Patay ang isang opisyal ng barangay matapos pagbabarilin ng nakamotorsiklong salarin sa lansangan ng Brgy. Bagbaguin, Sta.Maria, Bulacan kahapon ng umaga, Marso 29. Sa ulat mula kay PLt.Colonel Christian B. Alucod, hepe ng Sta.Maria Municipal Police Station (MPS), ang biktima ay kinilalang si Aldrin Santos y Ativa, 38-anyos, brgy.kagawad at residente ng Poblacion 2 Justino Cruz Marilao, Bulacan. Inilarawan naman …
Read More »Mahigit PHP 1.5-M halaga ng shabu nakumpiska sa Bataan
Inihayag ni Central Luzon Regional Director PBGeneral Jose S. Hidalgo Jr na ang Bataan police ay nakakumpiska ng mahigit Php 1.5M halaga ng shabu at nakaaresto ng dalawang indibiduwal sa isinagawang anti-drug operations nitong Lunes, Marso 27 sa mga bayan ng Abucay at Mariveles. Sa ulat mula sa Bataan PPO, ang magkasanib na mga tauhan ng Bataan Provincial Police Drug …
Read More »10 ‘tulak’ sa drug watchlist kinalawit
INARESTO ang 10 indibidwal sa pagpapatuloy ng kampanya ng pulisya sa Bulacan laban sa ilegal na droga, nitong Linggo, 26 Marso. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly Arnedo, Provincial Director ng Bulacan PPO, dinakip ang 10 kataong sangkot sa kalakalan ng droga sa serye ng anti-drug busts na ikinasa ng Station Drug Enforcement Units (SDEUs) ng Meycauayan, Pandi, Guiguinto, …
Read More »
Sa pamamaslang sa hepe ng San Miguel MPS
COMPOSITE SKETCH NG SUSPEK INILABAS
NAGLABAS ang Philippine National Police (PNP) ng composite sketch ng isa sa dalawang suspek na bumaril at nakapatay sa hepe ng San Miguel MPS sa lalawigan ng Bulacan nitong Sabado ng gabi, 25 Marso. Sa isinagawang press conference, sinabi ni PNP Spokesperson P/Col. Jean Fajardo, ang composite sketch ay makatutulong na mapabilis ang operasyon laban sa mga suspek na pumatay …
Read More »
RD Hidalgo binisita ang burol ng napaslang na hepe ng San Miguel MPS;
Reward para sa mga killers umabot na sa P1.7-M
Nagbigay ng kanyang huling paggalang si Police Regional Office 3 Director PBGeneral Jose S. Hidalgo Jr. kay San Miguel Chief of Police PLt. Colonel Marlon Serna na nasawi habang gumaganap sa oras ng tungkulin nitong Sabado ng gabi, Marso 25. Iginawad ni PBGeneral Hidalgo Jr ang “Medalya ng Kadakilaan” (Medal of Valor) kay PLt.Colonel Serna at pinagkalooban ng pinansiyal na …
Read More »Karapatan ng consumer mangingibabaw kontra prangkisa
IGINIIT ni Puwersa ng Bayaning Atleta partylist Rep. Margarita Nograles, ang kapakanan ng mga residente ng Davao ang mas mangingibabaw kaysa interes ng Northern Davao Electric Cooperative Inc. (NORDECO). Ito ang sinabi ni Nograles matapos ang isinagawang motorcade ng mga residente at mga may-ari ng negosyo sa Tagum laban sa NORDECO dahil sa mataas na presyo ng ibinebenta nitong koryente …
Read More »
Kampanya kontra krimen sa Bulacan
11 tulak, 2 wanted, 2 sugarol timbog
SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ang 11 hinihinalang drug dealer, siyam na pinaghahanap ng batas, at dalawang sugarol sa pinag-ibayo pang kampanya ng pulisya laban sa kriminalidad sa lalawigan ng Bulacan, nitong Miyerkoles, 15 Marso. Batay sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly Arnedo, Provincial Director ng Bulacan PPO, inaresto ang 11 drug suspects sa serye ng anti-drug busts na ikinasa ng …
Read More »Notoryus na gang member tiklo sa droga at boga
NAGING matagumpay ang operasyon ng pulisya nitong Martes, 14 Marso, nang maaresto ang isang notoryus na miyembro ng criminal gang na kumikilos sa lalawigan ng Bulacan. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly Arnedo, Provincial Director ng Bulacan PPO, matagumpay na naisagawa ng mga tauhan ng Bulacan Provincial Intelligence Unit (PIU) at Pulilan MPS ang paghahain ng search warrant sa …
Read More »
Bangkay itinapon sa Bulacan
LOLA PINATAY NG SARILING ANAK, KRIMEN NASAKSIHAN NG APO
NATAGPUAN ng isang residente ang bangkay ng isang lola na nakasilid sa isang storage box at itinapon sa isang liblib na lugar sa Brgy. Matictic, sa bayan ng Norzagaray, sa lalawigan ng Bulacan nitong Sabado, 11 Marso. Sa paunang imbestigasyon, pinalo sa ulo ang biktima na kinilalang si Maria Elena Villastique, 67 anyos, ng kanyang anak na si Raymond, 28 …
