Friday , November 22 2024

Front Page

High-rise housing projects tugon sa kakapusan ng disenteng tirahan

High-rise housing projects BLISS

IKINOKONSIDERA ng pamahalaan ang pagtatayo ng high-rise housing o matataas na yunit ng pabahay upang matugunan ang kasalukuyang backlog at makahabol sa tumataas na pangangailangan para sa disenteng tirahan. Sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa kanyang talumpati sa ceremonial turnover ng mga house and lot units mula sa National Housing Authority (NHA) sa Naic, Cavite kahapon na kulang …

Read More »

Aprobado sa bicameral conference committee
P5.27-T NAT’L BUDGET RATIPIKADO SA SENADO
P10-B ng NTF-ELCAC, P150-M DepEd confidential funds ibinalik

Sonny Angara Money Senate

RATIPIKADO na sa senado ang inaprobhang Bicameral Conference Committee report o ang P5.27 trilyon national budget para taong 2023. Tanging sina Senate Minority Leader Aqulino “Koko” Pimntel III at Senadora Risa Hontiveros ang tumutol sa ratipikasyon ng panukalang 2023 national budget. Sa bicam report, muling naibalik ang P150 milyong confidential funds para sa Department of Education (DepEd) na pinamumunuan ni …

Read More »

Pondo ng SSS, GSIS para sa Maharlika  ‘unconstitutional’ — retired SC justice

120622 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO UNCONSTITUTIONAL o labag sa Konstitusyon ang paggamit ng investible funds para sa panukalang Maharlika Wealth Fund, ayon kay retired Supreme Court Justice Antonio Carpio.                Sinabi ni Carpio, ang mga pondo ng GSIS at SSS ay personal na kontribusyon ng kanilang mga miyembro, kasama ang counterparts mula sa kanilang mga amo.                “Kaya, ang kita ng SSS …

Read More »

FM Jr., nag-Santa Claus sa 600 bata sa Malacañang

Bongbong Marcos Santa Claus Malacañang

MAY 600 batang nakatira sa mga komunidad sa paligid ng Malacañang complex sa San Miguel, Maynila ang  tumanggap ng mga aginaldo mula kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., sa Malacañang kahapon ng umaga. May temang “Balik Sigla, Bigay Saya,” pinangunahan ni FM Jr., ang nationwide gift giving activity sa Kalayaan Grounds sa Malacañan Palace, kasama si First Lady Louise “Liza” …

Read More »

Ngayong Christmas rush
PROTEKSIYON PABOR SA MGA MAMIMILI NAIS PAIGTINGIN

Consumer Act

SA GITNA ng biglaang dagsa ng mga mamimili bago sumapit ang Pasko, sinabi ni Senador Win Gatchalian na sa ganitong panahon ay hindi dapat naaabuso ang karapatan ng mga mamimili, bagkus dapat ay nabibigyan pa nga ng proteksiyon. Kaugnay nito, sinabi ng senador na nais niyang maamyendahan ang Consumer Act of the Philippines (Republic Act No. 7394) upang palakasin ang …

Read More »

Suplay ng baboy, sapat para sa Pasko — DA

baboy money Department of Agriculture

TINIYAK ni Department of Agriculture (DA) Deputy Spokesperson Rex Estoperez, sapat ang suplay ng baboy para matugunan ang pangangailangan sa merkado ngayong kapaskuhan. Ayon kay Estoperez, dahil mas gusto ng mga mamimili na bumili ng sariwang karne, tanging ang mga nagbebenta ng frozen meat ang nag-aalangan na ilabas ang kanilang mga supply nang maramihan. “Ayun nga lang, kung may frozen …

Read More »

Sa Taguig City
2 HS STUDENTS, 4 KAMAG-ANAK INASUNTO VS BOMB THREAT

120522 Hataw Frontpage

SINAMPAHAN ng kasong paglabag sa Anti-Terrorism Act ang dalawang high school students at apat na kamag-anak sa Taguig Prosecutors’ Office dahil sa pagbabantang pasasabugin ang Signal Village National High School. Magugunitang noong nakaraang buwan, nabulabog ang nasabing paaralan dahil sa  pagbabantang pasasabugin at papatayin ang lahat ng mga estudyante. Kinilala ang mga sinampahan ng kaso sa alyas na Angela, 16 …

Read More »

Palasyo tahimik
GO SIGNAL NI FM JR. SA P250-B MAHARLIKA WEALTH FUND, INAMIN NI DIOKNO

120222 Hataw Frontpage

ni Rose Novenario TIKOM ang bibig ng Palasyo sa kontrobersiyal na panukalang batas na pagtatatag ng P250-B Maharlika Wealth Fund (MWF) kahit inamin ni Finance Secretary Benjamin Diokno na may go signal ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. Lumusot kahapon sa House Committee on Banks and Financial Intermediaries ang House Bill 6398 na iniakda ni Speaker Martin Romualdez kasama …

Read More »

