 3 HVT

Edwin Moreno photo Sa San Mateo, Rizal P.7-M ‘obats’ nasabat sa 3 HVT

NADAKIP ang tatlong pinaniniwalaang high value target (HVT) nang makompiskahan ng P700,000 halaga ng ilegal na droga sa ikinasang buy bust operation ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU-PIU) sa bayan ng San Mateo, lalawigan ng Rizal, nitong Sabado ng hapon, 15 Enero.  Kinilala ni P/Maj. Joel Custodio, OIC ng Provincial Intelligence Unit (PIU) ang mga nadakip na sina Anthony Miano, …

Read More »

Puganteng kawatan sa Mabalacat nasukol

Arrest Posas Handcuff

NADAKIP ng mga awtoridad ang itinuturing top 1 most wanted person (MWP) ng lungsod ng Mabalacat, lalawigan ng Pampanga nitong Sabado, 15 Enero. Armado ng warrant of arrest, nagsadya ang pinagsanib na elemento ng Mabalacat City Police Station na pinamumunuan ng kanilang hepeng si P/Lt. Col. Heryl Bruno, 302nd MC RMFB-3 Polar base, 2nd PMFC Mabalacat Patrol Base at Naval …

Read More »

Sa Bulacan
5 SUGAROL, 4 PASAWAY, PUGANTE SWAK SA HOYO

Bulacan Police PNP

MAGKAKASUNOD na pinagdadampot ng pulisya ang 10 kataong pawang lumabag sa batas sa inilatag na magkakahi­walay na operasyon sa iba’t ibang lugar sa lalawigan ng Bulacan hanggang nitong Linggo, 16 Enero. Sa ikinasang anti-illegal gambling operations sa Meycauayan at San Rafael, nadakip ang mga suspek na kinilalang sina Marvin Varilla ng Brgy. Maron­quillo, San Rafael; Herminio Dela Cruz ng Brgy. …

Read More »

Nahuli sa CCTV
SEKYU BANTAY-SALAKAY, KASABWAT TIMBOG

arrest prison

SA MAAGAP na responde ng mga awtoridad, agad nadakip ang dalawang kawatang bumibiktima sa isang establisimiyento sa bayan ng Marilao, lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 15 Enero. Sa ulat mula sa Marilao Municipal Police Station (MPS) na pinamumuan ni P/Lt. Col. Rolando Gutierrez, kinilala ang mga nasakoteng suspek na sina Rodel Torres, security guard ng AFES Security Agency, at kanyang …

Read More »