SUPORTADO ni QC Mayor “Joy” Belmonte ang panawagan na tuluyan nang kanselahin ang mga kasunduan sa quarrying sa Masungi Geopark Project at sa Upper Marikina Watershed. Matatandaang apat na alkalde ng mga siyudad sa Metro Manila at iba pang mga opisyal ang nagpahayag ng matinding pagkabahala sa hindi pagkansela ng DENR ng tatlong Mineral Production Sharing Agreement (MPSA) na sumasaklaw …
Read More »Programa ng PH gov’t sa Hajj ipinarerebisa
IPINAREREBISA ni Deputy Speaker Mujiv Hataman ang programa ng gobyerno sa mga Muslim pilgrim sa Haj matapos maantala ang biyahe nito patungo sa Mecca. “Isa sa pinakamahalagang bahagi ng buhay ng mga Muslim ang Hajj. Mapalad ang mga nakapaglalakbay at naisasagawa ito kahit isang beses sa kanilang buhay. Kaya nakalulungkot ang balitang marami ang hindi makakaranas nito ngayong taon dahil …
Read More »95 batang Pinoy patay sa malnutrisyon kada araw
MAY siyamnapu’t limang batang Filipino ang namamatay kada araw dulot ng malnutrition. “The fragmented and weak health system in the Philippines is chronically in crisis,” ayon kay Dr. Magdalena Barcelon ng grupong Community Medicine Practitioners and Advocates Association (COMPASS) sa panayam ng HATAW. Aniya, mayorya sa mga Pinoy ay pinagkaitan ng karapatan sa kalusugan sanhi ng kakulangan sa access sa …
Read More »Kompanya ng langis may bagong dagdag-presyo sa petrolyo
MAGPAPATUPAD ngayong araw, 28 Hunyo, ng dagdag presyo sa produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa sa pangunguna ng Pilipinas Shell. Sa anunsiyo ng Pilipinas Shell, magtataas ito ng P1.65 sa presyo ada litro ng diesel, P0.50 sa presyo ng gasoline, at P0.10 sa presyo ng kerosene dakong 6:00 am ngayong Martes. Agad sumunod ang Seaoil at CleanFuel …
Read More »‘Flush valves’ gang umiskor sa NAIA
NASORPRESA ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa nakawang nangyari sa mga pampublikong palikuran sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), pitong flush valves ang nawala nitong buwan ng Abril at Hunyo, sa taong ito. Ayon sa MIAA media affairs, limang flush valves ang nai-report na nawawala noong 4 Abril 2022 sa NAIA Terminal 2 public toilets. Nadiskubre rin na dalawang …
Read More »PH health frontliners ‘itinaboy’ ng bulok na sistema
ni Rose Novenario MISTULANG gobyerno ang nagtataboy sa health care workers para mag-abroad kaya nakararanas ng pagbulusok ng bilang ng health workforce sa bansa. Ayon kay Dr. Magdalena Barcelon ng grupong Community Medicine Practitioners and Advocates Association (COMPASS), ang pangingibang bansa ng health workers ay sanhi ng napakaliit na sahod at benepisyo, hindi maayos na kondisyon sa paggawa, pagkakait ng …
Read More »Sen. Joel Villanueva nanumpa sa tungkulin
NANUMPA sa tungkulin para sa kanyang pangalawang termino si Sen. Joel Villanueva sa tapat ng Simbahan ng Barasoain sa Malolos, Bulacan kahapon Lunes, 27 Hunyo 2022. Dumalo sa oath-taking event ang mga kamag-anak ng senador, mga lokal na opisyal ng Bulacan, at mga supporters ni Villanueva. Si Kap. Robin del Rosario ng Brgy. Bunlo, Bocaue, Bulacan, kababata ni Villanueva ang …
Read More »BULACAN ALL-OUT SUPPORT FOR PBBM.
