AGAD nalagutan ng hininga ang lady budget officer ng Norzagaray Municipal government sa Bulacan, makaraang pagbabarilin sa harap ng simbahan ng isa sa dalawang lalaking sakay ng motorsiklo, habang pababa ng kanyang sasakyan upang magsimba kahapon ng umaga Ang biktimang tinamaan ng apat na bala sa dibdib ay kinilalang si Yolanda Ervas, 55, may-asawa, at residente rin sa bayang ito. …
Read More »Masonry Layout
Kasambahay grabe sa boga ng selosong manliligaw
KRITIKAL ang kalagayan ng isang kasambahay matapos barilin ng sinabing nagselos na manlililigaw habang naglalakad kasama ang inakalang boyfriend ng una sa Caloocan City kamakalawa ng gabi . Patuloy na inoobserbahan sa East Avenue Medical Center (EAMC) ang biktimang si Sara Jane Mabunga, nasa hustong gulang, residente ng Norzagaray, Bulacan sanhi ng isang tama ng bala ng hindi nabatid na …
Read More »Seguridad sa pagkain sa PH dapat tiyakin
DAPAT maghanap ang mga Filipino nang higit na maaasahang agri-business ventures sa harap ng napipintong krisis sa pagkain sa mundo bunsod ng tumataas na presyo ng pagkain, ayon sa noted Filipino economist. Ang dahilan nito ay ang global climate change na nagdulot nang malawak na pinsala sa mga bansa. Sinabi ni Gonzalo Catan, Jr., executive ng MAPECON Green Charcoal Philippines …
Read More »Nepomuceno new BoC-EG Dep Comm (Dating DND-OCD director)
SA PATULOY na paglilinis sa mga nalalabi pang tiwaling kawani ng Bureau of Customs (BOC) na nakikipagsabwatan sa smugglers sa pagsabotahe sa ekonomiya ng bansa, nagtalaga na ng bagong deputy commissioner si Pangulong Noynoy Aquino upang maging katuwang ni Customs Commissioner Ruffy Biazon sa pagreporma sa ahensya. Itinalaga ni Pangulong Aqunio si Ariel Nepomuceno bilang Customs Deputy Commissioner for Enforcement …
Read More »Ka Freddie, Jovie ikakasal sa ritwal ng Muslim (Islam niyakap)
PAGKATAPOS magsagawa ng humanitarian mission para sa mga biktima ng super typhoon Yolanda sa Visayas, tutuldukan naman ng opisyal ng lalawigang ito ang sinasabing kontrobersyal na romansa ni Filipino music icon Freddie Aguilar sa kanyang 16-anyos fiancé na si Jovie Gatdula Albao sa pamamagitan ng pagpapakasal sa dalawa sa ilalim ng Muslim rites. Sinabi ni Maguindanao Gov. Esmael “Toto” Mangudadatu …
Read More »Bill vs political dynasties aprub sa House Committee
SA kauna-unahang pagkakataon, inaprubahan ng House Committee on Suffrage ang consolidated bill na nagbabawal sa political dynasties sa Filipinas. Ipinagbabawal sa nasabing panukala ang pagtakbo sa kaparehong eleksyon ng asawa o kamag-anak ng incumbent ng hanggang “second degree of consanguinity or affinity.” Ipagbabawal din ang posibleng overlap ng magkakamag-anak sa termino sa pag-upo sa pwesto. Isiningit din ni Bayan Muna …
Read More »Pagbasura sa PDAF no epek kay PNoy
HINDI naman ‘trapo’ (traditional politician) si Pangulong Benigno Aquino III kaya walang epekto sa kanyang pamamahala sa bansa ang pagkawala ng pork barrel. “Ang marami pong talakayan hinggil diyan ay lumilibot doon sa tema ng patronage politics na sa alam naman natin, ano, bahagi ng kultura ng politika sa ating bansa ay ini-uugnay din doon sa konsepto ng ‘trapo’ o …
Read More »Aid ‘pag di ipinamudmod LGUs kakasuhan — DSWD
BINEBERIPIKA ng Department of Social Welfare and Development ang mga ulat na may apat na bayan sa Leyte ang hindi namamahagi ng relief supplies sa mga biktima ng bago bunsod ng kakulangan sa truck at gasolina. Ang nasabing mga bayan ay ang Dulag, Mayorga, MacArthur at Javier. Sinabi ni Social Welfare Secretary Dinky Soliman, ang bayan ng Javier ay may …
Read More »Tanod ‘itinumba’ sa barangay outpost
