Thursday , December 26 2024

Local

111 katao, nalason sa payout ng PULI at LK sa Quezon

Quezon Convention Center

SA HINDI pa mabatid na kadahilanan, mahigit 100 katao kabilang ang ilang empleyado ng pamahalaang panlalawigan ang naging biktima ng food poisoning habang ginaganap ang isang malaking pagtitipon sa Quezon Convention Center kahapon. Hanggang 9:00 pm, napag- alamang umabot sa 111 ang bilang ng mga nalason na ini-admit sa Quezon Medical Center sa lunsod ng Lucena. Ang mga biktima ay …

Read More »

State of Calamity idineklara sa 6 rehiyon

State of Calamity

IDINEKLARA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang state of calamity sa anim na rehiyon sa bansa na napinsala ng bagyong Odette. Ito’y ang Regions 4B (Mimaropa – Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan), 6 (Western Visayas), 7 (Central Visayas), 8 (Eastern Visayas), 10 (Northern Mindanao),  at13 (Caraga). “The declaration of the state of calamity will hasten the rescue and relief and rehabilitation efforts …

Read More »

Benguet farmers, traders nagbigay ng gulay para sa mga biktima ng bagyong Odette

Nagsimula nang mangalap ng mga gulay ang mga vegetable farmers at traders sa lalawigan ng Benguet upang ipadala sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Odette. Pahayag ni Agot Balanoy, public relations officer ng League of Associations at the La Trinidad Vegetable Trading Areas, nakatakda nilang ipadala nitong Lunes ng gabi, 20 Disyembre, ang mga nakalapa nilang mga produkto mula …

Read More »

Notoryus na tulak nasakote sa Nueva Ecija

Sa patuloy na operasyon ng mga awtoridad kontra kriminalidad, nadakip ang isang pinaniniwalaang talamak na drug peddler nitong Linggo, 19 Disyembre, sa lungsod ng Gapan, lalawigan ng Nueva Ecija. Ayon kay P/Col. Rhoderick Campo, provincial director ng Nueva Ecija PPO, ikinasa ang buybust operation ng mga operatiba ng Gapan CPS na nagresulta sa pagkakadakip ng hinihinalang notoryus na tulak ng …

Read More »

Bagsik ng bagyong Odette dama sa Western Visayas 416,988 katao apektado

TINATAYANG hindi bababa sa 416,988 katao o 105,702 pamilya ang naging biktima ng panana­lasa ng bagyong Odette sa rehiyon ng Western Visayas, ayon sa datos na inilabas ng Western Visayas Regional Disaster Risk Reduction and Manage­ment Council (Western Visayas RDRRMC). Nabatid ng Western Visayas RDRRMC sa pamumuno ng Office of Civil Defense (OCD-6), 1,377 barangays sa mga lalawigan ng Aklan, …

Read More »

200 bahay sa Zamboanga winasak ng storm surge

NAPINSALA ang tina­tayang 200 bahay sa dalampasigan ng lungsod ng Zamboanga matapos kumawala ang daluyong dulot ng bagyong Odette. Ayon kay Social Welfare and Development Officer Socorro Rojas, nagpadala na ang lokal na pamahalaan ng Zamboanga ng tulong para sa 206 pamilyang apektado na naninirahan mula Purok 1 hanggang Purok 5 ng Brgy. Labuan, sa nabanggit na lungsod. Sa datos …

Read More »

Tambalang Willy-Jonjon inilunsad sa Bulacan

Willy Sy-Alvarado Micka Bautista

SA PAKIKIPAGPULONG sa mga miyembro ng media ni Bulacan Vice-Governor Willy Alvarado, na ngayon ay tumatakbong muli bilang gobernador, ipinakilala si 3rd District Rep. Jonjon Mendoza bilang kanyang running mate na bise-gobernador. Ikinompara ni Alvarado ang Bulacan sa Israel na lubos na pinagpala at iniligtas ng Panginoon, na kahit saan magtungo ang mga Bulakenyo ay iba ang pakiramdam sa pangtanggap …

Read More »

9 pasaway tiklo sa police ops (Sa Bulacan)

ISA-ISANG nahulog sa kamay ng mga awtoridad ang siyam kataong pawang lumabag sa batas sa isinagawang operasyon ng pulisya sa iba’t ibang lugar sa lalawigan ng Bulacan nitong Sabado, 11 Disyembre. Naaresto ang tatlong pugante sa inilatag na manhunt operations ng Bulacan 1st PMFC, Pulilan, Paombong, Guiguinto MPS; CIDG PFU Bulacan, 301st MC, RMFB3 at PNP AKG Luzon Field Unit …

Read More »

Anti-crime drive pinaigting 7 tulak deretso sa ‘hoyo’

