Friday , December 5 2025

Front Page

JP II, John XXIII idineklara nang Santo

NAKIKIISA ang Palasyo sa pagbubunyi ng sambayanan sa kanonisasyon nina Pope John XXIII at Pope John Paul II, dalawang lider ng Simbahang Katolika na napamahal sa mga Filipino dahil sa kanilang kahanga-hangang pamumuno. “Si Santo Papa Juan XXIII ang naging pangunahing tagapagtaguyod ng ekumenismo o ang pagkakaisa ng lahat ng pananampalataya. Siya rin ang nagpasimuno sa Second Vatican Council na …

Read More »

Lee, Raz arestado ‘di sumuko

TINANGKANG itago nina Cedric Lee at Simeon Raz, Jr., Ang nakaposas nilang mga kamay sa pamamagitan ng t-shirt nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sakay ng Philippine Airlines flight PR 2982 dakong 7:35 am kahapon. (EDWIN ALCALA) PILIT na itinatago nina Cedric Lee at Simeon Raz Jr. ang nakaposas nilang mga kamay nang lumapag ang kanilang …

Read More »

Cash bond ni Pacman hiniling bawasan

TATALIMA si WBO welterweight champion Manny Pacquiao sa utos ng Court of Tax Appeals (CTA). Sinabi ng abogado ni Pacman na si Atty. Tranquil Salvador, magbabayad ang kanyang kliyente ayon sa utos ng CTA na maglagak ng bond. Kapalit ng bond ay ang pagbawi sa freeze order ng Bureau of Internal Revenue sa mga ari-arian ng Filipino ring icon. Ayon …

Read More »

Transport holiday sa Mayo Uno -PISTON

MALAWAKANG transport holiday ang ilulunsad ng militanteng transport group na Pagkakaisa ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) sa darating na Mayo uno. Ayon kay George San Mateo, national president ng PISTON, ito ay protesta sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at singil sa koryente. Giit niya, sobra-sobra na ang hirap na dinaranas ng transport sector lalo ang …

Read More »

3 Pinoy nurses sa Saudi positibo sa MERS-CoV

TATLONG Filipino nurses ang panibagong biktima ng Midde East Respiratory Syndrome coronavirus (MERS-CoV). Ang tatlong Filipino ay kinabibilangan ng 28-anyos babaeng nurse na nagtatrabaho sa Dr. Sulaiman Al-Habib Hospital sa Riyadh, Saudi Arabia. Ngunit hindi siya nakitaan ng ano mang sintomas ng virus. Ang dalawa pang Filipino na nagpositibo rin sa MERS-CoV ay kapwa nagtatrabaho sa Al-Noor Hospital sa Makkah. …

Read More »

Cedric Lee 1 pa, timbog sa Samar

ARESTADO  sa  National Bureau of Investigation (NBI) ang negosyanteng si Cedric Lee at ang co-accused na si Simeon Palma Raz, iniulat kahapon ng umaga. Kasama ng NBI na dumakip sa dalawa ay ang mga elemento ng lokal na  pulisya  sa isang barangay sa Oras Eastern Samar, dakong 11:15 a.m. kahapon. Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, ang dalawang akusado …

Read More »

Sekyu nagbaril sa sentido sa harap ng ex-GF (Hindi matanggap na wala na sila)

Dahil sa sobrang selos nang malamang may iba nang nobyo ang dating nobya, nagbaril sa sentido ang isang sekyu sa Iloilo City. Kinilala ang nagpakamatay na si Raymond Grecia, 29, hiwalay sa asawa, ng Bgy. Jebioc, Pototan, Iloilo, nagbaril sa harap ng dating nobya na si Angeline Cerjero, isang lady guard, sa Ledesma St., sa nasabing lungsod. Nabatid na humingi …

Read More »

24 leaders, royalty humugos sa Vatican (Sa Canonization nina JP II, John XXIII)

Mahigit 90 delegasyon mula sa iba’t ibang bansa sa buong mundo ang dadalo sa magkasabay na kanonisasyon ng mga dating Santo Papa na sina John Paul II at John XXIII. Kasama sa 90 ito ang 24 heads of state at royalty na sasaksi sa paghirang sa dalawang dating lider ng Simbahang Katolika bilang mga santo. Walang anunsyo ang Malakanyang kung …

Read More »

