Sunday , December 22 2024

Masonry Layout

Student journalists sumugod sa Mendiola

NAGSAGAWA ng kilos-protesta  sa paanan ng Chino Roces bridge sa Mendiola ang ilang grupo ng mga estudyanteng mamamahayag sa paggunita ng World Press Freedom Day. Mariing kinondena ng student journalists ang hindi pa rin matigil na pagpatay sa mga mamamahayag. Pinakahuli rito ang pagpaslang sa tabloid reporter na si Rubylita Garcia noong Abril 6. Sa datos ng Center for Media …

Read More »

P3-M shabu nakompiska sa buy-bust

TINATAYANG  P2.7-milyong halaga ng  shabu ang nasabat sa isinagawang  buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Cadiz City, Negros Occidental. Sa ulat na ipinaabot kay PDEA Dir. Gen. Arturo Cacdac, Jr., nakuha ang nasabing epektos sa nahuling suspek na kinilalang si Jonathan Badilles,  na nakuhaan ng halos kalahating kilong shabu. Nakatakas  ang kasabwat ni Badilles na kinilala ng …

Read More »

Aquino yumaman

AMINADO si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na lumago ng P1.3 million ang kanyang kayamanan sang-ayon sa kanyang statement of assets, liabilities and networth (SALN). Naisumite na sa Office of the Ombudsman ang kanyang SALN at bukas ito sa publiko. Noong nakaraang taon ang kayamanan ng Pangulo ay nasa P65.13 million at ngayong taon ay naging P66.43 million. Sinabi ng …

Read More »

Tangke sumabog welder natusta

NATUSTA ang katawan ng isang trabahador ng Hanjin Heavy Industries and Construction sa Subic, Zambales nang masabugan ng ginagamit acetylene tank makalawa. Agad namatay si Randy Dapos, nakatalaga sa Erection Part 2 keep up section ng kompanya. Nagwe-welding ang biktima nang aksidenteng sumabog ang tangke na naging sanhi ng pagkasunog ng kanyang buong katawan. Sa ngayon ay hindi pa rin …

Read More »

GMA pinayagan ma-check up sa St. Luke’s

PINAYAGAN ng Sandiganbayan na madala si dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa St. Lukes Medical Center para sumailalim sa ilang pagsusuri. Ayon sa abogado ni Arroyo na si Atty. Medesto Ticman, ngayong araw sana ang nais nilang schedule ngunit napag-alaman ng anti-graft court na sarado ang pagamutan sa nasabing araw kaya pinaaga ang nasabing check-up. Kaugnay …

Read More »

P40-M isinoli ni Tuason pasok bilang state witness

PINAGBIGYAN ng Office of the Ombudsman ang hiling ni Ruby Chan Tuason na magkaroon ng immunity sa kaso ukol sa pork barrel fund scam. Ayon kay Asst. Ombudsman Asryman Rafanan, nakitaan ng kredibilidad ang mga testimonya ni Tuason kaya sinang-ayonan ng prosekusyon. Kasabay nito, nagsauli si Tuason ng P40 milyon na kanyang kinita sa mga transaksyon kay Janet Lim-Napoles at …

Read More »

Lolo, 3 pa kulong sa sabong ng gagamba

KULONG ang 65-anyos lolo at tatlong iba pa, nang maaktohan sa pagsasabong ng gagamba na may pustahan, sa Navotas City kamakalawa ng hapon . Kinilala ang mga suspek na sina Crispin Aningat, 65, at Jeffrey Villanueva, 40-anyos, kapwa ng A.R. Cruz, St., Erto Bautista, 22, ng J.B.Santos St., at Ramil Guiuan, 46, ng M. Valle st., pawang ng Brgy. Tangos …

Read More »

Kagawad ng Maynila binoga sa tabi ng anak

PATAY ang barangay kagawad nang  barilin sa loob ng kanyang bahay habang natutulog katabi ang anak, sa Binondo, Maynila, iniulat kahapon. Binawian ng buhay bago idating sa Justice Jose Abad Santos Hospital ang biktimang si Jesus Lita, 54, Barangay Kagawad ng Barangay 288, Zone 26, Binondo. Sa ulat, inilarawan ang suspek na 5’4″ ang taas,  katamtamang pagangatawan, naka-asul jacket at …

Read More »

