Friday , December 5 2025

Front Page

Kagawad ng Maynila binoga sa tabi ng anak

PATAY ang barangay kagawad nang  barilin sa loob ng kanyang bahay habang natutulog katabi ang anak, sa Binondo, Maynila, iniulat kahapon. Binawian ng buhay bago idating sa Justice Jose Abad Santos Hospital ang biktimang si Jesus Lita, 54, Barangay Kagawad ng Barangay 288, Zone 26, Binondo. Sa ulat, inilarawan ang suspek na 5’4″ ang taas,  katamtamang pagangatawan, naka-asul jacket at …

Read More »

Ina pinugutan ng anak na ex-OFW

ILOILO CITY – Patay ang isang ginang makaraan pugutan ng ulo ng kanyang anak na lalaki sa Brgy. Bonbon, Lambunao, Iloilo kamakalawa ng gabi. Kinilala ang biktimang si Erlinda Liderato, 65, habang agad naaresto ang suspek na si Alendre, 35-anyos, kapwa ng nasabing lugar. Ayon kay Punong Brgy. Rolando Araceli, may dinaranas na nervous breakdown ang suspek kaya’t nagawang pugutan …

Read More »

‘Manok’ ni PNoy ikinampanya sa Labor Day

WALA na ngang magandang balita para sa mga uring manggagawa, ginamit pa ni Pangulong Benigno Aquino III ang seremonya sa paggunita ng Pandaigdigang Araw ng Paggawa para ikampanya ang hindi pinangalanang mamanukin sa 2016 presidential derby. “Ang pakiusap ko po: Kung naniniwala kayo na tama ang ating ginagawa, kung ayaw ninyong mabalewala ang maganda nating nasimulan sa tuwid na daan, …

Read More »

UMALON at lumatag sa mga pangunahing kalye sa Metro Manila ang…

UMALON at lumatag sa mga pangunahing kalye sa Metro Manila ang mga pulang bandila at streamer na bitbit ng mga manggagawang miyembro ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), habang tila nagliyab ang pagkadesmaya sa administrasyong walang malasakit sa maralita, ng Kilusang Mayo Uno (KMU), gaya ng sinilaban nilang effigy ni PNoy, sa kanilang programa sa tulay ng Chino Roces sa …

Read More »

Miss Earth contestant ‘nangisay’ sa rampa

MANILA – Isa sa mga kandidata ng 2014 Miss Philippines Earth ang hinimatay nitong Miyerkoles ng gabi sa kasagsagan ng bikini competition na ginanap sa Solaire Resort & Casino sa Parañaque City. Ang Fil-American kalahok na si Leslie Ann Pine, kumakatawan ng San Leonardo, Nueva Ecija, ay biglang natumba matapos tawagin ang special award bago maghatinggabi. Ayon sa kapwa kandidatang …

Read More »

Public bidding sa BGC lot sisimulan na

SISIMULAN ngayon buwan ng Bases Conversion Development Authority (BCDA) ang public bidding para sa development ng isang loteng pag-aari ng  gobyerno  na  nasa  Bonifacio  Global  City, Taguig. Tiwala si BCDA officer-in-charge Aileen Zosa, marami ang  interesado na upahan ang naturang lupa para gawing commercial-residential complex. Ang nasabing lote ay ang Lawton Corporate Center Lot, may sukat na 5,000 square meters, …

Read More »

Workers ‘nganga’ sa Labor Day

WALANG maaasahan sa Palasyo ang mga manggagawa sa paggunita ng Pandaigdigang Araw ng Paggawa ngayon dahil walang good news para sa kanila si Pangulong Benigno Aquino III. Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, hanggang ngayon ay naghahanap pa rin ng paraan ang Palasyo kung paano tutugunan ang hirit ng mga obrero, gaya ng tax break sa mga sumasahod ng minimum …

Read More »

Mag-asawa patay, anak kritikal sa ‘magnanakaw’

