P1.2-M shabu kompiskado suspek arestado

101514 arrest PDEA shabuARESTADO ng mga operatiba ng PDEA Regional Office-NCR ang suspek na si Jervy Lagasca makaraan makompiskahan ng kalahating kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.2 milyon sa buy-bust operation sa Pasay City. (ALEX MENDOZA)

[divider]

BUMAGSAK sa kamay ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang hinihinalang drug pusher sa buy-bust operation kahapon ng madaling araw sa lungsod ng Pasay.

Ang suspek ay kinilala ni NCR-PDEA Director Atty. Jack De Guzman na si  Jervy Lagasca, alyas Jerry, 28, ng Sampaloc, Manila.

Nakuha mula sa pag-iingat ni Lagasca ang kalahating kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1.2 milyon.

Ayon kay Pasay City Police chief, Senior Supt. Melchor  Reyes , nakipag-coordinate ang mga tauhan ng PDEA sa kanilang tanggapan at dakong 5 a.m. nang isagawa ang buy-bust operation sa Diokno Drive Side Boulevard, sa likod ng Mall of Asia (MOA).

(JAJA GARCIA)