Taguig Christmas Attraction

Taguig Cayetano Christmas 3

IBINIDA ng mag-asawang Senator Allan Peter Cayetano at Taguig City Mayor Lani Cayetano ang nasa anim na ektaryang atraksiyon na binuksan sa publiko tampok ang tinatayang 1,000,000 (isang milyong) Christmas lights gamit ang Isang energy efficient technology na simisimbolo sa katatagan at pananampalataya ng mga Taguigenyo. Bukod sa mga nagniningning na Christmas lights, mayroong Little Drummer Boy at Nativity Scene …

Read More »

Kapag walang wage hike,
FM JR., ADMIN DARAGSAIN NG PROTESTA

Bongbong Marcos

HINDI tatantanan ng kilos-protesta ng mga manggagawa ang administrasyong Ferdinand Marcos, Jr., hangga’t hindi ipinagkakaloob ang hirit na umento sa sahod at iba pang makatarungang kahilingan. Ang “show of force” ng kilusang paggawa ay ipinamalas sa pagsasama ng iba’t ibang labor groups sa “Araw ng Masang Anakpawis” rally kahapon sa paggunita sa kaarawan ni Gat Andres Bonifacio. Ayon kay Kilusang …

Read More »

ACT umalma
UMENTONG BARYA SA GOV’T WORKERS ‘WALANG HALAGA’

ACT umalma UMENTONG BARYA SA GOV’T WORKERS ‘WALANG HALAGA’

WALANG HALAGA at ni hindi makabili ng isang sachet ng 3-in-1 coffee ang ipinagmamalaki ng Department of Budget and Management (DBM) na umentong ‘barya’ na ibinibigay ng gobyerno sa mga manggagawa sa gobyerno sa nakalipas na apat na taon habang ang mga opisyal ay lumobo ang suweldo ng P200,000 hanggang P400,000 kada buwan.                Tugon ito ng Alliance of Concerned …

Read More »

18-anyos patay sa rambol ng 2 grupo ng kabataan

Stab saksak dead

DAHIL  sa pambu-bully, patay ang 18-anyos binatilyo habang sugatan ang kanyang kapatid at pinsan, nang masaksak sa naganap na rambol sa harap ng isang paaralan malapit sa SM North, Quezon City, Martes ng gabi. Ang biktimang napatay ay kinilalang si Samuel De Villa Aguila, 18, kahero, at residente sa Zamboanga St., Pael Compound, Brgy. Culiat, habang sugatan ang kapatid niyang …

Read More »

Sa Negros Occidental
NDF CONSULTANT, 1 PA, PATAY SA MILITARY OPS

120122 Hataw Frontpage

ni Rose Novenario NAPATAY sa operasyon ng militar si National Democratic Front (NDF) consultant Ericson Acosta at isang organizer ng magsasaka sa Kabankalan City, Negros Occidental kahapon ng umaga, 3- Nobyembre. Ayon sa tagapagsalita ng NDF-Negros na si Ka Bayani Obrero, nadakip ng 94th Infantry Battalion (94IB) at 47th Infantry Battalion (47IB) ang dalawa nang buhay sa Sitio Makilo, Barangay …

Read More »

24,000+ drug personalities naaresto sa bagong BIDA

DILG BIDA

INIHAYAG ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur” C. Abalos, Jr., mahigit sa 24,000 ang naarestong drug personalities sa ilalim ng bagong multisectoral na programang Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA). Ayon kay Abalos, tuloy-tuloy ang isasagawang mga drug raid at operasyon ng pulisya at iba pang drug enforcement units sa ilalim ng BIDA program bukod …

Read More »

Sa FM Jr., admin
PH NASA TAMANG DIREKSIYON — OCTA SURVEY

Bongbong Marcos face mask

 MAYORYA ng mga Pinoy ay naniniwala na ang bansa ay patungo sa tamang direksiyon sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ayon sa pinakahuling resulta ng survey na inilabas ng OCTA Research. Ang OCTA survey ay isinagawa noong 23-27 Oktubre na may 1,200 adult respondent.   Itinanong sa respondent, “Batay sa mga patakaran at programang ipinakita at …

Read More »

67-anyos Lolo patay nang mabagok habang lumilikas sa sunog

fire dead

ISANG 67-anyos lolo ang patay nang mabagok habang lumilikas nang masunog ang ilang tahanan sa isang residential area sa Quezon City kahapon ng madaling araw. Kinilala ang biktima na si Delfin Enerva, 67 anyos, residente sa Barangay Holy Spirit, Quezon City. Batay sa inisyal na report ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Quezon City, dakong 4:00 am nang magsimulang …

Read More »

DOH isali sa gov’t anti-drug campaign
HUSTISYA SA BIKTIMA NG EJKs SA DUTERTE DRUG WAR ISINUSULONG

duterte gun

HINDI dapat kalimutang bigyan ng hustisya ang libo-libong biktima ng patayan sa madugong drug war ng administrasyong Duterte.  Panawagan ito ng human rights groups kasunod ng paglulunsad ng gobyernong Marcos Jr., ng Buhay Ingatan Droga Ayawan (BIDA) program o ang “whole of nation approach” na anti-illegal drugs campaign.  Sinabi ni Carlos Conde ng Human Rights Watch sa programang Frontline sa News5 …