Dumalo si President-elect Ferdinand Marcos, Jr., sa thanksgiving luncheon na pinangunahan ni San Jose Del Monte City Rep. Florida “Rida” P. Robes kamakailan. Dumalo rin sa nasabing okasyon ang 22 Alkalde ng Bulacan na pawang lubos na nagpakita ng suporta kay Marcos noong nagdaang eleksiyon, maging ang mga papasok na kasapi ng 19th Congress sa House of Representatives. Ang mga …
Read More »PAO forensic chief, nag-apply kay BBM para DOH secretary
NAGSUMITE ng kaniyang mga kredensiyal si Public Attorneys Office (PAO) forensics chief Dr. Erwin Erfe kay incoming President Ferdinand Marcos, Jr., para sa posisyon bilang kalihim ng Department of Health (DOH). Una rito, tinanggihan ni Dr. Erfe ang alok sa kaniya na pamunuan ang DOH at Philippine Health Insurance Corp., dahil sa talamak na korupsiyon at ang nais niya noon …
Read More »
Saklolo ng NPC, ERC kailangan,
MINDOROBLACKOUT
ni ROSE NOVENARIO NAGBABALA si House Deputy Minority Leader at Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate na ang nararanasang blackout ng mga residente sa Occidental Mindoro ay maaaring kumalat hanggang Oriental Mindoro kapag hindi agad sumaklolo ang gobyerno. Nanawagan si Zarate sa National Power Corporation (NPC) at sa Energy Regulatory Commission (ERC) na kumilos agad at bigyan ng fuel …
Read More »
Isang linggo bago bumaba sa puwesto,
DUTERTE NAGTALAGA NG ‘MIDNIGHT APPOINTEES’
ISANG linggo bago bumaba sa puwesto, nagtalaga si Pangulong Rodrigo Duterte ng bagong officers-in-charge sa Department of Agrarian Reform (DAR) at Department of Environment and Natural Resources (DENR). Kinompirma ni acting Presidential Spokesman at Communications Secretary Martin Andanar ang paghirang kay David Erro bilang officer-in-charge ng DAR at Joselin Marcus Fragada bilang officer-in-charge ng DENR. Pinalitan ni Erro si acting …
Read More »
Utos ng NSC, NTC na mag-block ng websites ng alternative press
FULL-BLOWN DIGITAL MARTIAL LAW
ni ROSE NOVENARIO SIMULA ng implementasyon ng full-blown digital martial law ang utos ng National Security Council (NSC) at National Telecommunications Office (NTC) na i-block ang websites ng ilang news organizations, activist groups at social movements para hindi mabasa ng internet users sa Filipinas. Inihayag ito ni Karapatan Secretary General Cristina Palabay kahapon kasabay ng pagkondena sa naging hakbang ng …
Read More »
Bilang ng sasakyan sa EDSA bumaba
EXPANDED NUMBER CODING SCHEME ‘DI NA IPATUTUPAD
DAHIL sa pagbaba ng bilang ng mga sasakyan na bumabagtas sa kahabaan ng Efipanio delos Santos Avenue (EDSA), hindi na itutuloy ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang panukalang magpatupad ng expanded number coding scheme. Naniniwala ang MMDA, ang pagliit ng bilang ng sasakyang bumibiyahe sa EDSA ay dahil sa taas ng presyo ng produktong petrolyo. Ayon kay MMDA Chairman …
Read More »Dalaga binoga ng may-ari ng punerarya
KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang 34-anyos dalaga matapos barilin ng isang negosyanteng may-ari ng punerarya sa loob ng kanyang bahay sa Malabon City, kahapon ng madaling araw. Kasalukuyang inoobserbahan sa Manila Central University (MCU) hospital ang biktimang kinilalang si Maria Angela Prado, residente sa Kalayaan St., First Rainbow, Makati City, sanhi ng tama ng bala sa dibdib. Nakapiit …
Read More »
Dismissal binaliktad ng korte
ARESTO VS DOC NATY MULING INIUTOS 
IPINAG-UTOS ng Regional Trial Court ng Bayugan, Agusan del Sur Regional Trial Court ang pagdakip kay Dr. Maria Natividad Castro, kilala rin bilang Doc Naty, matapos baliktarin ang ruling nito noong 22 Marso 2022 na nagdi-dismiss sa kasong kriminal na isinampa laban sa manggagamot. Unang nadakip si Dr. Castro, isang human rights at public health advocate, noong 18 Pebrero sa …
Read More »
Pamilyang Pinoy nakipaglibing sa NZ
SANGGOL, 6 PA PATAY SA VAN NA SUMALPOK SA TRUCK
NANGHILAKBOT ang Filipino community sa insidente ng sumalpok na Hi-Ace van sa isang truck, ikinamatay ng pito katao na may limang Filipino kabilang ang isang sanggol, nitong Linggo ng umaga, 19 Hunyo, sa timog ng Picton, New Zealand. Sa ulat, sinabing ang pamilya ay binubuo ng tatlong henerasyon ng pamilyang Filipino-New Zealand na nakabase sa Auckland, may mga kaanak …
Read More »
Agri-sector tumagilid,
