Friday , December 27 2024

Front Page

No nationwide gov’t work suspension sa SONA

INIHAYAG ng Malacañang kahapon, hindi magdedeklara ang gobyerno ng nationwide suspension ng trabaho sa pamahalaan sa Hulyo 28, sa gaganaping State of the Nation Address ni Pangulong Benigno Aquino III. Ngunit sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, posibleng ang local government ng Quezon City ay magdeklara ng suspensiyon dahil ang venue ng SONA ay sa nasabing lungsod. “Sa national …

Read More »

Kaanak ng Pinoys sa MH17 flight patungo na sa Malaysia

PATUNGO na sa Malaysia ang mga kaanak ng tatlong Filipino na kabilang sa mga namatay sa pinabagsak na Malaysia Airlines flight MH17, upang kunin ang labi ng kanilang mga mahal sa buhay. Ayon sa ulat, kinompirma ni Tirso Pabellon, kapatid ni Irene Gunawan, isa sa mga biktima ng pagbagsak ng MH17, ang kanilang pag-alis patungong Malaysia. “Kaming magkakapatid po, special …

Read More »

Hardinero nahulog mula rooftop tigok (Nagpuputol ng puno)

NAMATAY ang isang 58-anyos hardinero nang mahulog mula sa rooftop ng gusali ng United Methodist Mission House habang nagtatabas ng sanga ng punong Mangga sa Malate, Maynila, kamakalawa. Idineklarang patay ilang oras matapos dalhin sa Ospital ng Maynila (OSMA), ang biktimang si Ruben Beraquit, laborer, ng Blk.31, Lot. 38, Phase 3, Southville I, Marinig, Cabuyao, Laguna. Sa imbestigasyon ni PO3 …

Read More »

Dutch, 7 pa timbog sa droga (Drug den sinalakay ng PDEA)

WALO katao kabilang ang isang Dutch national ang syut sa kulongan nang arestohin ng operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang raid sa Butuan City. Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo Cacdac, Jr., ang mga suspek na sina  Robert Stoffelen, 51, nakatira sa Purok 3-A, Resurrection, Brgy. Holy Redeemer, Butuan City; Sallie Villahermosa, 35; Rey Roco, 32; …

Read More »

1.5-M households blackout pa

HALOS isa’t kalahating milyon o katumbas ng halos 30 porsiyento ng Meralco consumers ang wala pa rin access sa koryente makaraan ang pananalasa ng bagyong Glenda. Ayon sa tagapagsalita ng Meralco na si Joe Zaldarriaga, sa Metro Manila ay kabuuang 11 porsiyento o katumbas ng 290,681 households o kabahayan ang wala pang suplay ng koryente habang kung susumahin kasama na …

Read More »

Pinay, 2 anak, 295 iba pa patay sa Ukraine plane attack (Palasyo nakiramay sa pamilya ng MH17 victims)

KABILANG ang isang Filipina at dalawa niyang anak sa 298 pasaherong lulan ng Malaysia Airlines flight MH17 na pinabagsak sa teritoryo ng Ukraine, ayon kay Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario kahapon. Makaraan abisohan ang kanilang pamilya, kinilala ng DFA ang mga biktimang sina Irene Gunawan, 54; Sherryl Shania Gunawan, 20; at Darryl Dwight Gunawan, 15-anyos. Ang Flight MH17 ay …

Read More »

2 coed todas, 1 pa kritikal (Motorbike sumemplang)

PATAY ang dalawang estudyanteng sina Sheranebeth Ocampo at Jane Margarita Lastrolio ng National Teachers College, habang kritikal ang isa pa nilang kasama nang sumalpok sa Ayala Bridge, Ermita, Maynila ang sinasakyan nilang motorsiklo kamakalawa ng gabi. (ALEX MENDOZA) TODAS ang dalawang coed habang kritikal ang isa pa nang sumemplang ang sinasakyang motorsiklo sa San Miguel, Maynila, kamakalawa. Matinding pinsala sa …

Read More »