NADAKIP ang pito kataong sangkot sa ilegal na droga sa pagpapatuloy ng pinaigting na kampanya laban sa krimen ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan hanggang nitong Linggo ng umaga, 12 Disyembre. Kinilala ni P/Col. Manuel Lukban, Jr., acting provincial director ng Bulacan PNP, ang pitong suspek na sina Ariel Abragan ng Pasong Tamo, lungsod Quezon at Marlon Esteban ng Brgy. …

Read More »

P2.38-M shabu nasamsam tiangge vendor timbog

ARESTADO ang isang tindero sa tiangge na nahulihan ng P2.38-milyong halaga ng hinihinalang shabu sa lungsod ng Mabalacat, lalawigan ng Pampanga, nitong Biyernes, 10 Disyembre. Sa ulat ni P/Lt. Col. Heryl Bruno kay P/Col. Robin King Sarmiento, provincial police director ng Pampanga PPO, kinilala ang suspek na si Rasul Sadic, alyas Elyas, kasalukuyang naninirahan sa Jao Ville, Brgy. Panda, lungsod …

Read More »

Units ng PRO3 PNP ipinaalerto sa firecracker ban

BILANG pagsunod sa direktiba ni PNP chief, P/Gen. Dionard Carlos, naglabas ng Operational Guidelines si PRO3 PNP Regional Director P/BGen. Matthew Baccay upang matiyak na magiging ligtas at payapa ang pagdaraos ng Kapaskuhan sa taong ito. Ayon kay P/BGen. Baccay, titiyakin ng PNP na ang probisyon sa pagsasaayos, pagmamanupaktura at pamamahagi ng mga paputok ay mahigpit na ipatutupad base sa …

Read More »

7 ospital sa Iloilo City kumalas sa PhilHealth

SIMULA sa susunod na taon, 2022, pitong pribadong pagamutan sa lungsod ng Iloilo ang hindi na konektado sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) dahil sa bigo nitong pagbabayad ng may kabuuang P545-milyong claims nang magsimula ang pandemyang dulot ng CoVid-19. Kabilang sa mga ospital na kumalas sa PhilHealth ang St. Paul’s Hospital, Iloilo Doctors Hospital, Iloilo Mission Hospital, The Medical …

Read More »

Eroplano ng PAL sumadsad sa runway ng Cebu airport

Eroplano ng PAL sumadsad sa runway ng Cebu airport

KINOMPIRMA ng Philippine Airlines (PAL) na sumadsad ang kanilang eroplanong flight PR2369 pagdating sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA) bago magtanghali mula sa Caticlan, kahapon. Walang iniulat na nasaktan sa 29 pasahero, apat na crew (2 piloto at 2 cabin crew member) at ligtas silang nakababa gamit ang airstair ng eroplano. Sinabi ni Cielo Villaluna, spokesperson ng Philippine Airlines, tumutulong ang …

Read More »

Sa Calbayog City, Samar
VETERAN JOURNALIST PATAY SA PAMAMARIL

120921 Hataw Frontpage

ISANG beteranong mamamahayag na nakabase sa Pampanga ang binawian ng buhay matapos barilin sa loob ng kanilang tindahan nitong Miyerkoles ng gabi, 8 Disyembre, sa lungsod ng Calbayog, lalawigan ng Samar. Kinilala ng mga awtoridad ang biktimang si Jesus “Jess” Malabanan, 58 anyos, correspondent ng Manila Standard, Bandera, at stringer ng Reuters; residente sa Langka St., lungsod ng Angeles, lalawigan …

Read More »

Pinakamalamig na temperatura naitala sa Baguio, NCR ngayong taon

Cold Temperature

INIHAYAG ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na naitala ang pinakamalamig na temperatura sa Baguio City at National Capital Region (NCR) ngayong taon. Sa naitala ng PAGASA, ang tempera­tura sa Baguio City ay bumagsak sa 11.4 Celsius bandang 4:50 am habang sa Science Garden monitoring station ng kanilang tanggapan sa Quezon City ay nakapag-record ng 20.4 Celsius …

Read More »

Notoryus na tulak nadakma sa Mabalacat, Pampanga P.7-M shabu nasamsam

ARESTADO ang isang pinaniniwalaang notoryus na tulak ng ilegal na droga, nakompiskahan ng higit sa P.7-milyong hinihinalang shabu sa isinagawang buy bust operation ng mga awtoridad sa lungsod ng Mabalacat, lalawigan ng Pampanga, nitong Sabado, 4 Disyembre. Ayon kay PRO3 Regional Director P/BGen. Matthew Baccay, nagkasa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Regional at Provincial Drug Enforcement Units …

Read More »

Kilabot na holdaper tiklo sa ‘Oplan Sita’

NAGWAKAS ang maliliga­yang araw ng isang kilabot na holdaper nang masabat at maaresto ng mga awtori­dad sa Oplan Sita sa Brgy. Bigte, bayan ng Norza­ga­ray, lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado ng gabi, 4 Disyembre. Sa ulat na ipinadala ni P/Lt. Col. Cresenciano Corde­ro, acting chief of police ng Norzagaray Municipal Police Station (MPS), kay P/Col. Manuel Lukban, Jr., provincial director …