IMPORTASYON, NIYAKAP NANG HUSTO NI DAR
ni ROSE NOVENARIO NIYAKAP nang husto ni Agriculture Secretary William Dar ang ‘special importation’ kaya tumagilid ang sektor ng agrikultura. Sinabi ito ni Atty. Bong Inciong, pangulo ng United Broilers Raisers Association kasunod ng pagtatalaga ni President-elect Ferdinand Marcos, Jr., bilang agriculture secretary para matugunan ang krisis sa agrikultura. Ayon kay Inciong, sa lahat ng naging kalihim ng DA, tanging …
Read More »Saudia Airlines plane nabalaho sa NAIA T1
NABALAHO ang Saudia Airlines flight SV862, may 420 pasahero at crew sa malambot at madamong bahagi ng Taxiway Charlie ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nang lumapag sa nasabing paliparan kahapon ng hapon. Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), walang nasaktan sa mga pasahero at crew nang pumaling ang ang kanang bahagi ng landing gears habang nagmamaniobra ang eroplano …
Read More »
Gusali tinadtad ng BBM tarps
PIA CHIEF, KAPIT-TUKO SA PUWESTO
MATINDI pa sa pagkit kung mangunyapit sa puwesto si Philippine Information Agency (PIA) Director-General Ramon Cualoping. Sa hangarin umanong manatili sa puwesto at ipakita ang kanyang ‘loyalty’ kay president-elect Ferdinand Marcos, Jr., tinadtad ni Cualoping ng mga tarpaulin na “Mabuhay PBBM!” ang loob at labas ng gusali ng PIA sa Visayas Ave., Quezon City para makita ng transition committee na …
Read More »
‘Additional, unnecessary stressor’
BADOY HINILING TANGGALAN NG LISENSIYA BILANG DOKTOR 
ni ROSE NOVENARIO HINILING ng isang grupo ng mga doktor sa Professional Regulation Commission (PRC) na tanggalin ang lisensiya ni anti-communist task force spokesperson Lorraine Badoy bilang manggagamot dahil sa red-tagging. Sa kanilang reklamo, sinabi nilang nilabag ni Badoy ang code of conduct and ethical standards of the medical profession sa kanyang walang habas na red-tagging, hindi lamang sa kapwa …
Read More »CAAP namigay ng help kits
NAMAHAGI ng Malasakit Help Kits ang pambansang aviation regulator sa mga paliparang nasa ilalim ng kanilang superbisyon. Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) spokesman Eric Apolonio, binigyan ng freebies ang mga biyaherong tatay (traveling fathers) para sa espesyal na Father’s Day. Sa kabila ng limitadong bilang ng Malasakit Help Kits ay maayos na naipamigay ng Malasakit Help …
Read More »
Sa pagtalaga kay Enrile sa Marcos cabinet,
PEOPLE POWER MOVEMENT WINAKASAN 
TAPOS na ang kilusang People Power. Ito ang mensaheng nais iparating ni President-elect Ferdinand Marcos, Jr., sa pagtalaga kay dating Sen. Juan Ponce-Enrile bilang kanyang Chief Presidential Legal Counsel, ayon kay UP Political Science Professor Jean Encinas-Franco sa panayam sa programang The Chiefs sa One PH kamakalawa. “It could also be saying that you know, wala na ‘yung EDSA. Kita …
Read More »
Supresyon iwinasiwas,
PANGIL VS PRESS FREEDOM ‘ISINUNGAW’ NI MARCOS, JR.
ni ROSE NOVENARIO HINDI pa man opisyal na nakaluklok sa Palasyo ay ‘isinusungaw’ na ng incoming administration ni President-elect Ferdinand Marcos, Jr., ang ‘pangil’ laban sa mga mamamahayag na kritikal sa kanilang pamilya. Sinibak kamakalawa bilang kolumnista ng Phil. Daily Inquirer ang ekonomista at UP professor emeritus Solita “Winnie” Monsod dahil sa umano’y conflict of interest. Ang mga pitak ni …
Read More »P7.9-B One COVID-19 Allowance ‘di pa natatanggap ng health workers
ni ROSE NOVENARIO HINDI pa natatanggap ng mayorya ng health workers sa private hospitals ang kanilang One COVID-19 Allowance kahit na-release na ng Department of Budget and Management (DBM) ang P7.9 bilyon budget nito sa Department of Health (DOH). “Actually, iyon ang ikinalulungkot din ng ating mga health care workers ano po. Lagi pong sinasabi ng Department of Health (DOH), …
Read More »PNP, NTF-ELCAC, sinopla ni Guevarra
ni ROSE NOVENARIO DALAWANG linggo bago bumaba sa puwesto, sinopla ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang mga pahayag ng Philippine National Police (PNP) at National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) kaugnay sa mga progresibong grupo. Pinaalalahanan ni Guevarra si acting PNP chief Lt. Gen. Vicente Danao na hindi esklusibong karapatan ng mga tagasuporta ni president-elect Ferdinand …
Read More »