SUGATAN ang limang mag-aaral kabilang ang anak ng aktor na si Dennis Trillo, at tatlong iba pa makaraan magsalpokan ang dalawang school service kahapon sa Quezon City. Ayon kay Traffic Enforcer Jeffrey Dizon ng Quezon City District Traffic Enforcement Unit Traffic Sector 1, naganap ang insidente dakong 5:45 a.m. sa N. Roxas St., kanto ng Speaker Perez St., Brgy. Lourdes …
Read More »Masonry Layout
Hirap sa buhay obrero nagbitay
SA ikalawang pagkakataon, nagtagumpay ang isang construction worker sa pagpapakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti dahil sa hirap ng buhay kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City. Wala nang buhay nang matagpuan ang biktimang si Michael Fabon, 28, sa kanilang bahay sa Phase 5, Package 5, Block 29, Excess Lot, Bagong Silang ng nasabing lungsod dakong 5 a.m. Sa imbestigasyon ni PO3 …
Read More »Gloria pwedeng makipaglamay at makipaglibing (9-day house arrest ibinasura)
HINDI lubusang pinagbigyan ng Sandiganbayan ang kahilingan ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo kaugnay ng pagpanaw ng kanyang apo. Ibinasura ng First Division ng anti-graft court ang hiling ni Arroyo na ma-house arrest sa loob ng siyam araw. Katwiran ng korte, mabigat ang kasong plunder na kinahaharap ng dating pangulo at nangangailangan ng atensiyong medikal kaya naka-hospital …
Read More »Negosyateng Intsik todas sa katiwala
DAGUPAN CITY – Wala nang buhay nang matagpuan ng kanyang pamilya ang negosyanteng Instik mula sa lungsod ng Maynila, sa kanilang inuupahang farm sa bayan ng Mangatarem sa lalawigan ng Pangasinan. Halos hindi na makilala ang biktimang si Luciano Kho, 78, pansamantalang naninirahan sa Brgy. Macarang sa nasabing bayan nang makita ng kanyang mga kaanak sa loob ng babuyan dahil …
Read More »P45-M jackpot sa Super Lotto kinuha na ng retired gov’t employee
NAKOBRA na ng 62-anyos retiradong government employee mula sa Parañaque ang higit P45 milyong jackpot sa 6/49 Super Lotto na binola noong Oktubre 30. Ayon sa bagong milyonaryong ginang, 1996 pa niya inaalagaan ang kombinasyong 2-5-11-14-42-39 hanggang sa solo niyang mapanalunan ang jackpot. Si Philippine Charity Sweepstakes Office officer-in-charge Conrado Savella ang mismong nag-abot ng premyo sa ginang. Ayon sa …
Read More »14-anyos dalagita dinukot, minolestiya sa van
DINUKOT ang isang 14-anyos dalagita malapit sa kanyang paaralan sa Makati City kamakalawa ngunit nakatakas makaraan siyang molestiyahin sa loob ng van. Sa salaysay ng biktima sa kanyang ina, minolestiya siya ng driver habang lulan ng van makaraan dukutin dakong 10 a.m. malapit sa kanilang paaralan. Aniya, hinalikan siya ng driver at pinaghihipuan sa maselang bahagi ng kanyang katawan. Pagkaraan …
Read More »Ulo at ari ng bangkay hinahanap (Para makilala ang biktima)
CEBU CITY – Pahirapan ang paghahanap sa pugot na ulo at pinutol na ari ng biktimang itinapon sa liblib na lugar sa Brgy. Biga, lungsod ng Cebu. Ayon kay Supt. Ricky Delilis ng Toldedo City Police Station, nanatiling blanko ang imbestigasyon kaugnay sa nangyaring pagpatay at pagdispatsa sa bangkay ng biktima. Sinabi ni Delilis, walang saksi sa krimen at wala …
Read More »78th Anniversary National Bureau of Investigation
GINAWARAN ng Certificate of Appreciation si Alab ng Mamamahayag (ALAM) national chairman Jerry Yap sa ika-78 anibersaryo ng National Bureau of Investigation (NBI) kahapon. Nagsilbi rin siyang hurado sa ginanap na painting and photo exhibit sa NBI National Headquarters sa Taft Ave., Ermita, Maynila. (BONG SON)
Read More »Malaya kang kumalas sa admin (PNoy kay Binay)