Epal ni Ping sa P10-B pork barrel scam go sa Palasyo

HINDI sasawayin ng Palasyo si Presidential Assistant on Rehabilitation and Recovery (PARR) Panfilo Lacson sa pagsawsaw sa isyu ng P10-B pork scam dahil hindi  ito sagabal sa tungkulin niya bilang rehab czar. “Pagdating kay Secretary Lacson he said that he actually eats Yolanda for breakfast, for lunch, and for dinner. Puro Yolanda din po ‘yung kanyang iniintindi, at perhaps, nagkaroon …

Read More »

Protesta vs Obama ‘di pipigilan

HINDI pipigilan ng Malacañang ang mga militanteng grupo na mag-lunsad ng mga kilos-protesta laban sa pagbisita ni US President Barack Obama sa bansa, ngunit ipinaalala sa kanila ang “hospitality” ng mga Filipino sa mga panauhin. “Wala naman pong problema ang protesta, it is part of the democratic free state we live in. However, tayo bilang Filipino, kilala tayo sa ating …

Read More »

Pasig river ferry station balik-ops

Balik-operasyon na ang Pasig River Ferry System bukas, matapos ihinto noong 2011. Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino, sa unang araw, hanggang alas-12:00 p.m. lang ang operasyon, dahil may ipatutupad na restrictions sa ilang lugar pagdating ni US President Barack Obama sa Maynila. Pero sa mga susunod na araw, maglalayag ang anim na ferry boats mula …

Read More »

‘Mentor’ ni Napoles sa pork scam ilalantad ( Pork King itinanggi ni Abad )

NANINDIGAN ang kampo ni Janet Lim-Napoles na hindi ang negosyante ang nagplano, nagmaneobra at utak ng pork barrel fund scam. Ayon kay Atty. Bruce Rivera, bagama’t wala pang pinal na affidavit ang kanyang kliyente, nais nilang bigyang-diin na may mga taong nagdikta at nagturo kay Napoles para sa naturang mga transaksyon. “Noong pumasok siya sa scene, it was already there. …

Read More »

Negosyanteng misis iniligpit ng mister, bayaw

NATAGPUAN ang bangkay  ng  isang ginang na negosyante na sinabing pinatay ng kanyang asawa at bayaw, sa San Juan City, nitong Abril 22. Sa ulat kay Supt. Adolfo Samala, Jr., Las Piñas – PNP, unang naaresto si Angelito dela Cruz, bayaw ng biktima, sa 412 Ipil St., Manila Doctor’s Subdivision, Las Piñas City nitong Abril 23, habang ang asawa ng …

Read More »

Ex-chief security aide ni Kris new PAF chief

ITINALAGA ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino bilang bagong commanding chief ng Philippine Air Force (PAF) si M/Gen. Jeffrey Delgado. Si Delgado ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) “Sandigan” Class of 1982 at kasalukuyang Deputy Chief of Staff for Plans and Programs (J5) na nakabase sa Camp Aguinaldo sa Quezon City. Dati rin siyang chief security aide ng bunsong kapatid …

Read More »

Fil-Am doc patay sa hospital attack sa Afghanistan

KABILANG ang Filipino-American doctor sa tatlong namatay sa pag-atake sa isang hospital sa Kabul, Afghanistan. Ayon sa Philippine Embassy sa Washington D.C., kinilala ang doktor na si Dr. Jerry Umanos, isang Filipino-American pediatrician mula Chicago. Agad na nagpaabot ng pakikiramay ang embahada sa pamilya ni Dr. Umanos. “Our condolences to the family of Dr. Jerry Umanos, the Filipino-American pediatrician from …

Read More »

Manager binoga, banko sinunog

KALIBO, Aklan – Patay ang bank manager ng Rural Bank of Ibajay sa lalawigan ng Aklan makaraan barilin at pagkaraan ay sinunog ang banko ng hindi nakikilalang salarin kahapon ng umaga. Kinilala ang biktimang si Gabriel Manican, residente ng Poblacion Ibajay, Aklan. Base sa pahayag ni Senior Insp. Ariel Nacar ng Ibajay PNP, nauna silang nakatanggap ng impormasyong nasusunog ang …

Read More »

MPD Balut station binato ng granada (Kotse ng station commander, motor nasunog)

