Wednesday , April 24 2024

Kelot nahulog sa MRT walkway, tigok

061514_FRONT
TODAS ang isang hindi nakilalang lalaki matapos mahulog mula sa walkway ng MRT Bonifacio Station sa Mandaluyong City kahapon.

Ayon kay Roel Teves, tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), mismong sa gitna ng northbound lane ng EDSA nahulog ang ‘di kilalang lalaki na nasa pagitan ng edad 30 hanggang 40-anyos. Nakasuot ng shorts at bahagyang marumi ang itsura.

Ayon sa security guard ng MRT, nakaupo sa walkway ang biktima kaya sinita niya dahil nakasasagabal pero pagtayo ay na-out of balance at tuluyang nahulog.

Masusing imbestigasyon ang isinasagawa ng mga awtoridad sa insidente habang ina-alam din kung may pananagutan ang sekyu o ang management ng MRT.

ni ED MORENO

About hataw tabloid

Check Also

fire dead

Nanay naghanap ng kahoy para panggatong
2 PASLIT NA MAG-UTOL NAABO SA SUMABOG NA TANGKE NG LPG

SILANG, CAVITE — Masusing iniimbestigahan ang pagkamatay sa sunog ng magkapatid na paslit base sa …

Ejay Falcon Alan Peter Pia Cayetano ORIENTAL MINDORO

Mga Cayetano, nagpaabot ng tulong  
1,650 BENEPISARYO, 50 TESDA SCHOLARS PARA SA ORIENTAL MINDORO

UMABOT sa 1,650 benepisaryo mula sa iba’t ibang sektor at distrito sa Oriental Mindoro ang …

PCMC MRI and CT scan Pia Cayetano Bong Go

Cayetano nanguna sa pasinaya  
STATE-OF-THE-ART MRI, CT SCAN EQUIPMENT, ATBP FACILITIES SA PCMC

PINANGUNAHAN ni Senadora Pia Cayetano ang pagbubukas ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) para sa …

Navoteño solo parents cash subsidy

Navoteño solo parents tumanggap ng buwanang cash subsidy

SINIMULAN ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang pamamahagi ng buwanang cash subsidy para sa mga …

drugs pot session arrest

4 arestado sa pot-session sa Valenzuela

SWAK sa kulungan ang apat katao matapos mahuli sa akto ng mga pulis na sumisinghot …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *