Friday , March 6 2026

Front Page

Simula 5 Pebrero
Elite-level na kompetisyon sa PH Golf Championship sa Wack Wack Mandaluyong

Philippine Golf Championship

ISANG matibay at de-kalibreng hanay ng mga manlalaro, na pinangungunahan ng apat sa mga nagwagi ng Order of Merit (OOM) sa nakalipas na 10 taon, ang maglalaban para sa titulo sa Philippine Golf Championship na inihahandog ng Philippine Sports Commission. Magsisimula ang torneo bilang pambungad na event ng Asian Tour season ngayong Huwebes, 5 Pebrero, sa East Course ng Wack …

Read More »

Gang leader, 1 pa arestado sa Ops Lansag          

Gang leader, 1 pa arestado sa Ops Lansag

CAMP VICENTE LIM – Naaresto ang dalawang tinukoy na ‘gunrunner’ kabilang ang isang wanted person na sinabing lider ng gang at may mga kasong murder at homicide sa ilalim ng Oplan Paglalansag Omega sa Barangay Sampiruhan, Calamba City, Laguna noong Lunes ng gabi. Ayon kay Lt. Col. Ganaban Ali, Criminal Investigation and Detection Group – CALABARZON regional director, kinilala ang …

Read More »

Wala nang plastikan
Cayetano aminado target liderato ng upper chamber

Senate Senado

HINDI na makikipagplastikan si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa usapin ng senate leadership dahil nais nilang maging mayorya ngunit wala silang sapat na bilang para mapunta sa kanila ang posisyon at hindi na rin bago ang isyu. Aminado si Cayetano na sa tingin niya lahat ay nangangampanya imbes governing ang gawin. Aniya, nanatiling haka-haka ang lahat hanggang walang …

Read More »

P3.9-M marijuana binunot sa Benguet

P3.9-M marijuana binunot sa Benguet

TINATAYANG P3.9 milyong halaga ng mga tanim na marijuana ang binunot at sinira sa patuloy na operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency – Cordillera (PDEA-CAR), National Bureau of Investigation (NBI) -CAR, PROCAR Benguet Provincial Police Office-PDEU, Benguet Highway Patrol Group, at Kibungan Municipal Police  Station sa Sitio, Batangan, Tacadangan. Ang operasyon ay naglantad ng apat na plantasyon na sumasaklaw sa …

Read More »

Suspect no. 5 sa pagpatay sa lady cop at anak sumuko

Diane Marie Mollenido John Ysmael

HATAW News Team ISA pang suspek ang sumuko sa pagpaslang sa lady cop   na si PSenior Master Sargent Diane Marie Mollenido at sa kanyang 8-anyos anak na si John Ysmael. Kinilala bilang alyas Maribel, ang sumukong ika-limang suspek ay kapatid ni Christian Panganiban na isang dismissed police at asawa ni Pia. Nasa kustodiya din ng QCPD si Gil Valdemoro …

Read More »

Katarungan at dignidad ilagay sa sentro ng paggawa para sa mga manggagawa

Leody de Guzman BMP Julius Cainglet FFW

NANAWAGAN si Bishop Gerardo A. Alminaza sa mga pinuno ng Caritas Philippines at mga organisasyon ng paggawa na ilagay sa sentro ng paggawa at buhay-ekonomiya ang dignidad ng tao sa ginanap na Labor Consultative Assembly sa St. Joseph College Auditorium sa Quezon City. Sa harap ng halos 500 lider-unyon mula sa mga moderado at militanteng grupo, iniuugnay ni Alminaza ang …

Read More »

Vekic tinalo sa tatlong set
Osorio itinanghal bilang kauna-unahang kampeon ng Philippine Women’s Open

Camila Osorio Donna Vekic PWO

NAGPAKITA ng katatagan at husay ang Colombian na si Camila Osorio matapos makabawi mula sa pagkatalo sa unang set upang talunin ang Croatian na si Donna Vekic, 2-6, 6-3, 7-5, kagabi at naitanghal bilang kauna-unahang kampeon sa women’s singles ng Philippine Women’s Open sa harap ng punô at masiglang Rizal Memorial Tennis Center. Sa isang laban na karapat-dapat sa isang …

Read More »

Manigong Bagong Taon: Pamamahagi ng New Year Food Packs para sa mga kawani ng Legislative Security Bureau

Brian Poe Llamanzares FPJ Panday Bayanihan

QUEZON CITY — Sa patuloy na diwa ng malasakit at bayanihan, pinangunahan ni Cong. Brian Poe ng FPJ Panday Bayanihan Party-List ang pamamahagi ng New Year food packs para sa mga kawani ng Legislative Security Bureau (LSB) sa House of Representatives. Kabuuang 178 na LSB personnel ang nabigyan ng tulong-handog bilang pasasalamat sa kanilang walang sawang paglilingkod sa seguridad at …