HINDI na nakapagpigil si Pangulong Benigno Aquino III para buweltahan si Vice President Jejomar Binay. Ito’y kasunod nang pagbatikos ni Binay sa administrasyon sa kabiguang maresolba ang mga problema ng bansa gaya sa kahirapan, MRT at korupsyon gayon din ang Cabinet na miyembro ng trapo. Sinabi ni Pangulong Aquino, kung may pagpuna ay dapat “constructive criticisms at magsabi ng solusyon.” …
Read More »Gloria humirit ng 9-day house arrest (Para sa burol ng apo)
HINILING ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na pansamantalang makalabas ng Veterans Memorial Medical Center (VMMC) para makadalaw sa burol at makadalo sa libing ng apo. Nitong Linggo ng umaga ay pumanaw habang nasa Philippine Heart Center ang 1-taon gulang na apo ni Arroyo sa anak na si Luli. Sa inihaing mosyon ni Laurence Hector Arroyo, abogado …
Read More »4 Chinese kinasuhan sa P7-B shabu
PORMAL nang sinampahan ng Department of Justice (DoJ) ng kasong paglabag sa Comprehensive Drugs Act sa Pampanga Regional Trial Court (RTC) ang apat Chinese national na naaresto sa magkahiwalay na raid at nakom-piskahan ng P7 bilyon ha-laga ng shabu. Kabilang sa kinasuhan ng paglabag sa Sections 8 (Manufacture of Dangerous Drugs and/or Controlled Precursors and Essential Chemicals) ng RA No. …
Read More »Mag-anak tinambangan (Mag-asawa patay, 2 anak sugatan)
RIZAL – Patay ang mag-asawa habang malubhang nasugatan ang dalawa nilang anak makaraan pagbabarilin ng apat lalaking lulan ng dalawang motorsiklo kahapon ng madaling-araw sa Rodriguez, Rizal. Kinilala ni Rizal PNP director, Sr. Supt. Bernabe Balba ang mga namatay na sina Nelson Go, 56, at Ruby, 52, residente ng Blk. 7, Lot 10, Phase 2C2, Metro Manila Hills Subdivision, Brgy. San …
Read More »Ginang tigok sa tumakas na Phil. Rabbit
AGAD binawian ng buhay ang isang 48-anyos ginang makaraan masagasaan ng isang bus sa Sampaloc, Maynila kahapon ng madaling-araw. Kinilala ang biktimang si Melchora Batino, ng 1553 Kundiman Street, Sampaloc, Maynila. Habang pinaghahanap ang hindi nakilalang driver nang hindi naplakahang passenger bus ng Phillippine Rabbit. Ayon kay SPO1 Garbin ng Manila Traffic Bureau, dakong 12:05 a.m. nang masagasaan ng bus …
Read More »Sanggol iginapos ng ama sa kama
DAVAO CITY – Tinutugis ng mga awtoridad ang ama ng 9-buwan sanggol na iniwan sa inuupahang kwarto sa loob ng dalawang araw at itinali ang dalawang paa sa kama. Kinilala ng Sta. Ana PNP ang ama na si Jerry Iwag, isang buwan pa lamang na nangungupahan sa Purok 3, Brgy. 25-C, lungsod ng Davao. Ayon kay Supt. Royina Garma, hepe …
Read More »Bakasyon ni Ona ‘forced leave’ (Dahil sa Ebola)
NILINAW ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na walang kinalaman sa kalusugan ang pagliban o vacation leave ni Health Sec. Enrique Ona. Taliwas ito sa inihayag ni Ona na ang dahilan ng kanyang leave of absence ay para magpagaling. Sinabi ni Pangulong Aquino, may mga tanong sila kay Ona partikular sa vaccination campaign at iba pang isyung hindi niya masagot. …
Read More »Parolado utas sa ratrat ng tandem
PINAULANAN ng bala hanggang mapatay ang isang ex-convict ng dalawang hindi nakilalang suspek na lulan ng motorsiklo kamakalawa ng gabi sa Pasay City. Patay noon din si Vincent Carriaga, 40, biyudo, ng 67 Propetarios St., Cartimar, Pasay City. Base sa ulat na natanggap ni Pasay City Police chief, Sr. Supt. Melchor Reyes, dakong 6:50 p.m. nang mangyari ang pamamaril sa north …
Read More »Opisyal ng Subic Customs pinarangalan, nagbabala vs smugglers
SUBIC BAY FREEPORT – Pinarangalan ng Bureau of Customs ang isang opisyal at mga tauhan ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) sa Port of Subic dahil sa pagpigil sa tangkang pagpuslit palabas ng Subic Freeport ng mga imported item na nagkakahalaga ng P5 milyon. Pinarangalan nitong Oktubre 27 sina Manolo Arevalo, officer in charge ng CIIS-Intelligence Division at mga tauhan …
