Sunday , December 22 2024

Masonry Layout

Yaya tiklo sa pagdukot sa batang alaga (Humingi ng P1-M ransom)

DAVAO CITY – Arestado ang isang yaya makaraan dukutin ang 2-anyos batang kanyang inaalagaan at humingi ng P1 milyon sa mga magulang ng biktima. Kinilala ang suspek na si Marites Laxamana Magno, 23-anyos, residente ng Maitom, Sarangani Province. Napag-alaman, inilabas ng suspek ang batang si Ashley kamakalawa ng umaga ngunit hindi na bumalik hanggang nakatanggap ng text message ang lola …

Read More »

P1-M ng mag-asawa natangay ng tandem

  AABOT nang mahigit P1 milyong cash at personal na gamit ang natangay mula sa mag-asawang negosyante ng mga holdaper na riding-in-tandem habang lulan ng kotse sa kanto ng Plaridel-Pulilan Road, sakop ng bayan ng Plaridel sa Bulacan kamakalawa. Kinilala ang mag-asawang biktima na sina Jeffrey Cruz, 38, at Eufrocina Cruz, 34, residente ng Brgy. Tukod, sa bayan ng San …

Read More »

Nasabat ng BOC ang P50 milyong halaga ng 1,250 metric tones white rice mula Bangkok, Thailand

IPINAKIKITA sa media nina Bureau of Customs Commissioner John Sevilla (gitna), Presidential Assistance For Food, Security and Agricultural Modernization Secretary Francis “Kiko” Pangilinan  (kanan) at Bureau of Customs Deputy Commissioner Ariel Nepomuceno (kaliwa) ang P50 milyong halaga ng 1,250 metric tones white rice mula Bangkok, Thailand na ipinuslit sa bansa kahit walang permit mula sa National Food Authority (NFA).  (BONG …

Read More »

Yaman ng Binays ilabas sa publiko

HINAMON ngayon ni Atty. Renato Bondal si Vice President Jejomar Binay, Jr., na ilabas sa publiko ang listahan ng ari-arian at kayamanan ng kanyang pamilya bilang bahagi ng lifestyle check sa mga opisyal ng gobyerno na pinaghihinalaang sangkot sa katiwalian. “Mabuti naman at tinatanggap ni Vice President Binay ang alok na sumailalim ang kanyang pamilya sa lifestyle check. Pero hindi …

Read More »

3 paslit nalitson sa Caloocan fire

PATAY ang tatlong paslit na magkakapatid nang makulong sa nasusunog nilang bahay kahapon ng umaga sa Caloocan City. Kinilala ang magkakapatid na sina Janine Racel, 9; John Racel, 6; at Joshua Flores, 3, pawang residente ng Block 2, Sawata, Maypajo, Brgy. 35, Dagat-Dagatan ng nasabing lungsod. Batay sa ulat ni SFO2 Benedicto Tudla, arson investigator, dakong 6:35 a.m. nang lamunin …

Read More »

DND kinastigo ng Kamara (Sa lumang war materials na binili sa Amerika)

BINIRA ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate ang Department of National Defense (DND) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagbili ng mga luma at lipas nang mga kagamitang panggiyera sa ilalim ng Armed Forces Modernization. Sa isinagawang plenary debate ng 2015 national budget, nabulgar ang P53.166 bilyong ini-release para sa phase-1 ng AFP Modernization Program  at ang karagdagan …

Read More »

Purisima mag-leave muna — Poe

INIREKOMENDA ni Senator Grace Poe kay Philippine National Police (PNP) chief, Director General Alan Purisima na mag-file muna siya ng administrative leave habang iniimbestigahan ang kanyang kaso. Sa budget deliberations sa Senado, umapela si Poe kay Local Government Secretary Mar Roxas na gumawa ng rekomendasyon sa presidente para sa gagawing administrative leave ng heneral. Inihambing ni Poe ang tatlong senador …

Read More »

Purisima muling idinepensa ni PNoy

HINDI matakaw at hindi rin maluho si Philippine National Police (PNP) chief, Director General Alan Purisima. Iyan ang pagkakakilala ni Pangulong Benigno Aquino III kay Purisima na halos tatlong dekada na niyang kaibigan. “The way I know Alan… I have known him since 1987, I have never seen him na maluho o matakaw,” sabi ng Pangulo sa ginanap na media …

Read More »

Jinggoy sumalang sa MRI nang bantay-sarado

BANTAY-SARADO sa pulisya si Sen. Jinggoy Estrada nang isailalim sa magnetic resonance imaging (MRI) kahapon sa Cardinal Santos Medical Center. Isinalang sa nasabing proseso ang senador dahil sa nararanasang pananakit ng likod. Gayonman, tumanggi ang pamunuan ng ospital na isapubliko ang detalye ng naging pagsusuri.