Read More »
Concert pinasok ng 6 dorobo
31 PARTY-GOERS SINIKWATAN NG CELLPHONE
SUNOD-SUNOD na inaresto ng mga awtoridad ang anim na indibidwal kaugnay ng insidente ng pagnanakaw sa 31 kabataan na dumalo sa concert sa loob ng isang paaralan sa bayan ng San Miguel, sa lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo ng gabi, 12 Marso. Sa ulat na ipinadala ni P/Lt. Col. Romualdo Andres, hepe ng San Miguel MPS, kay P/Col. Relly Arnedo, …
Read More »Gun law violator swak sa hoyo
DINAKIP ng pulisya ang isang lalaking nahulihan ng mga hindi lisensiyadong baril at bala sa kanyang pag-iingat sa isinilbing search warrant sa bayan ng San Ildefonso, sa lalawigan ng Bulacan nitong Sabado, 11 Marso. Sa ulat na ipinadala ni P/Lt. Col. Russel Dennis Reburiano, hepe ng San Ildefonso MPS, kay P/Col. Relly Arnedo, Provincial Director ng Bulacan PPO, nagpatupad ang …
Read More »
Sa Subic drug bust
DRUG DEN OPERATOR, 4 GALAMAY TIKLO
NASAKOTE ang limang tao na naaktohan sa loob ng isang drug den sa ikinasang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Matain, Subic, Zambales, nitong Sabado, 11 Marso. Sa ulat mula sa Philippine Drug Enforcement Agency, kinilala ang mga arestadong suspek na sina Roberto Javier, 58 anyos, drug den maintainer; Aljan Jawatan, alyas John Mohammad at Barang; Dante Manalili, 55 …
Read More »20 law violators sa Bulacan isinelda
Sa pinalakas pang police operation na ikinasa nitong Martes, 25 Pebrero, nasakote ang 20 kataong pawang may paglabag sa batas sa lalawigan ng Bulacan. Batay sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly Arnedo, Provincial Director ng Bulacan PPO, isinagawa ang serye ng anti-illegal drug operations ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Meycauayan, Pulilan, Bulakan, at Marilao C/MPS na nagresulta …
Read More »
Aso ng kapitbahay binanlian
LALAKI SA CEBU ARESTADO
DINAKIP ng pulisya ang isang 23-anyos lalaki matapos tapunan ng mainit na tubig ang aso ng kanyang kapitbahay sa Brgy. Mambaling, lungsod ng Cebu nitong Linggo, 19 Pebrero. Kinilala ang suspek na si Jason Fuentes, nabatid na nakipagkasundo sa nagreklamong kapitbahay na si Gina Lucido, ngunit sinampahan pa rin ng kaso ng pulisya para sa paglabag sa RA 8485 o …
Read More »
Sa Bulacan
2 TULAK, 2 PUGANTE, 4 SUGAROL NALAMBAT
ISA-ISANG nahulog sa kamay ng batas nang madakip ng mga awtoridad ang dalawang tulak, dalawang pugante, at apat na sugarol sa iba’t ibang lugar sa lalawigan ng Bulacan nitong Linggo, 19 Pebrero. Sa ulat kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, arestado ang dalawang pinaniniwalaang tulak sa ikinasang buybust operations ng Station Drug Enforcement unit (SDEU) ng Malolos …
Read More »Top 7 most wanted ng Bulacan nakalawit
ARESTADO ang nakatala bilang most wanted person (MWP) sa provincial level ng Bulacan sa mas pinaigting pang kampanya ng pulisya laban sa kriminalidad sa lalawigan nitong Linggo, 19 Pebrero. Ayon kay P/Col. Relly Arnedo, Provincial Director ng Bulacan PPO, natunton at nadakip sa masigasig na operasyon ng mga tauhan ng San Jose del Monte CPS ang suspek na kinilalang si …
Read More »Most wanted person ng Calabarzon timbog
NADAKIP ng mga awtoridad ang nakatalang most wanted person (MWP) sa Regional Level sa ikinasang manhunt operation nitong Linggo, 19 Pebrero sa lungsod ng San Pedro, sa lalawigan ng Laguna. Kinilala ni P/Col. Randy Glenn Silvio, Acting Provincial Director ng Laguna PPO ang akusado na si alyas Francis, residente sa nabanggit na lungsod. Sa ulat ni P/Lt. Col. Rolly Liegen, …
Read More »
Sa Northen Samar
ANTALA SA HAZARD PAY SA HCW, FINANCIAL ASSISTANCE SA SCHOLARS IIMBESTIGAHAN
HINILING ng gobernador ng lalawigan ng Northern Samar sa provincial board na imbestigahan ang pagkaantala ng pagbibigay ng hazard pay para sa mga medical workers at financial assistance sa mga iskolar. Ayon kay Gov. Edwin Ongchuan, nalaman niyang nasa 200 medical personnel, nakatalaga sa kanilang lalawigan ang hindi nakatatanggap ng kanilang hazard pay simula noong Oktubre ng nakaraang taon. Nagkakahalaga …
Read More »JOB FAIR SA BIRTHDAY NI KA ADOR.