Pinoys nanawagan ng kapayapaan para sa Gaza

KASABAY ng pag-igting ng tensyon sa Gaza, nanawagan ang ilang grupo ng mga Filipino ng kapayapaan sa pamamagitan ng kilos-protesta sa tulay ng Mendiola kahapon. Pinangunahan ng International League of People’s Stuggle (ILPS) Philippines Chapter ang naturang demonstrasyon. Ayon kay ILPS Chairman Elmer Labog, dapat makialam ang gobyerno at gumawa ng aksyon sa umiinit na tensyon sa Gaza. Maraming mga …

Read More »

Bagyong Henry nasa PAR na

NASA loob na ng karagatang sakop ng Filipinas ang bagyong si Henry o may international codename na Matmo. Ngunit ayon sa Pagasa, hindi na magkakaroon ng landfall sa alinmang panig ng Filipinas ang sentro ng bagyo kundi tutumbukin nito ang Taiwan at Southern Japan. Huling natukoy ang sentro ng bagyo sa layong 890 kilometro sa silangan ng Guiuan, Eastern Samar. …

Read More »

Court employees reresbak sa SONA (Sa pakikialam sa JDF)

NAGMARTSA ang grupong Kilusang Mayo Uno (KMU) patungo sa Mendiola sa San Miguel, Maynila bilang pagkondena sa Disbursement Accelaration Program (DAP). (BONG SON) NAGPAPLANO na ang mga empleyado ng hudikatura na magsagawa ng kilos-protesta sa araw ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Aquino sa Hulyo 28. Ayon kay Supreme Court Employees Association (SCEA) President Jojo Guerrero, naghahanda …

Read More »

Mosyon sa DAP inihain ng SolGen

PORMAL nang inihain ng Palasyo sa Korte Suprema ang motion for reconsideration (MR) kaugnay sa desisyon ng Kataas-taasang Hukuman na unconstitutional ang kontrobersiyal na Disbursement Acceleration Program (DAP). Inihayag ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, dakong 3:16 p.m. nang isumite ni Solicitor General Francis Jardeleza ang MR, ngunit hindi binanggit kung ilang pahina ito. Wala rin sinabi si Valte kung …

Read More »

Catapang new AFP chief (ret. Gen. Bautista bibigyan ng pwesto)

INIABOT ni Pangulong Benigno Aquino III ang Saber kay Lt. Gen. Gregorio Catapang Jr. sa ginanap na Armed Forces of the Philippines Change of Command ceremony sa AFP General Headquarters grandstand ng Camp General Emilio Aguinaldo kahapon. Pinalitan ni Lt. Gen. Catapang sa pwesto ang nagretirong si AFP Chief Emmanuel Bautista. (JACK BURGOS) PORMAL nang isinalin kahapon ni outgoing AFP …

Read More »

P24-M ilegal na droga isinuko ng BoC-NAIA sa PDEA

KASAMA ni Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Customs district collector Edgar Macabeo (gitna) si Customs Enforcement Security Service (ESS) Director Willie Tolentino (kaliwa) nang ipasa kay Atty. Ronnie Cudia, Regional and NCR deputy director ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang iba’t ibang uri ng illegal at restricted drugs gaya ng shabu, valium, ephedrine at ang anim (6) na sako …

Read More »

Babala: Bangus, Tilapia mula sa Pasig River nakakakanser

NAGBABALA ang Makati City Health Department (MHD) sa publiko partikular sa mga residente ng  lungsod, na iwasan bumili ng isdang bangus at tilapya na nangaling o nahuli sa Pasig River dahil hindi ito maganda sa kalusugan at maaaring makakuha rito ng sakit na physical retardation at cancer dahil sa kontaminadong tubig. Nagpalabas kahapon ng babala si Dr. Jocelyn Vaño, ng …

Read More »

Ex-solon kumasa vs PNoy (Korte Suprema ipagtanggol – Abante)

MATAPOS tawagin na ‘tahasang pambabastos’ sa Korte Suprema ang talumpati ng Pangulo noong lunes, nanawagan ngayon si dating Manila Congressman Benny Abante sa taumbayan na “idepensa ang Hukuman” at sa mga miyembro nito na manindigan sa harap ng mga pag-atake ng Punong Ehekutibo. Ito ang reaksyon ng dating Chairperson ng House Committee on Public Information at Vice Chairperson ng House …