Read More »

Bebot ginahasa ng 3 holdaper, 2 arestado (Sa harap ng nobyo)

ARESTADO ang dalawa sa tatlong holdaper na gumahasa sa isang 21-anyos babae sa San Fernando, Cebu kamakalawa. Kinilala ni PO1 Fernando Mata ng San Fernando Police Office, ang dalawa sa tatlong mga suspek na sina Kevin Cabrera at Arnel Ladica. Sa ulat ng pulisya, namamasyal ang 21-anyos biktima kasama ang 24-anyos nobyo nang holdapin sila ng tatlong armadong lalaki sa …

Read More »

PNoy binulabog ng aktibista sa US forum

BINULABOG ng mga aktibistang Fil-Am ang dinaluhang open forum ni Pangulong Benigno Aquino III sa Columbia University sa New York City, USA kamakalawa. Sinigawan  ng “Shame on you” si Pangulong Aquino habang nagsasalita ng pinaniniwalang mga kasapi ng Anakbayan–USA chapter). Hniyawan din ang Pangulo ng isang aktibista na “I look up to your mother. I am a Filipino woman and …

Read More »

Senado bukas sa death penalty

BUKAS si Senate President Franklin Drilon na pagdebatihan ang parusang death penalty na balak ibalik ng ilang mambabatas para masolusyonan ang lumalalang problema ng krimen sa bansa. Sinabi ni Drilon, dapat tingnan kung ang pagtaas ng insidente ng krimen ay dahil sa pagpapatigil sa death penalty law noong 2006 o dahil sa hindi maayos na pagpapatupad ng peace and order …

Read More »

Kelot na ‘di gusto namanhikan dalagita nagbigti

GENERAL SANTOS CITY – Nagbigti sa pamamagitan ng kumot ang isang 18-anyos dalagita nang mamanhikan ang lalaking hindi niya gusto sa lungsod ng Butuan kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Diana Bilag, residente ng Uhaw, Brgy. Fatima, Butuan City. Isinugod ang biktima sa Mindanao Medical Center ngunit hindi na naisalba. Pinaniniwalaan ng mga kaanak na nagbigti ang biktima dahil hindi niya …

Read More »

Lider ng drug group todas sa onsehan

PATAY na at tadtad ng tama ng bala sa katawan nang matagpuan kamakalawa ng umaga ang lider ng Alex Daud group na responsable sa pagtutulak ng droga sa munisipalidad ng Rodriguez at iba pang kalapit na bayan sa lalawigan ng Rizal. Sa ulat ni Supt. Robert Baesa, officer in charge, kinilala ang napatay na si Alex Daud alyas Felix, nasa …

Read More »

Drug pusher itinumba ng tandem

AGAD binawian ng buhay ang isang 35-anyos lalaking sinasabing sangkot sa pagtutulak ng droga, makaraan pagbabarilin ng riding-in-tandem habang nakikipag-inoman sa ilang kalalakihan sa Brgy. Gumaoc Central, San Jose Del Monte City, Bulacan, kamakalawa ng hapon. Kinilala ang biktimang si Luis Cabuang, Jr., residente ng Del Monte Heights, Brgy. Kaypian sa nasabing lungsod. Sa imbestigasyon ni PO1 Ritchie Militante, nakikipag-inoman …

Read More »

16-anyos pulubi na-hit and run sa Kyusi

PATAY ang isang 16-anyos dalagita nang mabundol ng isang SUV sa northbound lane ng EDSA North Avenue malapit sa Trinoma, Quezon City dakong 4 a.m. kahapon. Kinilala ang biktimang si Jinkee Pacion, taga-Caloocan. Ayon sa mga testigo, sumampa sa bus ang biktima upang mamalimos. Nang bumaba siya ay hindi niya napansing may paparating na Mitsubishi Pajero na bumundol sa kanya. …

Read More »

5-anyos palaboy tinurbo sa motel ni lolo

HINALAY ng 66-anyos matandang lalaki sa loob ng motel kamakalawa ang 5-anyos batang babaeng namamalimos sa Caloocan City. Arestado ang suspek na si Dominador Pagulayan, residente ng Morning Breeze Subdivision, Bagong Barrio ng nasabing lungsod, nahaharap sa kasong rape in relation to R.A. 7610 (Child Abuse). Batay sa ulat ng Women’s and Children’s Protection Desk ng Caloocan City Police, dakong …