Read More »

Bebot timbog sa ‘nakaw’ na SUV

NASAKOTE ang isang babae ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos mahulihan ng pinaniniwalaang nakaw na sports utility vehicle (SUV) sa isang talyer sa lungsod ng Meycauayan, lalawigan ng Bulacan. Kinilala ang suspek na si Mary Jean Aranas, dinakip ng mga awtordiad nang bigong magpakita ng dokumentong magpapatunay na kanyang pag-aari ang sasakyang dala-dala sa isang talyer. Ayon sa NBI, …

Read More »

2 suspek umamin
SURGEON UROLOGIST PINATAY SA P150K UPA SA HIRED KILLERS

Dr Raul Winston Andutan

PARA sa kabayarang P150,000 para sa apat na hired killers, pinagbabaril ang isang kilalang siruhano at urologist sa lungsod ng Cagayan de Oro, lalawigan ng Misamis Oriental. Ikinumpisal ito ng mga suspek na nadakip noong Biyernes, 3 Disyembre, ang nakatakdang araw ng pagkolekta nila ng ipina­ngakong salapi, at 17 oras matapos nilang isakatupa­ran ang krimen. Nabatid na mag-isa sa kanyang …

Read More »

2021 annual budget ng probinsiya
9 BOKAL NG QUEZON MAY AMBANG PLUNDER VS GOV. SUAREZ, et al

Quezon Province

MAGHAHARAP ng kasong plunder o pandarambong ang siyam na miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon laban sa mga opisyal ng pamahalaang panlalawigan sakaling ituloy ang pagpapalabas at paggamit sa 2021 Annual Budget ng probinsiya. Ayon sa siyam na miyembro ng Sanggunian sa pangunguna ni Majority Leader Bokal Sonny Ubana, gagawin nila ang pagsasampa ng kaso sa hukuman laban kina Gov. …

Read More »

3 rapists, 18 pasaway nasakote sa Bulacan

NASUKOL ang kabuuang 21 katao kabilang ang tatlong hinihinalang rapist sa iba’t ibang operasyong ikinasa ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan hanggang Miyerkoles ng umaga, 1 Disyembre 2021. Sa ulat kay P/Col. Manuel Lukban, Jr., acting provincial director ng Bulacan PNP, dinampot ang siyam na drug suspects sa mga serye ng anti-illegal drug operations na ikinasa ng Station Drug Enforcement …

Read More »

Huli sa aktong nagka-Cuajo
4 SUGAROL TIMBOG SA TARLAC

ARESTADO ang apat katao nang mahuli sa akto ng mga awtoridad habang nasa kainitan ng pagsusugal sa bayan ng Bamban, lalawigan ng Tarlac, nitong Martes ng tanghali, 30 Nobyembre. Batay sa ulat ni P/Maj. Edward Castulo, OIC ng Bamban Municipal Police Station (MPS), nakatanggap sila ng impormasyon mula sa mapagkakatiwalaang impormante na may grupo ng mga indibiduwal ang kasalukuyang nasa …

Read More »

2 babaeng miyembro ng kulto minolestiya
‘FAKE HEALER’ KALABOSO SA ABUSO

ARESTADO ang lider ng isang pinaniniwalaang kulto sa bayan ng Asturias, lalawigan ng Cebu dahil sa akusasyong panggagahasa sa dalawa niyang miyembro. Ayon sa mga ahente ng National Bureau of Investigation-Central Visayas (NBI 7), sinampahan ng dalawang bilang ng kasong rape ang suspek na kinilalang si Tedorico Feriol, kilala bilang Brod Doring, Tatay, at Master sa kanilang organisasyon. Ayon kay …

Read More »

Paskong masaya sa CSJDM, Bulacan

Rida Robes Disney Savano Park CSJDM San Jose Del Monte Bulacan

SA PAGNANAIS mabigyang kasiyahan ang mga residente ng San Jose Del Monte City, Bulacan, inilunsad ng pamahalaang lokal ang “Christmas Parade” nitong Martes, kalahok ang mga Disney characters. Ito ang ikalawang taon ng Christmas Parade na pinangunahan ni SJDM Rep. Florida “Rida” P. Robes na inilunsad sa Savano Park sa nasabing lungsod, tampok ang ilang timbulan o floats sa parada, …

Read More »

Ayuda ginasta sa toma
KUYA PATAY SA SAKSAK NG KAPATID

PATAY agad ang isang magsasaka sa bayan ng Allacapan, lalawigan ng Cagayan, matapos saksakin ng nakababatang kapatid dahil sa pagbili ng biktima ng alak gamit ang ayuda mula sa lokal na pamahalaan, nitong Linggo, 28 Nobyembre. Kinilala ni P/Maj. Antonio Palattao, hepe ng Allacapan MPS, ang biktimang si Ador Castro, 43 anyos, namatay nang saksakin sa dibdib ng kanyang 18-anyos …

Read More »