KAPWA patay ang mag-asawa habang kritikal sa pagamutan ang 12-anyos nilang anak makaraang pagtatagain ng pinagbintangan nilang magnanakaw ng manok sa Tanay, Rizal kamakalawa ng madaling-araw. Kinilala ng  Rizal PNP ang mag-asawang napatay na sina Babylyn Valencia, 42, at Fedelino Valencia, 50, habang kritikal ang anak nilang si Jayme Valencia, pawang ng Sitio Rawang, Brgy. Tandang Kutyo sa bayan ng …

Read More »

Palasyo iwas-pusoy sa gastos kay Obama

IWAS-PUSOY ang Palasyo sa isyu ng pagsasapubliko ng halagang ginasta sa dalawang araw na pagbisita ni US President Barack Obama sa Filipinas. “Wala pang, ano e, wala pang amount na pino-provide ang OP. Once we get the amount, we will inform you,” pahayag kahapon ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda. Aniya, wala siyang impormasyon kung magkano ang inilaang budget sa dalawang …

Read More »

Napoles hihirit ng hospital extension

HIHIRIT ng extension ang kampo ni Janet Lim-Napoles para manatili pa rin sa Ospital ng Makati kahit maayos na ang kalagayan makaraan ang matagumpay na operasyon. Ayon sa legal counsel ni Napoles, nakatakda silang maghain ng kahilingan sa Makati City Regional Trial Court (RTC) para palawigin pa ang hospitalization ng kanilang kliyente. Giit ng kampo ni Napoles, dumaan sa major …

Read More »

Mason todas sa PNR train (Dalawang paa naputol)

BINAWIAN ng buhay ang 43-anyos mason makaraang mahagip ng PNR train sa Antipolo St., kanto ng Jose Abad Santos St., Sta Cruz, Maynila kahapon ng umaga. Ang biktimang si Max Padon ng Fairview, Quezon City ay nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas sa Ospital ng Tondo. Ayon kay Lito Liaban, foreman ng Aleway Construction, nagsasagawa sila ng rip-rapping sa …

Read More »

Daniel, ‘di totoong magpapa-convert sa INC

ni  Roldan Castro ITINANGGI ni Daniel Padilla sa Aquino & Abunda Tonight na magpapa-convert na siya sa Iglesia ni Cristo (INC) dahil ito ang religion ng kanyang ka-love team at nali-link sa kanya na siKathryn Bernardo. Bata pa raw siya at marami pa siyang dapat malaman pagdating sa religion. Nag-react din siya sa mga pumipintas sa boses niya.  Bakit daw …

Read More »

Hindi ako cheater! — Angel

ni  Pilar Mateo WHERE her bashers are concerned, sa mga patuloy na tinitira naman si Angel Locsinna siya raw ang nag-cheat sa relasyon nila ng dating kasintahang si Phil Younghusband, natawa lang ng aktres. Dahil kung alam daw ng basher na ito, na ayon na rin kay Angel eh, alam niyang isang account lang na nag-iiba-iba ng identity, ang history …

Read More »

Mag-anak patay sa Malate fire

Tatlong miyembro ng pamilya  ang  patay habang tatlo ang sugatan sa naganap na sunog sa Jorge Bocobo St., Malate, Maynila, iniulat Martes ng hapon. Kinilala ang mga namatay  na sina Margarita Villar, 62-anyos, Edgardo Villar, 61-anyos, at Merwin Villar, 42-anyos, na  nadala pa sa pagamutan pero ‘di na umabot nang buhay  dahil sa acute respiratory failure secondary to smoke inhilation …

Read More »

EDCA hihimayin ng party-list sa Korte Suprema

  NILAGDAAN nina Defense Secretary Voltaire Gazmin at US Ambassador to the Philippines Philip Goldberg ang Enhanced Defense Comprehensive Agreement (EDCA) ng Filipinas at Estados Unidos, ilang oras bago dumating sa bansa si US President Barack Obama kahapon. (ALEX MENDOZA) BALAK pag-aralang muli ng Bayan Muna Party-list ang nilagdaang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) ng Filipinas at Estados Unidos. Ayon …