INIIMBESTIGAHAN pa ng mga awtoridad ang pagkakapaslang sa isang barangay tanod, nang ratratin ng dalawang armadong lalaki sa Quezon City, kamakalawa. Dinala agad sa punerarya ang bangkay ng biktimang si Agapito Aloro, 48-anyos, ng 92 Saint Paul St., Brgy. Holy Spirit imbes sa ospital o magparesponde sa pulis. Sa ulat ni PO2 Ric Roldan Pitong ng Quezon City Police District …
Read More »3 carnap sa Maynila sa loob ng 24 oras
SUNUD-SUNOD ang nakawan ng sasakyan sa Lungsod ng Maynila sa nakalipas na 24-oras, iniulat kahapon. Sa ulat, naitala ang unang insidente ng carnapping sa pagitan ng 12:30 hanggang 5:00 ng madaling araw kamaka-lawa (Nobyembre 20). Nakaparada umano sa tapat ng NTC building sa Nepomuceno St., Qu-iapo, ang Isuzu NKR (CKS-286), pag-aari ni Paul John Velasco, 33, ng Don Gregorio St., …
Read More »5 broker swak sa smuggling
SINAMPAHAN ng kasong smuggling sa Department of Justice (DoJ) ng Bureau of Customs (BoC) ang limang broker na nagpuslit ng bawang, sibuyas at mansanas na nagkakahalaga ng P16.5-M, iniulat kahapon. Ayon kay Customs commissioner Ruffy Biazon, kinasuhan ang may-ari ng Silver Glade Enterprises na si Marcelo N. Gomez at Customs broker na si Ian Christopher Miguel, sa tangkang pagpapalusot ng …
Read More »Binatilyo patay sa bugbog 3 bagets timbog
ARESTADO ang tatlong kabataang lalaki makaraang patayin sa bugbog ang isang binatilyo sa Urbiztondo, Pangasinan kamaka-lawa. Si Justin Solomon, 16, ay lumabas ng kanilang bahay para bumili ng mobile prepaid load sa Brgy. Batangcaoa nang bigla siyang kuyugin ng isang grupo ng mga kabataan, ayon sa pinsan ng biktima. Ang mga suspek na may gulang na 19, 18 at 16, …
Read More »Baby boy pinugutan ng tatay
LAGUNA – Pinugutan ng ulo ang sanggol na lalaki ng kanyang sariling ama sa Brgy. Taft, bayan ng Pakil, sa lalawigan ng Laguna kahapon. Naganap ang insidente makaraan ang pitong araw matapos isilang ang biktimang si Vincent Charles Versoza ng kanyang inang si Jovelle Versoza. Sa ulat ni Senior Insp. Jojo Sabeniano, hepe ng Pakil Police, dakong 11 a.m. nang …
Read More »Relief ops mabagal — Gazmin
INAMIN ni Department of National Defense (DND) Secretary Voltaire Gazmin ang kanilang pagkukulang sa relief efforts at iba pang operasyon para sa pagtulong sa mga biktima ng super typhoon Yolanda. Naganap ito sa budget hearing ng Senado nang igisa ni Senador Juan Ponce Enrile ang DND at AFP bunsod ng kakulangan ng kanilang komunikasyon noong kasagsagan ng hagupit ng bagyong …
Read More »Sorry ni Romualdez tinanggap ng Palasyo
TINANGGAP ng Palasyo ang paghingi ng paumanhin ni Tacloban City Mayor Alfred Romualdez kay Pangulong Benigno Aquino III bago bumalik sa Maynila ang Punong Ehekutibo kamakalawa mula sa dalawang araw na inspeksiyon sa relief operations sa Leyte at Samar. “Maganda iyong nangyari. Magandang development and we certainly welcome what developments transpired between the meeting—between the President and Mayor Alfred Romualdez,” …
Read More »Death toll sa Yolanda umakyat sa 4,011
LUMAGPAS na sa 4,000-mark ang bilang ng mga namatay sa pananalasa ng super typhoon Yolanda. Sa latest death toll ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), naitala na sa 4,011 ang kompirmadong patay habang nasa 18,557 ang nasugatan. Patuloy ang ginagawang paghananap sa natitirang 1,602 na missing. (HNT) APARTMENT-TYPE BURIAL SA YOLANDA VICTIMS IKINOKONSIDERA ng National Bureau of …
Read More »Price control nationwide moratorium vs oil price hike (Giit ng Piston)