Read More »

Estudyanteng Pinay na ginamit para sa extortion laban sa isang negosyante nagpasaklolo sa NBI

NBI VACC

HUMINGI  ng saklolo sa National Bureau of Investigation (NBI) ang isang 18-anyos estudyanteng   Pinay kasama ang kanyang ina at ang Chairman Emeritus ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) na si Atty. Manny Obedoza.  Ito’y kaugnay sa pagbabanta na papatayin umano siya kapag nagsumbong sa mga awtoridad. Ayon sa biktima  na si  alyas JP, kaya siya nagtungo sa NBI ay …

Read More »

Vekic, Osorio magtatagisan para sa korona ng Philippine Women’s Open sa singles; Chong, Liang wagi sa Doubles

Donna Vekic Camila Osorio Eudice Chong Liang En-Shou

NAGTALA ng magkaibang panalo sina Donna Vekic ng Croatia at Camila Osorio ng Colombia kahapon, na naglatag ng isang inaabangang pagtatapat para sa titulo ng Philippine Women’s Open sa Rizal Memorial Tennis Center ngayong Sabado. Sa harap ng masiglang suporta ng mga manonood sa Center Court, winalis ng ika-limang seed na si Vekic ang Russian na si Tatiana Prozorova, 6-2, …

Read More »

Bagong Estate Tax bill ni Salceda suportado ng Cebu City Council

Estate Tax

Suportado at isinusulong ng Cebu City Council (Sangguniang Panglungsod) ang House Bill No. 6553 ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian E. Salceda na nakahain na sa Kamara at naglalayong burahin na ang ‘Estate Tax’ sa Pilipinas. Pinagtibay kamakailan ng Cebu Sangguniang Panglusod ang ‘Resolution No. 17-2053-2026 nito  kung saan sinabi nito na ang ’estate tax’ o buwis sa mga …

Read More »

Ama ni Eala pinuri ang PSC

Alex Eala Parents

WALANG iba kundi si Mike Eala, ama ng tennis star na si Alex Eala, ang nagpaabot ng pagbati kay Philippine Sports Commission (PSC) Chairperson Patrick “Pato” Gregorio para sa matagumpay na pagdaraos ng kauna-unahang Philippine Women’s Open sa Rizal Memorial Tennis Center. “Isang panalong-panalo na event. Regalo ninyo ito sa bansa. Ipagpatuloy ninyo ang pagbibigay ng ganitong kahanga-hangang mga palaro …

Read More »

Solar Philippines company hindi nag-click sa bansa

SM SUSTEX Solar Panels

ISINISI ng isang network ng digital advocates sa mga kapalpakan ng isang kompanyang pag-aari ng isang politiko sa Batangas ang kabiguan ng bansa para umusbong bilang isang regional data center hub. Ayon kay Digital Pinoys national campaigner Ronald Gustilo, nabigo ang Solar Philippines na pag-aari ng kompanyang itinatag ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste at bigo rin na tuparin …

Read More »

P43.4-M hinihinalang cocaine nasabat ng BoC sa NAIA-T3

P43.4-M cocaine BoC NAIA

NAKOMPISKA ng Bureau of Customs (BoC) ang hinihinalang cocaine na tinatayang P43 milyon ang halaga mula sa isang pasaherong dumating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 (NAIA-T3) napag-alaman sa ulat. Sa isang pahayag noong Huwebes, sinabi ng BoC na mahigit walong kilo ng cocaine na nagkakahalaga ng P43,428,200 ang nasabat mula sa isang overseas Filipino worker (OFW) noong 22 …

Read More »

Amok na pasabero sugatan sa boga ng nagrespondeng airport police

BIINARIL ng mga pulis ang isang 54-anyos guwardiya nang manlaban sa inspeksiyon at tinangkang saksakin ang isang opisyal sa Iloilo International Airport sa bayan ng Cabatuan noong Miyerkoles ng hapon, 28 Enero. Nangyari ang insidente bandang 4:44 p.m. noong Miyerkoles, sa pre-departure area ng paliparan, ayon sa ulat mula sa Iloilo Police Provincial Office (IPPO). Kinilala ng pulisya ang suspek …

Read More »

20 entries pasok sa grand finals ng 2026 World Slasher Cup

2026 World Slasher Cup

DALAWAMPUNG entries ang magtutunggali sa grand finals ng kauna-unahang edisyon ng World Slasher Cup 9-Cock Invitational Derby matapos magtala ng kahanga-hangang panalo sa elimination at semi-final rounds. Ang inaabangang 4-cock grand finals ay gaganapin sa Linggo, Pebrero 1, sa makasaysayang Smart Araneta Coliseum. Kabilang sa mga pangunahing manlalaban sa 4-cock grand finals sina Jojo Bacar Ebros/JC Labaco/Daniel Broker at Jonarie …