Read More »

Abante umalma sa trato ng Senado vs Binay (Sa tahasang paglabag sa karapatan ng VP)

DAHIL sa patuloy na “pagkakait sa kanya ng isa sa pinakabatayang karapatang pantao” nagbabala ang dating mambabatas mula sa ika-6 na distrito ng Maynila na si Benny M. Abante sa mga Senador na nagsisiyasat sa umano ay overpricing ng Makati City parking building at nagpaalala na “lahat ay inosente sa mata ng batas hanggang hindi napapatunayan ang pagkakasala.” Nitong Lunes, …

Read More »

2 patay sa nakawan sa Kyusi (Akyat-bahay sumalakay)

DALAWA ang patay at dalawa ang sugatan sa insidente ng akyat-bahay sa Don Manuel St., Sto. Domingo, Quezon City dakong 6 a.m. kahapon. Ayon sa senior citizen na may-ari ng bahay at ng katabing Chinese temple, nagwawalis ng bakuran ang kanyang mister nang pwersahang pasukin ng tatlong suspek saka itinali at binusalan silang mag-asawa at kanilang anak. Makaraan limasin ang …

Read More »

SALN ni Purisima may violation – CSC

ANG kawalan ng detalye ang nasisilip na paglabag ni Civil Service Commission (CSC) Chair Francisco Duque III sa kopya ng statement of assets, liabilities and net worth (SALN) ni PNP Chief Alan Purisima. Ayon sa ulat, tanging ang bayan at munisipalidad lamang ang nakasulat na address ng mga lote at ari-arian sa joint SALN ng mag-asawang Purisima. Kabilang dito ang …

Read More »

Alyadong sangkot sa katiwalian kasuhan (Hamon ni PNoy sa kritiko)

HINAMON ni Pangulong Benigno Aquino III ang mga kritiko na sampahan ng kaso ang kanyang mga kaalyado kung naniniwala silang sangkot sa mga katiwalian. “Well, the cards are open. If they think that I have dishonest people around me, then all they have to do is file an appropriate case,” tugon ni Pangulong Aquino nang tanungin ng isang Harvard University …

Read More »

7 babaeng ibinubugaw nasagip sa Pasay

  NASAGIP ng mga operatiba ng NBI Anti-Human Trafficking Division ang pitong kababaihan na ibinubugaw sa bar at motel sa Pasay City. (ALEX MENDOZA) NASAGIP ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pitong babae na ibinubugaw sa Pasay City. Ayon kay Special Investigator Dodjie Durian, assistant team leader ng NBI Anti-Human Trafficking Division, lima sa mga biktimang …

Read More »

Judge Cortes nagbitiw sa kaso ni Vhong

NAG-INHIBIT na si Taguig City Regional Trial Court (RTC) Branch 271 Judge Paz Esperanza Cortes sa kasong serious illegal detention na isinampa ng aktor na si Vhong Navarro laban kina Deniece Cornejo, Cedric Lee at Zimmer Raz. Ito’y bilang tugon sa motion for inhibition na inihain ng kampo ng aktor makaraan aprobahan ni Cortes ang tig-P500,000 piyansa ng mga akusado …

Read More »

Pagsibak kay Ong pinagtibay ng SC

PINAGTIBAY ng Korte Suprema ang pagpapatalsik sa pwesto kay Sandiganbayan Associate Justice Gregory S. Ong dahil sa isyu ng pagtanggap ng suhol mula sa binansagang pork barrel queen na si Janet Lim Napoles upang palusutin sa isang kaso. Sinabi ni SC Spokeperson Atty. Theodore Te, sa botong 8-5-2, hinatulan ng guilty si Ong sa kasong gross misconduct, dishonety and improriety. …

Read More »

10-anyos nene ini-hostage ng adik na kuya

ARMADO ng gulok, biglang dinamba ng isang 15-anyos binatilyo ang 10-anyos kapatid na babae sa pag-aakalang may papasok na magnanakaw sa kanilang bahay sa Brgy. Minuyan, sa lungsod ng San Jose del Monte, Bulacan kahapon ng umaga. Ayon sa pulisya, inakala nilang pinasok ng mga magnanakaw ang bahay ng magkapatid at nagulat sila sa dakong huli na ang magkapatid na …

Read More »