Read More »

 ‘Intel funds’ sa civilian agencies nais putulin ng Senador

112922 Hataw Frontpage

IGINIIT ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros ang posibilidad na amyendahan ang Administrative Code para putulin ang nakaugaliang paglalaan ng confidential and intelligence funds (CIFs) sa civilian agencies. Pabor si Hontiveros sa obserbasyon na nakasanayan ng mga ahensiya ng gobyerno ang pagtanggap ng CIFs mula sa annual national budget. Aniya, ito ay “legacy of martial law and dictatorship.” “Kahit …

Read More »

QMC idineklarang child labor-free zone — Belmonte

Quezon City QC

KASABAY nang pagdiriwang ng National Children’s Month, idineklara ng lokal na pamahalaan ng Quezon City na child labor-free zone ang Quezon Memorial Circle (QMC) nitong Linggo. Sa kanyang State of the City’s Children Report sa QMC, iginawad ni Mayor Joy Belmonte ang Seal of Child Labor-Free Zone sa QMC sa lahat ng mga nangungupahan, guwardiya, hardinero, at admin staff na …

Read More »

Power rate hike nakaamba,
TRO NG CA SA SMC POWER RATE PETITION, IREKONSIDERA – FM JR.

electricity meralco

UMAASA si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., na muling isasaalang-alang ng Court of Appeals (CA) ang pagpapalabas ng temporary restraining order (TRO) para sa suspensiyon ng pagpapatupad ng South Premier Power Corp. (SPPC) Power Supply Agreement (PSA) sa Maynila Electric Co. (Meralco). “The implementation of the PSA between Meralco and San Miguel, it is unfortunate that this has happened, it …

Read More »

Ikaw, Ako at BoC:
Puno ng Kinabukasan

Ikaw, Ako at BoC Puno ng Kinabukasan Customs

PINANGUNAHAN ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz ang nationwide tree planting program ng Bureau of Customs (BoC) bilang pagsuporta sa panawagan ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr., na maglunsad ng massive reforestation upang maiwasan ang flash flood sa tuwing may kalamidad. Kasama ni Commissioner Ruiz si Batangas Port Collector Atty. Rhea Gregorio sa Puno Para sa Kinabukasan event kahapon sa Sitio …

Read More »

Track record mantsado,
LEDESMA SA PHILHEALTH ‘NO CLEAN BILL’ — HEALTH WORKERS

112822 Hataw Frontpage

KINUWESTIYON ng health workers mula sa Health Alliance for Democracy (HEAD) ang pagtalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kay Emmanuel Rufino Ledesma Jr., bilang acting president at chief executive officer (CEO) ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth). Lubos na ikinabahala ng health workers na si Ledesma, may history ng mga iregularidad at mga alegasyon ng korupsiyon, ang mamumuno sa …

Read More »

Coastal community tinupok ng apoy
700 PAMILYA NAWALAN NG TAHANAN SA MANDAUE

Mandaue Cebu Fire

HINDI bababa sa 700 pamilya ang nawalan ng masisilungan nang sumiklab ang malaking sunog sa isang coastal community sa Sitio Paradise, Brgy. Looc, sa lungsod ng Mandaue, lalawigan ng Cebu, nitong Martes ng gabi, 22 Nobyembre. Umabot sa pang-apat na alarma ang sunog na umabo sa 250 kabahayan na tinatayang P1-milyon ang halaga ng pinsala sa mga ari-arian. Ayon kay …

Read More »

Nahuling tulog sa duty
TATLONG PULIS LAWTON BINALASA NI GEN DIZON

Nahuling tulog sa duty TATLONG PULIS LAWTON BINALASA NI GEN DIZON Brian Bilasano Photo

BINALASA ni Manila Police District (MPD) Director P/BGen. Andre P. Dizon ang tatlong pulis na naaktohang natutulog sa oras ng duty nitong Martes ng madaling araw sa Lawton Police Community Precinct (PCP) sa Ermita, Maynila. Sa ulat, sinabing pagpasok ni MPD DD P/BGen. Dizon sa nasabing PCP ay inabutang nakaupo ngunit tila nasa kasarapan ng tulog ang tatlong pulis na …

Read More »

NIA ops ‘di apektado ng suspensiyon vs acting chief

National Irrigation Administration NIA

“…IF there was that conflict inside the agency, baka ngayon na nawala ‘yan, baka mas gumanda pa ang takbo.”                Inihayag ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., sa publiko, kaugnay ng suspensiyon na ipinataw ng Office of the Ombudsman laban sa acting administrator ng  National Irrigation Administration (NIA) na si Benny Antiporda. Sinabi ng Pangulo na siyang Department of …

Read More »