Read More »Mister at kabit huli sa akto ni misis
KALABOSO ang isang lalaki at sinabing kanyang kalaguyo nang mahuli sa akto ni misis na naghahalikan sa loob ng kanilang kwarto sa San Mateo, Rizal, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Supt. Ruben Piquero, hepe ng pulisya, ang mga nadakip na sina Nestor Lita, Jr., 24, nakatira sa Brgy. Sto. Niño, San Mateo, at Estrella Rivera, 42, nakatira sa Brgy. Cupang, …
Read More »SLSU student todas sa hazing (4 sa 11 suspek tukoy na)
KILALA na ng pulisya ang apat sa 11 miyembro ng Tau Gamma Phi fraternity na mga suspek sa pagkamatay ng dating estudyante ng Southern Luzon State University (SLSU) dahil sa hazing. Ayon sa pulisya, bago bawian ng buhay ang 24-anyos na si Ariel Inopre sa Bicol Medical Center sa Naga City nitong Linggo ng madaling araw ay nagawa niyang ipagtapat …
Read More »Tondo ex-chairman, bata todas sa ambush (1 pa kritikal)
PATAY ang isang 65-anyos dating chairman at 9-anyos batang babae habang kritikal ang isa pang biktima na na-damay sa insidente makaraan pagbabarilin ng dalawang hindi nakilalang lalaki kamakalawa ng gabi sa Parola Compound, Tondo, Maynila. Agad binawian ng buhay si Ely Saluib ng Gate 17, Parola Compound, tinamaan ng anim bala ng baril sa ulo at iba pang bahagi ng …
Read More »Negosyante ng paputok utas sa boga ng ‘pamangkin’
BINAWIAN ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang isang negosyante makaraan pagbabarilin ng pamangkin ng kanyang live-in partner nang mapagkamalan siyang magnanakaw habang nasa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Turo, Bocaue, Bulacan kahapon ng madaling-araw. Kinilala ang biktimang si Teresita Gonzales, residente sa nasabing barangay at may-ari ng Rejoice Ann Firework sa nabanggit na lugar. Habang pinaghahanap …
Read More »Stepdad nagbigti sa selda (Nakonsensiya sa panggagahasa)
HINDI na hinintay ng 50-anyos lalaki na mahatulan sa kasong rape kaya nagbigti sa loob ng kanyang selda kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City. Isinugod sa Caloocan City Medical Center ang biktimang si Jovito Hugo, ng 15 Tagumpay St., Brgy. 147, Bagong Barrio ng nasabing lungsod ngunit hindi na umabot nang buhay. Batay sa ulat ni SPO1 Marlon Adriano, dakong …
Read More »3 paslit, ina, down syndrome patient patay sa sunog
KASABAY ng paggunita sa Undas nitong Sabado, namatay ang isang ginang at tatlo niyang mga anak sa nasunog na abandonadong gusali sa Delpan, Binondo, Maynila. Kinilala ang mga biktimang si Mary Grace Sundiya, 40-anyos, at mga anak niyang sina Herardo Jr., 5; Gerald Mark, 3; at Geralyn, 1. Unang natagpuan ang labi ng magkakapatid na magkakayakap. Isang batang lalaki pa …
Read More »US$300-m pautang ng World Bank tinanggap ng PH
INIHAYAG ng Palasyo kahapon, tinanggap ng Filipinas ang $300 mil-yong pautang ng World Bank na may interes na mababa pa sa isang porsiyento kada taon na dapat bayaran sa loob ng 25 taon. Ayon kay Communications Secretary Hermi-nio Coloma Jr., ang $300 milyon ay gagamitin para patatagin ang mga programa at mekanismong may kinalaman sa fiscal transparency at panga-ngasiwa ng …
Read More »Abogado ng pamilya Laude ‘di natinag sa disbarment
HINDI natinag ang mga abogado ng Pamilya Laude sa bantang disbarment ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kasunod ng insidente sa Camp Aguinaldo noong Oktubre 22. Matatandaan, sumampa noon sa bakod ng kampo sina Marilou Laude, kapatid ng pinaslang na transgender na si Jeffrey Laude alyas Jennifer, at Marc Sueselbeck, fiance ng biktima, sa pagtatangkang makita ang nakapiit roong …
Read More »