Tserman, 2 pa patay sa ambush

KORONADAL CITY – Patay ang isang barangay chairman at dalawang iba pa sa ambush sa Sitio Linangkat, Brgy. Pandan, South Upi, Maguindanao kamakalawa. Kinilala ang mga biktimang sina Brgy. Chairman Perfecto Travilla, 49; Jason Mundo, 16, at Alex Tumbaga, 29, pawang mga residente ng Sitio Bahar, Brgy. Pandan sa bayan ng South Upi. Sa inisyal na imbestigasyon ng South Upi …

Read More »

Pamilya minasaker ng 4 pamangkin (2 patay, 2 kritikal)

LEGAZPI CITY – Matagal nang alitan sa pamilya at away sa lupa ang tinitignang anggulo ng mga awtoridad sa pagmasaker sa isang pamilya sa Brgy. Togbon, Oas Albay kamakalawa. Kinilala ang mga napatay na ang mag-amang sina Pavian Rectin Sr. at Pavian Rectin Jr., kapwa agad binawian ng buhay makaraan pagtatagain. Habang kritikal sa ospital ang mag-ina ni Rectin Sr. …

Read More »

Insentibo imbes wage hike sa gov’t workers

MAS ikinokonsidera ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang pagbibigay ng insentibo imbes na itaas ang sahod ng mga manggagawa sa gobyerno. Sa harap ito ng panukala ni Sen. Antonio Trillanes na taasan ang sahod ng government employees upang maiwasang matukso sa katiwalian. Sinabi ni Pangulong Aquino, bagama’t ambisyon niyang maitaas ang sahod ng mga manggagawa sa gobyerno, masyado itong …

Read More »

Delivery truck swak sa bangin 2 todas, 2 sugatan

KALIBO, Aklan – Dalawang katao ang patay habang dalawa rin ang sugatan makaraan mahulog sa bangin ang isang delivery truck sa Brgy. Libertad, Nabas, Aklan kamakalawa. Kabilang sa mga namatay ang driver ng truck na si Peter Paul Palma, 46, residente ng La Paz, Iloilo; at ang pahinanteng si Arnel Epilepcia, 25, ng Brgy. Buenavista, Guimaras. Habang ang mga sugatan …

Read More »

Cellphone tech nilikida sa Kyusi

TODAS ang isang cellphone technician, makaraang pagbabarilin ng isa sa ‘di nakilalang mga suspek sa Quezon city, iniulat kamakalawa. Namatay sa pinangyarihan ng krimen ang biktimang kinilalang si Rogelio Cutamura, cellphone technician,  naninirahan sa Batasan Hills, Q.C. Ayon kay PO2 Amante Cabatic ng Quezon City Police District (QCPD) station 6, naganap ang krimen dakong  9:30 p.m. sa Lakatan St., sa …

Read More »

Libreng sakay sa ferry pinalawig

Pinalawig hanggang susu-nod na linggo ang libreng sakay sa Pasig River Ferry System, iniulat kahapon. Magtatapos sana ngayong Biyernes ang libreng serbisyo kasabay ng pagsasara ng unang linggong operasyon, pero napagdesisyonan ng pamunuan na gawing libre ang sakay sa ikalawang linggo. Bukod sa libreng sakay, tuloy rin ang pagbibigay ng libreng kape sa commuters, bukod pa sa libreng pandesal. Maaaring …

Read More »

58 katao tiklo sa online sextortion

ARESTADO ang 58 katao ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Anti-Cybercrime dahil sa pagkakasangkot sa online sextortion activities. Nakompiska ng mga awtoridad sa operasyon ang 250 pirasong  electronic evidence sa Bicol Region, Laguna, Bulacan at Taguig City. Nadakip ang mga suspek sa iba’t ibang lugar sa bansa kasunod ng inilunsad na magkakahiwalay na ope-rasyon ng mga awtoridad na …

Read More »

Magdyowa timbog sa P.1-M shabu

BACOLOD CITY – Arestado ang live-in partners sa buy bust operation na sinundan ng pagsalakay ng Special Operations Group ng Bacolod City Police Office sa Purok Sigay, Brgy. 2 sa Lungsod ng Bacolod kamakalawa ng gabi. Target ng operasyon ang live-in partners na sina Alma Sauce at Noel Kabugwason kapwa nabilhan ng shabu ng poseur buyer. Nakuha sa kanila ang …

Read More »

Salvage victim itinapon sa kanal

NAKATALING parang baboy, nakabusal ang bibig at balot ng duct tape ang mukha nang matagpuan ang isang hindi nakilalang biktima ng salvage, sa Malabon city, iniulat kahapon ng madaling araw. Tinatayang nasa 30-35-anyos ang bangkay, may taas na 5’1”, may tattoo sa dibdib, nakasuot ng  itim na t-shirt at cargo pants, na-tagpuan sa  kanal sa Guava Road, Brgy. Potrero  ng …