Read More »

Obama nagdeklara ng suporta

HINDI kayang tibagin ang determinasyon ng Estados Unidos na ipagtanggol ang kaalyadong Filipinas. Ito ang tiniyak ni US President Barack Obama sa kanyang talumpati sa harap ng mga tropang Filipino at Amerikano, at mga beterano sa Fort Bonifacio kahapon ng umaga. Ang pahayag ni Obama ay ginawa isang araw makaraan hindi niya direktang tiyakin sa press conference sa Palasyo na …

Read More »

Laborer laglag mula 40/f dedbol (Crim grad tumalon mula 3/F nangisay, patay)

NAMATAY ang isang construction laborer nang mahulog mula sa 40th floor   saka bumagsak  sa 28th floor at humampas sa e-beam ng crane sa ginagawang 5-star hotel sa Taguig City, iniulat kamakalawa. Patay na nang idating sa Saint Luke’s Global City ang biktimang si Roger Bombita, 32, ng Angeles, Pampanga. Sa imbestigasyon ni SPO1 Rodelio Abenojar, ng Investigation Detective & Management …

Read More »

Plunder vs GMA, Dato ibinasura ng Ombudsman

IBINASURA ng Office of the Ombudsman ang plunder case na inihain laban kay dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo at kanyang anak na si Rep. Ignacio “Dato” Arroyo, kaugnay sa hindi natuloy na infrastructure projects sa Camarines Sur. “The evidence gathered does not warrant the initiation of criminal proceedings against the former president and her son,” ayon sa …

Read More »

US walang paki sa China-PH dispute

PASALUBONG KAY OBAMA. Masayang sinalubong ni Pangulong Benigno Aquino III si US President Barack Obama pero hindi ang iba’t ibang grupong militante na nagprotesta sa Mendiola bilang pagtutol sa pagbisita niya sa bansa. (Mga kuha nina JACK BURGOS at BONG SON) BINIGYANG-DIIN ni US President Barack Obama na hindi sila makikialam sa territorial dispute ng Filipinas sa China. Ngunit kanilang …

Read More »

6 patay, 16 sugatan sa bumaliktad na bus

ZAMBOANGA CITY – Patay ang anim pasahero kabilang ang dalawang bata, sa pagbaligtad ng pampasaherong bus ng Rural Transit Mindanao Inc., sa highway ng Purok 1, Brgy. Anonang sa bayan ng Aurora sa Zamboanga del Sur. Ayon kay S/Insp. Joseph Ortega, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO-9), nangyari ang insidente pasado 12 p.m. kamakalawa. Nanggaling ang nasabing bus sa terminal …

Read More »

Kalinga mayor binoga sa asong nasagasaan

SUGATAN ang isang municipal mayor makaraan barilin ng may-ari ng aso na nasagasaan ng kanyang sasakyan kamakalawa ng gabi, ayon sa ulat ng Kalinga Police. Si Mayor James Edduba ng Pasil, Kalinga, ay binaril ng hindi nakilalang suspek sa Sitio Pinagan, Brgy. Lucog, Tabuk, City. Isinugod si Edduba sa pagamutan at ngayon ay stable na ang kalagayan. Ayon sa pulisya, …

Read More »

6-anyos totoy todas sa taga, martilyo ni tatay (Nanay kritikal)

LAOAG CITY – Hindi na umabot nang buhay sa Bangui District Hospital ang 6-anyos batang lalaki habang kritikal ang kanyang ina makaraan pagtatagain at hatawin ng martilyo ng kanyang ama. Kinilala ang biktimang namatay na si Lemuel Pacheco, kindergarten pupil, habang malubha ang kalagayan ng kanyang ina na si Mary Anne Pacheco, nilalapatan ng lunas sa Gov. Roque Ablan, Sr., …

Read More »