IGINIIT ng grupo ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino na agad magpatupad ng price control at nationwide moratorium sa pagtaas ng presyo ng langis . Ani PISTON National President George San Mateo, dapat itong gawin ng Pangulo batay sa deklarasyon ng Malacañang na State of National Calamity dahil sa pananalasa …
Read More »US warships sa PH, unlimited
WALANG takdang panahon o “unlimited” ang pananatili sa Filipinas ng mga tropang Amerikano at ng kanilang warships, na hindi sumasailalim sa inspeksyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagdaong sa bansa. Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, ang US ang magdedetermina kung hanggang kailan magtatagal sa bansa ang kanilang mga tropa at sasakyang pandigma dahil nakabase ito sa …
Read More »PH payag na sa HK’s apology demand
NAKAHANDA nang tumalima ang Philippine government sa demand na “apology” ng mga kaanak ng mga biktima sa madugong 2010 Manila hostage-crisis na ikinamatay ng walong Hong Kong nationals. Ayon sa ulat ng RTHK, mismong si Cabinet Secretary Jose Rene Almendras ang nagpahayag na pinag-aaralan na ng gobyerno ang mga kahilingan, kabilang ang paghingi ng paumanhin sa mga biktima. Nitong nakaraang …
Read More »2 Pinay sugatan sa Iranian Embassy bombings
INIHAYAG ng Department of Foreign Affairs (DFA) kahapon na dalawang Filipina ang kabilang sa mga sugatan kasunod ng suicide bombings sa labas ng Iranian embassy sa Beirut, Lebanon. Hindi inihayag ng DFA ang pagkakakilanlan ng mga biktima ngunit sinabing sila ay domestic helpers na nagtatrabaho sa mga residente malapit sa embahada. Isa sa mga biktima ay dumanas ng sugat sa …
Read More »P50-M heavy equipments sinilaban sa Zambo Norte
ZAMBOANGA CITY – Umaabot sa mahigit P50 milyong halaga ng mga heavy equipment ang sinilaban ng armadong grupo sa isang construction site ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Sitio Gutay, Brgy. Titik, Sindangan, Zamboanga del Norte. Napag-alaman ng Sindangan municipal police station mula kina Engr. Cris Rodrigo Cuizon ng ESR Construction Supply, at Engr. Arnold Mocorro Mantiza …
Read More »Pondo ng SK ipagawang eskuwelahan
GAMITIN na lang ang 10% pondo ng Sangguniang Kabataan (SK) sa pagpapagawa ng mga paaralang elementarya at high school. Ito ang iminungkahi ni Cong. Gavini Pancho ng 2nd District ng Bulacan para mapakinabangan ang nasabing porsyento ng pondo ng barangay bagamat wala nang miyembro ng SK sa Sangguniang Barangay. Ayon sa panukalang batas (House Bill 3001), maaaring gamitin ang pondo …
Read More »P1.3-M naabo sa Caloocan
Tinatayang P1.3 milyong halaga ng ari-arian ang nasunog sa dalawang palapag na apartment sa Paz Street, Morning Breeze, Caloocan City. Dakong 8:00 ng umaga, Miyerkoles, sumiklab ang apoy sa unit 3 sa ikalawang palapag na inuupahan ni Sheryl Rojo. Naghatid umano siya ng anak sa eskwelahan at naiwan ang kasambahay sa unit. Tinawagan siya ng kasambahay na merong sumiklab sa …
Read More »7 anak, misis ini-hostage mister arestado
LEGAZPI CITY – Bunsod ng problema sa pamilya, ini-hostage ng isang lalaki ang kanyang pitong mga anak at kanyang misis sa Naga City kahapon. Tatlong oras na naki-pagnegosasyon ang mga tauhan ng Naga City PNP at mga barangay officials para mapasuko si Jonesto Estipani sa Brgy. Concepcion Pequina. Ayon kay Naga City Police chief, Senior Supt Jose Capinpin, bigla na …
Read More »Obrero nalasog sa makina
PATAY ang isang 22-anyos machine operator sa pagkakaipit sa makina sa isang pabrika ng plastic sa Taguig city kahapon ng madaling araw. Inabutan pa ng mga imbestigador na sina PO3 Ricky Ramos at PO2 Victor Amado Biete ng Investigation Detective & Management Section (IDMS) ng Taguig PNP, na nakaipit pa sa mala-king makina ang halos malasog na katawan ng biktimang …
Read More »