Read More »

Death toll ni Glenda 40 na, P1-B pinsala

UMAKYAT na sa 40 ang bilang ng mga namatay sa pananalasa ng bagyong Glenda, ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council kahapon. Ayon sa NDRRMC, ang pinsala sa agrikultura ay umakyat na sa P1,135,026,149.76. Kabilang dito ang pinsala sa pataniman ng palay, mais at high-value cash crops and livestock sa Central Luzon, Mimaropa at Bicol. Sa …

Read More »

Danish national pinatay ng selosang live-in partner

CEBU CITY – Patay na nang matagpuan ang isang Danish national sa kanyang kwarto sa Century Hotel sa Pelaez St. Lungsod ng Cebu kahapon. Kinilala ang biktimang si Jems Bjerre Overgaard, 65, isang Danish national. Ayon kay SPO2 Rene Cerna ng homicide section, pansamantalang nag-check-in ang mag-live-in partner sa nasabing hotel. Ngunit dakong madaling-araw kahapon ay nagtalo ang dalawa dahil …

Read More »

Text-addict na jail guard natakasan ng murder suspect

NATAKASAN ang gwardiya ng Bulacan Provincial Jail ng isang presong may kasong murder dahil sa pagiging abala sa pagte-text kamakalawa. Kinilala ang nakatakas na si Anthony Garcia Simangan, 32, at residente sa isang bayan sa lalawigang ito. Habang nahaharap sa kasong administratibo ang nasabing gwardiya na hindi muna pinangalanan habang isinasailalim sa pagsisiyasat. Ayon sa paliwanag ng isang nagpakilalang si …

Read More »

Lover ni misis utas kay mister dahil sa droga

PATAY ang isang lalaki makaraan saksakin ng mister ng kanyang kinakasama sa Valenzuela City kamakalawa ng madaling-araw. Agad binawian ng buhay ang biktimang si Michael Limboc Evangelista, alyas Makol, 37, ng #880 A. De Castro St., Brgy. Malinta ng nasabing lungsod, sanhi ng pitong saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Tinutugis ng mga awtoridad ang live-in partner niyang si …

Read More »

‘Daluyong’ ni Glenda babala sa Luzon, Visayas

UMABOT sa 21 areas sa Southern Luzon, Bicol at Eastern Visayas ang posibleng makaranas ng daluyong (storm surges) bunsod ng pananalasa ng bagyong Glenda, ayon sa state-run Project NOAH kahapon. Dakong 10 a.m. kahapon, ang bagyong Glenda ay nakita sa east-northeast ng Catarman, Northern Samar, 160 km east southeast ng Legazpi City. Ito ay may taglay na maximum sustained winds …

Read More »

Truck driver tinarakan ng tauhan ng RMW towing (Umawat sa away)

SUGATAN ang 35-anyos truck driver nang saksakin ng isang empleyado ng RWM Towing nang umawat sa pagtatalo ng una at isa pang truck driver sa Road 10, Vitas, Tondo, Maynila kamakalawa. Nilalapatan ng lunas sa Tondo Medical Center ang biktimang si Dennis Flor, truck driver, residente ng #37 Panganiban St., Sta. Mesa, Maynila. Habang tumakas ang hindi nakilalang suspek na …

Read More »

‘Pork barrel’ ipansusuhol ni PNoy? (Kongreso itatapat sa SC)

MULING magpipiyesta ang mga mambabatas sa pagpapapogi sa kani-kanilang mga distrito para maihalal muli sa 2016 elections dahil suportado mismo ni Pangulong Benigno Aquino III ang tila pagbabalik ng kanilang “pork barrel”. Sa ginanap na Daylight Dialogue forum kahapon sa Palasyo, hinimok ni Pangulong Aquino ang mga mamamayan na madaliin ang paghirit ng proyekto sa kanilang kongresista . Ang pagbibigay …

Read More »