Read More »

Cool Smashers pinagtuunan ng pansin ng liga sa PVL All-Filipino Conference

Creamline Cool Smashers PVL

Mga Laro Bukas(Filoil Centre)4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal6:30 n.g. – Akari vs Choco Mucho MAY mga karibal mang nakakita ng kahinaan ng Creamline noong nakaraang taon, nananatiling pangunahing tinututukan ng liga ang Cool Smashers sa nalalapit na 2026 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference. Isang season matapos magtapos ang kanilang Grand Slam campaign na walang kasunod na titulo, …

Read More »

Osorio binigo si Eala na makapasok sa semis ng Philippine Women’s Open

Camila Osorio Alex Eala

SA PINAGSAMANG lakas at husay, pinigil ng Colombian na si Camila Osorio, si Alex Eala ng Pilipinas sa iskor na 6-4, 6-4 upang makapasok sa semifinals ng Philippine Women’s Open na ginanap sa punô na Rizal Memorial Tennis Center kagabi. Sa pamamagitan ng maingat, eksakto, at disiplinadong mga tira, napigilan ni Osorio—ang ikalimang seeded—ang hangarin ni Eala na mas mapalapit …

Read More »

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

Babys Day Out sa Bohol

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang bahagi ng kuwentong nitong Martes, 27 Enero 2026 sa Barangay Tabalong, Dauis, Bohol.          Kung sa pelikula’y nag-away ang mga kidnapper ni Baby Bink kaya siya nakatakas, sa insidenteng naganap sa Bohol mga magulang ang dahilan ng paglalaboy ng sanggol na muntik niyang ikapahamak.         …

Read More »

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

Landers Fairview Fire

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng Belfast Avenue at Quirino Highway sa Barangay Pasong Putik, Quezon City nitong Miyerkoles ng madaling araw. Samantala, nasa ‘hot water’ ang limang fire volunteers na nakita sa video na post ng isang Johnny Gaw Yu sa Facebook na kumukuha ng mga bote ng alak sa …

Read More »

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

Dead body, feet

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo nang naiulat na nawawala sa bayan ng Pulilan, lalawigan ng Bulacan, habang patuloy na pinaghahanap ang nawawala niyang anak. Nadiskubre ang bangkay dakong 3:30 ng hapon noong Sabado sa isang sapa sa Pulilan–Baliuag Bypass Road, Brgy. Dulong Malabon, sa nabangit na bayan, matapos malanghap ng …

Read More »

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

Alex Eala

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex Eala at tinalo si Himeno Sakatsume ng Japan, 6-4, 6-0, upang makapasok sa quarterfinals ng women’s singles ng Philippine Women’s Open kagabi sa Rizal Memorial Tennis Center. Sa harap ng masiglang home crowd at sa malamig na kondisyon, kontrolado ni Eala ang ikalawang set at …

Read More »

Empleyado ng NAIA tiklo sa ‘bomb joke’

Bomb Threat Scare

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang empleyado ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 matapos magbirong may bomba sa kaniyang vest habang dumaraan sa manual inspection nitong Lunes, 26 Enero. Ayon sa ulat ng PNP Aviation Security Group (AVSEGROUP), nakatalaga ang empleyado bilang station loader at nang isinumite sa inspeksiyon ang suot na vest ay sinabi niyang “O, ayan may …

Read More »

Digital connectivity master plan mahalaga sa direksiyon ng Konektadong Pinoy Act — Cayetano

Konektadong Pinoy Bill Act

MAHALAGANG hakbang ang pag-aproba sa nationwide digital connectivity master plan upang magkaroon ng malinaw na direksiyon ang mga reporma sa internet access na itinatakda ng Konektadong Pinoy Act, ayon kay Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na siyang principal author ng batas. Nitong 26 Enero 2026, inaprobahan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang master plan na naglalayong palawakin ang maaasahan …

Read More »

Sa Parañaque City
Japanese national sinaktan, hinoldap; suspek arestado sa loob ng 24 oras

Arrest Posas Handcuff

NAHULI na ang suspek sa nag-viral na video ng panghoholdap at pananakit sa 62-anyos Japanese national noong Sabado ng umaga nang matunton ng pulisya Lunes ng gabi sa Parañaque City. Batay sa ulat ni Parañaque police chief P/Col. Nicolas Piñon kay Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Randy Arceo, natunton nila ang suspek na si alyas Ariel, 49 anyos, vendor, …

Read More »