Read More »

Ina pinugutan ng anak na ex-OFW

ILOILO CITY – Patay ang isang ginang makaraan pugutan ng ulo ng kanyang anak na lalaki sa Brgy. Bonbon, Lambunao, Iloilo kamakalawa ng gabi. Kinilala ang biktimang si Erlinda Liderato, 65, habang agad naaresto ang suspek na si Alendre, 35-anyos, kapwa ng nasabing lugar. Ayon kay Punong Brgy. Rolando Araceli, may dinaranas na nervous breakdown ang suspek kaya’t nagawang pugutan …

Read More »

‘Manok’ ni PNoy ikinampanya sa Labor Day

WALA na ngang magandang balita para sa mga uring manggagawa, ginamit pa ni Pangulong Benigno Aquino III ang seremonya sa paggunita ng Pandaigdigang Araw ng Paggawa para ikampanya ang hindi pinangalanang mamanukin sa 2016 presidential derby. “Ang pakiusap ko po: Kung naniniwala kayo na tama ang ating ginagawa, kung ayaw ninyong mabalewala ang maganda nating nasimulan sa tuwid na daan, …

Read More »

UMALON at lumatag sa mga pangunahing kalye sa Metro Manila ang…

UMALON at lumatag sa mga pangunahing kalye sa Metro Manila ang mga pulang bandila at streamer na bitbit ng mga manggagawang miyembro ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), habang tila nagliyab ang pagkadesmaya sa administrasyong walang malasakit sa maralita, ng Kilusang Mayo Uno (KMU), gaya ng sinilaban nilang effigy ni PNoy, sa kanilang programa sa tulay ng Chino Roces sa …

Read More »

Miss Earth contestant ‘nangisay’ sa rampa

MANILA – Isa sa mga kandidata ng 2014 Miss Philippines Earth ang hinimatay nitong Miyerkoles ng gabi sa kasagsagan ng bikini competition na ginanap sa Solaire Resort & Casino sa Parañaque City. Ang Fil-American kalahok na si Leslie Ann Pine, kumakatawan ng San Leonardo, Nueva Ecija, ay biglang natumba matapos tawagin ang special award bago maghatinggabi. Ayon sa kapwa kandidatang …

Read More »

Public bidding sa BCG lot sisimulan na

SISIMULAN ngayon buwan ng Bases Conversion Development Authority (BCDA) ang public bidding para sa development ng isang loteng pag-aari ng  gobyerno  na  nasa  Bonifacio  Global  City, Taguig. Tiwala si BCDA officer-in-charge Aileen Zosa, marami ang  interesado na upahan ang naturang lupa para gawing commercial-residential complex. Ang nasabing lote ay ang Lawton Corporate Center Lot, may sukat na 5,000 square meters, …

Read More »

3 sundalo patay sa ambush sa Ilocos Sur

VIGAN CITY – Tatlong sundalo ang kompirmadong patay sa pananambang sa Brgy. Remedios, Cervantes, Ilocos Sur kamakalawa. Kinompirma ni Vice Mayor Rodolfo Gaburnoc, ang mga namatay ay pawang miyembro ng 51st Infantry Batallion na babalik na sana sa kanilang kampo . Naniniwala si Gaburnoc na ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang responsable sa pananambang. Iniimbestigahan pa ng mga …

Read More »

Hottest day naitala sa Metro Manila

PUMALO sa 36.4 degrees Celsius ang naitalang init ng panahon kahapon sa Metro Manila. Ayon sa Pagasa, naitala ito dakong 3 p.m. sa Science Garden, Quezon City. Ito na ang pinakamainit na naitala ngayon taon sa rehiyon. Ngunit kung tutu-usin, mas mainit pa anila rito ang naramdaman ng mga tao dahil sa singaw ng mga kongkretong lansangan, gusali at iba …

Read More »

Dog bites cases tumataas sa La Union

SAN FERNANDO CITY, La Union – Patuloy na inoobserbahan ng Municipal Health office at Provincial Veterinay Office ang mga nakagat ng aso sa iba’t ibang barangay sa bayan ng Bagulin sa lalawigan ng La Union. Ayon sa ulat mula sa Bagulin Municipal Health Office, umaabot na sa 13 katao ang naitalang na-kagat ng aso sa kanilang bayan. Habang dalawang residente …

Read More »