Bilangpagpapasalamat sa kanyang paparating na kaarawan, maghahandog si Cong. Salvador “Ka Ador” Pleyto ng isang malawakang job fair para sa mga mamamayan ng Ikaanim na Distrito ng Bulacan, kabilang ang mga bayan ng Angat, Norzagaray at Sta. Maria. Gaganapin ang Job Fair 2023 sa darating na 18 Marso, Sabado, mula 8:00 am hanggang 3:00 pm sa Congressional District Office sa …
Read More »Public consultations inilunsad amyenda sa saligang batas para sa ekonomiya napapanahon — Rep. Robes
MATAGUMPAY na naisagawa ng House Committee on Constitutional Amendments ang kanilang pampublikong konsultasyon sa mga panukalang batas na nagsusulong ng mga reporma sa konstitusyon noong Sabado, 18 Febrero, sa San Jose Del Monte (SJDM) City, Bulacan. Halos 700 kalahok mula sa iba’t ibang sektor ang dumalo sa public consultation na pinangunahan ni SJDM City Rep. Florida “Rida” Robes at ng …
Read More »
Kaugnay sa Oplan Megashopper
PUSLIT NA YOSI NASABAT, 2 SUSPEK TIKLO
NASAKOTE ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang dalawang lalaking naaktuhang nagbebenta ng mga pekeng sigarilyo sa ipinatupad na Oplan Megashopper sa Brgy. Malasin, bayan ng Sto.Domingo, sa lalawigan ng Nueva Ecija. Sa ulat mula kay CIDG Director P/BGen. Romeo Caramat, Jr., kinilala ang mga suspek na sina Francis Acosta at Christian Vengco, kapwa mula sa …
Read More »Bagong Blood Center at Public Health Center sa Bulacan pinasinayaan
UPANG matiyak ang sapat na suplay ng ligtas na dugo para sa mga Bulakenyo sa pamamagitan ng boluntaryong donasyon, pinasinayaan ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan sa pamumuno ni Gob. Daniel Fernando ang bagong pasilidad ng Provincial Blood Center at Provincial Health Office – Public Health sa Bulacan Medical Center Compound sa lungsod ng Malolos. Bilang isa sa mga probinsiya sa …
Read More »
Sa anti-crime drug ng pulisya
13 NASAKOTE SA BULACAN
HIGIT na pinaigting ang anti-crime operations na ikinasa ng mga awtoridad at sunod-sunod na nadakip ang 13 katao, pawang may mga paglabag sa batas, sa lalawigan ng Bulacan hanggang nitong Linggo ng umaga, 19 Febrero. Batay sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly Arnedo, Provincial Director ng Bulacan PPO, kinilala ang mga suspek na sina Miguelito Reyes, Christian Marquez, at …
Read More »74-anyos timbog sa loose firearms
ARESTADO ang isang senior citizen matapos mahulihan ng sandamakmak na baril at bala sa kanyang bahay sa bayan ng San Ildefonso, sa lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 18 Pebrero. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly Arnedo, Provincial Director ng Bulacan PPO, kinilala ang suspek na si Romeo Carlos, 74 anyos, residente sa Brgy. Nabaong Garlang, sa nabanggit na bayan. …
Read More »
Sa Nueva Vizcaya
BISE ALKALDE NG APARRI, 5 PA, PATAY SA AMBUSH
NIRAPIDO ang sasakyang kinalulunanan ni Aparri vice mayor Rommel Alamida kasama ang kanyang limang staff sa national highway sa bahagi Kinacao, Baretbet, Bagabag, Nueva Vizcaya kahapon ng umaga, araw ng Linggo, 19 Pebrero. Bukod kay Alameda, hindi nakaligtas sat ama ng bala ang kanyang mga staff na kinilalang sina Alexander Delos Angeles, 47 anyos; Alvin Abel, 48 anyos; Abraham Ramos, …
Read More »