NATUPOK ang kotse ng station commander  habang nadamay ang nakaparadang motorsiklo nang hagisan ng granada ang harapan ng himpilan ng pulisya kahapon ng hapon sa lungsod ng Maynila. Bagama’t hindi napinsala ang Manila Police District – Police Station 1, natupok ng apoy ang Toyota Vios (ZFN-447)   ni Supt. Julius Anonuevo, commander ng nasabing himpilan, sa insidenteng naganap dakong 4:35 p.m. …

Read More »

Affidavit ni Napoles vs 200 gov’t off’ls ilalabas ni Ping (Kapag nilinis ni De Lima)

NAGBANTA si dating Sen. Ping Lacson na ilalabas niya ang sariling kopya ng affidavit ni Janet Lim-Napoles kung lilinisin o tatanggalin ng Department of Justice (DoJ) ang ibang pangalan na sangkot sa kontrobersyal na multi-billion peso pork barrel scam, sa isinumiteng sinumpaang salaysay ni Napoles. “If it is sanitized, I will release to the public the list that I have. …

Read More »

P3.2-B cash bond katapat ng apela ni Pacman sa CTA

PINABORAN ng Court of Tax Appeals (CTA) ang inihaing mosyon ni WBO welterweight champion Manny Pacquiao na nagpapatigil sa Bureau of Internal Revenue (BIR) sa pag-freeze ng kanyang mga ari-arian. Sa inilabas na resolusyon ng CTA, inatasan ang BIR na huwag munang ipatupad ang Final Decision of Disputed Assessment (FDDA) at pagkolekta sa tax deficiencies ni Pacquiao mula taon 2008 …

Read More »

Cedric Lee nagtatago sa Cebu?

CEBU CITY – Nakatanggap ng unverified reports ang National Bureau of Investigation Region 7 na nasa Cebu ang isa sa mga akusadong bumugbog sa comedian-actor na si Vhong Navarro. Ayon kay Cebu kay NBI-7 Regional Director Max Salvador, nagsasagawa sila ng pagsusuri kung gaano katotoo ang natanggap na ulat. Iginiit ni Salvador na gagawin nila ang lahat upang mahuli si …

Read More »

Sanggol nalunod sa irigasyon (Ina nag-withdraw sa 4Ps)

NAGA CITY – Labis na naghihinagpis ang ina ng sanggol na natagpuan palutang-lutang sa irigasyon sa Goa, Camarines Sur kamakalawa. Ayon kay SPO1 Edmundo Trinidad, isang tawag ang natanggap ng kanilang himpilan mula sa Goa Infirmary Hospital tungkol sa batang nalunod na dinala sa pagamutan. Agad binirepika ng pulisya ang pangyayari at napag-alaman isang taon gulang na sanggol ang biktima. …

Read More »

Selosang GF napatay sa bugbog ng ex-pulis

NAPATAY sa gulpi ng isang dating pulis ang isang babae nang umatake ang pagiging selosa kamakalawa ng gabi sa Caloocan City. Kusang-loob na sumuko sa pulisya ang suspek na si retired SPO3 Longino Catalan, 67-anyos, ng 3-B Rivera Compound, Talipapa, Brgy. 164 ng nasabing lungsod, nahaharap sa kasong murder. Agad nalagutan ng hininga sa matinding bugbog sa katawan at nabagok …

Read More »

‘No Visa Policy’ ng Pinoys sa US, hoax

INILINAW ng embahada ng Filipinas sa Amerika na walang katotohanan ang napaulat na hindi na kailangan ng visa ng mga Filipino na tutungo sa Amerika. Ayon sa Philippine Embassy sa Washington, ‘hoax’ lamang ang naturang artikulo na inilathala sa website na “Adobo Chronicle.” “The embassy of the Republic of the Philippines would like to inform the public that there is …

Read More »

Napoles ikanta mo sa Senado — Miriam (19 senador sa pork scam?)

NAIS ni Sen. Miriam Defensor-Santiago, sa Senado ‘kumanta’ si Janet Lim Napoles ngayong lumutang na ang balita na umabot sa 19 senador ang sangkot sa kontrobersyal na multi-billion peso pork barrel scam o anomalya sa Priority Development Assistance Fund (PDAF). Kasunod ito ng kompirmasyon ng Department of Justice (DoJ) na lumagda sa affidavits si Napoles at isiniwalat ang kanyang mga …

Read More »