Jail officer todas sa tandem (Lolo sugatan)

PATAY ang isang miyembro ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) makaraang pagbabarilin ng dalawang lalaking lulan ng motorsiklo habang sugatan ang isang lolo nang tamaan ng ligaw na bala sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Agad binawian ng buhay ang biktimang si JO1 Marwan Christopher Arafat, 27, nakatalaga sa Caloocan City Jail, at residente ng Talimusak St., kanto ng Tanigue St., Dagat-Dagatan ng na-sabing lungsod.

Habang ginagamot sa Caloocan City Medical Center ang 76-anyos na si Enejero Silorico, ng 155 Libis Espina St., Brgy. 18 ng nasabing lungsod.

Batay sa ulat nina SPO4 Joel Montebon at SPO3 Joselito Barredo, dakong 6:30 p.m. nang maganap ang insidente sa Tamban St., sa nasabing barangay.